Share

Kabanata 1: Hate

LEON POV

[I've already told you Leon that you should pay a visit to Mariel in the hospital. Ano ka ba?! Wala ka bang pakialam sa fiancee mo hijo?]

Napahilot ako sa aking sentido nang wala sa oras.

"It's not like that mom. I'm just busy with the company right now. Dadalaw po ako doon kapag natapos ko na po ang lahat nang kinakailangan kong gawin dito," sabi ko habang hinihilot pa rin ang aking sentido.

Napasandal ako sa backrests ng aking swivel chair at marahas kong niluwagan ang aking suot na necktie.

Damn it!

Hindi ko na kailangan pang ipaalam sa ina ko na nanggaling na ako doon sa hospital kanina lang. Dahil alam kong magagalit na naman siya kung bakit hindi ako nagtagal doon.

Inilipat ko sa aking kabilang tenga ang hawak kong cell phone at marahang pinaikot ang upuan paharap sa malaking bintana. Kitang-kita ko sa labas ng malaking bintana ang paglubog ng araw. Na para bang naglalabanan ang dilim at ang liwanag sa kalangitan.

[Puro ka na lang trabaho Leon. It's been 3 months sinced Mariel got into the accident. At hanggang ngayon ay nasa kritikal pa rin ang kalagayan niya. How can you managed to work knowing your fiancee is in the hospital fighting for her life! Isipin mong ikaw ang pinakadahilan kung bakit siya nasa ganoong sitwasyon ngayon.]

Mahigpit kong naikuyom ang aking kamao sa aking narinig.

Really? I'm the main reason now? Tss!

"I'll hang up now."

[Don't you dare hang up on me Leon. You know me very well hijo. Pinagsasabihan lamang kita at pinapaaalahanan na dumalaw ka kay Mariel. Mahirap bang gawin ang sinasabi ko sa iyo? Kahit ni minsan ay hindi talaga kita nakitaan nang pagmamalasakit at pagmamahal sa fiancee mo!]

Mas lalo lang kumunot ang noo ko sa mga pinagsasabi niya ngayon.

Malasakit? pagmamahal?

Tsk! Meron ba ako non para sa babaeng iyon?

She's like a sore eye to my eyes. No! A bitch to be exact. Nakakairita ang babaeng iyon.

She's wild and spoiled brat. Maarte at mataray. Higit sa lahat ay masyadong bulgar din ang mga lumalabas sa bibig niya at kung makadikit siya sa akin ay parang linta. Hindi siya nahihiyang ipagkalat o ipagsigawan sa lahat na talagang may gusto siya sa akin.

I really hate that kind of girl.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang pagpupumilit at pangungulit sa parents niya para lang maging fiancee niya ako.

Her mother and my mom are friends so, she really pull some strings to get what she wants.

Napatiimbagang ako nang maalala ko rin kung paano ipinaalam sa akin ni mommy na si Mariel daw ang magiging mapapangasawa ko. Sino ba sila para makialam at pumili nang magiging mapapangasawa ko. Sa kilos at pananamit pa lang ng babaeng iyon ay hindi ko na gusto.

Kapag magaling na siya ay sisiguraduhin ko talagang puputulin ko na ang kung ano mang ugnayan ko sa kanya. Kahit magalit pa sa akin si mommy ay wala na akong pakialam.

Ang ganoong klase ng babae ang talagang pinakaaayaw ko sa lahat.

"Do I have really to care for her mom? Or you want me to remind you again that you've just dragged me into this mess. You knew from the very beginning that I have no intention to be engaged with that woman. Hindi porket sinabi niya na sa inyo na gusto niya ako ay papayag na agad kayong maikasal ako sa kanya. What am I to you? A toy? Things that you can easily give to someone?"

[Ayan ka na naman sa ugali mong iyan Leon! Her mother is my bestfriend and I really like Mariel for you. We have already talked about this.]

"Tss."

[Huwag mo akong sinasagot-sagot nang ganyan Leon. Ang akala ko ba ay nagkaintindihan na tayo tungkol sa bagay na ito.]

