Share

CHAPTER 2

Author: Postremus
last update publish date: 2026-04-11 12:17:03

ASHANTI’S P.O.V.

MAY KUNG ANONG MABIGAT NA DUMAGAN SA DIBDIB KO HABANG PINAPANOOD KONG MAGHALIKAN SINA GRANT AT HAILEY SA HARAPAN KO.

Hindi ko naman mahal si Grant. Hindi ko rin siya gusto. Pero ang makita siyang may ibang babae—sa mismong harap ko, sa mismong bahay namin—parang may kung anong matalim na tumusok sa puso ko.

Hindi ko alam kung selos ba iyon. Galit. O simpleng sakit ng katotohanang wala akong halaga sa taong legal na asawa ko.

“We’ll stay in the master’s bedroom for hours,” malamig na sabi ni Grant habang nakaakbay kay Hailey. “Sa kabilang kwarto ka muna. And don't you dare get out, kung ayaw mong malintikan pagkatapos namin."

Tumango lang ako kahit gusto kong isigaw lahat ng nararamdaman ko.

Bago sila tuluyang umakyat, lumingon pa si Hailey sa akin at kumaway habang nakangiting parang nang-aasar.

Napairap ako pagkatalikod nila.

Potential investor raw. Potential kabit, mas bagay pa.

Napabuntong-hininga ako at naglakad palabas papunta sa garden. Ayokong umakyat. Hindi soundproof ang master’s bedroom, at ayokong marinig kung ano man ang gagawin nila roon.

“Magandang tanghali po, Ma’am Ashanti."

Napapitlag ako sa gulat at napalingon.

Si Manang Wenggay iyon, ang stay-out na kasambahay ni Grant. Hindi kami madalas magkita dahil apat na araw lang siya kung pumasok kada linggo, at madalas din akong nakakulong sa kwarto.

“Naku, sorry. Nagulat yata kita,” sabi niya. “Mukha ka kasing nanghihina kaya sinundan kita. Ayos ka lang ba?”

Ngumiti ako nang pilit. “Okay lang po ako.”

“Sigurado ka?” tanong niya, halatang nag-aalala. “Hindi ka pa yata kumakain. Hindi nga halos nagalaw ang pagkain sa dining dahil sa bunganga ni Madam Carmelita.”

Napatingin ako sa kanya.

“Narinig n’yo po?”

Napakagat siya sa labi. “Ay—”

“Okay lang po,” sabi ko agad. “Pagkatapos ng lahat ng sinabi niya, wala na akong balak igalang pa siya gaya ng dati. Marunong akong rumespeto, pero hindi ako tanga para igalang ang taong hindi marunong gumalang sa akin.”

Biglang napapalakpak si Manang Wenggay.

“Ayan!” natatawa niyang sabi. “Mabuti naman! Akala ko tuluyan ka na lang magpapatalo!”

Napangiti ako at umupo sa garden chair. Umupo rin siya sa tapat ko.

Tahimik muna kaming dalawa habang pinagmamasdan ang mga bulaklak sa hardin.

Makukulay. Magaganda. Buhay na buhay.

“Manang…” mahina kong tawag. “Pangit po ba ako?”

Nagulat siya. “Ha?”

“Mukha na po ba akong matanda para sa edad ko?”

Natahimik siya. Ilang segundo niya akong tinitigan bago siya bumuntong-hininga.

“Tingnan mo ang mga bulaklak na ’yan,” sabi niya.

Napatingin ako sa tinuturo niya.

“Magaganda sila dahil inaalagaan sila. Iniingatan. Minamahal.” Tumingin siya sa akin. “Sa tingin mo, kung pinabayaan sila at sinaktan araw-araw, magiging ganyan pa rin kaya sila kaganda?”

Umiling ako.

“Gan’on din ang babae, Ma’am. Lalo na ikaw.” Ngumiti siya. “Noong araw ng kasal mo, para kang prinsesa. Manghang-mangha ako sa iyo. Para kang anghel. Pero sa nakikita kong ayos mo ngayon, mukhang hindi ka naaalagaan nang tama.”

Napalunok ako.

“Hindi sa nangingialam ako,” dagdag niya, “pero tama ba ang iniisip ko?”

Hindi ako agad nakasagot. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko.

