Share

CHAPTER 3

Author: Postremus
last update publish date: 2026-04-11 12:51:49

ASHANTI’S P.O.V.

PAGKATAPOS NI HAILEY, SUNUD-SUNOD NA ANG MGA BABAENG DINADALA NI GRANT SA BAHAY.

May iba-iba siyang kasama kada linggo. Minsan bago, minsan inuulit niya ang dati. Pero iisa lang ang ibig sabihin ng lahat—harapan niya akong niloloko, at wala siyang pakialam kung masaktan man ako.

Sa pagdaan ng panahon, nasanay na rin ako

Hindi ko naman siya mahal, at kung tutuusin, mas mabuti nang sa ibang babae niya ibuhos ang init niya kaysa ako ang pagdiskitahan niya gabi-gabi. Tuwing may inuuwi siyang iba, nababawasan ang mga gabing ako ang binubugbog niya o ginagawang parausan sa kama.

Kaya kahit papaano, nagpapasalamat pa ako sa mga babaeng dinadala niya.

Nasanay na akong tuwing hapon, pag-uwi niya mula sa kumpanya, lasing siya at may nakakapit na babae sa braso niya. Pero iba ang dating niya nang araw na iyon.

Maayos ang lakad niya. Hindi siya amoy alak. Wala ring kasamang babae. At higit sa lahat, alas-kuwatro pa lang ng hapon—mas maaga kumpara sa madalas niyang hating gabi na pag-uwi.

“Fix yourself,” malamig niyang utos. “We’re going to your mother’s house.”

Nanlaki ang mga mata ko.

“T-Totoo ba?”

“You heard me.” Inirapan niya ako. “Kaya ka nasasabihang tanga, eh. Paulit-ulit."

Hindi ko na pinansin ang pang-iinsulto niya. Ang mahalaga lang sa akin ay ang narinig ko.

Makikita ko na ulit si Mommy!

Halos dalawang buwan na rin mula nang huli ko silang makita.

Paakyat na sana ako nang bigla niya akong hinablot sa braso. Napasinghap ako sa sakit dahil natamaan niya ang pasa ko.

Mabilis naman siyang bumitaw na parang napaso.

“Don’t make a scene,” babala niya. “At huwag kang magsusumbong. Dahil kapag ginawa mo—”

“Alam ko na 'yan,” putol ko. “At huwag kang mag alala, hindi ako magsusumbong.”

Nginitian ko pa siya bago ako umakyat.

Hindi naman talaga ako magsusumbong. Una, ayokong mag-alala si Mommy. At pangalawa, kahit magsalita ako, baka hindi rin sila maniwala.

Sa mata ng lahat, si Grant ang perpektong asawa. Gwapo. Mabait. Responsable.

Walang makakaisip na halimaw siya kapag kami lang dalawa.

Mabilis akong nag-ayos at hindi ko namalayang lumipas ang oras sa sobrang excitement ko.

Habang nasa biyahe kami, halos hindi ako mapakali sa saya.

Pagpasok namin sa loob, agad kaming sinalubong ni Mommy Glydel at ni Ate Trinity.

“Mommy! Ate!” halos maiyak kong tawag. “Na-miss ko kayo—”

Pero hindi ako ang niyakap nila. Si Grant.

“Kamusta ka na, anak?” malambing na tanong ni Mommy kay Grant habang hawak ang mukha nito. “Hindi ka ba pinapahirapan ni Ashanti?”

“Oo nga,” dagdag ni Ate Trinity habang tumatawa. “Hindi naman siya masamang asawa, ’di ba? Bawal kasi ang return and refund dito!"

Tumawa si Grant at inakbayan ako.

“She’s the best wife,” sabi niya. “We’re very happy together. Right, sweetheart?”

Hinalikan niya pa ako sa sentido.

“Y-Yes,” pilit kong sagot. “Masaya po kami.”

“Mabuti naman,” sabi ni Mommy na tila walang pakialam sa akin. Pero nang bumaling kay Grant ang tingin niya, muling lumambot ang mukha niya. “Tara na, anak! Naghanda ako ng maraming pagkain!”

Hinila niya si Grant papunta sa dining room.

Naiwan kami ni Ate Trinity.

Ngumiti ako. “Ate, na-miss ko talaga kayo—”

“Walang naka-miss sa’yo rito,” putol niya agad. “Ewan ko nga ba bakit ka pa sinama ni Grant."

