Share

Chapter 8

Chantria

Napadilat ako nang maramdamang may tumatapik sa pisngi ko. Dahan-dahan ang naging pagdilat ko hanggang sa maaninaw ko ang nag-aalalang mukha ni Carleigh. Nang ilibot ko ang tingin sa paligid ay roon ko napagtantong hindi iyon isang panaginip.

Nasa labas na ako ng nakataob na sasakyan habang si Carleigh naman ay pilit hinihila palabas si Chanel na wala pa ring malay hanggang ngayon. Doon ko naramdaman ang sakit sa buong katawan ko. Ni hindi ko alam kung ano ang parting masakit dahil pakiramdam ko ay may sugat ako sa buong katawan.

Sinubukan kong tumayo ngunit sumigaw lang ang katawan ko dahil sa sobrang sakit kaya muli akong napahiga sa damuhan. In-adjust ko ang paningin ko dahil wala na iyon sa pokus. Nanlalabo na rin ito at para bang ilang segundo lang ay mawawalan na naman ako ng malay.

Honestly, gusto ko na lang pumikit at matulog dahil sa sobrang bigat ng katawan ko. But I know that I shouldn’t. Something’s wrong. I can feel it. Iyong tingin pa lang kanina ni Carleigh sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status