Book 1 of 3 Chantria Yvonne Zima is the first heiress of the Zima family and the eldest of the triplets. But before she can even inherit them all, her father instructs her to fly over to the Philippines and hide. Before she can even reveal her face to the public, she is forced to change her identity to prevent their family’s enemies from coming after the heiress. But when someone close to her dies because of that, she can’t just stand idle and let their enemies do what they want. She will avenge her, no matter what anyone says. She will hunt the one who killed her sister even to the ends of the world.
View MoreChantria
“Happy Eighteenth birthday!”
Kasabay ng malakas nilang pagbati ay ang pagtama ng mga wine glass namin sa isa’t isa. Nagitla rin ako dahil sa malakas na putok galing sa party poopers sa likod namin pero tinawanan ko na lang. Para tuloy kaming nagce-celebrate ng New Year, hindi ng birthday namin. Ni hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa naming magkaroon ng ganito kagarbong party.
Hindi ako mahilig sa wine pero tinaas ko pa rin ang hawak ko bago iyon tinungga kasabay nila. Miski si Carleigh ay hindi rin mahilig. Kasalukuyan siyang nakaupo sa tabi ko na para bang bored na bored sa buhay. Pero dahil ito ang araw kung kailan legal na kami, hinayaan na namin ang mga sarili na uminom.
Wala namang masama dahil nasa legal na edad na kami. Kahit na noon pa lang ay umiinom na talaga si Chanel kahit menor de edad.
Kasalukuyan na niyang iniinom ang pang-apat niyang baso kumpara sa ‘min ni Carleigh na nakakaisa pa lang. Panglima na nga yata niya. Hindi ko na nabilang.
Napangiwi na lang ako nang malasahan ang wine. Amoy strawberry siya pero lasang medyas na sinawsaw sa suka. Nagulat pa ako dahil hindi ako nagsuka. Hindi ko alam kung paano naiinom ni Chanel ang ganito gabi-gabi. It tastes like sh-t.
Itong si Carleigh naman ay hindi ko alam kung gusto ba ‘yong wine o napipilitan lang din uminom. Her face is just neutral, like the usual, unchanging, and unbothered. Pinapanalangin ko na lang na maging gaya niya ako sa mga ganitong bagay. Mas gusto ko lang talaga madalas ng grape juice o kaya naman ng apple juice. Kahit avocado pa ‘yan.
Naupo ako sa isang bakanteng couch habang pinanonood si Chanel na makipaghuntahan sa mga kaibigan niya. Halos puro kaibigan niya naman ang nandito at si Jackson lang ang inimbitahan ko na kanina pa nakauwi. Itong si Carleigh naman ay ni isa walang pinapunta. Miski sana ang Judo instructor niya ay pinakain niya. Feeling ko talaga ay napilitan lang siya na pumunta rito.
“Hey!” sigaw ni Chanel sa ‘min na halatang-halatang lasing na at hindi na makalakad nang maayos. Wala na rin sa focus ang tingin niya. Kung hindi dahil sa mga kaibigan niya na hawak siya sa braso ay baka kanina pa siya ngumudngod sa sahig.
Pare-pareho silang magkakaibigan. Ang ilan nga sa kanila ay nakangudngod na sa lababo ay nilalabas na ang lahat ng kinain. Mabuti na lang at walang nagkalat sa marble tiles namin dahil paniguradong lagot kami kay daddy.
Natawa ako lalo habang pinanonood sila. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at nagsimulang video-han ang mga pinaggagagawa niya. This is going to be fun, especially when I post this on my social media account later. Isipin ko pa lang ang magiging reaksyon ni Chanel ay napapahagikgik na ako. It’s payback time!
“How is your birthday going?” tanong ko habang pinopokus ang camera sa kaniya. Kinailangan ko ring lakasan ang boses ko dahil sa rock song na tumutugtog. Walang masyadong bahay malapit sa ‘min kaya malakas ang loob naming mag-ingay.
She smiled widely in front of the camera. Her smudged lipstick makes me giggle more. Paniguradong nakipag-make out na naman siya sa jowa niya kanina habang hindi namin nakikita. Kahit sino ang makakita sa video ay paniguradong iyon din ang iisipin. Lagi ko na siyang sinasabihan na bumili ng waterproof na lipstick, or anti-smudge, o kung ano man ang tawag sa mga koloreteng ‘yon.
“It’s superb! This is, like, the best birthday of my life. Ever!”
Tumatawa na rin ang mga kaibigan niya sa tabi niya pagkatapos ay biglang nagsigawan. Hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi nila dahil sa sobrang kalasingan.
Laughing, I said, “You always say that every year on our birthdays. Wala ka na bang ibang gustong sabihin? Something more fun?”