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya marahan ko iyong nilingon.

I saw my friend Zackeriel entered the room together with Brandon.

"Need to hang up now mom."

[Teka! Iyong sinasabi ko sa iyo-]

Hindi ko na pinakinggan pa ang iba pa niyang sinasabi dahil agad ko nang pinutol ang tawag.

"Ah! Nakakapagod ang araw na ito," sabi nang kararating lang na si Brandon at humilata sa sofa.

Tahimik namang naupo si Zack.

"Tita scolded you again huh?" Nakaingos na tanong ni Brandon sa akin.

"Nah! She was just nagging at me again about Mariel," sagot ko sabay tayo at suot sa aking coat na nakasabit lang sa likuran ng aking upuan.

"How is she? Nabalitaan kong dinalaw mo daw siya sa ospital," tanong ni Zack na binubuklat ang iilang pahina ng magazine na nasa mesa.

"Really? Dumalaw ka Leon?" dagdag pa ni Brandon.

"Bakit? Masama bang dalawin ko siya Brandon?" balik tanong ko sa kanya.

"Ahahaha hindi naman. Natural lang naman na gawin mo ang bagay na iyon dahil siya ang girlfriend mo." Tatawa-tawa pa niyang sagot.

"She's not my girlfriend dumbass!" I sneered at him with so much disgust.

"Ah, hindi girlfriend kasi fiancee nga pala," dagdag pa niya habang nakangisi sa akin.

"Fiancee, my ass."

"Ayaw mo talaga sa kanya?" Zackeriel asked as he downed a familiar liquor.

Hindi ko napansin na may dala pala silang alak.

Tumuwid ako sa pagkakatayo at lumapit sa kanila para makaupo sa tabi nila. Tinanggap ko ang alak sa kanya at agad na ininom iyon.

"Who wants to be engaged, anyway? We're too young for that," si Brandon sa seryoso nang boses.

"Sahalip na ikaw ang pag-initan ng parents mo tungkol sa pagpapakasal, bakit hindi na lang ang kuya Zamrick mo. Total siya naman ang panganay hindi diba?" Zack asked.

I'm starting to spacing out again. Mukhang mauunahan ko pa si kuya na magpakasal kapag hindi agad ako nakagawa nang paraan.

Damn it!

I'm not gonna let that happen. I'm not marrying that girl.

ALLYS POV

Bukas ang aking diwa at pilit kong inaalala ang mga pangyayari bago ako nagkaganito. At hindi ako nabigo. Dahil naalala ko na ngayon ang lahat nang nangyari sa akin.

(Flashback)

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may kung ano ang humahaplos sa aking mga binti. Nanlalabo ang mga matang tiningnan ko iyon at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko si Tatay Arsing na itinataas ang manggas ng aking suot na saya.

"A-anong ginagawa mo Tay? Bakit ho kayo nandidito sa loob ng silid ko?" takot na tanong ko rito kahit may ideya na ako kung bakit siya naririto.

Hindi naman yata niya ako gagalawin diba? Amain ko siya kaya kahit napakahigpit at istrikto niya sa akin ay may natitira pa naman siguro siyang respeto para sa akin diba?

"AHHHHHHHHHHH!"

Kumawala ang matinis kong boses nang bigla na lamang siyang pumatong sa akin at naghubad ng kanyang damit na suot.

Kumikislap ang kanyang pawis mula sa mumunting ilaw na nagmumula sa maliit kong lampara na nasa altar. Pilit ko siyang itinutulak palayo sa akin kasabay ng pagpupumiglas ng mga paa ko para maialis siya sa ibabaw ko. Pero talagang mabigat siya at mahigpit ang pagkakaipit ng mga hita niya sa akin.

Pero kahit ganon ay hindi ako sumuko sa ginagawang pagpupumiglas at pagpapalo sa kanya.

"HUWAG! LUMAYO KA SA AKIN! LUMAYO KA!" patuloy na sigaw ko at pilit na pinipigilan ang mukha niya sa ginagawang panghahalik sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status