Dali-dali kong pinunasan ang pisngi ko—kasabay no’n ang pagkabura ng make-up ko.

Napasinghap si Manang Wenggay.

“Diyos ko…” bulong niya. “Ano ’yang nasa mukha mo?!”

Agad kong tinakpan ang mukha ko.

“Si Sir Grant ba gumawa nito?” diretsahang tanong niya.

Hindi ako sumagot. Pero sapat na ang katahimikan ko para makuha niya ang sagot.

“Ma’am…” malumanay niyang sabi. “Sabihin mo sa akin ang totoo. Kakampi mo ako.”

At doon na ako tuluyang bumigay.

Lahat ng kinikimkim ko sa loob ng tatlong buwan, ibinuhos ko kay Manang Wenggay.

Ang pananakit.

Ang mga pasa.

Ang sigawan.

Ang gabi-gabing impiyerno.

Lahat-lahat.

“Hindi naman siya ganito noong una,” umiiyak kong sabi. “Noong kasal namin… mabait pa siya. Pero no’ng gabing kami na lang dalawa… Bigla siyang nagbago.”

Bumalik sa isip ko ang unang gabi namin. Ang gabing dapat sana’y simula ng masayang buhay may-asawa. Ngunit naging simula ng bangungot ko...

Nasa honeymoon suite kami noon.

Ngiting-ngiti si Grant habang inaalis ang sapatos ko.

“How was the wedding, sweetheart?” tanong niya. “Nag-enjoy ka ba?”

“It was nice,” pagsisinungaling ko.

Hindi naman talaga ako masaya. Sino bang eighteen years old ang gustong ikasal agad sa lalaking halos hindi niya kilala? Pero wala akong choice.

Lumapit siya at marahan akong hinalikan

Napapikit ako.

“Ashanti,” bulong niya, “I know this is your first time. Don’t worry. I’ll be gentle.”

Nanikip ang dibdib ko.

Hindi niya alam. Hindi niya alam na hindi na ako birhen. Na may nangyari sa akin noong gabi bago ang kasal.

Na may nauna na sa akin at hindi ko pa alam kung sino ang lalaking iyon

“Grant…” mahina kong sabi. “Can you get us drinks first? I think I need a push.”

Ngumiti siya. “Of course.”

Pagbalik niya, may dala na siyang tequila. Nag-inuman kami sa kama habang nagkukuwento siya tungkol sa future namin.

Sa kung paano niya raw ako mamahalin. Sa kung paano niya ako aalagaan. At muntik na akong maniwala.

Hanggang sa lumalim ang gabi. Hanggang sa naging lasing kami. Hanggang sa nagsimula ang dapat sana’y unang gabi namin bilang mag-asawa.

Unti-unti niya akong inangkin. Ramdam ko ang pananabik niya hanggang sa bigla siyang tumigil.

“H-Hindi ako ang nauna!” sigaw niya.

Bago pa ako makapagsalita at makapagpaliwanag, sinampal niya na ako. Napahagulgol ako sa takot. Pero hindi siya tumigil.

Tinuloy niya ang pag angkin sa akin. Naging marahas siya. Mas naging brutal.

At habang umiiyak ako sa sakit, sinasakal niya pa ako.

“Sinungaling ka! Maruming babae ka!”

Tahimik na nakinig si Manang Wenggay matapos kong ikwento ang lahat.

Pagkatapos, marahan niyang hinawakan ang kamay ko.

“Ashanti,” sabi niya. “Makinig ka sa akin. Wala kang kasalanan. Kung meron man, iyon ay ang ginusto mong sumaya bago ka ikulong sa buhay na hindi mo pinili.”

Napaluha ako lalo.

“Hindi mo kasalanan ang nangyari sa’yo. At kahit anong dahilan, walang lalaking may karapatang saktan ka nang ganito.”

Parang may kung anong nabunot sa dibdib ko.

Sa unang pagkakataon, may nakaintindi sa akin. May naniwala sa akin. May kumampi sa akin.

Hindi ko namalayang halos isang oras na pala kaming nag-uusap.

Nang bumalik si Manang Wenggay sa trabaho, umakyat ako sa second floor at dumiretso sa guest room katabi ng master’s bedroom.

Tahimik na. Mukhang tapos na sila.

Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame.