Parang may sumaksak sa dibdib ko. Pero ngumiti pa rin ako kahit masakit.

Joke lang naman siguro ang sinabi niyang iyon. Siguro.

Pagpasok ko sa dining room, agad akong napatingin sa mesa. Unti-unting nawala ang ngiti ko. Punung-puno nga ng pagkain ang mesa—pero lahat ng nandoon, hindi ko puwedeng kainin.

“What is it, sweetheart? May problema ba?” tanong ni Grant nang mapansin ang mukha ko.

“A-Allergic ako sa hipon… peanuts… bagoong…” mahina kong sabi. “Hindi ako kumakain ng jalapeno at ayoko rin ng orange juice.”

“Arte mo naman,” singhal ni Ate. “Edi huwag kang kumain.”

Napatingin ako kay Mommy. Inaasahan kong pagsasabihan niya si Ate.

Pero wala.

Pinagsandok lang niya si Grant at inasikasong parang hari.

“I can’t eat if Ashanti has nothing,” kunwaring sabi ni Grant.

“Okay lang ’yan!” sagot agad ni Mommy. “Ako nang bahala sa anak ko.”

Iniabot niya sa akin ang cellphone niya. “Mag-order ka na lang ng gusto mo.”

Pagkatapos noon, binalikan niya ulit si Grant.

Tahimik akong naupo. Nagsimula silang kumain. Nagtatawanan at nagkukwentuhan pa. Parang wala ako. Parang hangin lang na hindi nila nakikita.

“Grant, anak… nakita mo ba ’yung bagong labas na kotse? Ano nga ulit pangalan no’n? Au... Auro...”

“Aurelius Aeterna S?”

“AYON!” sabay na sigaw nila ni Ate.

“Ang ganda no’n,” sabi ni Mommy. “Bet ko gray.”

“Pink gusto ko! Soft aesthetics, sobrang girly vibes,” singit ni Ate.

Napapikit ako.

Kilala ko sila. Alam kong nagpaparinig sila. Gaya ng dati, gusto na naman nilang makuha ang bagay na gusto nila nang hindi pinaghihirapan.

“Don’t worry,” sabi ni Grant. “Mom gets gray. Trinity gets pink.”

Halos mapatalon sila sa tuwa. Halos sambahin nila lalo si Grant.

Napangiti ako nang mapait. Hindi ako ang gusto nilang makita. Si Grant ang gusto nila dahil ito ang nagbibigay ng gusto nila.

Huminga ako nang malalim at tumayo.

“Sweetheart?” tawag ni Grant.

“Sa kotse na lang ako,” sabi ko. “Hintayin na lang kita.”

“No,” agad niyang sabi. “If you go, I go too.”

Nagpaalam si Grant kina Mommy at Ate na halatang parehong nalungkot. Pero hindi man lang nila ako nilingon. Niyakap ulit nila si Grant pero hindi ako.

Pagpasok ko ng sasakyan, doon ako tuluyang umiyak.

Buong biyahe, tahimik lang akong humahagulgol.

Two months. Dalawang buwan kaming hindi nagkita. Pero hindi man lang nila ako kinamusta.

“Do you finally realize it now? You have nothing aside from me," nang uuyam na saad ni Grant.

Mas lalo akong umiyak.

Sa unang pagkakataon, napaisip din ako. Paano kung tama siya? Paano kung pinakasal lang talaga ako ni Mommy kay Grant dahil may pakinabang sila rito?

Paano kung kaya lang siya naging mabait noon, dahil gusto niya akong ibenta at gamitin para makuha ang mga luho nila?

Hindi ko na namalayan ang oras. Naramdaman ko na lang na huminto na sa pagtakbo ang sasakyan.

“Did you lock the door before we left?”

Napatingin ako sa front door ng bahay. Nakasara ito pero bukas lahat ng ilaw sa loob—bagay na ino-off ko sa tuwing umaalis kami.

Nanlamig ako.

“O-Oo… sigurado akong ni-lock ko ’yan kanina—”

“Shit.”

Mabilis niyang binuksan ang glove compartment at kumuha ng baril.

Nanlaki ang mga mata ko.

“Grant—”

“I’d rather kill than be killed.”

Lumabas siya agad ng kotse.

Kahit nanginginig ako sa takot, sumunod ako. Humablot pa ako ng flower vase bilang depensa.

Nasa front door pa lang, dinig ko na agad ang ingay na nagmumula sa kusina.

