Hindi kumibo si Rafael, bagkus hinila niya ako papasok sa kubo. Binitawan niya ako pagpasok namin sa loob. Ang mga mata niya ay nakatuon lamang sakin at para ba akong hinubaran sa kanyang mga titig. Napapitlag ako sa aking iniisip at pumunta na lang sa kusina upang uminom. Nanginginig kong tinungga ang tubig at unti-unting rumehistro sa aking isipan ang aking nagawa. Mga pagkakataon na hindi ko mawaksi at ma-ipagkaila sa aking sarili.
“Can we talk?” Nagulat ako sa pagsasalita ni Rafael.
“Para saan pa?” Pilit kong tinatago ang aking pag-alarma sa presensya niya. Lumapit siya sa akin at mabilis naman akong naglakad pabalik sa sala. “Wala tayong dapat pag-usapan,”
“Meron. Bakit hindi mo na lang aminin ang nagawa mo sa kuya ko para matapos na ang kahibangan ko.” Nagu
Hindi ako makakilos sa aking kinatatayuan matapos marinig ang boses ni Rafael. Kanina pa ba siya sa may pintuan. Lumapit siya sa amin at tiningnan si Rica.“Diane, labas muna ko.” sabi ni Rica at nagmadaling siyang lumabas.“Nagugutom po ba kayo Sir?” pormal kong sabi upang maiwasan ko ang kanyang tanong.“No,” usal nito at naglakad sa sala at umupo.“May kailangan po ba kayo?”“Oo,” Mabilis na sagot nito at tinitigan ang aking mga mata.“Ano po ang maipaglilingkod ko?” tanong ko ng direkta sa kanya na walang kurap kahit na sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Animo’y may mga dag
Nakatitig lamang ako sa rearview mirror at umaasang babalik si Rafael. Ilang oras na ang nakakalipas matapos siyang mag-walk out. Sa isang iglap may biglang isang lalaking papalapit sa akin. Akala ko hindi na niya ako babalikan. Mabilis akong bumaba sa sasakyan at tumakbo papunta sa kanya. Nadismaya akong makita na hindi si Rafael ito bagkus si Matt.“Ano na naman ginawa mo sa kanya?” tanong nito.“Wala akong ginawa sa kanya. Sinabi ko lamang ang totoo.” giit ko. Umiling lamang ito at binuksan ang driver seat. “Sumakay ka na. You should be thankful that Rafael did not force you to surrender at the police station.” dagdag nito at pinaandar na ang sasakyan. Tumahimik lamang ako sa aming buong byahe. Makalipas ang kalahating oras huminga ako ng malalim at humarap kay Matt.“Pwede bang iuwi mo na ako sa amin?”“Hindi!” matigas niyang sabi at pinabilis niya pa ang pagmamaneho.“Wala naman talaga akong kasalanan. Bakit ba ayaw niyong maniwala?” sigaw ko habang nagsimulang tumulo muli ang ak
Tumahimik na lamang si Rica at pinagpatuloy akong pakainin. Sa dami ng pinagdaanan ko dito sa islang ito bakit ba akong patuloy na nahuhulog kay Rafael. Umiling ako nang susubuan akong muli ni Rica.“Busog na ko,”“Ano ka ba, nakakadalawang kutsara ka pa lamang. Kailangan mong magpakalakas,” sagot nito at pinilit pa akong pakainin. Wala akong magawa at pinagpatuloy na lamang ang pagkain ng biglang nagbukas ang pinto ng silid. Humahangos pumasok si Matt at iniabot sa akin ang isang sulat na nakabalot sa makukulay na papel na may hugis rosas. Hindi siya nagsalita at lumabas na nang silid bago pa akong magtanong sa kanya. “Ano yan?” usisa ni Rica.“Hindi ko rin alam,” sagot ko at akmang bubuksan ito ng hablutin ni Rica sa kamay ko. “Akin na yan,” giit ko.“Ako nang magbabasa! Mahirap na baka lalo kang magkasakit pagbinasa mo ito,” pagprotesta niya at sinimulan basahin. “Omg!” kilig na kilig niyang sabi.“Anong naka sulat?” curious kong tanong sa kanya.“Maligayang kaarawan,” basa nito.“
Ilang oras lamang ang byahe namin ng huminto kami sa pamilyar na mga kubo at magagandang mga halaman sa paligid. Sa wakas na tapos na rin ang pag-aayos dito. "Diane, ano sa tingin mo?" Tanong ni Rica pagbukas ng sasakyan. "Ang ganda. Bakit tayo nandito?" "Hindi ko rin alam." Bumaba na rin si Matt pero walang imik. Nauna siyang maglakad sa amin at sumunod kami sa kanya. Biglang tumibok ang aking puso ng malakas habang papalapit kami sa mesa na punong-puno ng petals ng rosas. "Enjoy your day," saad ni Matt at hinila palayo si Rica. "Saglit sinong hihintayin ko dito?" sigaw ko. Hindi na sumagot si Matt at tuluyan na silang bumalik sa sasakyan. Hinila ko na lamang ang upuan at tinitigan ang mga bulaklak sa mesa. Ilang minuto pa lang ako ng nakaupo ng biglang may tumunog na musika. Natawa ako na awit ito ng pagbati sa aking kaarawan. Kahit hindi ko tunay na kaarawan na appreciate ko ang effort ni Matt at Rica dito."Okay na! Lumabas na kayo." Natatawa kong sabi pero nagulantang ako si
