"Mahal ko, aalis na ako bukas." Wika ni Evren habang naglalakad na sila pauwi. "Matatagalan na naman bago ako muling maka-uwi. Ngayon na ako na ang mamamahala nang pabrika, siguradong mas maraming trabaho ang maaatang sa akin." Ani Evren sa kasintahan. Tumigil si Isabella sa paglalakad at tumingin ito kay Evren, at saka hinawakan nito ang kamay nang binata.
"Narito lang naman ako, maghihitay, huwag mo lang tatagalan dahil baka mainip ako." At pagak silang natawa at niyakap ang isa't isa. "Konting paghihintay na lang mahal ko. kapag naka-ipon na ako, magpapakasal na tayo sa simbahan. At maaari na tayong magtapat sa kanila. Maari na nating sabihin sa kanila na kasal na tayo kapag mayroon na akong maipagmamalaki sa kanila. Gusto kong maibigay sa iyo ang pinapangarap ng magulang mong kasal." Ani Evren habang mahigpit na nakayakap sa kasintahan. Dahil sa sinabi nang kasintahan, bahagyang inilayo ni Isabella ang sarili kay Evren. "Evren, hindi ko naman kailangan nang marangyang kasal. Ang mahalaga lang naman sa akin ay ang makasal tayo, iyon ang importante sa akin. Mahal na mahal kita, Evren." Saad ni Isabella kay Evren. "Masuwerte talaga ako sa iyo. Mabait na maunawain pa." Masayang wika ni Evren sa kasintahan. "Kaya mahal na mahal kita, at ikamamatay ko kapag nawala ka sa akin, dahil ikaw ang buhay ko, Isabella." Malambing na wika niya. Matapos ang kanilang pag-uusap at pagyayakapan, muli na silang naglakad pauwi sa kani-kanilang tahanan. Malapit na sila nang may masasalubong silang grupo nang mga lalaki at tila mga lasing. Iiwasan na sana nilang magkasintahan ang grupo ngunit mabilis silang hinarang nang mga ito. "Saan kayo pupunta?" Wika ng isang lalaki at tumawa nang nakakaloko. "Manong, paki-usap pauwi na kami nang asawa ko at kailangan na naming maka-uwi kaagad." Ani Evren sa lalaking lasing habang hinaharang ang sarili kay isabella upang hindi makalapit ang mga ito. "Paki-usap hayaan n'yo na kaming makaraan." "Hoy! Nais lang naman naming makipag-usap sa kasama mo, h'wag kang madamot. Kaanu-ano mo ba ang lalaking ito, asawa mo ba ito?" Tanong nang isa pang lalaki sa kanila ngunit hindi sumagot si Isabella, nananatili itong nakatago sa likod ni Evren. "Oo, kaya paki-usap, hayaan nyo na kami. Gabi na at kailangan na naming maka-uwi." Seryosong wika ni Evren sa mga lalaking kaharap, habang pinoprotektahan ang kasintahan. "Huwag muna kayong umuwi, maglalaro muna tayo." Sabay suntok kay Evren sanhi upang ito'y matumba. "Evren! Sigaw ni Isabella kaya Agad niyang dinaluhan ito, habang ang dalaga naman ay natatakot na. "Tumakbo na tayo, Evren. Wala kang mapapala kung papatulan mo ang mga lasing na iyan. Malapit na tayo sa barangay, tatawag ako nang mga tanod upang makahingi nang saklolo." Wika ni Isabella habang inaalalayang makatayo ang kasintahan. "Sige pagbilang ko nang tatlo, tatakbo tayo." Pabulong na wika ni Evren habang hawak ang kamay nito. "Isa..dalawa.." bilang ni Evren habang naghahanda na sila upang tumakbo. "Tatlo!" At mabilis silang tumakbo, habang magkahawak kamay. Hinahabol na sila nang mga lalaki, kaya patuloy pa rin sila sa pagtakbo, nang malapit na sila sa barangay may nakita silang mga tanod na magroronda na sa kanilang lugar. "Tulong! tulungan n'yo kami!" Sigaw ni Evren sa mga tanod agad naman silang nakita at mabilis na lumapit sa kanila. "Anong nangyayari, bakit kayo humahangos?" Tanong nang matandang tanod sa kanila. "May grupo nang mga lalaking lasing ang humahabol sa amin. Nais kaming gawan nang masama." Wika ni Evren habang habol ang hinga dahil sa pagtakbo. "Ayun po sila! Paki-usap, hulihin n'yo sila baka gumawa pa sila nang masama sa