“You?! What the hell are you doing here?!” sigaw ni Grant.

Dali-dali akong tumakbo papunta roon. Natigilan ako sa bumungad sa akin.

May isang lalaki sa kusina—nakaupo lang siya nang kalmado, umiinom ng kape na parang bahay niya iyon.

Nakatutok ang baril ni Grant sa kanya pero parang wala siyang pakialam.

Dahan-dahan siyang tumingala at ngumisi ng mapanukso. Mapanganib.

“Is that what passes for greeting your uncle these days? Hm? Brutal and… positively grating. Such a mess you make of even the simplest things.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Revenge in Uncle Saint's Bed   CHAPTER 5

    ASHANTI’S P.O.V.HINDI NA KAMI NAGKITA ULIT NI UNCLE SAINT MATAPOS ANG HAPUNAN NA ‘YON. TAHIMIK ANG BUONG BAHAY KINAGABIHAN, AT SA WAKAS AY NAKATULOG AKO NANG MAHIMBING—ISA SA IILANG GABING WALANG SIGAW, WALANG SAKIT, AT WALANG TAKOT.Pero bandang alas-dose ng hatinggabi, nagising ako.Tuyo ang lalamunan ko. Wala ring tubig sa mini ref sa kwarto, kaya napilitan akong bumaba.Pagdating ko sa sala, naabutan ko siya—si Uncle Saint—nakaupo sa couch, mag-isa, may hawak na baso ng alak.“Gising ka pa pala,” saad niya nang mapansin ako.Ngumiti lang ako ng tipid. “Nagising lang. Wala kasing tubig sa taas.”“Care to join me?” tanong niya, saka bahagyang napangisi. “Oh wait… baka hindi ka umiinom. You look too young. Sigurado ka bang asawa ka ni Grant at hindi anak niya?”Hindi ko siya pinansin. Tatalikod na sana ako, pero mabilis siyang tumayo at lumapit.Hinawakan niya ang braso ko.“You look familiar,” bulong niya. “Hindi ko lang maalala kung saan kita nakita.”Kinakabahang napaharap ako sa

  • Revenge in Uncle Saint's Bed   CHAPTER 4

    ASHANTI’S P.O.VNANLAKI ANG MGA MATA KO.Uncle?Bago pa ako makapag-isip, nagtagpo ang mga mata namin. At biglang huminto ang mundo ko. Nanlamig ang buong katawan ko.Kilalang-kilala ko ang mga matang iyon. Ang boses na iyon... Hindi ako pwedeng magkamali.Hindi ko man makita nang maayos ang mukha niya noon, alam kong siya iyon. Siya ang lalaking nakasama ko noong gabing nagpakalasing ako sa bar...Nang makita niya ang reaksyon ko, lalo pang lumawak ang ngisi niya. Parang kilala niya rin ako.“Interesting…” bulong niya habang nakatitig sa akin. “Well, well… what a surprise.”At sa mismong sandaling iyon, tanggap ko na—mas lalo pang gugulo ang buhay ko.Sa kabila ng panlalamig ay nagawa ko pa ring obserbahan siya. Matangkad, moreno, matipuno, at halatang sanay magdala ng sarili. Kung si Grant ay may mukha ng isang malinis at maamong anghel, ang lalaking ito naman ay parang kabaliktaran—mas matapang ang dating, mas delikado ang aura, at mas… nakakabighani.Kung ako ang tatanungin, mas g

  • Revenge in Uncle Saint's Bed   CHAPTER 3

    ASHANTI’S P.O.V.PAGKATAPOS NI HAILEY, SUNUD-SUNOD NA ANG MGA BABAENG DINADALA NI GRANT SA BAHAY.May iba-iba siyang kasama kada linggo. Minsan bago, minsan inuulit niya ang dati. Pero iisa lang ang ibig sabihin ng lahat—harapan niya akong niloloko, at wala siyang pakialam kung masaktan man ako.Sa pagdaan ng panahon, nasanay na rin akoHindi ko naman siya mahal, at kung tutuusin, mas mabuti nang sa ibang babae niya ibuhos ang init niya kaysa ako ang pagdiskitahan niya gabi-gabi. Tuwing may inuuwi siyang iba, nababawasan ang mga gabing ako ang binubugbog niya o ginagawang parausan sa kama.Kaya kahit papaano, nagpapasalamat pa ako sa mga babaeng dinadala niya.Nasanay na akong tuwing hapon, pag-uwi niya mula sa kumpanya, lasing siya at may nakakapit na babae sa braso niya. Pero iba ang dating niya nang araw na iyon.Maayos ang lakad niya. Hindi siya amoy alak. Wala ring kasamang babae. At higit sa lahat, alas-kuwatro pa lang ng hapon—mas maaga kumpara sa madalas niyang hating gabi na

