Tumakbo ako ng tumakbo at hindi malaman kung saan papunta ang aking mga paa. Gusto kong makawala sa sakit na aking nadarama. Naramdaman ko na lamang ang malamig na tubig na dumapo sa aking ulo. Pagtingin ko sa kalangitan bumubuhos na ang ulan. Natawa ako ng mapait dahil pati ang panahon nakikisali sa aking pag iyak. Nakakakita ako ng waiting area na may maliit na bubong. Minabuti ko na munang umupo dito. Naalala ko na naman ang nakit kong eksena kanina. Naglapat ang mga labi ni Monica at Rafael. Hindi pa sila nahiya sa gitna pa talaga ng daan. Bigla akong napatayo at narinig ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ito maaari unti unti na ba akong nahuhulog sa kanya. Nagising ako sa malalim kong pagiisip ng bigla may isang kotseng huminto sa akin.
"Diane pinaparusahan ka na naman ba ni Rafael?""Matt? Akala ko bang umalis ka na.""Nadelay ang flight ko pabalik kaya minabuti ko munang pumunta dito." Bigla niyang sinara ang bintana ng kanyang kotse. Akala ko isasakay niya aMahihiga na lang sana ako ng makita ko ang isang paper bag at my sticky notes na "Eat well". Dahan dahan ko itong binuksan at namilog ang aking mga mata ng mapagtanto na ito pala ay pagkain. My favorite spaghetti and fried chicken. Hindi na ako nagdalawang isip at kinuha ko ang tinidor. Sinimulang kung kainin ang spaghetti at napapikit ako sa sarap. Kung kanino man galing ito napakabait niya. Naubos ko ang spaghetti sa limang subo lamang at tumayo ako at pumunta sa banyo upang maghugas ng kamay. Pagbalik ko sinimulang kung kainin ang dalawang fried chicken. I miss this food. Naubos ko ito at tumayo ako at naglakad lakad. Pagbabago ko ng hagdan wala na si Rafael sa kusina. Saan na naman kaya punta iyon? Umiling ako sa ideya na iyon at minabuting umakyat na lang muli papunta sa aking silid. Tinitigan ko ang paper bag nakalimutan ko pa lang ibaba sa higaan. Pagtingin ko nakita ko na may laman pa ito. Nagliwanag ang aking mga mata ng makita ko na street food ito with sauce na may
Natuwa ako ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Humarap ako sa kanya at ngumiti. "Matt, akala ko bang aalis ka rin agad?"Ngumiti siya at para bang maganda ang awra niya ngayon. "Oo, pero nakiusap si Rafael na bantayan ka sa mga gagawin mo sa pabrika." Namilog ang aking mga mata at umiling."Bakit pa ko kailangan bantayan? Hindi naman na ako bata.""I don't know. Let's just meet in the Villa Letisha." Lumaki ang aking mga mata at lumapit sa kanya."Hindi mo ako ihahatid?" Umiling lang siya at sumakay na sa kabayo. Tinanaw ko na lamang siya habang palayo sa akin. Maaga pa naman at hindi pa mainit. "Mag Jogging na lamang ako." Pag Kumbinsi ko sa aking sarili. Nagsimula na ako tumakbo at nakalagpas pa lang ako ng isang kanto ramdam ko na ang pawis na tumutulo sa aking mukha. Nagpasya akong sumilong muna at nagpunas ng mukha. Napabuntong hininga ako at nag isip. Sa bagay kung tutuusin hindi naman parusa ang ginagawang ito sa akin ni Rafael. Tama! Tumayo ak
Naningkit ang aking mga mata at nanginginig ang aking binti. Nakaupo si Monica sa kandungan ni Rafael. Na estatwa ako at hindi maalis ang tingin sa kanilang dalawa, hanggang ilapit ni Monica ang kanyang mukha kay Rafael. Nahulog ko ang dala kong potatos at umalingawngaw ang steel na lalagyan nito. Nabaling ang atensiyon nila sa akin at nakataas ang mga kilay ni Monica.“What are you doing here?” Sigaw niya sabay sara ng malakas sa pinto. Nainis akong pinulot ang mga nahulog na potatos. Umuusok ang aking ilong sa inis at galit. Hindi man nagawang mag-react ni Rafael. Ano klase siyang lalaki? Nang gagalaiti ako sa galit habang pababa ng hagdan.“Diane!” Narinig ko ang sigaw ni Rafael. Ngunit sa aking inis nagmadaling akong bumababa at hindi ko na hakbangan ang ikalawang hagdan na tuluyan akong natumba. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil malapit na akong mahulog ngunit naramdaman ko ang hawak ng malambot na braso. Natuwa ako at iminulat
