Revive the Escape

Revive the Escape

last updateLast Updated : 2023-01-13
By:  jlav4rielOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
27Chapters
1.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

He rather die than letting her escape; torn and regrets. She rather escape than him dying before her very eyes.

View More

Chapter 1

Chapter 1

Paano ko nga ba mauunawaan ang mga sandali? Pakiramdam ko kay bilis ng mga pangyayari. Sa isang iglap, natali ako sa isang kasunduang habang buhay kong iisiping isa lamang bangungot ng reyalidad.

Sa sobrang bilis, namalayan ko na lamang ang pamamaalam nila sa akin. 

“Mag-ingat ka,” sabi ni ina na para bang nasa malayo ako pupunta. “Pakatandaan mo ang mga tinuro ko-” Tumikhim siya at lalong lumapit sa aking tainga. “-sa lalong madaling panahon, nararapat magbunga ang pagmamahalan niyong dalawa.”

Pagmamahalan? Nangunot ang noo ko sa kaniyang tinuran, nagtataka man ngunit walang lakas upang isaboses ang mga katanongan. Nakuha ang pansin ko ni ama na pasimpleng nilapitan ang lalaking bumihag sa buhay ko. “Sa makalawa-” 

Kinuha ng kapatid ang atensiyon ko bago ko pa man maunigan ang sinabi ni ama. Doon ko lang namalayang saglit na pumanhik ang ina sa loob. 

“Nagpaalam siya, hindi mo ba narinig?” may pagtatakang paliwanag ng kapatid.

“N-narinig,” baling ko sa kaniya.

Hindi man siya tuluyang sigurado ay tumango siya. “Ayos lang ba sa'yo ang ganito?” Maya-maya ay pabulong nitong sabi, “Ganap na kayong mag-asawa...”

Pinigilan ko siya, dumistansiya bigla. “Huwag ako ang alalahanin mo kapatid,” sabi kong hindi mapigilang bigyan ng intesiyon ang paglapit niya. Seryoso ko siyangpinakatitigan. “Ang alalahanin mo ay kung paano mo magawang makumbinsi sina ama't ina. Ayaw mo namang matulad sa akin, hindi ba?” 

Nanlalaki ang kaniyang mga mata. “Paano mong...” Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin, at nang mapansin ang pagbalik ni ina ay biglang napalayo. Bago 'yon ay bumulong nang walang ka-emo-emosyon. “Huwag kang magkakamali, Jesreal Liz.” Isa 'yong banta na kinangisi ko na lamang.

Tiningnan ni ina ang kapatid na umiwas ng tingin at natuod na lamang sa kinatatayuan, kuyom ang dalawang kamao. Kahit naman hindi ito magbanta ay hindi ko ipagsasabi ang nalalaman ko patungkol sa kaniyang binabalak. Ang hiling ko lang ay hindi siya magaya ko na wala ng takas sa nakabaang na kapalaran. 

Mula sa kapatid ay ay natuon ang atensiyon ko sa lalaking ngayon ay kausap ni ama. Napalunok ako at biglang nawala sa sarili nang nagkasalubong ang mga tingin namin.

“Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?” Nagulat pa ako sa biglang singit ni ina sa mga iniisIp ko. Napakurap-kurap akong bumalik ang oansin sa kaniya. “Opo-”

“Hindi ka nga nakikinig,” putol nito.

Nabakas sandali ang taray sa boses at dismaya ngunit kalaunan ay pinapaintidi sa sariling hindi na nga ako tulad ng dati. “Alam kong mahirap sa una ngunit ito ang tadhana ng bawat babae. Naiintindihan mo na naman ang dahilan kung bakit nangyayari ito?”

Paano ko nga ba malilimutan, Ina? “O-opo,” tugon ko at naiwas ng tingin.

“Bilang babae, hindi tayo nararapat gumagawa ng mga bagay na makapagdulot ng kahihiyan sa ating pamilya. Kaya ngayong-” Napatingin siya sa lalaking ngumingiti man sa harap ni ama ay walang makakapagsabi kung ano nga ba ang tunay na laman ng isipan nito, lalaking may nag-ye-yelong mga mata. Bumuntong hininga si ina, hindi na nag-abalang ipagpatuloy ang gustong sabihin. Ngunit may pahabol siyang paalala, “Isa lang ang mahalaga sa gagampanan mo, Jesreal Liz Gomez.” 

