Share

Chapter 68

Chantria

Humigop ako sa baso ko na may kape bago humarap kay Iwatani. Narito kami sa sala para ipakilala sa ‘kin ang mga importanteng tao sa mundo ng business. Ito ang unang hakbang sa gagawin kong paghihiganti.

Syempre, kailangan kong malaman kung sino ba ang mga makakabangga ko. Hindi naman pwedeng bangga lang ako nang bangga nang walang alam.

“First of all, ang Zima Company. Ang kompanya ng dad mo.” Aangal na sana ako pero hindi niya ako hinayaan. “Kahit na ikaw ang tagapagmana nito, alam kong hindi mo pa kilala ang lahat ng mga tauhan ng dad mo. Tama ba?”

Napaisip naman ako pero tama nga siya. Wala akong kilala. Alam kong si Joaquin ang sekretarya ni dad noon pero nang mawala siya ay hindi ko na alam kung sino ang pumalit. Miski ang member ng boards ay hindi ko pa opisyal na na-meet dahil din sa nangyari.

Nilapag niya ang litrato ni dad sa mesa na agad kong dinungaw. “Philippio Geronimo Zima. Ang presidente at CEO ng Zima Corp. As you may know, may mga pag-aari siyang hotels, res
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status