  • Revenge in Uncle Saint's Bed   CHAPTER 2

    ASHANTI’S P.O.V.MAY KUNG ANONG MABIGAT NA DUMAGAN SA DIBDIB KO HABANG PINAPANOOD KONG MAGHALIKAN SINA GRANT AT HAILEY SA HARAPAN KO.Hindi ko naman mahal si Grant. Hindi ko rin siya gusto. Pero ang makita siyang may ibang babae—sa mismong harap ko, sa mismong bahay namin—parang may kung anong matalim na tumusok sa puso ko.Hindi ko alam kung selos ba iyon. Galit. O simpleng sakit ng katotohanang wala akong halaga sa taong legal na asawa ko.“We’ll stay in the master’s bedroom for hours,” malamig na sabi ni Grant habang nakaakbay kay Hailey. “Sa kabilang kwarto ka muna. And don't you dare get out, kung ayaw mong malintikan pagkatapos namin."Tumango lang ako kahit gusto kong isigaw lahat ng nararamdaman ko.Bago sila tuluyang umakyat, lumingon pa si Hailey sa akin at kumaway habang nakangiting parang nang-aasar.Napairap ako pagkatalikod nila.Potential investor raw. Potential kabit, mas bagay pa.Napabuntong-hininga ako at naglakad palabas papunta sa garden. Ayokong umakyat. Hindi so

  • Revenge in Uncle Saint's Bed   CHAPTER 1

    ASHANTI’S P.O.V.NAPABALIKWAS AKO NANG MARAMDAMAN KO ANG MALAMIG NA TUBIG NA BUMUHOS SA BUONG KATAWAN KO.Naputol ang bangungot ko at agad akong napadilat. Nanlalabo pa ang paningin ko nang makita ko si Grant sa paanan ng kama, nakatayo habang hawak ang isang timba. Naka-roll up ang manggas ng polo niya hanggang siko at nakakunot ang noo habang nakatitig sa akin.“G-Grant—”“I’ve been calling you nonstop and you didn’t even bother answering!”Galit niyang inihagis ang timba sa direksyon ko. Mabilis akong nakaiwas kaya tumama iyon sa unan sa likod ko.“N-Natutulog ako… nakita mo naman—”“At fucking eleven in the afternoon?!” sigaw niya.Napayuko na lang ako. Wala ring saysay ang kahit anong paliwanag ko. Sa bahay na ito, iisa lang ang tama—at si Grant iyon.“Get off the bed,” malamig niyang utos. “Ayusin mo ang sarili mo. My parents are coming over for lunch. I don’t care how you do it, just make yourself look decent. Ayokong mapahiya.”Napatingin ako sa mga pasa at galos na bumalot sa

  • Revenge in Uncle Saint's Bed   PROLOGUE

    "HMMM, SINO KA BA—" Hindi ko na naituloy ang mga sasabihin ko nang bigla ay marahas akong halikan ng estrangherong ngayon ay nakadagan na sa akin sa ibabaw ng malambot na kama. Nanlaki lang ang mga mata ko saglit bunga ng gulat, pero mayamaya ay napapikit na lang din ako at kusa nang nadala sa sensasyon. Masarap humalik ang lalaking ‘yon, idagdag pa ang kamay n’ya na naglalakbay sa katawan ko. This man surely knows the proper hand placement as if he’s an expert.“Sshh, stop talking, baby girl. Don’t ask. What matters now is that you’re mine. At least tonight,” bulong ng lalaki sa mismong tainga ko at marahang ‘yong hinalikan, dinilaan, at bahagya pang kinagat.Napaigtad ako nang sabay kong maramdaman ang kiliti at kaunting hapdi. Alam kong mali ang nangyayari. Ikakasal na ako bukas at hindi ko kilala ang lalaking kasama ko ngayon. Pero hindi ko magawang lumaban o magprotesta man lang. Hindi dahil lang sa lasing ako, kundi dahil sa katotohanang gusto ko rin ang ginagawa sa akin ng lal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status