iba." Saad ni Isabella habang nakaturo sa grupo nang mga lalaki na humahabol sa kanila. Agad na kumilos ang mga tanod at sumakay sa motor upang habulin ang mga lalaki. Ilang saglit pa ay nahuli na nang mga tanod ang mga lalaking tinutukoy ng dalawa. Dahil na rin sa tulong nang mga pulis mabilis na nahuli ang mga ito. Hindi rin naka-uwi kaagad si Evren at Isabella dahil kinailangan silang tanungin nang mga pulis ukol sa mga lalaki. "Iba-blutter na natin sila para hindi na maulit pa ang nangyari." Wika nang hepe nang pulisya. "Kaya kayo, kung ayaw n'yong makulong nang tuluyan tigilan ninyo yang kalokohan n'yo!" Sigaw nang hepe sa mga lalaking nahuli. "Ang alak inilalagay sa tiyan, hindi sa utak!" Sabay batok sa isa sa mga lalaki. "Magpasalamat kayo sa dalawang ito dahil kung itinuloy nila ang reklamo sa inyo, sa kulungan ang bagsak n'yo!" Wika ng hepe. "Maaari na po ba kaming umuwi? Gabi na po kasi baka hinahanap na kami nang mga magulang namin." Wika ni Isabella sa pulis. "Ipahahatid ko na kayo, delikado na sa kalye nang ganitong oras." Sabi nito sa kanila. Nakita nito na nagkatinginan si Evren at Isabella at tila nag-alangan sa alok nito. Natawa naman ang hepe sa naging reaksyon nilang dalawa, kaya nilinaw niya ang kanyang sinabi. "Huwag kayong mag-alala, yung kotse ko ang gagamitin para maihatid kayo sa bahay n'yo," bahagya siyang natawa nang makita niyang tila nakahinga nang maluwag ang dalawa. "Salamat po, hindi na namin tatanggihan ang alok ninyo." Wika ni Evren sa hepe. "Aalis na po kami, maraming salamat po ulit." Pagpapasalamat niya at naglakad na sila palabas nang presinto at sumakay sa kotse na tinutukoy nang hepe.Ilang saglit lang ay nakarating na sila sa tapat nang bahay ni Isabella, doon na din bumaba si Evren. Nang makababa ay muli silang nagpasalamat sa pulis na naghatid sa kanila.
Bago pumasok nang gate si Isabella ay humalik muna siya kay Evren at yumakap. "Mahal, umuwi ka na baka hinahanap ka na ni Inay, mag-aalala iyon kapag wala ka pa sa inyo." Ani Isabella kay Evren habang papasok na ng gate nang kanilang bahay. "May pupuntahan muna ako," aniya sa dalaga na ipinagtaka naman nito. "Gabi na, saan ka pa pupunta?" Tanong ni Isabella sa kanya. "Importante lang, mahalaga ang lakad na ito, kaya hindi puwedeng ipagpaliban." Nakangiting paliwanag naman nito. "Ganoon ba, basta umuwi ka kaagad, magpaalam ka rin kay inay para alam niya." Bilin nito kay Evren at naglakad na siya papasok sa loob nang kanilang bahay, bago pa niya isinara ang pinto ay kumaway pa siya sa kasintahan. "Sige na! Pumasok ka na sa loob. Goodnight, i love you!" Malambing na wika ni Evren sa kasintahan.. "Umuwi ka na!" Anito, habang tumatawa. Kaya umalis na si Evren. ILANG ORAS NA ANG LUMIPAS, habang mahimbing na natutulog ang dalaga ay tila may narinig si Isabella, kaya pinakinggan niyang maigi, narinig niya ang pagtawag ni Evren sa kanya mula sa kanyang bintana. Tumayo siya mula sa kama at sumulip sa bintana. Hindi siya nagkamali si Evren nga ang nasa labas. "Gabi na ano kaya ang kailangan nang lalaking ito?" Tanong ni Isabella sa sarili. Kaya maingat siyang lumabas nang bahay upang puntahan ito. "Anong ginagawa mo rito? Gabi na Evren!” inis ngunit halos pabulong na wika nito. "Hindi ko kasi alam kung kailan ako makakauwi, hindi ako mapakali, sobrang mami-miss kita, Isabella." Saad ni Evren sa kasintahan. Kaya kinuha ang isang sing-sing at isinuot ito sa daliri ng babaeng kaniyang minamahal. Abot tainga ang ngiti ni Isavella ng makita ang nakasuot sa kanoyang daliri. Tumingin siya kay Evren at hinalikan niya ito sa labi."Mahal na mahal kita" wika ni Evren, habang nakayakap dito.