Mabilis akong pumasok sa kabilang kwarto at hindi mapakali. Sinara ko ang pinto at humiga sa malambot na kama. Biglang bumuhos ang malakas na ulan at tumayo ako upang isara ang bintana. Nanginig ako sa lamig matapos mabasa ang aking ulo dahil sa lakas ng hangin. Mabilis kong kinandado ang bintana at naghanap na maaaring pamalit na damit. Walang akong ibang mahagilap kung hindi isang mahabang t-shirt lamang na may logo sa likod. Hindi ko na ito masyadong pinansin at humiga na lang muli sa malambot na kama. Ilang oras pa lang akong nakakahiga dinalaw na ako ng antok ngunit biglang may boteng nabasag mula sa labas ng silid. Nagmadali ako lumabas at nag-alala na baka nadisgrasya na si Rafael. Pero bumungad sa aking ang pilyong niyang ngiti."You can't sleep….." He hissed and walked slowly to grab my hand. I moved backward and shut the door. Hanggang ngayon umiinom pa rin siya. Gaano ba kataas ang tolerance niya sa alak? Nasapo ko na lamang ang aking noo sa inis. Habang patuloy pa rin ang
Niyakap ko ang aking sarili at hinila ang kumot at tinakpan ang aking katawan. Nanghihina ako at hindi ko alam kong makakaya ko pang maglakad pabalik sa kabilang silid. Siguro hindi naman na babalik si Rafael dito. Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa dingding. Alas kwarto na ng umaga. Dalawang oras na lang lilitaw na ang araw. Panibagong umaga haharapin ko. Huminga ako ng malalim at pinikit ko ang aking mata. Ilang minuto pa lamang bumukas muli ang pinto at narinig ko ang tunog ng lock nito. Napamulat ako at nakita nakangisi si Rafael sa akin. Bago pa ako makapagsalita bigla siyang tumalon sa kama at mabilis na tinanggal ang kanyang damit. Napalunok ako at hinila niya ako paharap sa kanya. Ang mga mata niya ay nanlilisik at mabilis niya akong hinawakan sa mukha at bumulong, “Miss me?” Tinulak ko siya pero hindi man siya natinag at dahan-dahang itinaas ang aking damit. “Bitiwan mo—” Tinakpan niya ang aking bibig at patuloy na ginalaw ang kanyang kamay sa loob ng aking dress. Napal
Halos isang oras akong nakatitig sa mga larawan ko at nanghihina akong tumayo at umupo sa kama. Paano ba ako lalaban nito kung tama lahat ang paratang ni Rafael sa Ate ko? Hinila ko ang unan at niyakap ito at humagulgol ako sa halo-halo kong emosyon. Ang dami ko pa ring tanong sa buhay ko na hindi ko magawa makuha ang sagot tapos nadagdag pa ang ganitong sitwasyon. Hindi ko na kakayanin pa kung anong susunod na gagawin ni Rafael. Hindi niya nga ako sinaktan ng physical pero ang target naman niya ang emosyon ko. Unti-unti niyang dinudurog ang puso ko sa mga ginagawa niya. Bakit ba ang lakas ng epekto niya sa akin? Biglang bumukas ang pinto ng silid ngunit masyado na akong nasaktan at hindi na tinignan kong si Rafael nga ba ang bumalik. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at mabuting manahimik na lamang ako. Sa isang iglap sumara muli ang pinto. Tahimik lang akong humikbi hanggang may naramdaman akong umupo sa aking tabi. Biglang kumabog ng napakalakas ang aking puso at hindi ko mag
Hindi matapos tapos ang sumisigaw na ligaya saking puso at ang mga paru paro sa aking tiyan ay patuloy ang paglipad. Matapos ang intimate kiss namin ni Rafael kanina nakita ko kung paano kuminang ang kanyang mga mata na para bang ako lang ang babaeng pinaglalaanan niya ng mapupusok na halik. Nilagay ko ang mga kamay ko sa aking braso habang umaawit. Ang saya sa pakiramdam para na akong mababaliw."Diane!" Napapitlag ako ng marinig ang sigaw ni Rica. Minulat ko ang aking mata at dinampot ang walis sa gilid. "Ano yun?" tanong ko na hindi tumitingin sa kanya."Anong nangyari sayo?" Pag-usisa nito. Umiling lamang ako at nagsimulang magwalis sa sala. Hindi na muli kumibo si Rica pero ramdam ko ang titig niya sakin habang nagwawalis ako. Nagtatalo ang isipan ko kung sasabihin ko ba sa kanya niya o huwag na muna. Bigla siyang lumapit sakin tapos kinuha ang walis."Malinis naman dito. Bakit linis ka ng linis?" tanong niya. "Madumi pa kaya," dahilan ko pero mabilis niya itinaas ang baba ko