Share

Chapter 4

"Young lady, dahan-dahan ka muna, wag mong masyadong pagurin ang iyong isipan, kakagaling mo lang sa sakit, ipahinga mo na muna ang iyong sarili, matulog ka nalang po muna para naman mamaya pag-gising mo ay makakapag-isip ka na ng maayos,"

Tumango naman si Jane sa suhestiyon ni Gelay.

******

Nagising si Jane sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto niya. Bumangon sya at bahagyang kinusot ang kanyang mga mata. Marahan syang tumayo at lumapit sa pinto para makita ang komosyon sa labas.

Pagbukas nya ng pinto ay nakita nyang pinipigilan ni Gelay ang isang lalaki na gusto sanang pumunta sa kwarto ko.

"Anong kaguluhan to?" Nabigla ang dalawa sa pagtatalo ng marinig ang malamig na boses na nanggagaling sa kanilang likuran. 

"Lady! Patawad po kung nagising kayo dahil sa ingay, ito po kasing si Daniel, ayaw makinig, gusto po kayong makita," Mahinang sabi naman ni Gelay.

"Daniel? Sino sya Gelay?" Malamig naman ulit na tanong ni Jane.

"Ano? Pati ba naman ako Brea, nakalimutan mo? Ang gwapong pagmumukhang to? Ang nag-iisa mong..." Hindi na nito natapos ang sasabihin ng may muli nanamang sumingit. Isang matinis na boses ng babae.

"Anong ano ha? Ano? Ituloy mo, gusto mong sungal-ngalin ko yang mukha mong pangit!" Sigaw nito at dinuro-duro pa si Daniel. Napakamot nalang ang huli ng ulo habang nahihiyang ngumiti at tumingin ng kimi kay Jane.

"My Lady, dalawa po sila sa mga kagang-mate mo. Sya si Irish, sya po ang nagligtas sayo mula sa lason, sila lamang ang nandito sapagkat hindi makaalis-alis ang iba sa underworld. Sunod-sunod ang hamon na natanggap ng grupo simula ng hindi ka na nagpapakita doon. Hindi din natin pwedeng tanggihan ang mga hamon sapagkat nasa patakaran iyon, sinumang nasa taas ay hindi maaaring tumanggi ng hamon mula sa baba. Marami ang gustong umagaw sa trono natin my lady!" Mahinahong pagpapaliwanag naman ni Gelay sa naguguluhang si Jane.

"Thanks for that," Malamig na sabi naman nito. She was grateful, at least this body was preserve until she enter.

"So, tama nga ako, may kakaibang epekto ang gamot na ibinigay nila sayo queen, isa iyon sa mga dilekadong drugs, buti nalang at may bago akong natuklasang anti-poison. Yon ang sinubukan kong ipainom sayo. Akala talaga namin ay patay kana, nang makarating ka dito ay isa ka nang malamig na bangkay, kaya nagtaka talaga ako ng husto kung sa paanong paraan muling bumalik ang kulay at init ng katawan mo," Paliwanag naman ni Irish kay Jane.

'Hindi naman talaga nabuhay o nailigtas ang may-ari ng katawan na to, bagkos ay ibang kaluluwa na ang naninirahan ngayon'

Sa isip ni Jane, pero kahit ganon ay masaya narin syang may nagmamalasakit din pala kay Brea, na ngayon ay sya na.

Tumango lang ito at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Naglakad sya papuntang sala, sumunod naman ang tatlo sa kanya. Naupo sila sa sofa, agad naman na inilatag ni Irish ang lahat ng dala nyang mga papel.

"Brea, I think this is really not a goodtime for you to see all of this, but I think you need to, kahit wala kang maalala, sinasabi ko sayo maiinis ka parin sa mga nalaman ko about your demon sister," Natatawa nitong sabi.

"What do you mean?" Tanong naman ni Jane.

Kilala ni Jane ang nasabing babae, sikat ito sa buong Levito, eskandalosa at walang hiya kung umasta, lagi itong nagte-trending sa lahat ng mga social media platform dahil sa sama ng ugali.

"Brea, your goody, goody devil sister is a f*cking mistress of Don Rafael Savedo, the fifth elect senator of Levito. The owner of R & S group of company. Husband of Donya Clarita Savedo, and the father of Leandra Savido. Her co-model and competitor. Imagined, how disgusting that bitch is!" Irish hyperventilatingly exclaimed.

"Oh my God, kaya naman pala kung makangiti kay Don Rafael, at makasulyap ay may halong landi, yun naman pala ay nang-aakit pala yung gaga," Sabi naman ni Gelay.

"Well, as you can see, hindi lang iisa ang kabit ng senator na yan, lima sila, kadalasan ay model at kasama sa entertainment industry," Sabat naman ni Daniel.

Tumango-tango naman si Jane. Kung ang plano ng dating Brea ay ang pabagsakin ang kanyang kapatid, kunin ang atensyon at pagmamahal ng ama, pwes, sya ay hindi. Iba ang plano nya, mas gusto nyang paglaruan ang mga ito. Magagamit niya ang kaalaman nya bilang Jane, para madaling makakuha ng impormasyon. Marami din syang mga kilalang malalaking tao sa lipunan dahil sa kanyang ama, at kung atensyon at pagmamahal lang ng ama ni Brea? Hindi nya kailangan ang mga iyon. She smirked at her thought and stood up.

"Let's go! I need to return to our so called house, I want to see that girl," She was pertaining to Karina, her devil sister.

"Are you sure about this? For sure magugulat sila kung bakit buhay ka pa rin, sigurado akong nagpapaparty na ito sa sobrang saya dahil nga akala nya ay tuluyan ka ng namatay, even your heartless father," Giit ni Irish.

"Well then, we will attend the party!" May malademonyong ngisi ang lumabas sa kanyang bibig.

*****

Tama nga talaga si Irish, hindi lang nagpaparty, bagkus ay nagpapress pa ang gaga, marami itong masasamang bagay at paninira ang sinasabi about Brea. May paiyak-iyak pa itong nalalaman. Habang nakatingin lang si Brea sa harapan. Kasama nito sina Daniel, Irish at Gelay. 

Maya-maya ay nagulat ang lahat ng bigla nalang lumitaw ang babaeng akala ng lahat ay patay na, ang babaeng kani-kanina lang ay pinag-uusapan ng lahat, dahil di umano ay namatay dahil nabaril daw ng gwardya, ayun kay Karina, pinagtangkaan daw ni Brea ang buhay nya dahil daw sa labis na inggit. Kaya ngayon, gulat na gulat ang lahat dahil sa paglitaw nitong bigla, buhay na buhay.

"Hi, dear sister! are you done defaming me? Ganun ka ba talaga katuwa na mamatay ako, at nagpa-presscon kapa talaga? Nice, next time..." Lumapit si Brea sa tenga ni Karina at bumulong..."Galingan mo huh, para hindi naman masira ang diskarte mo," 

Isang malaking ngisi ang pinakawalan ni Brea sa harap ng lahat, samantalang, si Karina naman ay hindi parin nakakagalaw at nanlalaki pa ang mga mata. 

Mabilis na humawi sa gitna ang lahat, nakakatakot ang awra ng babaeng kanilang nakikita, napakalamig ng mga walang buhay na mga mata, at ang boses na parang hinugot sa ilalim ng lupa. Hindi nila alam, na ganito pala nakakatakot ang isa pang anak ni Regan Legre. Kagayang-kagaya ito kung tumingin sa kanyang ama, malamig at nakakatakot...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status