Sa gitna ng malamig at tahimik na kwartong iyon, napangiti ako kahit pagod na pagod ang puso ko.

Hindi dahil okay na ang lahat. Kundi dahil sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, hindi na ako nag-iisa. May kakampi na ako.

At sa mansyong ito na para akong preso, sa wakas, may isang taong handang makinig sa akin—si Manang Wenggay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Revenge in Uncle Saint's Bed   CHAPTER 5

    ASHANTI’S P.O.V.HINDI NA KAMI NAGKITA ULIT NI UNCLE SAINT MATAPOS ANG HAPUNAN NA ‘YON. TAHIMIK ANG BUONG BAHAY KINAGABIHAN, AT SA WAKAS AY NAKATULOG AKO NANG MAHIMBING—ISA SA IILANG GABING WALANG SIGAW, WALANG SAKIT, AT WALANG TAKOT.Pero bandang alas-dose ng hatinggabi, nagising ako.Tuyo ang lalamunan ko. Wala ring tubig sa mini ref sa kwarto, kaya napilitan akong bumaba.Pagdating ko sa sala, naabutan ko siya—si Uncle Saint—nakaupo sa couch, mag-isa, may hawak na baso ng alak.“Gising ka pa pala,” saad niya nang mapansin ako.Ngumiti lang ako ng tipid. “Nagising lang. Wala kasing tubig sa taas.”“Care to join me?” tanong niya, saka bahagyang napangisi. “Oh wait… baka hindi ka umiinom. You look too young. Sigurado ka bang asawa ka ni Grant at hindi anak niya?”Hindi ko siya pinansin. Tatalikod na sana ako, pero mabilis siyang tumayo at lumapit.Hinawakan niya ang braso ko.“You look familiar,” bulong niya. “Hindi ko lang maalala kung saan kita nakita.”Kinakabahang napaharap ako sa

  • Revenge in Uncle Saint's Bed   CHAPTER 4

    ASHANTI’S P.O.VNANLAKI ANG MGA MATA KO.Uncle?Bago pa ako makapag-isip, nagtagpo ang mga mata namin. At biglang huminto ang mundo ko. Nanlamig ang buong katawan ko.Kilalang-kilala ko ang mga matang iyon. Ang boses na iyon... Hindi ako pwedeng magkamali.Hindi ko man makita nang maayos ang mukha niya noon, alam kong siya iyon. Siya ang lalaking nakasama ko noong gabing nagpakalasing ako sa bar...Nang makita niya ang reaksyon ko, lalo pang lumawak ang ngisi niya. Parang kilala niya rin ako.“Interesting…” bulong niya habang nakatitig sa akin. “Well, well… what a surprise.”At sa mismong sandaling iyon, tanggap ko na—mas lalo pang gugulo ang buhay ko.Sa kabila ng panlalamig ay nagawa ko pa ring obserbahan siya. Matangkad, moreno, matipuno, at halatang sanay magdala ng sarili. Kung si Grant ay may mukha ng isang malinis at maamong anghel, ang lalaking ito naman ay parang kabaliktaran—mas matapang ang dating, mas delikado ang aura, at mas… nakakabighani.Kung ako ang tatanungin, mas g

  • Revenge in Uncle Saint's Bed   CHAPTER 3

    ASHANTI’S P.O.V.PAGKATAPOS NI HAILEY, SUNUD-SUNOD NA ANG MGA BABAENG DINADALA NI GRANT SA BAHAY.May iba-iba siyang kasama kada linggo. Minsan bago, minsan inuulit niya ang dati. Pero iisa lang ang ibig sabihin ng lahat—harapan niya akong niloloko, at wala siyang pakialam kung masaktan man ako.Sa pagdaan ng panahon, nasanay na rin akoHindi ko naman siya mahal, at kung tutuusin, mas mabuti nang sa ibang babae niya ibuhos ang init niya kaysa ako ang pagdiskitahan niya gabi-gabi. Tuwing may inuuwi siyang iba, nababawasan ang mga gabing ako ang binubugbog niya o ginagawang parausan sa kama.Kaya kahit papaano, nagpapasalamat pa ako sa mga babaeng dinadala niya.Nasanay na akong tuwing hapon, pag-uwi niya mula sa kumpanya, lasing siya at may nakakapit na babae sa braso niya. Pero iba ang dating niya nang araw na iyon.Maayos ang lakad niya. Hindi siya amoy alak. Wala ring kasamang babae. At higit sa lahat, alas-kuwatro pa lang ng hapon—mas maaga kumpara sa madalas niyang hating gabi na

