"Anong ginagawa mo dito?" Automatiko kong sabi kay Rafael.
"Wow!" He yelled out. "I am here to watch every move that you will do."
"Huh?" Kumunot ang aking noo sa sobrang sakit ng aking ulo. Ang gulo ni Monica at Rafael.
"Enough of the question. Did you start?" Ayan na naman ang start na pinagsasabi nila. Huminga ako ng malalim habang sapo ko ang aking ulo.
"Ano ba kasing dapat kong gawin dito?" Napalakas kong tinuran at nakagat ko ang aking labi ng makitang naningkit ang mga mata ni Rafael. Napalunok ako nang magsimula niya akong lapitan at idinikit ang mukha niya sa akin.
"What do you think?" He asked in a husky voice that quivering into my spine. Ibinuka ko ang aking bibig ngunit wala salitang lumabas dito.
Ang takot sa aking dibdib ay nadagdagan ng makita ang nagliliyab na kurtina sa may sala. Ang nakaraan na natabunan sa aking alaala pilit bumalik sa aking isipin. Ang kakilakilabot na aking naranasan noong ako ay musmos pa lamang ay unting unting bumabalik. Hindi ako makagalaw habang ang apoy ay lalong lumalaki at nanuyo ang aking lalamunan na walang namutawing salita. Sa ikalawang pagkakataon ang aking buhay ay nasa piligro. Ganoon ba katindi ang aking kasalanan upang ako lagi ay nalalagay sa kapahamakan. Sakit, poot, hinagpis, takot at pagkaawa sa aking sarili ay unti unting nagsilabasan sa aking puso. Hindi ako matatag, mahina ako at pagod na akong magpasensiya pero bakit kailangan humantong muli sa trahedya ang aking buhay.Mga boses nang humihingi ng tulong ay naririnig ko sa aking tenga. Ang mga salitang lagi paulit ulit sa aking isipan. "Tulong!" Isang bata sa sulok na aking nakikita. Nangingin
Lumapit si Rafael sa akin na may blangkong ekspresyon sa mukha. I averted my gaze and tried to calm myself. It is indeed a different Rafael. Ngunit bago pa siya makalapit sa akin biglang nag-ring ang kanyang smart phone at kumunot ang kanyang noo habang may kausap. Hindi ko marinig ng maayos ang kanilang pag-uusap dahil mahina ang boses niya para bang may tinatago."What?" Napatingin ako sa kanya ng bigla siyang sumigaw at sipain ang upuan sa harap niya. Hinagis niya ang kanyang cellphone at nagliliyab ang kanyang mga titig. "You are a good actress but I will not fall into your trap!" He shouted, walking away with a loud blast of the door.Natameme ako sa galit ni Rafael. Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap naglaho ang pag-aalala niya sa akin. Tinitigan ko ang cellphone niyang hinagis at pinulot ito. Muli itong tumunog at nakita ang pangalan ni Monic
Hindi ko minulat ang aking mga mata at pinandigan na tulog pa ako. Biglang tumahimik sa paligid at sa ilang saglit narinig ko ang bagsak ng pinto. Gumalaw ako paharap sa kanan at napa-iyak.“Michaela,” Napaupo ako ng marinig ang boses ni Rica. “Kung ikaw nga ba talaga si Michaela. Isa din ba ako sa mga taong pinapa-ikot mo, Diane?”Napaluha ako sa sinabi niya. “Hindi totoo yan. Ako talaga si Michaela.”“Marami nakitang larawan ni Sir James na nasa sa mga gamit mo sa bahay bakasyunan ni Sir Rafael.” malungkot nitong pahayag.“Anong ibig mong sabihin? Wala akong—”Nilagay ni Rica ang kanyang cellphone sa higaan at lumabas ng silid. Kinuha ko ito at tumambad
“Hindi ako nagsisinungaling, at lalong hindi akong nagpapanggap,” giit ko kay Rafael at tumayo ako sa isang sulok at tinitigan siya. “Hindi ako takot sayo.”He grasped my hand and locked his gaze. “Look at me! You will pay for all the madness you did to my brother!”“Wala akong kasalanan at kailanman hindi ako makokonsesya!” sigaw ko sa kanya. Sa isang iglap niyakap niya akong mahigpit at narinig ko ang hininga niya sa aking tenga. Nanginig ang aking paa at hindi ako makagalaw.“Ipagpalagay na natin na totoo ang sinabi mo pero may nangyari pa rin sa inyo ng kuya ko,” bulong nito at binitiwan ako dahilan upang matumba ako sa sahig. Tuloy tuloy lumabas ng silid si Rafael at hindi lumingon. Kahit anong pagkukumbinsi ko sa kanyang wala pa rin. Mukhang sar
Tahimik akong lumabas ng silid at napasandal sa pader. Things are getting complicated now. I never knew these things happened between us. In the first place, Rafael and I did not do anything.Biglang bumukas ang pinto at tinitigan ako ni Monica. “Are you happy now? We are over!” she screamed and pushed me. Napapikit ako at naghintay ng pananakit niya pero ilang sandali ng nakalipas wala akong sakit na naramdaman.“Go back to your room,” Rafael ordered, walking away.Huminga ako ng maluwag hanggang makita ko silang palayo dito sa kubo.“Anong nangyari?” biglang litaw ni Rica na may tanong sa kanyang mga mata.“Hindi ko alam,” gulong gulo kong sabi.
Hindi kumibo si Rafael, bagkus hinila niya ako papasok sa kubo. Binitawan niya ako pagpasok namin sa loob. Ang mga mata niya ay nakatuon lamang sakin at para ba akong hinubaran sa kanyang mga titig. Napapitlag ako sa aking iniisip at pumunta na lang sa kusina upang uminom. Nanginginig kong tinungga ang tubig at unti-unting rumehistro sa aking isipan ang aking nagawa. Mga pagkakataon na hindi ko mawaksi at ma-ipagkaila sa aking sarili.“Can we talk?” Nagulat ako sa pagsasalita ni Rafael.“Para saan pa?” Pilit kong tinatago ang aking pag-alarma sa presensya niya. Lumapit siya sa akin at mabilis naman akong naglakad pabalik sa sala. “Wala tayong dapat pag-usapan,”“Meron. Bakit hindi mo na lang aminin ang nagawa mo sa kuya ko para matapos na ang kahibangan ko.” Nagu
Hindi ako makakilos sa aking kinatatayuan matapos marinig ang boses ni Rafael. Kanina pa ba siya sa may pintuan. Lumapit siya sa amin at tiningnan si Rica.“Diane, labas muna ko.” sabi ni Rica at nagmadaling siyang lumabas.“Nagugutom po ba kayo Sir?” pormal kong sabi upang maiwasan ko ang kanyang tanong.“No,” usal nito at naglakad sa sala at umupo.“May kailangan po ba kayo?”“Oo,” Mabilis na sagot nito at tinitigan ang aking mga mata.“Ano po ang maipaglilingkod ko?” tanong ko ng direkta sa kanya na walang kurap kahit na sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Animo’y may mga dag
Nakatitig lamang ako sa rearview mirror at umaasang babalik si Rafael. Ilang oras na ang nakakalipas matapos siyang mag-walk out. Sa isang iglap may biglang isang lalaking papalapit sa akin. Akala ko hindi na niya ako babalikan. Mabilis akong bumaba sa sasakyan at tumakbo papunta sa kanya. Nadismaya akong makita na hindi si Rafael ito bagkus si Matt.“Ano na naman ginawa mo sa kanya?” tanong nito.“Wala akong ginawa sa kanya. Sinabi ko lamang ang totoo.” giit ko. Umiling lamang ito at binuksan ang driver seat. “Sumakay ka na. You should be thankful that Rafael did not force you to surrender at the police station.” dagdag nito at pinaandar na ang sasakyan. Tumahimik lamang ako sa aming buong byahe. Makalipas ang kalahating oras huminga ako ng malalim at humarap kay Matt.“Pwede bang iuwi mo na ako sa amin?”“Hindi!” matigas niyang sabi at pinabilis niya pa ang pagmamaneho.“Wala naman talaga akong kasalanan. Bakit ba ayaw niyong maniwala?” sigaw ko habang nagsimulang tumulo muli ang ak