Bahagya namang natawa si Isabella. Ilang beses ba niyang narinig na sinabi ito nang kaniyang kasintahan. Pero dahil mahal niya ito. Nakakataba nang puso na malaman kung gaano siya nito kamahal.
"Mahal na mahal din kita, Evren." Sagot ni Isabella. "Umuwi ka na, dumaan ka dito sa bahay mamayang umaga, bago ka umalis." Aniya kay Evren at tumango lamang ito sa kanya bilang sagot. Bago umalis si Evren dinampian niyang muli ito ng halik sa mga labi, matapos nuon ay naglakad na siya palayo rito. Naglalakad na si Evren pauwi nang tila makaramdam siya nang may sumusunod sa kaniya. Kaya lumingon siya sa kanyang likuran, ngunit wala naman siyang nakita, kaya binilisan na niya ang paglalakad nang biglang may kumapit sa kanyang balikat, na kaniya namang ikinagulat. "Ay, diyos ko po!" Wika niya. Nang makarinig siya nang pagtawa sa kanyang likuran. "Pare, hanggang ngayon matatakutin ka pa din!" Anito kay Evren habang tumatawa. "Hayup ka, Andrew! Akala ko kung sino na." Pagalit na wika niya sa kaibigan, at nagpatuloy na sa paglalakad. "Evren, sorry na! Nakakatuwa ka kasi kapag natatakot ka." Natatawa pa din ito habang sinusundan ang kaibigan na naglalakad na pauwi sa bahay nito. "Andrew, saan ka ba nagpunta? Galing ako sa inyo nuong nakaraang araw. Sabi nang nanay mo umalis ka daw at dala ang mga gamit mo." Tanong ni Evren kay Andrew, nang biglang tumahimik ang kaibigan. Napansin naman iyon ni Evren kaya agad siyang humingi nang paumanhin sa kaibigan. "Sorry, pare. Nag-alala lang ako sa iyo, hindi mo naman gawain ang hindi magpaalam sa akin. Lalo na kapag may lakad ka." Dahil sa sinabi ni Evren natawa na naman ng malakas si Andrew na ipinagtaka naman nang binata. "Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Tanong niya rito habang tawa naman nang tawa si Andrew. "Pare, syota ba kita?" Tanong nito habang tumatawa. Nagtataka pa din si Evren hanggang sa makuha niya ang ibig nitong sabihin. "Ah, ganun!" Kaya hinablot niya si Andrew sa batok at saka kunwaring pinagsusuntok ito sa tagiliran. "Sorry na!"anito habang sinasalag ang pekeng mga suntok nito sa kanya. " Para kasi kitang syota kung mag-alala ka, baka magselos niyan si Isabella." Birong wika nito sa kaibigan. Na ikinatawa na din nito. "Sira ulo ka, kaibigan kita. Matalik na tayong magkaibigan simula pa lang nang mga bata tayo, Para na kitang kapatid, kaya ako nag-aalala" paliwanag nito sa kaibigan. "Nagtaka lang kasi ako, kasi unang pagkakataon mong ginawang umalis nang hindi nagsasabi sa akin." "Pasensya na, kung umalis ako, alam mo naman ang sitwasyon ko sa bahay. Simula nang mamatay si tatay. Kaya umalis na lang ako at pumunta kung saan." Anito, At muli silang naglakad. Ilang minuto silang tahimik lang na naglalakad. "Sige na pare, maaga pa tayo bukas. Puntahan na lang kita dito." Saad ni Andrew kay Evren at naglakad na ito palayo sa kanya. Hinatid na lamang ni Evren nang tingin ang kaibigan. Alam niya na marami nang paghihirap ang dinanas nang kaibigan sa piling nang ina-inahan. Sinasaktan si Andrew nang kaniyang ina-inahan kahit wala naman itong ginagawa. Kaya mas madalas na nasa kalye ito natutulog. Naalala tuloy ni Evren kung paqno sila nagkakilalang dalawa ni Andrew. Pauwi siya noon galing iskwelahan at may