  • Revenge in Uncle Saint's Bed   CHAPTER 2

    ASHANTI’S P.O.V.MAY KUNG ANONG MABIGAT NA DUMAGAN SA DIBDIB KO HABANG PINAPANOOD KONG MAGHALIKAN SINA GRANT AT HAILEY SA HARAPAN KO.Hindi ko naman mahal si Grant. Hindi ko rin siya gusto. Pero ang makita siyang may ibang babae—sa mismong harap ko, sa mismong bahay namin—parang may kung anong matalim na tumusok sa puso ko.Hindi ko alam kung selos ba iyon. Galit. O simpleng sakit ng katotohanang wala akong halaga sa taong legal na asawa ko.“We’ll stay in the master’s bedroom for hours,” malamig na sabi ni Grant habang nakaakbay kay Hailey. “Sa kabilang kwarto ka muna. And don't you dare get out, kung ayaw mong malintikan pagkatapos namin."Tumango lang ako kahit gusto kong isigaw lahat ng nararamdaman ko.Bago sila tuluyang umakyat, lumingon pa si Hailey sa akin at kumaway habang nakangiting parang nang-aasar.Napairap ako pagkatalikod nila.Potential investor raw. Potential kabit, mas bagay pa.Napabuntong-hininga ako at naglakad palabas papunta sa garden. Ayokong umakyat. Hindi so

  • Revenge in Uncle Saint's Bed   CHAPTER 1

    ASHANTI’S P.O.V.NAPABALIKWAS AKO NANG MARAMDAMAN KO ANG MALAMIG NA TUBIG NA BUMUHOS SA BUONG KATAWAN KO.Naputol ang bangungot ko at agad akong napadilat. Nanlalabo pa ang paningin ko nang makita ko si Grant sa paanan ng kama, nakatayo habang hawak ang isang timba. Naka-roll up ang manggas ng polo niya hanggang siko at nakakunot ang noo habang nakatitig sa akin.“G-Grant—”“I’ve been calling you nonstop and you didn’t even bother answering!”Galit niyang inihagis ang timba sa direksyon ko. Mabilis akong nakaiwas kaya tumama iyon sa unan sa likod ko.“N-Natutulog ako… nakita mo naman—”“At fucking eleven in the afternoon?!” sigaw niya.Napayuko na lang ako. Wala ring saysay ang kahit anong paliwanag ko. Sa bahay na ito, iisa lang ang tama—at si Grant iyon.“Get off the bed,” malamig niyang utos. “Ayusin mo ang sarili mo. My parents are coming over for lunch. I don’t care how you do it, just make yourself look decent. Ayokong mapahiya.”Napatingin ako sa mga pasa at galos na bumalot sa

  • Revenge in Uncle Saint's Bed   PROLOGUE

    "HMMM, SINO KA BA—" Hindi ko na naituloy ang mga sasabihin ko nang bigla ay marahas akong halikan ng estrangherong ngayon ay nakadagan na sa akin sa ibabaw ng malambot na kama. Nanlaki lang ang mga mata ko saglit bunga ng gulat, pero mayamaya ay napapikit na lang din ako at kusa nang nadala sa sensasyon. Masarap humalik ang lalaking ‘yon, idagdag pa ang kamay n’ya na naglalakbay sa katawan ko. This man surely knows the proper hand placement as if he’s an expert.“Sshh, stop talking, baby girl. Don’t ask. What matters now is that you’re mine. At least tonight,” bulong ng lalaki sa mismong tainga ko at marahang ‘yong hinalikan, dinilaan, at bahagya pang kinagat.Napaigtad ako nang sabay kong maramdaman ang kiliti at kaunting hapdi. Alam kong mali ang nangyayari. Ikakasal na ako bukas at hindi ko kilala ang lalaking kasama ko ngayon. Pero hindi ko magawang lumaban o magprotesta man lang. Hindi dahil lang sa lasing ako, kundi dahil sa katotohanang gusto ko rin ang ginagawa sa akin ng lal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status