Nang gabing iniwan si Dominic ng kanyang kasintahan ay siyang nakatagpo rin niya ang babaeng walang malay at sugatan, nang magising ay walang maalala at bumalik ang pag-iisip sa pagkabata. Hindi akalaing ang babaeng 'yon ay isa pa lang bilyonarya, binalik niya ang dalaga kapalit ng pera para maipagamot ang tatay-tatayan. Sa paglipas ng taon ay nanumbalik ang alaala ni Amara ngunit hindi na niya maalalang nakilala niya minsan sa buhay niya si Dominic. Hanggang sa isang araw ay muling nagkrus ang kanilang landas, aplikante sa kanyang kumpanya ang lalaki. Nang maging secretary niya ito ay pinatuloy rin niya sa mansion niya si Dominic na siyang naging simula ng muling pag-usbong ng kanilang pagmamahalan. Ngunit ito’y masisira sa isang rebelasyon na si Dominic pala ang nawawalang anak ng bilyonaryo at sikat na businessman na siya ring dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ni Amara.
View More"PASS the ball," sigaw niya sa dalaga, kaya sinunod naman nito ang sinabi niya. Mabuti naman at nakakaintindi na ito at hindi na mahirap kausapin kagaya ng dati.
Ngayon ay naglalaro sila ng batuhang bola, at ang magaling niyang kapatid na si Niel ang nakaisip nito. Nakausap na niya ang buong pamilya tungkol sa dalaga.
At gusto niyang gumawa ng magandang ala ala kasama ito at ito nga ang isa sa naisip ng kapatid niya, maglaro. At mamaya lang ay pupunta sila ng dagat na malapit lang sa kanila para pagmasdan ang paglubog ng araw.
Nang masalo niya ang binatong bola ni Ara o Mara ay binato niya si Niel na natamaan sa paanan.
"Ang daya!" pagpapalatak ng kapatid.
"Bye! Bye Kuya," natatawang sabi ni Kian ng ito na lang ang natira. Kinuha ng dalaga ang bola.
"Pass the ball again Ara," utos na naman niya na ginawa naman ulit ng dalaga. Nang masalo niya ang ibinato ng dalaga ay saka niya binato si Kian ngunit dahil maliit na paslit ito at maliksi ay nailagan niya iyon.
Pinulot ng dalaga ang bola at hindi niya ginawa ang ginawa niya kaniya basta niya na lang ibinato ang bola sa direksyon ni Kian na hindi nailagan ng bata kaya natamaan ito sa kamay.
"Talo ako," mangiyak ngiyak na sabi ng nakababatang kapatid.
"Good job Ara!" nagingiting sabi niya sa dalaga.
Nang umabot ang hapon ay apat silang naglalakad papuntang dagat na malapit lang sa lugar nila, mas pinili nilang lakarin para narin exercise. Hindi nila kasama ang ama nila dahil nasa bahay ito at may inaasikasong bisita.
"Domi?" tawag sa kanya ng dalaga habang naglalakad sila.
"Bakit?" tanong niya. Iniangat ng dalaga ang paa niya, mamula mula ito. Napabuntong hininga siya at binuhat ang dalaga, inilagay niya ito sa likuran niya.
Nang makarating sila sa dalampasigan ng dagat ay saka lang niya ibinaba ang dalaga. Nakita niyang nakangiti ito habang nakatingin sa kulay asul na karagatan.
Napatingin rin siya sa karagatan ngunit ibinaling rin niya agad ang tingin sa dalaga, napakaganda nitong pagmasdan habang pinagmamasdan nito ang kulay asul na dagat.
Umaasa siya na sana magkita pa sila ulit sa pangalawang pagkakataon pagkatapos niyang maibalik ito.
Aminin man niya sa hindi sa maikling panahong magkasama sila ay unti unting nahuhulog ang loob niya dito sa dalaga, o mas tamang sabihin na nahulog na ang loob niya dito.
Pero simula nang makita niya ang larawan ng dalaga kahapon at malaman ang katauhan at katayuan nito sa buhay ay nawalan siya ng pag-asang baka pwedi sila, na baka pwedeng maging sila.
Napakataas ng dalaga kumpara sa kanya. Ngayong kasama niya ito ay pakiramdam niya ay hindi niya ito kayang abutin paano pa kaya kapag bumalik na ito sa totoo niyang buhay?
Ibinalik niya ang tingin sa dagat ng mapatingin sa kanya ang dalaga, nakahihipnotismong pagmasdan ang mga mata nito kaya umiiwas siya dito ng tingin.
