Share

Chapter 5

Hindi ko mawari kung bakit sa nagdaang araw ay panay ang alis niya. Hindi ko tuloy malaman kung dapat ba akong mangamba o magsaya Ngunit dahil roon, nagagawa ko ang mga bagay na dati ay hindi ko magagawa sa tahanan.

Bantay sarado kami ng Ina, kaya kung may gusto man akong gawin; nagagawa ko sa likuran ng aming tahanan. Kahit ang mga kapatid ay nahanap ang kagustohan sa sarili nilang paraan.

Ngunit tulad ng turo, walang sinuman ang may karapatang tahakin ang daang kanilang ninanais. Lahat ay may nakalaang daang dinidisinyo bago pa man sila isilang sa mundo.

“Ngunit mali ang daang ito,” sabi ko at panay ang iling. Katatapos ko lamang basahin ang niluluma nang libro. Sa unang tingin ay akalain mong isang pangaral at karaniwang libro lamang. Ngunit dahil rito'y minulat ang aking kaisipan.

Ang pangaral rito'y may malalim na kapahulogan. Maaring walang liwanag sa pupuntahan at pinili mong landas, ngunit ang pagkatoto ay maghahatid sa'yo sa tamang landas...at kakaibang tapang.

Matapos sulat
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status