mga bata din na mas malaki sa kaniya ang inaasar siya. Hindi siya lumalaban dahil alam niya na hindi niya kayang kalabanin ang mga ito. Doon lumapit si Andrew upang ipagtanggol siya. Simula noon ay palagi na silang magkasama. Hanggang ngayon, ano man ang mayroon siya ay hindi niya kinakalimutang ibahagi ito sa kaibigan. Napapapalatak na lang si Evren sa sitwasyon ng kaibigan. Kaya naglakad na siya pauwi. Kinabukasan, Nakatanggap si Evren nang tawag mula sa kaibigan sa trabaho at ibinalita ang masamang nangyari sa pabrika.“Ano ba ang pag-uusapan natin?” tanong ni Andrew sa dalawang matanda.“About the business,” sagot ni Juanito sa anak. “We decided to merge th two Company, sa ganoon ay magiging mas malakas ito, sigurado na wala nang tatalo kapag pinagsama ang Del Fierro at Lopez.” Masayang pagbabalita ni Juanito sa dalawa.“Pero Papa, sigurado na ba kayong dalawa sa desisyon niyo?” tanong ni Andrew.“Oo nga, siguradong magiging malaking usapin ito lalo na sa mga board of directors.” Dagdag ni Calvin. Alam nilang magkapatid na malaking katanungan ito lalo na sa mga empleyado nang dalawang kumpaniya.“Andrew, Calvin. Kayong dalawa ang magiging tagapamahala ng lahat. Oo nga at pagsasamahin natin ang dalawang kumpaniya, pero hindi iyon nangangahulugan na isa lang ang mamamahala.” Ani Ronaldo, matapos humigop ng kape mula sa tasa.“Ilang araw na rin namin pinag-uusapan at maiging pinag isipan ang lahat ni Ronaldo, matanda na kami at gusto na naming mag-enjoy sa buhay.” Wika ulit ni Juanito kasunod
“Pupunta ba talaga si Del fierro at Lopez?” tanong ni Nyx nang mapansin ang magkapatid na lang ang wala sa grupo.“Ang sabi ni Calvin, magsasabay na silang magkapatid sa pagpunta rito.” Sagot ni Ricardo.Ilang saglit pa ay nakita na nilang papasok ang magkapatid kasunod si Mark at Maynard.“Wow, para kayong nag-usap a! sabay pa talaga kayong apat na dumating!” ani Nyx na may pagkairita sa tinig.“Nyx the Grumpy, hindi ka ba naka score sa Girlfriend mo kaya ka ganiyan?” birong wika ni Ben sa kaibigan.“Shut up, Ben!” inis na sambit ni Nyx. “Tumigil na kayo, ang importante narito na kami atleast hindi kami nahuli.” Ani Mark ng makaupo.“Anong hindi nahuli? Huli kayong pumasok ni Gutierrez kaya sagot niyo lahat ang iinumin natin ngayon.” Nakangising wika ni Ricardo sa kaibigan.“Iyon lang ba, walang problema kung gusto niyo dagdagan niyo pa,” natatawang sagot ni Mark.Agad na naghiyawan ang grupo matapos nang sinabi ni Mark, kaya naman um-order sila ng isang expensive na whiskey. “Ngay
“Calvin, sa tingin mo ba na ito na ang tamang oras ka kausapin ang anak mo?” nag-aalangan na tanong nito sa kapatid.“Kuya, ikaw na ang nagsabi hindi matatapos ang problema kung hindi pag-uusapan.” Sagot naman ni Calvin. Kaya muli itong kumatok.“Anak, papasok na ako.” Pagbukas niya nang pinto nakita niya si Reece na abala sa pagpipinta. “bakit hindi ka sumasagot? Kanina pa kita tinatawag,” aniya sa anak,“Sorry dad, wala lang po akong gana kumain,” sagot nito habang nananatili ang atensyon sa ginagawa.“Reece, tell me, is it about your tito Andrew?” Malakas na napabuntong hininga si Reece nang mabanggit nang ama ang pangalan na ayaw na niyang marinig kahit kailan.“Dad, bakit ba siya narito? Alam ko na kailangan ko siyang respetuhin, pero hindi ko maiwasan na magalit sa kaniya.” Anito, na kaagad na binitawan ang paint brush at pallet na hawak.Naglakad ito at naupo sa gilid nang kama, “Dad, ang totoo, ayoko siyang Makita. Galit ako sa kaniya lalo na kapag naiisip ko ang mga masas