Hindi niya yata kayang salubungin ang titig ng mga mata nito. Nahagip ng paningin niya ang dalawang kapatid na masayang naglalaro ng tubig sa dalampasigan.
Hindi na siya nagulat ng yumakap sa baywang niya ang dalaga. "Domi?"
"Why?" tanong niya dito, tinuro naman ng dalaga ang dalawa niyang kapatid na parang sinasabi nitong gusto rin niyang makisama doon. "Wala kang dalang pampalit."
Nalungkot ang magandang mukha ng dalaga dahil sa sinabi niya, hinawakan niya ang pisngi nito. "Gusto mo bang panoorin natin ang paglubog ng araw?"
Dahil sa tanong niya ay napatingin ang dalaga sa langit at tumingin sa kaniya, tumango ito bilang pagsang-ayon.
Sabay silang naglakad papunta sa mahabang kahoy at doon umupo, malapit ng lumubog ang araw. Nang matagpuan niya noon ang dalaga katatapos niya lang manood noon ng paglubog ng araw habang umiinom ng beer at ngayon kasama niya itong manonood nang paglubog ng araw at bukas pagsilay ng araw ay mawawala narin ito sa kaniya.
Napangiti siya ng mapait sa isiping aalis narin ang dalaga at maiiwan siya. Napatingin siya sa dalaga ng sumandal ito sa balikat niya.
"Gusto mo na bang bumalik sa dating buhay mo?" wala sa sariling tanong niya dito, mabilis na umiling ang dalaga sa tanong niya.
Pero alam niya sa sarili niya na mas gusto ng dalaga ang bumalik sa dati nitong buhay. Siya ang nahihirapan para sa dalaga kung ibabalik niya ito maipapagamot nila ito, makapagsasalita na ito gaya ng dati at babalik narin ang ala-ala nito.
"But you need to go back there Ara," aniya sa mababang boses. "Kailangan."
Pareho silang tahimik habang nakatingin sa dagat, sa payapang karagatan.
"Mahal kita, mahal na kita," kasabay nang pagbigkas niya ng mga salitang iyon ay siyang paglubog ng araw.
Hindi niya pwedeng angkinin ang dalaga na parang pagmamay-ari niya kaya ibabalik niya ito, ibabalik niya na ito.
Nang makauwi na sila sa bahay nila ay agad niyang kinuha ang cellphone niya na naiwan niya sa kwarto.
Tinipa niya ang numerong nabasa niya lang kanina sa article na tungkol sa dalaga na pwedeng tawagan kung may nakakita dito. Ito ang numero ng uncle nang dalaga.
Halos matapos na ang ring ng sagutin ng kabilang linya ang tawag. "Hello this is Hellion Rodriguez. How may I help you?" sagot nang nasa kabilang linya.
Napalunok siya bago nagsalita. "This is Dominic Garcia. I know where Amara Eloise Rodriguez is."
Sinabi niya ang lahat ng detalye, katulad na lang kung nasaang lugar sila. Sinabi niya rin ang lahat ng mga dapat niyang sabihin dito.
Ramdam niya ang saya sa boses ng lalaki sa kabilang linya, at sinabi pa nitong bukas na bukas rin ay makakarating na ito.
Pagkababa niya ng tawag ay malalim siyang napabuntong hininga, is this the end?
Natawagan na niya e, ano pa nga ba?
Sa hapunan ay sabay sabay silang lima na kumakain sa hapag kainan. Halatang nasasarapan ang dalaga sa kinakain nilang adobong karne ng baboy.
Makikita pa kaya niya ulit itong kumain? Makakasabay pa kaya niya itong kumain?
Parang gusto niyang tawagan ulit ang uncle ng dalaga at sabihing biro lang ang lahat ng sinabi niya pero wala e, nasabi niya na at hindi na niya iyon pwedeng ulitin pa.
Tahimik niyang ipinagpatuloy ang pagkain habang ang mga kapatid niya at ama ay nagkwekwentuhan na minsan ay nakikitawa ang dalaga na para bang naiintindihan niya ang mga ito pero hindi naman ito nakikisama sa usapan.
"Always keep this," aniya nang nasa kwarto na sila. Ang tinutukoy niya ay ang bracelet na ibinigay niya dito, "I'm giving this to you, mahalaga ito sa akin kaya alagaan mo at huwag iwawala."
Hinawakan ng dalaga ang bracelet na nakasuot sa paa niya. At wala sa sariling tumango ito habang nakatitig doon.
"Good, sana sa pamamagitan niyan ay maalala mo ako kapag nakabalik ka na sa totoong buhay mo," dahil sa sinabi niya ay napaangat ng tingin ang dalaga sa kaniya.
