Share

Chapter Seven

Penulis: Alliyahmae22
last update Terakhir Diperbarui: 2022-06-17 06:58:25

          "ANO! paanong nangyari?" Tanong ni Evren sa kausap sa kabilang linya. 

         "Hindi namin alam, nakita na lang siyang patay sa loob nang kaniyang opisina. Narito na ang mga pulis, para imbestigahan kung ano ang tunay na nangyari." Paliwanang nito sa kaniya. "tigil ang operasyon nang pabrika ngayon dahil sa nangyari. Kaya diyan ka na muna tatawagan na lang kita kapag may mga impormasyon nang nakuha ang mga pulis." anito,

       Tumango lang si Evren at tinapos na ang tawag. Dahil doon napa-upo na lamang siya. Ilang saglit pa ay nakarinig siya nang marahang pagkatok sa kanilang pintuan. Kaya lumapit siya sa pinto upang pagbuksan ang kumakatok. 

       "Andrew!" Aniya, sa kaibigan, at inaya niya itong pumasok muna sa kanilang bahay. Nang makapasok ito ay ibinalita niya ang nangyari sa pabrika, at katulad niya, nagulat din ito. 

       "Paano yan, paano na ang operasyon nang pabrika.?" Tanong ni Andrew kay Evren. 

       "Tigil muna hanggang sa matapos ang imbestigasyon nang mga pulis." Sagot ni Evren rito. 

      Pareho silang nanlambot sa malungkot na balita. 

      Nakita nang isang kasamahan nila ang kanilang amo sa opisina nito na wala nang buhay at naliligo sa sarili nitong dugo. Agad daw na tumawag ang mga ito nang ambulansya at mga pulis. Tila matindi ang galit nang pumatay dahil maraming saksak sa katawan ang tinamo nang kanilang butihing amo. Ayon sa mga nag-iimbestigang mga pulis, hindi pagnanakaw ang dahilan, dahil ang mga pera at lahat nang mahahalagang bagay na itinatago nang kanilang amo ay naroon pa din. Kaya malaking katanungan sa kanila kung ano ang dahilan kung bakit ito pinatay. Wala naman silang alam na nakaalitan nito, kaya malaking katanungan sa kanila ang nangyari. 

        Napa-upo na lamang si Evren sa tabi nang kaibigan, at nagkatinginan.

        "Ano na ang gagawin natin, paano na ang trabaho natin doon?" Tanong ni Andrew kay Evren. Naalala ni Evren na hindi pa pala niya nasasabi sa kaibigan ang naging pag-uusap nila nang kanilang amo. 

        "Dito muna tayo hanggat naghihintay ako ng tawag mula doon. Kapag wala pa, pupunta na tayo roon upang alamin ang mga nangyayari." Aniya, ni Evren. 

        "Sige babalik na muna ako sa bahay, balitaan mo ako kaagad ano man ang malaman mo." Wika ni Andrew, sabay tayo at naglakad na palabas nang bahay ng kaibigan.

         Maghapong walang nagawa si Evren, kaya napagpasyahan niyang pumunta na nang laguna upang bumalik sa trabaho, at upang malaman na din kung ano ang nangyayari sa pag-iimbestiga nang mga pulis. Ayaw niya na nakatunganga lang sa bahay nila upang maghintay nang bagong balita ukol sa pangyayari. Ngayon na sa kaniya na pinamahala ni Mr. Martinez ang pabrika, dapat ay naroon siya. Mahalaga sa kaniya ang trabaho na iyon. Nang muling makapagbihis, agad niyang kinuha ang bag at lalabas na nang kanilang bahay, ngunit bigla siyang nakarinig nang malakas na kalabog. Kaya binitawan niya ang bag na dala at tinungo ang silid nang ina. Nakita niya itong nakahiga na sa sahig at tila walang malay. Mabilis niyang dinaluhan ang kanyang ina at saka binuhat. Mabilis siyang nakatawag nang taxi, at dinala ito sa pinakamalapit na ospital. 

         Pagdating doon, mabilis na inasikaso ng mga nurse ang ina, at dinala sa emergency room. Matindi ang pagdarasal na ginagawa ni Evren, natatakot siya para sa ina, kaya puro tanong ang kanyang isip. 

       "Ano kaya ang nangyari? Bakit siya nawalan nang malay?" Tanong ni Evren sa sarili. Ilang saglit lang ay tinawag na siya nang doktor, kaya agad siyang lumapit at tinanong ito. "Dok, ano po ang lagay ni Inay?" Kinakabahan siya habang tinatanong ang doktor na sumuri sa ina.

      "Nothing to worry, sir. Maayos naman ang lagay niya, nakaramdam siya nang pagkahilo dahil sa mababa ang kaniyang dugo." Saad nang doktor kay Evren. 

      "Mabuti naman kung ganoon, may kailangan po ba akong bilhing gamot?" Muli niyang tanong. 

       "Mamaya reresetahan ko ang iyong ina nang gamot, hijo. Dito ka muna tatawagin kita kapag maaari na siyang iuwi sa inyo." Anito sa binata. Tumango lamang si Evren at muling bumalik nang ER ang doktor. Lumapit ito sa ina ni Evren at namulsa. 

       "Mrs. Morales, what i've said to your son is againts to our rule, as a doktor kailangan naming sabihin sa mga kamag-anak nang aming pasyente ang kanilang kalagayan. Pero dahil sa nais ninyong itago sa inyong anak ang tunay ninyong kalagayan. Nais ko lang sabihin na hindi na namin pananagutan kung may mangyaring masama o lumala ang inyong sakit." Mahabang paliwanag nang doktor sa ina ni Evren. 

     "Alam ko, dok." sagot nito saka marahang tumayo sa kanyang higaan. "May taning na ang aking buhay, ayoko nang makadagdag pa sa problema ng aking anak, Matagal na siyang naghihirap para sa akin at para matapos na ang kanyang alalahanin sa akin kailangan kong magkunwaring maayos at malusog sa kanyang harap. Pero nangyari naman yung kanina." Saad nang ina ni Evren sa doktor. "Kaya paki-usap huwag ninyong sasabihin sa kanya." Anito, sa doktor na ikinailing lamang nito. 

      "Misis, kapag dumating ang pagkakataon na kinailangan namin sabihin sa kanya ang totoo gagawin namin iyon dahil iyon ang obligasyon at trabaho namin." wika nito at naglakad na palayo, ngunit bigla itong tumigil. 

     "Ipadadala ko na lang po sa nurse ang mga gamot na kailangan ninyo. Upang maibsan ang nararamdaman ninyo." At nagpatuloy na ito sa paglalakad.

       May stage four breast cancer na ang ina ni Evren, maaagapan pa sana ang sakit nito, ngunit hindi na niya sinabi pa sa anak, marami nang hirap ang dinanas ni Evren upang masuportahan lahat nang kanyang pangangailangan, ngunit huli na dahil mas malaking gastos ang gagawin nila dahil malala na ang kanyang sakit. Twenty two percent lang ang chance na mabuhay pa siya. Kaya kina-usap niya ang doktor na tumingin sa kanya na huwag sabihin sa anak ang totoo, dahil ayaw na niya itong bigyan pa nang malaking problema. 

       Ilang saglit pa ay dumating ang isang nurse at may inabot sa kanyang reseta. 

      "Nanay, inumin n'yo daw po ito tatlong beses sa isang araw." Wika ng nurse. "Salamat, maari na ba akong umuwi?" Tanong nang ina ni Evren sa nurse. "Opo, pagtapos ko pong i-inject itong gamot sa inyo." Habang inaayos nang nurse ang injection, biglang dumating si Evren at agad na niyakap ang ina. 

      "Kumusta ang pakiramdam mo, inay?" Tanong ni Evren, ngumiti lang sa kanya ang ina at umayos na ito upang ihanda ang sarili sa gagawin nang nurse. "para saan iyan?" Tanong ulit ni Evren. "Gamot po ito para kay nanay. Para hindi na po maulit ang nangyari sa kaniya. Mag-iingat po kayo sa susunod nanay," paalala nang nurse sa matanda. Matapos ma-inject ang gamot ay umalis na ito. 

      "Inay, maayos na po ba kayo? Baka nahihilo kayo, mabuti pang dito ka muna." Aniya sa ina, ngunit umiling lang ito kay Evren. 

     "Maayos na ako anak, huwag ka nang mag-alala pa. Umuwi na tayo dahil magluluto pa ako nang kakainin natin mamaya." saad nito sa kanya. Ngunit ramdam ni Evren na may kakaiba sa ina. Kaya sinunod na lamang niya ang nais nang ina na umuwi. Inalalayan niya ito sa pagtayo at lumabas na sila nang ospital. Pagsakay nila nang taxi napansin niya na panay ang buntong-hininga nang kanyang ina, hindi na siya nakatiis kaya tinanong na niya ito. 

      "Inay, ano po ba talaga ang tunay na nangyari sa inyo sa bahay, ano ba ang dahilan bakit kayo hinimatay?" Tanong niya ngunit nananatili itong tahimik. Kaya muli niya itong tinawag. "Inay?" tumingin ito sa kaniya hinawakan ang kaniyang kamay at ngumiti.

      "Ayos lang ako, anak. Kaya huwag ka nang mag-alala." Iyon lang ang sinagot nito sa kanya ngunit hindi siya kumbinsido sa sagot nang ina. 

      "Inay, kung may nararamdaman ka sabihin mo, para maagapan na natin." Wika niya sa ina ngunit nananatili na itong tahimik. "Inay, hindi mo maaalis sa akin ang mag-alala kaya paki-usap kung may nararamdaman ka sabihin mo." Saad niya,  tumango ito sa kanya, at saka sinandal ang sarili sa upuan ng sasakyan, saka ipinikit ang mata.

      "Malapit na tayo, inay. Ako na po ang magluluto para hindi kayo mapagod." Wika ni Evren sa ina. Nang marating nila ang kanilang bahay ay mabilis na bumaba nang taxi si Evren at agad na inalalayang makababa ang ina. Matapos nuon ay nagbayad na siya sa driver at umalis na ito. Ilang saglit pa ay nasa loob na sila ng kanilang tahanan. 

      "Doon na muna kayo sa loob nang kuwarto n'yo, ako na ang magluluto, ano po ba ang gusto n'yong lutuin ko?" Tanong ni Evren sa kaniyang ina. "Kahit na ano anak, ayus lang sa akin." Ani nang ina sa kaniya. 

      Kaya nang masiguro na maayos na ang ina sa silid nito, lumabas na siya at naghanda na upang magluto. Ilang taon na din ang nakararaan nang huli niyang ipinagluto ang ina. Dahil simula nang siya'y magkaroon ng trabaho, hindi na niya nagagawa pang ipagluto ang ina, at kapag uuwi naman siya, ang kanyang ina na ang gumagawa nang lahat. 

       Nag-uumpisa nang magluto si Evren, mabilis niyang niluto ang paboritong ulam nang kaniyang ina, pakbet at pritong galungong. Matapos nuon ay naghain na siya. Sakto naman ng may biglang kumatok sa kanilang pintuan. Kaya mabilis niyang tinungo ang pinto at binuksan. Nagulat siya nang makita kung sino ang naroon at nakatayo. 

       "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya rito ngunit nananatili itong tahimik.

       "Anak, paki-usap hayaan mo muna akong makapagpaliwanag." Anito kay Evren. magkadikit ang kilay na hinarap niya ito, kahit ilang taon na ang nakakalipas, galit pa din siya rito.

       "Mabuti pang umalis ka na, hindi ka na namin kailangan, nabuhay na kami nang ilang taon na wala ka" galit na aniya rito.

       "Pero anak, paki-usap hayaan mo munang makausap ko ang iyong ina." anito, 

       "Hindi ba sinabi ko nang hindi na kailangan kaya lumayas ka na!" Sigaw ni Evren rito. napatigil lang si Evren ng marinig ni Evren ang pagtawag nang kaniyang ina.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
siguro mayaman Ang ama ni Evren
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Revenge of the Billionaire   Chapter seveny-two

    “Ano ba ang pag-uusapan natin?” tanong ni Andrew sa dalawang matanda.“About the business,” sagot ni Juanito sa anak. “We decided to merge th two Company, sa ganoon ay magiging mas malakas ito, sigurado na wala nang tatalo kapag pinagsama ang Del Fierro at Lopez.” Masayang pagbabalita ni Juanito sa dalawa.“Pero Papa, sigurado na ba kayong dalawa sa desisyon niyo?” tanong ni Andrew.“Oo nga, siguradong magiging malaking usapin ito lalo na sa mga board of directors.” Dagdag ni Calvin. Alam nilang magkapatid na malaking katanungan ito lalo na sa mga empleyado nang dalawang kumpaniya.“Andrew, Calvin. Kayong dalawa ang magiging tagapamahala ng lahat. Oo nga at pagsasamahin natin ang dalawang kumpaniya, pero hindi iyon nangangahulugan na isa lang ang mamamahala.” Ani Ronaldo, matapos humigop ng kape mula sa tasa.“Ilang araw na rin namin pinag-uusapan at maiging pinag isipan ang lahat ni Ronaldo, matanda na kami at gusto na naming mag-enjoy sa buhay.” Wika ulit ni Juanito kasunod

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Seventy-one

    “Pupunta ba talaga si Del fierro at Lopez?” tanong ni Nyx nang mapansin ang magkapatid na lang ang wala sa grupo.“Ang sabi ni Calvin, magsasabay na silang magkapatid sa pagpunta rito.” Sagot ni Ricardo.Ilang saglit pa ay nakita na nilang papasok ang magkapatid kasunod si Mark at Maynard.“Wow, para kayong nag-usap a! sabay pa talaga kayong apat na dumating!” ani Nyx na may pagkairita sa tinig.“Nyx the Grumpy, hindi ka ba naka score sa Girlfriend mo kaya ka ganiyan?” birong wika ni Ben sa kaibigan.“Shut up, Ben!” inis na sambit ni Nyx. “Tumigil na kayo, ang importante narito na kami atleast hindi kami nahuli.” Ani Mark ng makaupo.“Anong hindi nahuli? Huli kayong pumasok ni Gutierrez kaya sagot niyo lahat ang iinumin natin ngayon.” Nakangising wika ni Ricardo sa kaibigan.“Iyon lang ba, walang problema kung gusto niyo dagdagan niyo pa,” natatawang sagot ni Mark.Agad na naghiyawan ang grupo matapos nang sinabi ni Mark, kaya naman um-order sila ng isang expensive na whiskey. “Ngay

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Seventy

    “Calvin, sa tingin mo ba na ito na ang tamang oras ka kausapin ang anak mo?” nag-aalangan na tanong nito sa kapatid.“Kuya, ikaw na ang nagsabi hindi matatapos ang problema kung hindi pag-uusapan.” Sagot naman ni Calvin. Kaya muli itong kumatok.“Anak, papasok na ako.” Pagbukas niya nang pinto nakita niya si Reece na abala sa pagpipinta. “bakit hindi ka sumasagot? Kanina pa kita tinatawag,” aniya sa anak,“Sorry dad, wala lang po akong gana kumain,” sagot nito habang nananatili ang atensyon sa ginagawa.“Reece, tell me, is it about your tito Andrew?” Malakas na napabuntong hininga si Reece nang mabanggit nang ama ang pangalan na ayaw na niyang marinig kahit kailan.“Dad, bakit ba siya narito? Alam ko na kailangan ko siyang respetuhin, pero hindi ko maiwasan na magalit sa kaniya.” Anito, na kaagad na binitawan ang paint brush at pallet na hawak.Naglakad ito at naupo sa gilid nang kama, “Dad, ang totoo, ayoko siyang Makita. Galit ako sa kaniya lalo na kapag naiisip ko ang mga masas