Maagang nagising si Calvin dahil sa pagtawag nang kapatid na si Andrew.“Calvin, may gagawin ka ba mamaya?” seryosong wika ng nasa kabilang linya.“Oo, may mga appointment ako ngayong araw. And by the way good morning!” natatawang wika naman ni Calvin sa kausap. Pagak na natawa naman ang nasa kabilang linya. “Sorry for waking you up this early.” Hingi naman nito nang paumanhin. “Nah! Kailangan ko rin naman gumising nang maaga, nakatoka akong magluto ngayon, kailangan kong ipagluto nang almusal ang pamilya ko. Maaga ang pasok ni Reece ngayon dahil may Exam sila, at ayoko naman abalahin ang asawa ko dahil puyat siya sa pag-aasikaso kay Anikha.” Paliwanag nito habang nakatingin sa salamin sa loob ng banyo.“Okay, ayos lang ban a magkita tayo mamaya, dinner?” “Kuya, magpunta ka na lang dito, magpapaluto ako kay manang isama mo si Itay, total Saturday bukas, mag-bonding tayo.” Aya naman nito na saglit namang ikinatigil nang nasa kabilang linya.“Still there, kuya?” “Yeah, sige.” Sagot
“Mukhang nagkakatuwaan kayong magkapatid,” wika nang bagong pasok sa pintuan.“Isabella!” masayang pagbati ni Calvin at Andrew rito.“Mahal ko!, mabuti naman at naisipan mo nang dalawin ang mokong na ito. Kanina pa nagtatanong ito kung kailan ka dadalaw sa kaniya.” Pagsusumbong nito sa asawa.“Ano ba naman iyan, tol! Para kang bata kung magsumbong sa asawa mo!” natatawang biro ni Andrew sa kapatid.Agad na lumapit si Calvin kay Isabella at yumakap rito. “Sa kaniya lang naman ako ganito,” nakalabing wika naman nito.“Tumigil na nga kayong dalawa.” Natatawang awat naman ni Isabella. “nakakatuwa lang na nagbalik na kayo sa dati, masaya ako para sa inyong dalawa.”“Mabuti naman at napadalaw ka, iniisip ko tuloy na baka ayaw mo na akong makita, dahil sa mga nagawa kong pagkakasala sa inyong mag ina.” Malungkot ang mukhang wika ni Andrew, habang nakayuko ang ulo.Nagkatinginan ang mag-asawa kaya naman lumapit si Isabella at nagsalita, “Nagawa kang patawarin nang asawa ko, dapat ganoon rin a
Abala si Juanito sa pagbabasa nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang ospital. Agad na nagmadali sa pagbibihis si Juanito. Mabilis siyang sumakay nang kaniyang sasakyan at agad na sinabi sa kaniyang driver kung saan ospital. Hindi nagtagal nakarating siya kaagad kung saan ospital dinala ang anak. Kinakabahang nagtanong siya sa isang nurse na kaagad naman nitong sinagot. Mabilis ang mga hakbang na nagtungo siya sa operating room. Papalapit na siya nang makita niya ang isang pamilyar na tao, “Calvin, anak, anong ginagawa mo rito?” tanong nito. “Tay, ikaw, anong ginagawa mo rito?” balik tanong nito sa ama. “Tumawag sa akin ang ospital na 'to, ang sabi narito ang anak kong si Andrew.” sagot nito. Agad na bumakas ang pagtataka at pagkagulat sa mukha ni Calvin sa sinabi ng ama. “What? Anak mo si Andrew?” Tila nagkagulatan pa ang mag-ama sa nalaman kaya naman humarap si Juanito sa anak. “Anak, sabihin mo sa akin ang mga nangyari, makik