"A-anong-," hindi matapos ng dalaga ang sinasabi niya na parang hindi niya iyon kayang tapusin.
"Finish your word my peanut, kaya mo yan," may maliit na ngiti sa labi niyang sabi.
"Ayaw mo na ba sa akin?" hirap na sabi ng dalaga sa kaniya, na ikinagulat at ikinaiwas niya ng tingin. "Domi?"
"No, gustong gusto kita. Pero pinili ko lang ang decision na makabubuti para sayo. Ayaw kong nahihirapan ka sa ganyang kalagayan at kapag ibinalik kita sa kanila ay magiging okay kana. Ayaw mo ba yon?"
"A-ayaw ko, dito gusto ko," may namumuong luha sa mga mata ng dalaga habang nahihirapan sa pagsasalita.
Parang may kumurot sa puso niya sa ganoong kalagayan ng dalaga kaya pinunasan niya ang luha nito na dadaloy palang sa pisngi nito.
"Shh, babalikan kita okay? Hahanapin kita," pagpapatahan niya dito, at hinalikan sa noo ang dalaga.
Mababalikan kaya niya ito? Mahahanap o hahanapin niya ba ito?
"Pangako," may paniniguradong dugtong niya sa sinabi.
Alas singko palang ng umaga ay gising na si Dominic kagaya ng ama nito, ginising narin niya ang dalaga at binihisan.
Ngumiti siya dito bago sila sabay na lumabas ng silid na tinutulugan nila.
Nasa labas na ang tatay niya at naghihintay nasa labas narin ang tricycle na inarkila nila para sasakyan papuntang bayan dahil doon sila magkikita ng uncle ng dalaga.
Napatingin siya sa tatay niya tipid itong tumango sa kaniya, siya at ang dalaga lang ang pupunta ng bayan at hindi kasama ang tatay niya.
Nauna ng sumakay ang dalaga pagkatapos ay siya ang sumunod, pinaandar na ng tricycle driver ang tricycle.
Habang nasa daan sila ay tahimik lang siya, habang ang dalaga naman ay kumakain ng tinapay na may palamang paborito nito na peanut butter.
Mamimiss rin niya ang palaging pag-ubos nito ng peanut butter, pakiramdam niya sobrang tagal nilang nagkasama ng dalaga at kahit magkasama pa sila ay parang nangungulila na kaagad siya.
Pero kung nasanay siyang kasama ito, marahil ay masasanay rin siya na wala ito sa tabi niya, sana nga ay masanay siya na wala ito sa tabi niya.
Malalim siyang napabuntong hininga, kapag umalis na ang dalaga itutuon na lang siguro niya ang buong atensyon sa trabaho para makalimutan ito.
Sa mahigit kalahating oras na biyahe ay nakarating narin sila sa bayan. Nagbayad siya sa driver ng pamasahe pagkatapos ay hinawakan niya sa pulsuhan ang dalaga at sabay silang naglakad papunta kung saan ang lugar na napag-usapan.
Sa plaza ang napag-usapan nilang meet up dahil may open filled doon at dahil maaga pa ay wala rin gaanong tao.
"Domi?" tawag pansin sa kanya ng dalaga na ikinatingin niya dito at ikinahinto nila sa paglalakad.
"Bakit? May gusto ka bang kainin? May masakit ba sayo?" sunod sunod niyang tanong kahit halatang wala naman sa dalaga ang masakit.
Umiling ang dalaga, at hinawakan siya sa pisngi na ikinatulos niya sa kinatatayuan. "Huwag mo ako ibigay," may pagsusumamo sa boses ng dalaga nang sabihin niya iyon sa kaniya.
Pinigilan niya ang huwag masaktan at huwag umiyak. "Ang uncle mo ang totoong pamilya mo at hindi kami o mas lalong hindi ako 'yon. Magiging pabigat ka lang sa akin kaya mas mabuti pang ibalik nalang kita," walang emosyon na sabi niya sa dalaga.
Kita niya ang bumadhang sakit sa mga mata nito, tahimik na tumango ang dalaga at napayuko. Napakagat labi siya at nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makapasok na sila sa loob ng plaza.
Hindi kalayuan ay kita na niya ang dalawang van na parehong kulay puti. At may mga kalalakihang nakakulay itim ang nasa labas nito. Nagpatuloy sila sa paglalakad at nang makalapit dito ay nakita niya ang lalaking hindi katandaan na hindi nalalayo ang edad sa tatay niya.
Nakita niya ang gulat sa mga mata ng lahat nang makita sila o mas dapat sabihing sa taong katabi niya.
Yumuko ang mga kalalakihang nakakulay itim ng makita ang dalaga, ganito ba ito kataas para igalang ng lahat?
