Beranda / Romance / Revenge Of The Hieress Ex-Wife / Chapter 3 - Nowhere to be found

Share

Chapter 3 - Nowhere to be found

Penulis: Maxpiennisensui
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-10 04:05:14

"Daddy..."

Patakbong bumama si Sandy sa mula sa mataas na hagdan nang makita ang kaniyang ama na prenteng nakaupo sa mahabang sofa sa sala.

"Ariella, anak ko," maluha-luhang sambit ni Don Sibastino na ngayon ay nakatayo na 't hinihintay na makalapit ang anak na tatlong taon na nawalay sa kan'ya.

Sinalubog ng kaniyang mga bisig ang ngayon ay umiiyak na si Sandy. Humihikbi na itong nakayakap sa ama na matagal na rin siyang nangulila. "Sshhh... Tanan na, anak, masaya akong nagbabalik ka. Miss na miss ka na ng daddy."

"I'm sorry, dad. Patawarin mo ako," lumuluhang sambit ni Sandy.

"Hindi ako kailan man nagalit sa iyo kahit pa labag sa loob ko ang ginawa mong iyon, pero, 'wag mo rin isipin na hindi kita naiintindihan. Gayun pa man, siguro ay alam mo na ngayon sa sarili mo kung bakit hindi ako pabor sa desisyon mo noon?" mahabang saad ng Don habang hinahaplos ang mababang buhok ni Sandy.

"Upo." Dalawang tango bilang tugon naman nito sa kaniyang ama.

"May natutunan ka naman ba? Nagmahal ka lang anak, walang mali ro'n. Iyon nga lang, hindi lahat nang pagmamahal ay nasusuklian pabalik. Ayos lang anak, patuloy ang buhay. Narito ako na siyang tunay na nagmamahal sa iyo. Kami lahat dito sa mansyon ay mahal ka 't hinintay ang pagbabalik mo."

Sa mga sinabing iyong ng kaniyang ama ay gumaan ang pakiramdam ni Sandy kahit papano. Hindi man lubusang nawala ang bigat, bagay sariwa pa, nabawasan naman.

"Halika na, maraming silang inihanda para sa iyo, Ariella."

"Hmmn... Gusto ko po iyan, dad. Gutom na nga talaga ako."

Naging masaya si Sandy sa kaniyang pagbabalik sa totoo niyang buhay. Binati siya ng lahat sa kanilang mga tauhan. Ngayon ay ang lahat sa mansyon 'y maligaya. Magana rin siyang kumain kasama ang mga ito na pinasalo na rin nila ng Don.

Hindi lingid sa kaalaman ni Don Sibastino ang nangyayari sa kaniyang anak dahil pasikreto niya itong pinapasubay-bayan. Nagagalit siya sa lalaking minahal ng kaniyang anak at hindi na lamang siya mananahimik.

"Jamie, ito ang gusto kong ipagawa," ipinaliwag niya ritong mabuti ang ang kaniyang nais.

"Ito lang po ba, Young lady?"

"Oo, iyan na lang muna sa ngayon," tugon niya naman kay Jaimie na para rito ay walang kahirap-hirap ang gagawin.

"Okay, madali lang pala," natatawang ani nito na maging si Sandy ay natawa na rin.

"Sige, aalis na muna ako, Young Lady. Masaya talaga akong nandito ka na ulit at inuutusan ako. Ang boring kaya no'ng nawala ka."

"Sira! Sige na, gusto ko pang makausap si dad." Nagpadala na rin siya ng mensahe kay Corrine kung nasaan na siya ngayon upang hindi na ito mag-alala at alam niyang tatawagan din siya nito kapag nabasa na iyon.

Makalipas ang tatlong buwan ay pala-isipan naman kay Dimitri kung nasaan na nagpunta ang kaniyang asawa.

Kasalukuyan itong nasa opisina at mainit ang kaniyang ulo dahil sa hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasagot ang taong gusto niyang kunin bilang jewelry designer. Nalaman niya rin sa nakalap na impormasyon nito na wala pa itong pinapasukang iba at basta na lamang naglalabas ng sarili niyang design, paunahan na lang sa mga gusto bilhin ang kaniyang mga obra.