Napaisip siya saglit sa tanong ko habang nakatingin sa kisame. Nang may maalala ay bigla siyang napangisi at natawa nang malakas. “Ben and I broke up a while ago after we made out. He’s a good kisser, you know.”
Napahagikgik pa siya at napakakagat sa labi na para bang ini-imagine ang isang bagay na ayoko na lang alamin.
“Then, why did you break up with him if he’s a good kisser?”
Muli na naman siyang natawa na parang baliw. “Because his d-ck is so small!”
There were a series of ooh! in the crowd after what she said. Ang iba ay napahiyaw na lang habang ako naman ay tawa na nang tawa. Hindi na tuloy steady ang pagkuha ko ng video sa kaniya.
This is so much fun!
Akala ko ay tapos na siyang magsalita pero ang sunod niyang sinabi ang nagpasakit na talaga ng tiyan ko katatawa.
“Ghad, CHantria, it’s so small that I can’t reach my climax whenever we have s-x. It feels better when I finger myself. What am I supposed to do? Girl needs a bigger d-ck!”
Nag-cheer ang lahat ng mga kaibigan niya dahil doon. Mukhang na-eenjoy nila ang show gaya ko. Paniguradong hihilahin ni Chanel ang lahat ng buhok ko kapag nag-post na ako mamaya sa account ko. But who cares? Might as well enjoy it right now.
Mukhang wala na rito ang boyfriend niya dahil hindi ko na nakikita. Baka umalis na kanina nang makipag-break itong si Chanel. She can be harsh sometimes. Well, okay, all the time. But that’s what makes her extraordinary. Hindi siya takot sabihin sa lahat kung ano ang nasa isip niya.
The only downside is that because of it, she doesn’t only make friends, but enemies as well. Anyway, wala naman akong pakialam. I love my sister no matter how evil or how saintly they are.
“Hey, stop it! Tama na ‘yan.” Okay, here comes the saintly sister, none other than Carleigh. “Everyone, go home! The party is over,” sigaw niya sa mga bisita.
I admit, she isn't really a saint when she shouts. It's like a banshee screaming.
Nang marinig nila ang boses ni Carleigh ay automatikong napahinto ang lahat sa pagtatawanan at pag-inom. Wala ni isa sa kanila ang tumutol o kahit anong bakas ng pagtutol kahit na sinasabi ni Chanel na hindi pa tapos ang party. Tinago ko na rin ang phone ko sa loob ng bulsa ko, takot na makita iyon ni Carleigh.
“There’s still the next destination, guys. I still reserved the bar for our next stop!” Hinawakan pa ni Chanel ang braso ng isa sa mga kaibigan niya para pigilan siya pero nang makita ang tingin ni Carleigh at tumalikod na ito at umalis.
“Guys!” Napanguso na lang si Chanel.
In the end, wala siyang napilit. I can’t really blame them. Sobrang nakakatakot talaga madalas ang kapatid namin.
Naiwan kaming tatlo sa napakalaki naming living room na mayroong mga nagkalat na bote at mga kalat na kailangang linisin.
This is what I hate the most after parties–the cleaning.
“Let’s wash you up and go to bed,” ani Carleigh kay Chanel. Hinawakan niya nang mabuti si Chanel sa pagitan ng mga braso niya bago iginaya sa loob ng banyo.
“Okay,” Chanel shouts, “the three of us will continue the party. Yay!”
Mas lalo lang akong napailing sa kaniya bago nagsimulang maglinis ng mga kalat namin dahil wala naman kaming katulong.
Growing up, this was one of the things our mother taught us. Hindi kami gumagastos ng pera sa mga bagay na kaya naman naming gawin nang kami lang. Hindi namin ginagawang sentro ng buhay namin ang pera.
And I have to admit, it kind of feels fulfilling on my part na malamang kaya naming alagaan ang mga sarili nang hindi umaasa sa kahit ano.
ChantriaDahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko pero agad rin napapikit dahil sa sakit ng ulo ko. Pero nang bumalik sa ‘kin ang lahat ng nangyari ay mabilis akong bumangon mula sa kama ko. Hindi ko na ininda pa ang kumikirot kong sentido dahil isa lang ang gusto kong makita ngayon.“Carleigh!” bulalas ko nang makarating ako sa sala ng bahay namin ni Chanel. Sabay na napalingon sa ‘kin sina Chanel at Iwatani na naglalaro ng xbox. Agad na hininto ni Iwatani ang nilalaro nila para kausapin ako.“She’s in the kitchen,” sagot ni Chanel. “She said she wanted to cook for you.”Hindi ko na tinapos ang sinasabi niya at kumaripas na ng takbo sa kusina. There I saw her back turned on me. Naghahalo siya ng kung ano sa kawali. Muli na namang tumulo ang luha ko sa mga mata. I can’t believe that she’s really here. Hindi panaginip ang lahat. Nandito nga siya sa harap ko.“Carleigh…”Napaharap siya saglit, gulat sa biglaan kong pagsasalita. “Chantria, you’re awake. Okay na ba ang pakiramdam mo? Na
Chantria “Woah! Woah! Calm down, princess,” ani Lance habang nakataas ang dalawang kamay sa ere. “Ang sabi mo kaibigan mo si Iwatani. You lied to me!” “Hindi ako nagsinungaling, binibini. Best friend ko si Iwatani.” “Kung kaibigan mo siya, bakit mo kasama ang isang ‘to?” Tinutok ko ang baril kay Gab na kalmado lang na nakatayo malapit sa isang sasakyan. Nakasandal pa siya roon habang nakatitig sa ‘kin na para bang hindi siya natatakot sa hawak ko. “Si Isaac? Bakit? Hindi ko siya best friend pero kaibigan ko rin siya. Kilala mo ba siya?” “Hindi ko lang siya kilala. Kilalang-kilala ko siya.” Napatingin siya sa kaibigan niya nang nagtatanong kaya sumagot si Gab. “Siya si Chantria, Lance. O mas kilala mo bilang si Seanne.” Nalaglag ang panga ni Lance at tila naestatwa sa kinatatayuan niya. “Ito ‘yong babaeng kinababaliwan mo? Hindi ko inaasahang ganito pala ang tipo mo.” Sinubukan kong huwag magpaapekto sa sinabi ni Lance. Baka nagsisinungaling siya. Hindi. Tiyak na nagsisinungali
Chantria Matapos ang mahabang araw ko sa trabaho ay dumeretso ako sa bahay namin ni Chanel. And yes, we’re still living together. Iyon nga lang, madalang kaming magkita bukod sa umaga bago pumasok. Pero nagulat ako dahil ang aga niyang nakauwi ngayon. “You’re early,” bungad ko. Sumalampak din ako sa sofa at dumukot ng kinakain niyang chichirya. “Para bago naman. I need a break.” Saglit kaming natahimik habang nanonood sa TV nang bigla siyang magsalita. “I heard the one who killed Carleigh is caught.” Mahina ang boses niya, sapat lang para marinig ko. “I don’t know yet. Pero ayon kay Lorreine, may kinalaman ‘yong lalaking nahuli nila sa nangyari. Hindi ko alam kung siya na ba ‘yong pumatay o may iba pa.” “Bakit parang nagdadalawang isip ka pa? This is what we’ve been waiting for, right? Ang mahanap ang killer.” “Hindi ko alam. I don’t think I can face him yet.” Pinatay niya ang TV bago ako hinarap. “Let me ask you something. Ano bang gusto mong gawin? Anong paghihiganti ba ang p
Chantria Binaba ko ang cap na suot ko para itago ang mukha ko kahit papaano. In-adjust ko rin ang pekeng salamin ko para makita nang maayos ang dinadaanan. Nagpatuloy ako sa pagtulak ng mga gamit panglinis papunta sa elevator. May ilan akong nakasabay na binati ko. Binati naman nila ako pabalik ngunit hindi na nang-usisa pa. I need to act as natural as possible. Ayokong mahuli ako matapos ang lahat ng ginawa ko para lang sa misyong ‘to. Hindi ako aalis sa hotel nang wala akong nakikitang ebidensya laban sa kanila. Nang makarating ako sa ikalabing-dalawang palapag ay bumaba na ako. Patuloy kong tinutulak ang mga panlinis papunta sa room ni Gab. Tumingin muna ako sa kanan at kaliwa bago pinasok ang card at nag-swipe. Pigil-hininga ko pa ‘yong ginawa hanggang sa tumunog ang lock hudyat na bumukas na ang pinto. Maaasahan talaga si Lorreine sa mga ganitong gawain. At tiyak naman babatukan ako ni Chanel kapag nalaman niya ‘to. Iwatani doesn’t want me to do these things too kaya hindi
ChantriaTulala ako habang nakatingin sa kawalan. Hindi pa rin mawala sa ‘min ang naging tagpo sa 7/11 kanina. Hindi ako makapaniwalang nakita ko ulit siya matapos ang maraming buwan.And he was not looking for me, he said. Hindi siya magpapakita kung ayaw ko siyang makita. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa sinabi niyang ‘yon o ano. But one thing is for sure, he still loves me. Chanel is right. He loves me. Well, hindi siya sigurado kung mahal ba talaga niya ako o hindi pero sabi niya, hindi nagbago ang nararamdaman niya.There’s something inside me, hoping na sana ay nagsasabi siya ng totoo. May parte sa ‘kin na naniniwalang wala talaga siyang kinalaman sa kung ano man ang ginagawa ng dad niya. Naipit lang siya.Ngayon, I just have to wait. Maghintay sa kung ano man ang plano niyang gawin. Hindi ko alam kung anong klaseng plano ang gagawin niya, but I will believe in him.“Akin na nga lang ‘yang ice cream mo.” Hinablot na ni Chanel ang hawak kong ice cream bago pa ako maka