"Hija, buhay ka," bakas ang kasiyahan sa boses ng matandang lalaki at niyakap ang dalaga dahilan para mapabitaw ito sa pagkakahawak niya dito.
Nang maghiwalay ang mag-tiyuhin ay saka pinakatitigan ito ng matandang lalaki ang kanyang pamangkin. Lumingon ang dalaga sa kaniya, napabuntong hininga siya.
Tumikhim siya bago magsalita. "Magandang umaga Mr. Rodriguez," pagkuha niya dito sa atensyon ng matandang lalaki dahilan para mapatingin ito sa kaniya.
"Ikaw ba ang tumawag sa akin kagabi?" tanong nito sa kanya, tumango siya bilang sagot. "Maraming salamat sa pag-aalaga sa pamangkin ko. Ilan ang kailangan mo?"
"Hindi ko ho kailangan nang pera, gusto kong gamutin niyo siya. Wala siyang naaalala at hindi rin siya makapagsalita," sagot niya dito, na ikinagulat ng matanda.
"Ganun ba? Maraming salamat sa pagkupkop sa kaniya hijo," taos pusong pagpapasalamat ng matanda sa kanya.
Umiling siya, "Wala po 'yon. Hihingi lang po sana ako ng isang pabor."
"Sige, sabihin mo lang."
"Kung sakali man pong bumalik na ang ala ala niya at hindi niya ako maalala ay huwag niyo ho sanang babanggitin ang tungkol sa akin. Alagaan niyo ho sana siya," aniya habang nakatangin sa mga mata ng matanda.
"Sigurado ka ba?" nag-aalangang tanong ng lalaki.
Tumango ulit siya, "Opo, mauuna na po ako at kailangan ko na pong umalis," paalam niya.
Tumalikod na siya at akmang maglalakad na siya paalis ng magsalita ang dalaga.
"Domi?" tawag nito sa kaniya, natigil siya sa paglalakad pero hindi siya dito lumingon. "Huwag mo ako iwan," hirap na sabi ng dalaga at may pagmamakaawa na sabi nito sa kanya.
Dahil doon ay humarap na siya dito, "Ito ang makabubuti para sayo Ara," lumapit siya dito at hinawakan ito sa pisngi, "Mahal kita, mahal na mahal," mahinang bulong niya dito.
"B-babalikan mo ako?" naiiyak na tanong ng dalaga sa kaniya, napapikit siya ng mariin dahil doon bago dahan dahang tumango.
"Babalikan kita, hahanapin kita," tugon niya bago humakbang paatras papalayo sa dalaga.
Napatingin siya sa taong tumapik sa kaniya at nakitang ang uncle ng dalaga iyon, "Here's my calling card, call me when you need something," tumango siya dito at tinanggap iyon.
Tumingin siya sa dalaga na ngayon ay umiiyak na, sa huling pagkakataon ay pinunasan niya ang mga luha nito pagkatapos ay tumalikod na siya, bago pa tumulo ang sariling mga luha galing sa mga mata niya.
"Domi!" rinig niyang sigaw nang dalaga ng makalayo na siya, humarap siya dito at nakita niyang hawak hawak ito ngayon ng tiyuhin niya habang pinipigilang sundan siya.
Bago pa niya maisipang balikan ang dalaga ay tumakbo na siya papalayo doon.
Parang nadudurog ang puso niya dahil sa nangyari pakiramdam niya iniwan na naman siya at mag-isa.
