Share

Chapter 3

Kasalukuyan akong nagmumuni-muni sa garden, maganda ang lugar na ito, maaliwalas at tahimik, bagay na nagustuhan ko rito. Isang-linggo narin mula ng mangyari ang nakakagimbal na pagkamatay ko, at ang katotohanang nabuhay akong muli, sa parehong taon at buwan sa ibang katawan. 

Siguro, ay binigyan akong muli ng panginoon ng pagkakataong makapaghiganti sa mga hayop na yon. 

Mahigpit kong kinuyom ang aking mga palad, hindi ko lubos maisip kung paanong nakayanan ko pang umabot ng ilang minuto sa ganun klaseng torture. Para tuloy, gusto kong subukan yun sa kanila. 

'Humanda kayo Devora, kung sa akala nyo ay matatahimik ako, yon ang akala nyo' 

*****

Samantala, labis ang paghihinagpis ng ama ni Jane ng malaman ang pagkamatay ng anak. Ang sabi nina Devora, ay may kumuha raw rito na mga kalaban ng Deguzman clan.

"They torture her to death, they peel her face and pull her nails out one by one. They just throw her in front of the mansion like a garbage," That's the exact statement they told to Rico Deguzman the moment he return home. Tanging ang libing nalang ng anak nya ang kanyang naabutan. Mabuti nalang at nandyan sina Devora, para kahit papano ay naging maayos ang libing nito.

He never thought na ganito ang magiging kalalabasan ng pag-alis nya. Kaya pala ay parang namamaalam ito sa kanya ng gabing umalis sya. Halos hindi na nga ito bumibitaw sa kanya. Umiiyak sya sa labis na paghihinagpis at sakit na nararamdaman. Naisip nya kung gaano sya kawalang kwentang ama, sariling anak nya ay hindi man lang nya natulungan. Halos gusto narin nitong mamatay, ano pang silbi ng lahat gayong ang dahilan ng kanyang pagsisikap ay wala na. Naturingan pa man din syang isa sa pinakamalakas na Mafia boss, ngunit wala man lang nagawa para sa sariling anak.

'Kung sana ay alam ko na may mangyayaring masama sa iyo mahal kong anak, sana ay mas inuna nalang kita'

"F*ck! Who the hell did this to my daughter," His thunderous voice filled the whole place. Hindi nya matanggap-tanggap kung gano sya kawalang kwentang ama. 

"Archel! find those f*cking demon, I want them alive, I will make sure that I will be their greatest nightmare!" Malakas na boses na utos nito.

*****

Kalat na kalat na sa buong Levito ang naganap na pagpatay sa anak ng isa sa pinakamalakas na Mafia boss. Rico Deguzman is now putting a trillion dollar price whoever point out the killer.

Halos lumuwa ang mga mata nina Devora dahil sa narinig na anunsyo. Sino ba namang hindi mababaliw, its cost is not just a penny, but a trillion dollar, for heaven sake, sino ang hindi malulula sa ganitong klaseng pangyayari. It's the least they could expect. Hindi nila aakalain na ganito kamahal ni Rico Deguzman ang anak para lang magsayang ng pera. Nais nilang makuha ang premyong iyon, malaki na ito kung ikukumpara sa ilang milyong dolyar na allowance nila. 

"Mom, kailangan nating makuha ang pabuya, mag-isip ka ng paraan kung papano mapapasaatin ang malaking perang iyon. Lubusin na natin ang panghuhothot sa lalaking iyon. Naiinip na si dad sa kahihintay," Malakas na singhal ni Devora.

Nakaupo sa sofa si Kendra, nakadekwatro at umuusok pa ang ilong na nanggagaling sa sigarilyo. Walang mababakas na kahit katiting na guilt sa mukha nito. Magkaharap silang mag-ina na panay upos-sindi ng yosi. Nakalagay naman sa baso ang mga champaign.

Nakikinita na ni Kendra, ang buhay na kanyang mararanasan kapag mapasakanya ang lahat ng kayamanan ng mga Deguzman. Hindi pa sya nakontento sa pag-patay sa sole heiress ng mga ito, maging pati ang pabuya ay papatusin nya.

'Walang dapat na masayang maski isang patak na salapi para sa walang kwentang babaeng yon'

Napangisi nalang si Kendra ng may maisip.

"Mom, naiiisip mo ba ang naiisip ko?" nakangiting bulalas ni Devora.

"Yes, dear, absolutely," Masaya namang tugon ng ina nito.

Agad itong kumuha ng telepono at may tinawagan...

****

Samantala, nagulat din si Jane sa balitang napanood, her father was wasting his fortune just to find the culprit of the f*cking murder?

'Dad, the culprit was already at you're hand's, yet you never know it'

I know Kendra and Devora's modus, I think, their next move is to find someone who they can present as the culprit and get the f*cking money, they will absolutely use another person for that, and who would it be? Let's wait for the next event.

'I curse you two to hell, I promise that I will make you suffer tenfolds, Devora and Kendra, just wait for my great comeback dear mother and sister's'

Gelay, hand her young lady all the document she demand, she was confuse yet she still collect it all as per as her lady command. It was all about someone named Devora Lopez and Kendra Lopez. She think those people was some kind of Mr. Rico Deguzman new spouse and step-daughter. 

Hindi nya alam kung bakit ito ang pinapahanap ng lady nya, gayong may malaking problema ito na kailangang asikasuhin. 

*****

Seryoso lang na nakatitig si Jane sa mga papel sa harap nya. Nagtataka sya kung bakit naging ganito ang kinalabasan. Ang sabi ni Kendra ay patay na raw ang dating asawa nito, yun pala ay hindi pa, kasalukuyan itong nakatira sa Lebanun Subdivision, isa itong exclusive subdivision, na sa tingin nya ay ten minutes drive lamang mula sa bahay nila. 

'The h*ck! Ibig ba talagang sabihin ay pinlano talaga ng dalawang iyon ang pagkikita nila dad, na sabi pa ay coincidence lamang daw?'

Ano nanamang kalokohan itong mga nalalaman ko? dagdag ba ito sa misteryo ng pagkatao ng mag-inang yun? Tama nga talaga ang hinala ko, tanging pera lang ang habol ng mga hayop na yun. What to do? hindi ako maaaring basta-basta lumapit kay dad, magkalaban ang pamilya namin at ang pamilya ng katawang kasalukuyang ginagamit ko. 

Sumakit ng husto ang ulo ni Jane sa pag-iisip. Kailangan pa nyang harapin ang katotohanang hindi lamang sina Devora, ang kalaban nya sa ngayon, maging ang kanyang walang hiyang ama at pekeng kapatid ay kalaban nya narin. 

'f*ck! Sa paghiling ko na muling makaganti, ay mas binigyan naman ako ng maraming sakit sa ulo, nice naman talaga' 

Hinilot nya ang kanyang sintido at pinilit mag-isip ng mga positibong bagay.

"Young lady, dahan-dahan ka muna, wag mong masyadong pagurin ang iyong isipan, kakagaling mo lang sa sakit, ipahinga mo na muna ang iyong sarili, matulog ka nalang po muna para naman mamaya pag-gising mo, ay makakapag-isip ka na ng maayos..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status