Nang marinig ang buong pangalan mula sa kaniya ay tumuwid akong napatayo. Babala ang hatid sa pagbanggit ni ina sa buo kong pangalan. Lumapit pa siya nang may ngiti sa labi ngunit may bantang kumukubli roon, “Maging tunay na babae o maging mabuting Maybahay sa iyong asawa ang huwag na huwag mong lilimutin.”

Hanggang sa biyahe ay hindi ko maunawaan ang tumatakbo sa isipan. Alam kong inaasahan sa tulad ko, isang babaeng walang kalayaan sa pagpili ang mga bagay tulad ng pagiging mabuti sa asawa o sa mata ng tahanan nito. Napatingin ako sa palasinsingan ko, naroon ang palatandaan ng sinasabi nilang hangganan ng pagiging malaya. At ngayong isa na akong pagmamay-ari ng lalaki, hindi lamang isang simpleng lalaking mula pagkabata ay binigyan ko na ng imahe. Kundi lalaking may nanlalamig na mga mata at mapanlinlang na mga salita.

Kaya paano, Ina? Paano ako maging mabuting maybahay sa isang kagaya niya? 

“Hindi ka pa ba bababa?” Walang emosyong usig ng lalaki. Nakatigil na ang sasakyan at nasa labas na siya. Hindi ko na lamang siya pinansin at sumilip sa likuran niya, naroon ang nag-iisang bahay na may dalawang palapag. 

Nagtatanong ang mga mata kong nabaling ang tingin sa kaniya, “Bakit...ang tahimik ng lugar na ito?” Lumabas na ako at kinlaro ang ideyang naglalaro sa isipan ko. “Hindi mo naman sigurong binalak maniran mag-isa kasama ako?” Natawa na ako kahit bumibigat ang dibdib sa mga ideya. “Alam mo bang...nakakatawa 'yon? Dan?” Dumiritso lamang papasok ang lalaki, dala-dala ang mga maletang hindi ko malaman-laman kung paano niya nagawang pagsabayin?

Napasigaw na lamang ako, kanina lamang ay naiisip ko habang nasa biyahe ang pagiging mabuting Maybahay niya ngunit... Anong kalokohan ang pinagagawa niya? Paano ako mabubuhay malayo sa Bayan?

“Dan!” Napaupo na lamang ako sa pintuan ng sasakyan, pinapatid ang mga maliit na batong binuhosan ko ng inis na nararamdaman. “Sana man lang ay pinaalam niya sa akin. Mahirap ba 'yong gawin?” Huni ng mga ibon lamang ang sumagot sa katanongan ko. 

Tumayo na lamang ako. There's no use to blame someone as cold as him. Muli ay pinakatitigan ko ang paligid. Kahit saan bumaling ang tingin kp ay wala akong mahanap na kalapit na bahay, maliban sa makalumang hindi ko mawari kong tinitirhan sa itaas ng bundok na nasa likuran ng bahay ng lalaki, ngunit maliban roon ay wala na. 

Tinarok ko na lamang sa isip ang mga bilin ng Ina. At halos mapalunok ako ng ilang beses nang ngayon lang nag-sink-in sa utak ko ang ibig sabihin ng mga 'yon. Lalo na ang pina-importante: ang una araw naming kami lamang dalawa. Literal na kami lamang dalawa.

“Maging tunay na babae o maging mabuting Maybahay sa iyong asawa ang huwag na huwag mong lilimutin.”

Halos mangilabot ako. “Paano nga ba ang maging tunay na babae?” Nakikinita ko ang kasagotan sa mga mata ng Ina, ang kakaiba nitong ngisi matapos sabihin 'yon sa akin. Ano nga ba? Ina? Ina!

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
MaryBlood
one of the best ever -
2023-01-14 12:22:06
1
user avatar
Xiaochun22
so freakin' good
2023-01-09 09:14:25
3
27 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status