"Pwede naman hindi kung ayaw mo, Diane." Kanina pa ako kinukulit ni Rica habang naglalakad kami pauwi. "Oo, okay lang sakin at wala din akong mapupuntahan dito." Sagot ko pero sa loob loob ko inis na inis na akong sa mga ginagawa ni Rafael sa akin. "Sige, sabi mo yan. Di bale kasama mo naman ako at madali kitang matutulungan." Suhestyon niya na nakangiti pa. Tumango na lamang ako at ipinagpatuloy ang paglalakad. Napahinto ako ng biglang humangin ng malakas at natakpan ang aking mukha. "Maari ba akong humiling sayo?" Biglang tanong ko kay Rica. "Ano iyon?" Tanong niya habang humaharap sa akin. "Tawagin mo na lang akong Michaela. Iyon talaga ang tunay kong pangalan
Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip sa eksenang nasaksihan ko kagabi kay Rafael at Monica. Sila na ba talaga? Bakit kay bigat sa puso?"Hoy!" Biglang tulak sa akin ni Rica. Napaupo tuloy ako sa sahig. "Bakit namumugto ang iyong mga mata?""Huh?" Utal ko. Lumapit siya sa akin at tinulungan akong tumayo. Hinawakan niya ang mga mata ko."Umiyak ka ba kagabi?" she asked while observing my face. I felt a sudden change in my heart. Am I jealous of Monica? Do I love Rafael? Para akong na estatwa sa aking mga iniisip hanggang tumawa ng malakas si Rica. Kumunot ang aking noo at tumakbo sa banyo. Pagtingin ko sa salamin hindi naman namumugto ang aking mga mata at may malaking eyebags lang ako. Malamang dahil hindi ako gaanong nakatulog."Diane!" Sigaw ni Rica sa
Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan at nakatitig lamang sa gwapong lalake sa aking harapan. He has a broad shoulder and perfect jawlines that no one can resist. However, his forehead wrinkled. Nagsimula siyang maglakad palapit sa amin ni Rica at nanginginig ang aking tuhod dahil ramdam ko ang nagliliyab na awra na nakapaligid sa kanya. Anytime he can dragged me or worse kill me. Lumapit siya sa akin at biglang hinila ang aking kamay. I shoved it and gulped. I need to fight back now."Hindi ako sasama sa iyo." Matigas ko sabi. Pero parang wala siyang narinig at patuloy ang paghila sa akin hanggang malapit na kami sa pinto. Lumingon ako kay Rica at humihingi ng tulong."Sir Rafael!" Tumakbo si Rica sa amin. Humarap sa kanya si Rafael na nakakakunot pa din ang kilay. Huminga ng malalim si Rica at nagpatuloy, " Kailangan po namin si Michaela este si Dia
Hindi ako maka sagot sa tanong ni Rafael dahil nakakatakot na naman ang itsura ng kanyang mukha. Salubong ang kanyang mga kilay at ang mga mata niya ay punong puno ng galit."Tinulungan ko lang siya makakain dito." Biglang sagot ni Matt."Good then, keep on watching her. Baka tumakas na naman siya. Monica and I need to go somewhere." Rafael answered to Matt nicely. Nakakainis talaga siya. Kanina lang umuusok na ang ilong niya tapos mabanggit niya lang ang pangalan ni Monica nagiging good mood siya. "Anong nangyari sa mukha mo?" Lumingon siya sa akin at akmang hahawakan ang aking mukha ng bumukas ang pinto."Babe, let's go!" Monica shouted. Umiling na lamang siya at tinapik ang braso ni Matt. Tumango lang ito at umalis na."Okay, ka lang ba?" Matt asked out of nowhere aft
Napaatras ako at nanginginig na tumingin kay Matt. Tinignan niya ako ng makahulugan at hinawakan ang aking kamay. Ramdam ko ang gustong niyang mangyari. "What are you doing outside?" Rafael abruptly shouted, and Matt removed his hold at me. "Nagpahangin lang." sagot ko at naglalakad palayo. Nagmadali akong pumasok sa maliit na kwarto sa loob ng kulungan ng mga hayop. Umupo ako at huminga ng malalim. Paano nalaman lahat ng iyon ni Matt? At bakit hindi pa niya sinasabi kay Rafael? Gulong gulo ang aking pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto. "Follow me!" Matigas na sabi ni Rafael. Huminga ako ng malalim at sinundan siya. Si Monica nakita ko sa di kalayuan na pinagbuksan ng pinto ni Matt. "What?" "Wala," saad ko. "Gus