Naisip niya kasi na kapag sa company niya lang ito mapunta at lahat ng gawa nito ay sa kanila lang ay tiyak na sila lang ang mangunguna sa lahat dahil marami ang humahanga sa taglay nitong kakayahan sa pagdesenyo ng mga alahas.

Tatlong katok sa pinto ang nakapagpatigil ng kaniyang malalim na pag-iisip. "Come in."

Pumasok naman ang kaniyang secretary upang i-update sa kanya ang mga ipinag-uutos niya.

"Sir, Dimitri."

"Any update, Jules?" Ngunit bumuntong-hininga muna ito bago umiling.

"I'm sorry, Sir. Hindi pa rin po talaga sinasagot ng designer na iyon ang proposal natin," pagkasabi no'n ay may inilapag din itong isang papel sa table ni Dimitri. "At ayan po pala ang isa mo pang pinapagawa. Nakapagtatakang wala na po ang record ng pangalan ni Ma'am Sandy ni kahit anong bakas at kung saan ito maaring magtungo ay wala rin po."

Sa mga nalamang iyon ni Dimitri ay nag-iisang linya ang kilay nito. "B*ll sh!t! Ayan lang ba ang maisasagot mo sa akin, Jules? Puro kapalpakan!" asik nito sa kaniyang secretary na ngaon ay nakatungo lamang at hindi siya makuhang tingnan dahil sa takot.

"Imposibleng nawala na lang siya nang parang bula! Ako ba ay pinagluloloko mo? Ginagawa mo ba ang trabaho mo?" bulyaw pa nito kay Jules.

"Eh, Sir. Bakit hindi kayo kumuha ng private investigator? Secretary mo po ako rito!" hindi na napilang sumamot ni Jules sa boss niyang tila kinulang sa utak.

Nagtatangis ang mga bagang na naman ni Dimitri kung kaya 't binato niya ng signing pen ang nagawa siyang sagot-saguting secretary.

"Sa tingin mo ba ay hindi ko ginawa?! Kaya nga sa iyo na rin ako nagpapatulong baka may kakayahayan ka!"

"Owww! Talaga ba, boss? Gano'n ka katiwala sa akin?" hindi naman makapaniwala itong si Jules sa narinig. Gano'n pala siya pinagkakatiwalaan ng boss niyang tila bulkan kung mag-alburoto. Para sa kanya ay isa iyong achievement.

"Tsk! Lumayas ka na nga sa harapan ko, Jules! Buwisit!" taboy niya na sa secretary. Napapikit na lamang si Dimitri at hinilot ang sintido nang bigla na naman sumakit.

'Where the hell are you, Sandy? Hindi mo 'ko puwedeng iwan nang basta gano'n na lang!'

Hindi maintindihan ni Dimitri ang kaniyang sarili. Hindi niya lubos akalain na nagawa siyang iwan ng asawa, nasanay siyang palagi nitong ginagawa ang lahat mapansin o magpatupunan niya lamang ng oras at panahon.

Aminin niya man sa hindi ay simula nang mawala si Sandy ay hinahanap-hanap ito ng kaniyang sistema lalo na ang mainit na tagpo nila sa kama na talagang napupunan ni Sandy ang kailangan ng kaniyang katawan. May kung anong hatid para sa kan'ya kapag si Sandy na ang kasiping.

Biglang lumabas sa kaniyang balintataw ang mainit ang huling mainit na tagpo nila, hindi niya akalain na iyon na pala huli.

Nag-iinit siya sa tuwing maalala kung ano ka ganda ang katawan ng kaniyang asawa. Ang lambot ng labi nito at ang makinis na balat nitong walang ka galos-galos man lang maging ang natural na amoy ng babae na talagang nakakahalina.

“Sir, may update na po ako sa designer na hinahanap mo. May mga bagong labas po siyang designs pero may problema, Sir.”

