ChantriaNapadilat ako nang maramdamang may tumatapik sa pisngi ko. Dahan-dahan ang naging pagdilat ko hanggang sa maaninaw ko ang nag-aalalang mukha ni Carleigh. Nang ilibot ko ang tingin sa paligid ay roon ko napagtantong hindi iyon isang panaginip.Nasa labas na ako ng nakataob na sasakyan habang si Carleigh naman ay pilit hinihila palabas si Chanel na wala pa ring malay hanggang ngayon. Doon ko naramdaman ang sakit sa buong katawan ko. Ni hindi ko alam kung ano ang parting masakit dahil pakiramdam ko ay may sugat ako sa buong katawan.Sinubukan kong tumayo ngunit sumigaw lang ang katawan ko dahil sa sobrang sakit kaya muli akong napahiga sa damuhan. In-adjust ko ang paningin ko dahil wala na iyon sa pokus. Nanlalabo na rin ito at para bang ilang segundo lang ay mawawalan na naman ako ng malay.Honestly, gusto ko na lang pumikit at matulog dahil sa sobrang bigat ng katawan ko. But I know that I shouldn’t. Something’s wrong. I can feel it. Iyong tingin pa lang kanina ni Carleigh sa
Chantria“Run!” sigaw ni Carleigh bago may hinugot sa tagiliran at nagpaulan ng putok ng baril.Napatili na lang ako bago tinakpan ang mga tainga ko. Inakay ko si Chanel kahit na sobrang bigat niya.Tama pala sila. Iba talaga kapag adrenaline na ang pinag-uusapan. Kahit isang malaking refrigerator pa ang buhatin ay kakayanin mo. I didn’t know that with my small built ay makakaya kong buhatin si Chanel na halos ilang pulgada rin ang tangkad sa ‘kin.I could hear the reverberating of the gun around me. Hindi ko na alam kung saan nanggagaling ang namamaril. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong makaalis doon kasama si Chanel. I also wanted to drag Carleigh out of there, but I know that I can’t. Alam ko kung gaano katigas ang bungo ng kakambal ko.Hindi ko namalayang katabi ko na pala si Carleigh at tinutulungan akong buhatin si Chanel. Sa sobrang kaba ko ay tanging daan na lang ang nakikita ko.“I need you to get out of here, Chan,” ani niya. “Take Chanel with you. Sa dulo ng daan na
ChantriaUnti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Nang makapag-adjust ang paningin ko ay saka ko nilibot ito sa paligid. Everything’s white and quiet. Ang tanging naririnig ko lang ay ang maingay na pag-beep ng isang makina.Ilang beses ko na bang napanood ang ganitong senaryo sa isang pelikula? Ilang beses ko na bang sinabi sa sarili ko na nakaka-bored na ang ganitong senaryo dahil paulit-ulit na lang? Hindi ko na maalala. At ito ako, tila isang bida sa isang pelikula. Isang pelikula na pinananalangin kong isang malaking panaginip na lang.Tiningnan ko kung sino ang nasa katabing kama ko. Doon ko nakitang wala pa ring malay si Chanel. Kaming dalawa lang ang nasa loob ng isang kwartong ‘to. Sinubukan kong tumingin sa kabilang banda ng kama ko, nagbabaka sakaling naroon si Carleigh.Mabilis na tumulo ang luha ko. I don’t want to assume, but my tears won’t stop from falling. Hirap akong bumangon mula sa pagkakahiga at tinanggal ang mga nakakabit na kung ano sa ‘kin. Agad kong tinakpan an
Chantria“Chantria…”Dinig ko ang malumanay at pagod na boses ni dad sa likod ko. Pero kahit ganoon ay hindi ko pa rin inalis ang tingin kay Chanel.Why isn’t she waking up? May nangyari ba sa kaniya na hindi ko alam? May malalim ba siyang natamo dahil sa nangyari at hindi lang sinasabi ni dad?“You need to eat or drink something. You’ll drain yourself.”Imbis na harapin at sagutin siya, I said, “Bakit hindi pa rin gumigising si Chanel, Dad? She needs to wake up. Kakain lang ako kapag nakita kong kumakain na rin siya. I won’t be able to swallow the food, thinking that Chanel hasn’t eaten anything yet. I won’t forgive myself if anything happens to her too because of me.”Narinig ko ang pagbuntonghininga niya bago nilapag ang tray na naglalaman ng pagkain sa side table ng kama ko. Ni hindi ko matingnan kung ano ang laman n’on. Hinila niya ang isa pang upuan at itinabi iyon sa ‘kin.Bago magsalita ay hinarap niya ako sa kaniya kaya wala akong nagawa kung hindi ang tanggalin ang tingin k
ChantriaDahil sa sobrang pagwawala at pag-iyak ni Chanel ay ako na ang kusang umalis sa loob ng kwarto. I asked dad to place me at a different room. At kahit na nagdadalawang isip ay wala na rin siyang nagawa.Ang sabi niya ay pahupain muna namin ang galit ni Chanel. But I know, this time, that her anger won’t stop anytime soon. Ang tanging makapagpapatigil lang sa galit niya sa ‘kin ay kung babalik si Carleigh. And I wish she would.I don’t know what to do without her. I don’t know if I can live without her. I love her. I miss her. And I can’t imagine a world without Carleigh in it.Habang nakahiga sa hospital bed ko, hindi ko maiwasang mag-overthink. What if ako na lang ang nawala at hindi na si Carleigh? Maybe everything would be okay for them, especially for Chanel. Siya naman kasi talaga dapat ang magmamana sa kompanya. May pangarap din siya na pwede niyang gawin any time after inheriting dad’s company. Kahit na tumanda na siya ay kaya niya pa ring gawin ‘yon.What about me? I d
ChantriaSa buong byahe, sinubukan kong matulog. Pero sa tuwing pipikit ako ay mas lalo lang dumarami ang mga bagay na naiisip ko. Masyado lang dumarami ang gumugulo sa isip ko.Kaya naman pinasak ko ang earphones ko sa tainga at nakinig na lamang ng tugtugin. Nakadungaw lang ako sa labas ng bintana habang nakasakay sa eroplano. Halos fifteen hours din ang magiging byahe ko kaya naman inabala ko ang sarili sa pakikinig ng musika, sa pagbabasa at paglalaro sa phone.Halos buong byahe yatang natutulog itong katabi ko. I can’t help but feel envious. Sana all na lang nakakatulog talaga. Magmula noong insidente ay wala pa akong matinong tulog.When I looked in the mirror, there were eyebags underneath my eyes. Pero imbis na pansinin iyon ay para bang wala na lang sa ‘kin. Ako rin naman ang may kasalanan kung bakit mukha akong panda ngayon. Kapag nakita ‘to ni Chanel ay tiyak aasarin na naman niya ako.Napatigil ako sa nilalaro ko nang maalala siya.Wala na nga palang mang-aasar sa ‘kin. Wa
Chantria Nang makababa ako nang sasakyan ay hinarap ko si Iwatani. Muli na namang nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa ‘kin. Kailangan ko na tuloy sigurong masanay dahil mukhang suplado ang isang ‘to. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maalala sa kaniya si Joaquin. Ang pinagkaiba ay mestiso siya at itong hapon na ‘to ay kayumanggi. "We haven't formally met," sabi ko kay Iwatani bago nilahad ang kamay. "I'm Seanne. And you are?" Napaka-cold ng tingin niya sa 'kin. Para bang tumatagos ang bawat titig niya. Hindi seryoso ang isang 'to gaya ng sabi ni dad. Masungit siya. "I know. You already know my name. Hindi mo na kailangang magpakilala at ganoon din ako. Narito ako para bantayan at protektahan ka, hindi para makipagkaibigan." Napaawang ang mga labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. He's rude! "It's not like I want to be friends with you! Gusto ko lang makipagkilala dahil simula ngayon, whether you like it or not, we're going to be together. Kun
ChantriaBuong umaga ko yatang kinakalbo ang damo rito sa bakuran ko dahil sa lalaking ‘yon. Paano ko maiintindihan ang gusto niyang sabihin kung hindi siya magsasalita? Hindi naman ako manghuhula!Nakakairita ang ugali niya. Ibang-iba sa ugali ng nanay at tatay niya. Kaunti na lang talaga ang makukumbinsi na akong ampon siya.Nang makapananghalian ay si Aling Tryna naman ang kumatok at pinagdala ako ng pagkain. Nahihiya kong tinanggap ang isang mangkok ng adobo bago siya pinatuloy sa bahay ko.“Hindi na po dapat kayo nag-abala pa, Aling Tryna.” Pinaupo ko siya sa sofa. “Mabubuhay naman po ako sa mga de lata na nabili ko kanina riyan sa tindahan. I’m not picky with foods.”“Ano ka ba naman. Hindi ka dapat masanay kumain ng mga preservatives na ‘yan. Hindi maganda sa kalusugan. At saka nagluto talaga si Iwatani ng marami para bigyan ka. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong para sa ‘yo ‘yan.”May kung anong sumipa sa tiyan ko dahil sa narinig. “Pinagluto po ako ni Iwatani?”“Oo. Pasens