“UNCLE thank you for coming here,” salubong ni Amara sa uncle niya at hinalikan ito sa pisngi. “Don’t mention it my niece, so why do you want to talk to me?” her uncle asked. “Uncle I want you to pay a visit everyday here in my company, because I do not trust the vice president who will manage my company while I’m gone,” seryosong sabi ni Amara sa uncle niya na para bang nakikipag-usap lang sa isang business partner.“Where are you going?” nagtatakang tanong ng uncle niya. She massages her temple when she remembers why she needed to leave for a while.“Something happened in my company in Hong Kong, that’s why I need to go there. Ayokong ipagkatiwala sa iba at baka mas malugi pa ako,” walang emosyon niyang sabi sa kaniyang uncle. She’s very hands-on when it comes to work. Kaya nang malaman niya na may nangyaring hindi maganda sa kumpanya sa Hongkong ay hindi siya nagdalawang isip na ipahanda ang private jet niya. At mamayang gabi ang alis niya, gusto niyang bago siya umalis ay maih
TATLONG araw na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang dalaga. Malayo ang hospital sa lugar na tinitirhan ni Dominic. Kaya naisipan niyang dalhin ito sa kanilang bahay.Nang gabing iyon gulat na gulat ang kanyang tatay maging ang dalawang kapatid nang makita nila ito na buhat buhat ang walang malay na babae. Mabilis niyang ipinaliwanag ang nangyari, pagkatapos ay mabilis niyang tinawagan ang kaibigang Doctor. Napabuntong hininga nalang siya habang pinagmamasdan ang dalaga, mabuti nalang at bakasyon ngayon at wala siyang pasok bilang isang professor. Hindi naman sila ganoon kayaman, sakto lang ang kinikita niya bilang isang teacher para pang-tustos sa pang araw-araw nila, dahil siya rin ang breadwinner ng kanilang pamilya.Sa sariling kwarto niya hinayaang manatili ang dalaga, nag-aalala siya ng husto rito kahit pa na hindi niya ito kilala. Bumukas ang pinto kaya napatingin siya doon, pumasok ang kanyang nakababatang kapatid.“Kuya di pa po ba gising si A
"TAY, hindi sa akin pwedeng sumama si Ara, paano kung mawala yan sa bayan? At saka makikipagkita ako sa kaibigan ko." may pagpapasensya niyang sabi sa tatay niya. "Tignan mo naman siya Dom, halos maiyak na at gustong sumama sa'yo." pangungunsensiya nang tatay niya, napabuntong hininga siya at napatingin sa deriksyon ni Ara.Her eyes are pleading while looking at him, nagsusumamo ang mga mata nito. Naglakad ito palapit sa kaniya at humawak sa bisig niya. "Look Ara, hindi kita pwedeng isama. Paano na lang kung mawala ka sa bayan?" problemadong tanong niya at napakamot sa batok, "Marami pa namang manloloko doon." Umiling ang dalaga sa kaniya at mas hinigpitan pa ang pagkakakapit sa kanya.Muli na namang napabuntong hininga si Dominic. "Come with me." wala na siyang nagawa kundi ang isama ito.Mahigit kalahating oras ang biyahe papuntang bayan mula sa bahay nila at talagang malayo 'yon. Dahil kasama nga niya ang dalaga hindi nalang siya makikipagkita sa kaibigan niyang doktor."Huwag
"CAN'T you really remember your name? And who you are?" nakapalumbabang tanong niya sa dalaga at napakamot sa pisngi.Hindi sumagot ang dalaga bagkus ay kumagat lang ito sa tinapay na hawak hawak niya na may palamang peanut butter. Marahas siyang napabuntong hininga, ayaw makinig sa kanya ng dalaga sa mahigit dalawang linggo na ang nakararaan pero hirap pa rin siyang turuan ang dalaga, dahil puro pagkain ang inaatupag nito. Hindi naman tumataba, she's still sexy. He knows that. "Read this," utos niya, sabay pakita ng flashcard sa dalaga. Tinignan lang siya nito pagkatapos ay sinunod nitong tignan ang flashcard na hawak niya. May pagtataka sa mukha ng dalaga habang nakatingin sa flashcard pagkatapos ay hinablot niya iyon sa kaniya. Puno ng kuryusidad na tinignan ng dalaga ang flashcard at dinala ito sa bibig niya at nginatngat. Napasabunot sa sariling buhok si Dominic dahil sa ginawa ng dalaga, pakiramdam niya maaga siyang mababaliw sa pag-aalaga dito."Hindi 'yan pagkain, huwag mo
"PASS the ball," sigaw niya sa dalaga, kaya sinunod naman nito ang sinabi niya. Mabuti naman at nakakaintindi na ito at hindi na mahirap kausapin kagaya ng dati. Ngayon ay naglalaro sila ng batuhang bola, at ang magaling niyang kapatid na si Niel ang nakaisip nito. Nakausap na niya ang buong pamilya tungkol sa dalaga. At gusto niyang gumawa ng magandang ala ala kasama ito at ito nga ang isa sa naisip ng kapatid niya, maglaro. At mamaya lang ay pupunta sila ng dagat na malapit lang sa kanila para pagmasdan ang paglubog ng araw.Nang masalo niya ang binatong bola ni Ara o Mara ay binato niya si Niel na natamaan sa paanan. "Ang daya!" pagpapalatak ng kapatid."Bye! Bye Kuya," natatawang sabi ni Kian ng ito na lang ang natira. Kinuha ng dalaga ang bola."Pass the ball again Ara," utos na naman niya na ginawa naman ulit ng dalaga. Nang masalo niya ang ibinato ng dalaga ay saka niya binato si Kian ngunit dahil maliit na paslit ito at maliksi ay nailagan niya iyon. Pinulot ng dalaga ang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments