Share

Chapter Eight

Author: Alliyahmae22
last update Last Updated: 2022-06-18 20:49:42

        "ANAK, handa na ba ang pagkain,  nagugutom na ako," tanong nang kanyang ina ngunit nakita niyang tila may kausap si Evren kaya nilapitan niya ito, hindi inaasahan nang ina ni evren ang nakita. Ngunit sa halip na magalit ay masaya pa niya itong pinapasok na ikinagalit naman ni Evren.

        "Inay, ano ito, bakit mo siya pinapasok?" Aniya sa kanyang ina.

        "Evren, anak. Paki-usap hayaan mo muna kami ng iyong ama na mag-usap." Seryosong aniya nang kanyang ina sa kanya. Kaya lumabas si Evren at naglakad-lakad na muna. Hanggang dalhin siya nang kanyang mga paa sa bahay sa tapat ng isang gate. Kaya naupo muna siya at nakayukong nag-isip. Ilang saglit lang ay may tumabi sa kanya at yumakap. 

          "May nangyari ba?" tanong ni Isabella sa kaniya. 

           "Dumating si itay, gusto ni inay na mag-usap muna sila. Ayoko sana siyang patuluyin sa bahay kanina, kaya lang nirespeto ko na lang ang gusto ni inay" saad ni Evren.

           "Tama naman ang nanay mo, hayaan mo muna, si inay na ang magdedesisyon kung tatanggapin pa niya ang iyong itay o hindi na, siguradong inaalala din niya ang mararamdaman mo." Wika ni isabella kay Evren. Hanggang sa magdesisyon siyang bumalik na sa kanila.  Pagdating niya ay nakita niyang nagtatawanan na ang kanyang magulang. Hindi malaman ni Evren kung ano bang dapat niyang maramdaman ng mga oras na iyon. 

         Dapat ba siyang matuwa dahil nakikita niyang masaya ang kanyang ina o dapat ba siyang magalit dahil hinayaan ng kanyang ina na makapasok muli sa buhay nila ang kanyang ama. Kaya pumasok na siya at lumapit sa kanyang magulang. 

        "Evren, hijo. Kumusta ka na? Pasensya na sa pagpunta ko rito." Aniya nang kaniyang ama. "Alam ko na nagulat ka sa pagparito ko, nais ko lang naman na humingi ng tawad sa iyong ina. Hindi ko intensyon ang manggulo, anak."

        Naupo si Evren sa tabi nang kaniyang ina, nakita niyang masaya ito habang nakatingin sa kaniya, Kaya niyakap niya ito.

        "Salamat naman at muli kong nakita ang mga ngiting iyan, inay. Gusto ko sanang malaman ang inyong pinag-usapan." Aniya ni Evren sa kanyang ina. Ngunit ang kanyang ama ang nagsalita.

        "Humingi lang ako nang tawad sa iyong ina. Alam ko na marami akong pagkukulang sa inyo, lalo na sa iyo anak. Gusto kong humingi nang tawad sa lahat." Anito habang nakayuko. Bahagyang natawa si Evren at nagsalita.

         "Kung pinatawad na kayo ni inay, ganoon na rin ako. Sino ba naman ako para hindi magpatawad," dahil doon mabilis siyang niyakap nang kanyang ama. 

          "Salamat, anak. Napakabait mo, talagang iyan ang namana mo sa iyong ina. Salamat talaga anak. Kahit napaka dami kong nagawang pagkakamali sa inyong mag-ina napatawad n'yo pa rin ako." Anito, habang yakap si Evren.

           "Wala po iyon, itay." Sagot niya at saka tumayo. "Inay magpapaalam ako sa inyo. Babalik na ako sa trabaho, dapat ay kanina ngunit naantala dahil may nangyaring masama." Saad niya sa kaniyang magulang. 

            "Bakit anak, ano ba ang nangyari?" Tanong naman nang kanyang ina. 

            "Pinatay si Mr. Martinez," saad niya. Na ikinagulat naman nang kanyang ina. "Paanong—" anito habang tutop ang kamay ang bibig. 

           "Nakita nang isa sa mga empleyado na wala na itong buhay sa loob ng opisina. Kaya nais kong magpunta roon para malaman kung ano na ang balita sa imbestigasyon nang mga pulis. Ngayon na wala na si Boss, kailangan na ako roon sa pabrika." Aniya ni Evren. 

           "Ikaw ang bahala, anak. Basta mag-iingat ka. Balitaan mo na lang ako dito kaagad." Wika ng kanyang ina. Niyakap ni Evren ang kanyang ina at ang kanyang ama.  Bihat na niya ang kanyang mga gamit at palabas na nang pintuan nang makita niya si Andrew sa labas. 

      "Andrew! Mabuti narito ka, babalik na ako nang pabrika, kailangan tayo roon. Lalo na ngayon na wala na si Boss, wala nang gagabay sa mga empleyado kung ano ang gagawin." Aniya sa kaibigan. 

    "Hintayin mo ako, kukuhain ko lang ang mga gamit ko." Anito kay Evren at nagmadali na itong naglakad pauwi sa kaniyang bahay. Nang makuha nang binata ang kanyang mga gamit ay agad din siyang bumalik sa kaibigan. 

    Nang makita ni Evren si Andrew na papalapit ay nilapitan na niya ito at umalis  na sila patungo sa sakayan nang bus.

    Habang nakasakay sa bus ay marami ang pumapasok na tanong sa isip ni Evren. Katulad nang ano ba ang motibo nang salarin kung bakit niya ginawa iyon sa kanyang amo. Alam ni Evren na mabait ito at aam niyang wala itong ginawang atraso sa ibang tao. Kaya malaking katanungan sa kanya kung ano ba ang tunay na rason nang pagpatay dito. Naantala ang kanyang pag iisip ng tapikin ni Andrew ang kanyang balikat. 

    "Evren, anong nasa isip mo? Mukhang malalim ang iniisip mo." Anito ni Andrew sa kanya. 

    "Hindi lang maalis sa isip ko kung ano ang motibo nang pumatay kay Boss. Kilala natin siya na mabait at marunong makitungo sa ibang tao. Kaya paanong nangyari na ganoon katindi ang galit nang pumatay sa kanya. Ayon kay kristine natagpuan si boss nang isa sa mga empleyado sa opisina nito na patay na. Ibig sabihin gabi nangyari ang krimen." Bigla na lamang siyang binatukan nang kaibigan.

    "Iyan kakapanuod mo nang mga palabas sa telebisyon kung anu-ano na ang pumapasok diyan sa utak mo. Hayaan mo ang mga pulis ang gumawa niyan. Baliw ka!" Anito habang tatawa-tawa lang kay Evren.

    "Pasensya na 'di ko lang talaga maiwasan na isipin ang bagay na iyon." Aniya ni Evren sa kaibigan.

    "Hayaan na natin sa mga pulis iyan, trabaho nila ang imbestigahan ang nangyari. Ang isipin mo ang pabrika, paano na tayo ngayong wala na si amo." Saad ni Andrew sa kaibigan. 

    "Malalaman natin iyan pagdating natin doon." Aniya ni Evren. 

    Makalipas ang ilang oras ay nakarating na sila. Mabilis na naglakad patungo sa loob nang pabrika. Nang nasa loob na sila agad silang nilapitan nang kanilang mga kasamahan. 

    "Sir, mabuti narito na kayo. Hindi namin alam kung ano ang dapat naming gawin. Dumating si madam, pero ang sabi niya hindtayin daw namin kayo ni sir Andrew na dumating." Aniya nang isa sa mga empleyado na lumapit sa kanila. 

    "Huwag na kayong mag-alala. Ang mabuti pa gawin na ninyo ang mga hindi n'yo pa natatapos na trabaho. Mag-uusap muna kami ni madam para malaman kung ano ang susunod ninyong gagawin." Wika ni Evren. At nagsibalikan na sa kanilang mga puwesto ang mga trabahador. Narinig niya na napapalatak na si Andrew kaya tinanong niya ito. 

    "Bakit? May nasabi ba akong mali?" Tanong ni Evren sa kaibigan. 

    "Wala naman para kang si boss kung magsalita. Mabuti pa pumunta na tayo sa quarters natin." Anito sabay akbay sa kaibigan.

    Nang makapasok sila sa kanilang silid ay agad silang nagbihis nang kanilang uniporme, ngunit ilang saglit lang ay may narinig silang pagkatok sa pinto, kaya agad namang pinagbuksan ni Andrew nagulat na lamang siya na mga pulis ang nasa labas nang pintuan. Agad itong nagtanong sa kanya.

    "Ikaw ba si Evren Morales?" Tanong nang isang pulis.

    "Hindi, siya po" at binuksan niya nang maigi ang pintuan upang ipakita kung nasaan si Evren. "Siya po, may problema po ba?" Tanong ni Andrew sa mga pulis. Dahil doon agad na lumapit si Evren at nagtanong.

    " Bakit po, ako po si Evren morales." Aniya na may halong pagtataka.

    "Evren Morales, inaaresto ka namin sa salang pagpatay kay ginoong Reynaldo Martinez." Saad ng pulis na ikinagulat naman nila ni Andrew.

    "Ano! Sandali lang may ebidensya ba kayo na ako ang gumawa. Imposible ang sinasabi n'yo!" Wika ni Evren habang sinusuotan siya ng posas ng mga pulis. Si Andrew naman ay panay ang awat sa mga pulis na huwag posasan ang kaibigan. Ngunit inawat siya nang kaibigan. "Hayaan mo Andrew, nagsasabi ako nang totoo, wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Boss." Aniya ni Evren sa kaibigan. 

    "Naniniwala ako, hihingi ako nang tulong. Babalik ako sa atin." Wika ni Andrew sa kaibigan. Tumango na lamang si Evren at hinayaan na ni Andrew na isama ng mga pulis ang kaibigan. 

    Nagmamadali si Andrew na magbihis, bago siya umalis ay dumaan muna siya sa pabrika kung saan nagkukumpulan ang kanyang mga kasamahan. 

    "Anong ginagawa ninyo. Ang mabuti pa tapusin niyo na ang ginagawa ninyo tulad nang sinabi ni Evren. Babalik ako kaagad." Aniya sa kanyang mga kasamahan kaya nagsibalikan na ulit ang mga ito sa kanilang mga puwesto.

    Mabilis na naglalakad si Andrew palabas nang pabrika nang may sasakyan siyang nakasalubong. 

NANG MAKITA ni Andrew na may daraan na sasakyan ay agad siyang pumunta sa gilid upang hindi mahagip ng sasakyan. Ngunit nagtaka siya ng huminto ito sa tapat niya at bumukas bigla ang pinto. Nagulat si Andrew ng makita kung sino ang nasa loob. Unang beses pa lamang niya itong makaharap dahil madalas ay sa mga litrato lamang nang kanilang amo niya ito nakikita.

    "Madam Agnes—" iyon lamang ang nasabi ni Andrew dahil agad din itong nagsalita. "Sumunod ka sa opisina Andrew. Kailangan kitang maka-usap." Anito na may tono nang galit sa boses nito. Kaya walang nagawa si Andrew kundi sumunod rito. 

    Ilang minuto lang ay nasa loob na siya nang opisina at nasa harap na ang mesa nang kaniyang amo, ngunit ang punagkaiba lamang ay iba ang nakaupo. 

    "Madam, kumusta po kayo," Tanong ni Andrew na tila kinakabahan. 

    "Hijo, nais kong ikaw ang pumalit sa posisyon ni Evren." Anito na ikinagulat naman ni Andrew. 

    "Ano pong ibig ninyong sabihin, pareho lang naman po kami nang posisyon ni Evren sa pabrika." Aniya, dahil hindi maintindihan ni Andrew ang ibig sabihin nang babaeng amo. 

    "Mali ka, hijo. Si Evren na ang namamahala nang buong pabrika. Dahil ipinasa na sa kanya nang butihin ninyong boss ang kanyang posisyon. Nakikita kong nagulat ka, bakit hindi ba sinabi sa iyo nang kriminal mong kaibigan?" Saad nito na may bahid nang galit. Umiling lamang si andrew bilang sagot sa tanong nito. 

    "Hindi po ako naniniwaa na si Evren ang pumatay kay Boss, imposible po iyon." Aniya ni Andrew.

    "Iyon din ang alam ko, hijo. Pero may nakita ang mga pulis na isang sulat sa loob nang damit ng asawa ko. Isa itong liham na nagpapatunay na si Evren ang pumatay sa asawa ko." Anito habang nakakuyom ang mga kamay. "Napakabuti naming mag asawa sa kanya pero ano itong iginanti niya! Kaya simula sa araw na ito, ikaw na ang mamamahala sa buong pabrika. Bahala ka na muna dito at may mga aasikasuhin pa ako." Anito sabay tayo sa upuan, walang lingon likod itong lumabas nang pintuan. 

    Naiwan naman si Andrew sa loob ng opisina. Kailangan niyang tulungan ang kanyang kaibigan, kaya tumawag na lamang siya sa kasintahan ni Evren na si Isabella. Dinig niya ang pag-iyak nito. Kaya sinabihan niya ito na kumalma, kailangan nitong matulungan si Evren. Kaya nagpaalam na ang dalaga upang puntahan ang kasintahan. 

    "Mag iingat ka, Isabella." Aniya ni Andrew sa dalaga. "Salamat" sagot nito at ibinaba na nito ang tawag. 

    Matapos ang naging tawag niya kay Isabella, nagtungo na si Andrew sa pabrika upang sabihan ang kanyang mga kasamahan. Nang makarating siya roon ay nakita niyang walang ganang magtrabaho ang mga ito, kaya tinawag niya ang kanyang mga kasama at maigi niyang kina-usap..

    "Dumating si madam kanina at may importante siyang sinabi sa akin." Wika ni Andrew. 

    "Ipasasara na ba nila ang pabrika paano na kami, dito lang kami kumukuha nang ikabubuhay, paano na iyong mga may pamilya." Wika ng isa sa kanyang mga kasamahan. "Oo nga, Sir Andrew!" Sabay-sabay na sigaw nang kanyang mga katrabaho.

    "Hindi kayo dapat mag-alala, tuloy pa din ang operasyon ng pabrika. Ang nais ko lqng sabihin ay iyong sinabi ni Madam sa akin." Aniya ni Andrew. 

    "Bakit ano ba ang napag-usapan ninyo?" Tanong naman nang isa pa.

    "Sinabi ni madam na ako, muna ang mamamahala dito, siguro mas maigi na ito para hindi kayo mawalan nang trabaho." Saad niya. Nakita ni Andrew na tia nakahinga nang maluwag ang kanyang mga kasamahan. 

    "Kaya ang mabuti oa ay kumilos na kayo alam n'yo naman na may quota tayong hinahabol. Tutulong pa din ako dito. Hindi ko kayo iiwan." Aniya ni Andrew na ikinatuwa naman ng kanyang mga katrabaho. 

    "Ang bait mo talaga Sir, pareho kayo ni Sir Evren, kaya nakakapagtaka na kung bakit nangyari ito sa kanya." Wika naman nang isa pa

    "Huwag na ninyong alalahanin pa ang bagay na iyan ang importante may trabaho pa tayo." Sagot niya rito. Kaya tinapik ni Andrew ang balikat nito at ipinabalik sa trabaho. 

     "EVREN!" wika nang ina ng binata. Agad na pinuntahan ni isabella ang presinto ng matapos ang tawag nila ni Andrew. Ibinalita muna ng dalaga sa ina ni Evren ang nangyari. Kaya nagmadali silang nagtungo ng presinto kasama ito. 

    "Anak, ano ba ang nangyari, bakit ka nila ikinulong.?" Wika ng ina ni Evren habang umiiyak.

    "Hindi ko po alam, inay dumating ako sa trabaho nang bigla na lamang silang dumating at inaresto ako sa salang hindi ko naman ginawa. Paki-usap tulungan ninyo akong makalabas dito." Wika ni Evren sa ina. Lumapit naman ang kanyang kasintahan na si Isabella.

    "Mahal ko, huwag kang mag-aalala may kilalang abugado si paa matutulungan niya tayo." Saad naman ng dalaga kay Evren. 

    "Salamat, ikaw na muna ang bahala kay inay, huwag mo siyang pababayaan." Wika ni Evren hanggang sa narinig nila na na may paparating pa na bisita ang binata.  Nakita nilang ang asawa ito ng kanyang amo.  Nang makalapit ito sa selda ay galit itong nagwika.

    "Ang kapal ng mukha mo, naging mabait kaming mag-asawa sa iyo, itinuring ka naming anak, pero ano itong iginanti mo!" Galit na sigaw nito. "Tama lang sa iyo iyan, mabubulok ka diyan sa kulungan." Anito, hahakbang na sana ito palabas ngunit hinarang ito nang kanyang ina. 

    "Paki-usap po, walang kasalanan ang aking anak. Hindi niya magagawang patayin ang iyong asawa." Wika ng ina ni Evren kay Agnes.

    "Pero nagawa niya. Tila hindi nakuntento ang anak mo sa ibinigay namin sa kanyang posisyon at tila naghangad pa siya ng mas malaki." Anito habang itinuturo si Evren. "Walang kapatawaran ang ginawa niya sa asawa ko! Gagawin ko ang lahat para hindi na siya makalabas dito, mabubulok siya dito sa kulungan." Wika nito at nagpatuloy na itong lumabas kasama ang isang abugado. 

    Panay naman ang iyak nang kanyang ina, hanggang sa bigla na lamang itong hinimatay.  Gusto man ni Evren na tulungan ang ina ngunit nasa loob siya nang selda. Kaya binuhat ito nang isa sa mga pulis na nagbabantay sa loob at Itinakbo ito sa ospital. 

        Nang makarating doon ay agad itong inasikaso ng doktor. Sobrang nag-alala si Isabella sa ina ng kasintahan kaya hindi niya ito iniwan. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Hindi Kaya pakana ito ni Andrew nagmaamangan lang Siya Ang gulo O di Kaya Ang Asawa mismo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Revenge of the Billionaire   Chapter seveny-two

    “Ano ba ang pag-uusapan natin?” tanong ni Andrew sa dalawang matanda.“About the business,” sagot ni Juanito sa anak. “We decided to merge th two Company, sa ganoon ay magiging mas malakas ito, sigurado na wala nang tatalo kapag pinagsama ang Del Fierro at Lopez.” Masayang pagbabalita ni Juanito sa dalawa.“Pero Papa, sigurado na ba kayong dalawa sa desisyon niyo?” tanong ni Andrew.“Oo nga, siguradong magiging malaking usapin ito lalo na sa mga board of directors.” Dagdag ni Calvin. Alam nilang magkapatid na malaking katanungan ito lalo na sa mga empleyado nang dalawang kumpaniya.“Andrew, Calvin. Kayong dalawa ang magiging tagapamahala ng lahat. Oo nga at pagsasamahin natin ang dalawang kumpaniya, pero hindi iyon nangangahulugan na isa lang ang mamamahala.” Ani Ronaldo, matapos humigop ng kape mula sa tasa.“Ilang araw na rin namin pinag-uusapan at maiging pinag isipan ang lahat ni Ronaldo, matanda na kami at gusto na naming mag-enjoy sa buhay.” Wika ulit ni Juanito kasunod

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Seventy-one

    “Pupunta ba talaga si Del fierro at Lopez?” tanong ni Nyx nang mapansin ang magkapatid na lang ang wala sa grupo.“Ang sabi ni Calvin, magsasabay na silang magkapatid sa pagpunta rito.” Sagot ni Ricardo.Ilang saglit pa ay nakita na nilang papasok ang magkapatid kasunod si Mark at Maynard.“Wow, para kayong nag-usap a! sabay pa talaga kayong apat na dumating!” ani Nyx na may pagkairita sa tinig.“Nyx the Grumpy, hindi ka ba naka score sa Girlfriend mo kaya ka ganiyan?” birong wika ni Ben sa kaibigan.“Shut up, Ben!” inis na sambit ni Nyx. “Tumigil na kayo, ang importante narito na kami atleast hindi kami nahuli.” Ani Mark ng makaupo.“Anong hindi nahuli? Huli kayong pumasok ni Gutierrez kaya sagot niyo lahat ang iinumin natin ngayon.” Nakangising wika ni Ricardo sa kaibigan.“Iyon lang ba, walang problema kung gusto niyo dagdagan niyo pa,” natatawang sagot ni Mark.Agad na naghiyawan ang grupo matapos nang sinabi ni Mark, kaya naman um-order sila ng isang expensive na whiskey. “Ngay

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Seventy

    “Calvin, sa tingin mo ba na ito na ang tamang oras ka kausapin ang anak mo?” nag-aalangan na tanong nito sa kapatid.“Kuya, ikaw na ang nagsabi hindi matatapos ang problema kung hindi pag-uusapan.” Sagot naman ni Calvin. Kaya muli itong kumatok.“Anak, papasok na ako.” Pagbukas niya nang pinto nakita niya si Reece na abala sa pagpipinta. “bakit hindi ka sumasagot? Kanina pa kita tinatawag,” aniya sa anak,“Sorry dad, wala lang po akong gana kumain,” sagot nito habang nananatili ang atensyon sa ginagawa.“Reece, tell me, is it about your tito Andrew?” Malakas na napabuntong hininga si Reece nang mabanggit nang ama ang pangalan na ayaw na niyang marinig kahit kailan.“Dad, bakit ba siya narito? Alam ko na kailangan ko siyang respetuhin, pero hindi ko maiwasan na magalit sa kaniya.” Anito, na kaagad na binitawan ang paint brush at pallet na hawak.Naglakad ito at naupo sa gilid nang kama, “Dad, ang totoo, ayoko siyang Makita. Galit ako sa kaniya lalo na kapag naiisip ko ang mga masas

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Sixty-nine

    Maagang nagising si Calvin dahil sa pagtawag nang kapatid na si Andrew.“Calvin, may gagawin ka ba mamaya?” seryosong wika ng nasa kabilang linya.“Oo, may mga appointment ako ngayong araw. And by the way good morning!” natatawang wika naman ni Calvin sa kausap. Pagak na natawa naman ang nasa kabilang linya. “Sorry for waking you up this early.” Hingi naman nito nang paumanhin. “Nah! Kailangan ko rin naman gumising nang maaga, nakatoka akong magluto ngayon, kailangan kong ipagluto nang almusal ang pamilya ko. Maaga ang pasok ni Reece ngayon dahil may Exam sila, at ayoko naman abalahin ang asawa ko dahil puyat siya sa pag-aasikaso kay Anikha.” Paliwanag nito habang nakatingin sa salamin sa loob ng banyo.“Okay, ayos lang ban a magkita tayo mamaya, dinner?” “Kuya, magpunta ka na lang dito, magpapaluto ako kay manang isama mo si Itay, total Saturday bukas, mag-bonding tayo.” Aya naman nito na saglit namang ikinatigil nang nasa kabilang linya.“Still there, kuya?” “Yeah, sige.” Sagot

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Sixty-eight

    “Mukhang nagkakatuwaan kayong magkapatid,” wika nang bagong pasok sa pintuan.“Isabella!” masayang pagbati ni Calvin at Andrew rito.“Mahal ko!, mabuti naman at naisipan mo nang dalawin ang mokong na ito. Kanina pa nagtatanong ito kung kailan ka dadalaw sa kaniya.” Pagsusumbong nito sa asawa.“Ano ba naman iyan, tol! Para kang bata kung magsumbong sa asawa mo!” natatawang biro ni Andrew sa kapatid.Agad na lumapit si Calvin kay Isabella at yumakap rito. “Sa kaniya lang naman ako ganito,” nakalabing wika naman nito.“Tumigil na nga kayong dalawa.” Natatawang awat naman ni Isabella. “nakakatuwa lang na nagbalik na kayo sa dati, masaya ako para sa inyong dalawa.”“Mabuti naman at napadalaw ka, iniisip ko tuloy na baka ayaw mo na akong makita, dahil sa mga nagawa kong pagkakasala sa inyong mag ina.” Malungkot ang mukhang wika ni Andrew, habang nakayuko ang ulo.Nagkatinginan ang mag-asawa kaya naman lumapit si Isabella at nagsalita, “Nagawa kang patawarin nang asawa ko, dapat ganoon rin a

  • Revenge of the Billionaire   Chapter sixty-seven

    Abala si Juanito sa pagbabasa nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang ospital. Agad na nagmadali sa pagbibihis si Juanito. Mabilis siyang sumakay nang kaniyang sasakyan at agad na sinabi sa kaniyang driver kung saan ospital. Hindi nagtagal nakarating siya kaagad kung saan ospital dinala ang anak. Kinakabahang nagtanong siya sa isang nurse na kaagad naman nitong sinagot. Mabilis ang mga hakbang na nagtungo siya sa operating room. Papalapit na siya nang makita niya ang isang pamilyar na tao, “Calvin, anak, anong ginagawa mo rito?” tanong nito. “Tay, ikaw, anong ginagawa mo rito?” balik tanong nito sa ama. “Tumawag sa akin ang ospital na 'to, ang sabi narito ang anak kong si Andrew.” sagot nito. Agad na bumakas ang pagtataka at pagkagulat sa mukha ni Calvin sa sinabi ng ama. “What? Anak mo si Andrew?” Tila nagkagulatan pa ang mag-ama sa nalaman kaya naman humarap si Juanito sa anak. “Anak, sabihin mo sa akin ang mga nangyari, makik

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status