Chantria“Congratulations on passing the interview,” ani HR manager na si Ma’am Dianne Guttierez. “From here on out, you’ll be assigned to different leaders to guide you. I want to introduce to you Miss Anna Marshall, the head of the marketing department.”Nagpakilala naman ang isang matangkad na babaeng may suot na eyeglasses. Matapos n’on ay pinakilala sina Lorreine at Louella na silang magiging apprentice ni Miss Marshall.“And Miss Yao Lu, the head of the general management.” Siya naman ‘yong mas maliit na babae na may suot ding eyeglasses pero mas makapal.Tumango naman kami ni Chanel nang tawagin niya ang pangalan namin. Sa kaniya kami naka-assign. Tanging si Ma’am Dianne lang ang nakakaalam kung sino kaming dalawa ni Chanel para na rin maiwasang ang favoritism sa kompanya. Ayaw rin namin magkaroon ng priviledge sa pagiging apprentice namin dito. Malaki na ngang tulong na nakapasok kami rito kahit na magkokolehiyo pa lang kami. Ayaw naman naming sagarin ang impluwensya namin. M
Chantria“Bakit naman gulat na gulat ka na makita ako?” tanong niya. “I told you I’m coming today, right? Nakalimutan mo ba?”Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti pero hilaw ang kinalabasan n’on. “I–I’m just… yeah. I forgot.”Mahina siyang natawa. “That’s okay. I’ll wait for you here para makapag-ayos ka. We’re going somewhere, and you’re going to love it.”Tumalikod siya at akmang babalik sa sasakyan niya nang tawagin ko siya. Humarap siya sa ‘kin nang may nagtatanong na tingin.“What? May problema ba?” He ambled near me. Inilahad niya ang kamay niya sa ‘kin pero hindi ko ‘yon tinanggap.“Let’s not go today. I’m not feeling well.”Hindi niya pinansin ang hindi ko pagtanggap sa kamay niya at hinawakan na lang ang noo ko. “You don’t have a fever. Pero kung masama ang pakiramdam mo, let’s go there next time. Teka at bibilhan kita ng gamot.”Before I could stop him, nakaalis na siya. Napabuntonghininga na lang ako bago pumasok sa loob. Kailangan kong makaisip ng paraan para mapaalis siya
ChantriaHumigop ako sa baso ko na may kape bago humarap kay Iwatani. Narito kami sa sala para ipakilala sa ‘kin ang mga importanteng tao sa mundo ng business. Ito ang unang hakbang sa gagawin kong paghihiganti. Syempre, kailangan kong malaman kung sino ba ang mga makakabangga ko. Hindi naman pwedeng bangga lang ako nang bangga nang walang alam.“First of all, ang Zima Company. Ang kompanya ng dad mo.” Aangal na sana ako pero hindi niya ako hinayaan. “Kahit na ikaw ang tagapagmana nito, alam kong hindi mo pa kilala ang lahat ng mga tauhan ng dad mo. Tama ba?”Napaisip naman ako pero tama nga siya. Wala akong kilala. Alam kong si Joaquin ang sekretarya ni dad noon pero nang mawala siya ay hindi ko na alam kung sino ang pumalit. Miski ang member ng boards ay hindi ko pa opisyal na na-meet dahil din sa nangyari.Nilapag niya ang litrato ni dad sa mesa na agad kong dinungaw. “Philippio Geronimo Zima. Ang presidente at CEO ng Zima Corp. As you may know, may mga pag-aari siyang hotels, res
Chantria“So, who’s the other guy?” tanong niya habang nakatingin sa mga kaibigan ko na mukhang nakahinga na rin nang maluwag nang makitang hindi na tumataas ang tensyon sa pagitan naming dalawa.Napatingin ako sa mga kaibigan ko dahil hindi ko sigurado kung sino ang tinutukoy niya. “Who? Iwatani?”“The other one. The cute one.” Naningkit ang mga mata ko dahil parehong cute sina Iwatani at Gab. “The new one. I already met that Japanese-looking guy. The other one. The Spanish-looking one.”Napatango naman ako. “That’s Gab. My boyfriend.”Napataas ang isang kilay niya sa dereksyon ko. “I thought the other one was your boyfriend.”“No, he’s not. He’s my bodyguard. What about that guy? Your boyfriend?”Napairap siya. “My bodyguard, Chantria. Hindi lang ikaw ang binigyan ni dad ng bodyguard. And he’s annoying. There’s no way in hell he’s my boyfriend.”Natawa naman ako sa sinabi niya. “You two look cute together.”Napangisi naman siya dahil sa sinabi ko. “You and your bodyguard look cute t
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments