Share

'Replacement Love' (El fuego Series 1)
'Replacement Love' (El fuego Series 1)
Penulis: M.A.B. Writes

Simula

ALLYS POV

"Doc, ilang buwan na siyang ganyan. Please do everything to save our daughter."

Narinig kong iyak ng kung sino man sa paligid.

"We are doing our very best Madame to save your daughter's life. But as you can see, sunog po ang buo niyang katawan which is cause by a 5th degree burn. It will take a lot of months or a year to heal her wounds. Pero don't worry we will make sure na

malulunasan agad ang kanyang mga sugat."

"Please gawin niyo po ang lahat Doc. Gawin niyo po ang lahat mapabuti lang ang kalagayan ng anak ko."

"We were doing our very best Madame. I will also refer you to one of our most trusted specialist doctors in America. They can handle this case very well since mainam po sa pasyente ang ipagpatuloy ang pang gagamot sa kanya doon."

"Thank you so much Doc."

"It was my pleasure and honor to help you Sir and Madame Cuevas. Excuse me, maiwan ko na po muna kayo."

Nakarinig ako nang marahang pagbukas at pagsara ng pinto. Pilit kong binubuksan ang aking mga mata upang makita kung sino ba ang mga taong nasa paligid ko ngayon. Pero nagulat nalang ako nang hindi ko manlang maigawang imulat ang aking mga mata.

Pinakikiramdaman ko rin ang aking buong katawan ngunit wala akong maramdaman. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit wala akong maramdaman? Parang namamanhid ang buo kong katawan. At kahit anong pilit kong gawin ay wala akong magawa. Patay na ba ako? Hinahatulan na ba ako ng langit?

"Jusko Roderick! Tatlong buwan na siyang ganyan. Hindi ko na alam ang gagawin ko."

A-ano? Tatlong buwan?

Narinig kong humagulhol ng iyak ang isang babae sa paligid ko.

"Shhh, I know it hurts Rosellena but all we can do right now is to pray to the almighty God. Hindi niya pababayaan ang anak natin. Alam ko ring kaya niyang lagpasan ito."

Pag-aalo nang kung sino man sa babaeng umiiyak.

Anong anak nila? Ako anak nila? Hindi! Nagkakamali sila! Hindi ako ang anak nila! Ni hindi ko nga sila kilala.

"Sana hindi na lang siya umalis. Sana hindi ko na lang siya pinayagang mag commuted Roderick! This all my fault."

Dinig ko pa ring iyak ng babae sa paligid.

Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila. Sino ang mga taong ito? Anong nangyayari? Bakit nila ako iniiyakan? Bakit nila sinasabi na ako ang anak nila? Maraming taon ng patay ang mga magulang ko kaya papaanong naging anak nila ako?

"Magpasalamat na lang tayo Rosellena na hindi siya na tulad nang iba pa niyang mga kasamahan. She survived, our unica hija will survive this."

Unica hija?!

Mayroong mali sa mga nangyayaring ito ngayon. Gusto ko silang kausapin at sabihin sa kanila ang totoo pero talagang hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. Kahit ang pagbuka ng aking mga mata ay hindi ko rin manlang magawa.

Ano ba talaga ang nagyayari sa aking katawan? Bakit hindi ako makagalaw at bakit hindi ko rin magawang ibuka manlang ang aking mga mata?

"It's been three months Roderick! Ni wala manlang kahit kaunting pagbabago ang nangyayari sa kalagayan niya ngayon. I want our daughter back to normal Roderick! I'm taking her to the US! Doon ko ipagpapatuloy ang pagpapagamot sa kanya. Hindi ako pwedeng tumayo na lang dito at maghintay nang walang kasiguraduhan na maibabalik pa siya sa dati. Hindi ko siya kayang tingnan nang ganito Roderick. Hindi ko kaya."

Ako? Dadalhin sa US para ipagamot? Eh hindi nga ako ang anak nila! Ibang tao ako! Hindi nila ako kapamilya o kadugo manlang! Hindi ba nila naiisip yon?!

Natataranta na ngayon ang isipan ko sa mga nangyayari.

Nakarinig muli ako nang pagbukas ng pinto. At sa hula ko ay may kung sino na namang panibagong tao ang dumating at pumasok sa loob ng silid na ito.

Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa paligid ko ngayon. At hindi ko tuloy maiwasang makiramdam kung ano na nga ba ang nangyayari.

Bakit sila natahimik? Sino ba ang taong kapapasok lang?

"L-leon...you're here."

Narinig kong bigkas ng babae sa mahinang tinig. Bakas sa boses niya ang pagkagulat.

"I'm sorry to barged in Tita. I should have knock first. I've heard what happened to Mariel."

Rinig kong sagot ng taong kararating lang.

Magaspang ang tono ng boses niya at may pagka-brusko pa ito. Kahit boses lang ang naririnig ko galing sa kanya ay naramdam ko na nakapaloob doon ang pagiging maawtoridad niya.

"My daughter is in a critical situation right now hijo. It's been three months pero wala paring progress. We were already planing to take her to the US."

Boses iyon nang may katandaan ng lalaki.

"I understand Tito. Pasensya na rin po kung ngayon lang po ako nakadalaw sa kanya," sagot niya gamit ang kanyang napakabruskong boses.

"Hindi mo kailangan humingi nang pasensya hijo. Dapat pa nga ay magpasalamat kami sa iyo. Dahil dinalaw mo pa rin ang anak namin kahit sobrang busy mo na sa trabaho."

"Our unica hija will be surely happy if she knows about this Leon. Alam mo naman siguro kung gaano ka niya kamahal hijo."

Wala akong narinig na sagot galing sa lalaking tinatawag nilang Leon. Sahalip ay ang tanging narinig ko lang ay ang paglabas ng dalawang mag-asawa sa silid na ito.

Ito ba ang nobyo ng babaeng anak ng mag-asawa kanina?

"You shouldn't have done that."

Kinabahan ako bigla sa tono ng boses niya at sa uri ng kanyang pananalita. Bakit pakiramdam ko ay nakakatakot ang lalaking ito?

"Ilang beses na ba kitang pinagsabihan na ayokong nagpupunta ka ng El fuego? Na ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo."

Sandali nga lang.

Hindi ba't nobya niya ang anak ng mag-asawa kanina? Bakit parang galit siya sa nobya niya? Masama bang puntahan siya ng nobya niya? Dapat ganon naman talaga iyon diba? Natural lang iyon sa magnobyo ang magkita. At bakit nga ba ako nangingialam sa kanila. Ehh may problema nga ako at mas malaki ang problema ko ngayon kumpara sa relasyon nila. Dahil hindi ko maigalaw ang buo kong katawan.

"Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo. Sinabihan na kitang hindi kita gusto at wala akong balak na magpakasal sa iyo. Tingnan mo tuloy ang nangyari sa iyo ngayon. Tss."

A-ano daw? Hindi niya gusto ang nobya niya at wala siyang balak magpakasal dito? Kung ganon ay bakit pa niya niligawan ang anak ng mag-asawang iyon kanina kung wala naman pala siyang gusto dito?

"I'm maybe harsh and ruthless on you. But I never wanted this to happened to you. Magpagaling ka na muna sa ngayon at saka na kita kakausapin kapag maayos na ang kalagayan mo."

ANO?! Hindi ako ang nobya mo kaya huwag mong sasabihin sa akin iyan!

Ang kapal ng mukha ng lalaking ito.

Gustong-gusto ko siyang sigawan pero hindi ko magawa. Napakayabang niya. Kawawa naman ang nobya niya.

Narinig kong lumabas na siya kaya namayani ang katahimikan sa paligid ko.

Napag isip-isip ko na ngayon kung ano nga ba ang sitwasyon sa paligid ko ngayon.

Ang akala ng mag-asawa ay ako ang anak nila. At ang lalaking iyon kanina ay nag-aakala rin na ako ang nobya niya. Bakit ba sila naging magsyota kung wala naman pala siyang gusto sa nobya niya. At nasaan nga ba ang tunay na anak ng mag-asawa? Bakit nila ako napagkamalan na anak nila?

Ano ba ang dapat kung gawin sa ngayon? Hindi ako makakilos at ayon sa narinig ko ay kritikal ang kalagayan ko.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status