“Ayan ka na naman, Jules. Kung problema lang pala, ‘di ‘wag mo nang ituloy–”

“Hindi raw po available ang designs niya, Sir. Ang katunayan ay nakapagpatayo na siya ng sarili niyang Designing firm at malapit na rin po iyong magbukas.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Revenge Of The Hieress Ex-Wife    Chapter 89

    "Stop, smiling at me! You're creepy!" Napa-awang ang bibig ni Kai sa sinabing iyon sa kanya ni Darius. Para sa kan'ya kasi ay iyon na ang pinaka-magandang ngiti niya tapos sasabihin lang nito 'mukha siyang creepy!' "Luuh! Hindi ka marunong matumingin ng maganda, nasa harapan mo na nga!" Irap niya sa lalaki. Ang sama ng ugali! "Manang Naida, I want to talk to you in private," sabi ni Darius sa matanda. Gusto niyang malaman kung bakit narito ang babae at kung saan niya ito nakita, ni hindi pa nga nakapagbihis ang babae. "Eh, hijo. Tinulungan niya kasi ako kanina sa mga dala kong pinamili sa palengke nang mapigtas ang isang supot ro'n at nagkalat ang mga laman at hindi niya nagdala isip. Nasabi niya rin na naghahanap siya ng trabaho kaya naro'n siya sa palengke subalit wala umano siyang nakuha. Eh, naawa naman at 'di ba kailangan nating magdagdag ng kasambahay? Siya na iyon, mukhang mabait masipag naman siya," mahabang saad ni Manang Naida. "bakit? May problema ba sa kanya? Pans

  • Revenge Of The Hieress Ex-Wife    Chapter 88

    Namo-mroblema naman ngayon si Kai kung saan ba siya tutuloy? Ang malas naman kasi niya eh kung bakit ba kasi siya hinahabol ng mga panget na iyon, eh, wala naman siyang pera! Hindi rin naman siya mayaman! "Aysstt! Buwisit na buhay 'to oh! Saan ko naman kaya hahanapin iyong sinasabi ni Ate? Do'n ay magkakapera raw ako, hindi ko naman alam kung paanong pumunta sa address na binigay niya. Kung hindi ba naman tanga!" salita niyang mag-isa. "Sayang din iyong kanina, kung isinama na lang kasi niya 'ko eh! Puwede naman akong mamasukan kahit katulong lang, suplado niya porket guwapo!" Ni singkong duling nga ay wala siya. Paano siya nito ngayon kakain? "Nagugutom na 'ko!" sambit niya nang bigla kumalam ang sikmura niya. Dinukot niya ang papel na nasa kanyang bulsa upang basahin ang unang tanong hahanapin niya at kung sino pa ang mga kasunod sa listahan. "Saka ko na nga muna kayo hahanapin, baka mahuli pa ako ng mga panget na iyon. Sayang naman itong ganda ko!" Naglakad-lakad Kai Hanggang m

  • Revenge Of The Hieress Ex-Wife    Chapter 87

    Napatiim bagang ako dahil sa mga sinabi ni Daniella nasagi ang ego ko dun ah, sapul na sapul.Pinulot ko ang Resignation letter niya at bago pa man siya makalampas sa akin ay nahawakan ko na siya isang braso."San ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag usap!" Madiin sambit ko, mataas ang pride ko at inaamin ko na hindi ako nag papatalo kahit kanino o sino.. Pero pag dating sa babaeng to ay tila ba nawawalan ako ng sasabihin."Ano?? Tapos na ang sadya ko dito Mr. Montegre.. Wala naman na tayong dapat pag usapan pa.." Pag tataray nito sabay piksi upang bawiin ang braso sakin pero hindi ko siya pinakawalan bagkus ay humugot ako ng malalim na hininga bago nag salita ng kalmado.." Ok i am sorry if i make you feel that way..hindi ko sinasadya " Pag papakumbaba ko, nagulat pa ako ng makita ang pamumula ng Mga mata niya she is fighting her tears.."Bitiwan mo ako...wag ka ng mag panggap, alam ko naman kung anong klase kang tao wag ka ng mag kunwari na may konsensya" Wika niya na halos pumiyok n