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Sixty-nine

    Maagang nagising si Calvin dahil sa pagtawag nang kapatid na si Andrew.“Calvin, may gagawin ka ba mamaya?” seryosong wika ng nasa kabilang linya.“Oo, may mga appointment ako ngayong araw. And by the way good morning!” natatawang wika naman ni Calvin sa kausap. Pagak na natawa naman ang nasa kabilang linya. “Sorry for waking you up this early.” Hingi naman nito nang paumanhin. “Nah! Kailangan ko rin naman gumising nang maaga, nakatoka akong magluto ngayon, kailangan kong ipagluto nang almusal ang pamilya ko. Maaga ang pasok ni Reece ngayon dahil may Exam sila, at ayoko naman abalahin ang asawa ko dahil puyat siya sa pag-aasikaso kay Anikha.” Paliwanag nito habang nakatingin sa salamin sa loob ng banyo.“Okay, ayos lang ban a magkita tayo mamaya, dinner?” “Kuya, magpunta ka na lang dito, magpapaluto ako kay manang isama mo si Itay, total Saturday bukas, mag-bonding tayo.” Aya naman nito na saglit namang ikinatigil nang nasa kabilang linya.“Still there, kuya?” “Yeah, sige.” Sagot

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Sixty-eight

    “Mukhang nagkakatuwaan kayong magkapatid,” wika nang bagong pasok sa pintuan.“Isabella!” masayang pagbati ni Calvin at Andrew rito.“Mahal ko!, mabuti naman at naisipan mo nang dalawin ang mokong na ito. Kanina pa nagtatanong ito kung kailan ka dadalaw sa kaniya.” Pagsusumbong nito sa asawa.“Ano ba naman iyan, tol! Para kang bata kung magsumbong sa asawa mo!” natatawang biro ni Andrew sa kapatid.Agad na lumapit si Calvin kay Isabella at yumakap rito. “Sa kaniya lang naman ako ganito,” nakalabing wika naman nito.“Tumigil na nga kayong dalawa.” Natatawang awat naman ni Isabella. “nakakatuwa lang na nagbalik na kayo sa dati, masaya ako para sa inyong dalawa.”“Mabuti naman at napadalaw ka, iniisip ko tuloy na baka ayaw mo na akong makita, dahil sa mga nagawa kong pagkakasala sa inyong mag ina.” Malungkot ang mukhang wika ni Andrew, habang nakayuko ang ulo.Nagkatinginan ang mag-asawa kaya naman lumapit si Isabella at nagsalita, “Nagawa kang patawarin nang asawa ko, dapat ganoon rin a

  • Revenge of the Billionaire   Chapter sixty-seven

    Abala si Juanito sa pagbabasa nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang ospital. Agad na nagmadali sa pagbibihis si Juanito. Mabilis siyang sumakay nang kaniyang sasakyan at agad na sinabi sa kaniyang driver kung saan ospital. Hindi nagtagal nakarating siya kaagad kung saan ospital dinala ang anak. Kinakabahang nagtanong siya sa isang nurse na kaagad naman nitong sinagot. Mabilis ang mga hakbang na nagtungo siya sa operating room. Papalapit na siya nang makita niya ang isang pamilyar na tao, “Calvin, anak, anong ginagawa mo rito?” tanong nito. “Tay, ikaw, anong ginagawa mo rito?” balik tanong nito sa ama. “Tumawag sa akin ang ospital na 'to, ang sabi narito ang anak kong si Andrew.” sagot nito. Agad na bumakas ang pagtataka at pagkagulat sa mukha ni Calvin sa sinabi ng ama. “What? Anak mo si Andrew?” Tila nagkagulatan pa ang mag-ama sa nalaman kaya naman humarap si Juanito sa anak. “Anak, sabihin mo sa akin ang mga nangyari, makik

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status