  • Revenge Of The Hieress Ex-Wife    Chapter 86

    Dahil balak na ngang mag resign ni Daniella sa Hotel na pinag tatrabahuhan niya ay agad niya rin na tinanggap ang inaalok ni Lucas..Nang mga mga sandaling iyon ay napagtanto niya na Pag mamayari pala ni Mr. Montegre ang Hotel na yun dahil narin sa Pangalan nito.."Lets grab some coffee, and talk about your salary" Nakangiting wika ni Lucas kay daniella pero dahil hindi pa naman niya masyading kilala ang lalaki ay pinag isipan muna niya ang isasagot..Nahalata naman agad iyon ni lucas dahil batid niyang pinag aaralan ni daniella ang kabuuan niya.."Ms. FORTALLA, wag kang mag alala mapag kamatiwalaan ako, nais ko lamang na makatulong sayo, alam ko naman ang pinag dadaanan mo ngayon.." Senserong wika ni lucas sa nag dadalwang isip pang su Dalaga..Isang buntong hininga nalang ang naitugon ni daniella sa lalaki bago mag salita.."Sige Mr. Salvador, sasama ako sayo, pag kamatiwalaan dahil alam kong may utang ma loob din ako sayo." Wika ni daniella sabay matipid na ngumiti.Napa palatak na

  • Revenge Of The Hieress Ex-Wife    Chapter 85

    THIRD PERSON POVKagaya nung una siyang hagkan ng lalaki ay hindi agad nakahuma ang dalaga.Tila ba hindi niya alam kung anong dapat gawin, hindi siya makagalaw at makapanlaban dahil sa bigat nito na nakadagan sa ibabaw niya.Nakakadama man ng takot ay hindi iyon ipinakita ni Daniella kay steve.. "Ano nasarapan ka na ba sa halik ko? At hindi ka na nakakilos?" Nakangising wika nito sa kanya ng ilayo nito ang mukha sa mukha niya.. "Nasarapan? Nakakasuka ang isang katulad mo Mr. Montegre" May pangiinsulto na ngiti ang iginawad niya sa lalaki na agad namang sumimangot.. "Talaga sigurong sinusubukan mo ako Ms. Daniella.." Mahinang wika nito, at pinagapang ang isa nitong kamay sa hita niya.. Napalunok si Daniella dahil sa gigawang iyong ng lalaki.. "Bakit? Ano bang gusto mo? Mag sumigaw ako? sa palagay ko naman ay walamg makakarinig sakin kahit mag wala ako dito.." Tugon pa ni daniella na pinapanayuan na ng balahibo sa buong katawan.. Dahil sa ginagawang pag himas ni steve sa hita niya

  • Revenge Of The Hieress Ex-Wife    Chapter 84

    DANIELLA POVI clear my throat before to knock on the royal room's door." Good evening po, house keeping" Medyo malakas na wika niya inihanda niya ang matamis na ngiti sa kali mang may mg bukas na ng pinto..Pero wala namang nag bukas.. Kaya medyo nainis ako, muli akong kumatok."House keeping.." Muling wika ko."the door open, just get inside" Mula iyon sa loob ng kwarto, lalaki ang nag salita napakalalim ng boses nito na tila ba pamilyar sa kanya."Ok po, papasok na po ako" Paalam niya muna bago pihitin ang gintong seradura.Ng makapasok siya ay napasinghap siya sa ganda at laki ng kwarto first time makapasok at makakapag linis doon.Inilibot ko ang aking mata sa buong paligid.."wow.. Ang ganda naman at ang lawak" Mahinang bulalak ko, pero maya maya ay napakunot noo ako ng may mapansin.Wala namang kahit anong kalat sa loob.Parang wala pa namang gumagamit nga gamit doon.. Ang kama ganun parin ang ayus malinis..Asan na ba ang naka check in dito?Nahawakan ko ang handle ng dala ko

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status