Share

Chapter 4

“Ano bang iniisip mo nang pagbuksan mo ng pinto ang isang estranghero?” May bahid ng dismaya sa boses ng lalaki. Hindi man lang niya ako pinagbigyan upang magpaliwanag at agad-agad ang pagbato niya ng mga katanongan. “Liz, I know you hate me, but...how can you be this low?”

Napatayo ako sa kinauupuan at saglit na tinago ang hindi ko pa man na-umpisahang sulatan na journal. Hindi ko mawari kung tama ba ang pagkakaintindi ko ngunit halos hindi ko na maunawaan ang kirot na bumangon sa loob ko.

Hindi pa siya nakuntento at nagpatuloy, “You entertain a man when we were just married. Paano pa bukas, sa susunod na bukas at sa mga susunod pa?” 

Napaawang na lamang ang bibig ko. “Akala ko namali lang ako ng dinig,” mahinang sabi ko. Pinakatitigan ko siya ng maigi, “Paano mo pala nalaman ang bagay na 'yan?” Nabasag man ang tinig ay dinaan ko 'yon sa tawa. “Don't tell me that you have some sort of eye in this house?” Nilibot ko pa ang tingin sa paligid.

Nangunot lamang ang noo niya. “Don't change the topic!”

“I don't change the topic,” paliwanag ko sa mahinahong tinig. “It's just that the topic is not worth my time. Not even in the rules I set for myself, either in this town to waste time with my husband.”

Bakas ang gulat sa mata niya sa huling salitang sinabi ko. Hindi ko na lamang pinansin at tinalikuran siya nang may dismaya rin sa mukha. Alam ko namang mali ang ginawa ko ngunit kung may Kasambahay lang sana siya ay gagawin ko ba ang bagay na 'yon? 

Ngunit hindi mawala sa isip ko ang pagbago ng ekspresyon niya sa huling sinabi ko. Gusto ko lang sanang ipaglaban ang karapatan ko at idaan sa mahinahong paliwanagan ang lahat. Ngunit hindi ko malaman, hindi ko alam kung saan ba siya nagagalit. 

Dahil ba talaga sa paglabas ko at pinagbuksan ang isang estranghero? 

Tinuloy ko na lamang ang gagawin ko sana bago pa ito dumating nang may nagdidilim na mukha. Buti na lang at hindi libro ang kinuha ko at naisip na lamang na alalahanin ang maging daloy ng mga pangarap ko. Kahit pa nang una naming pagkikita ay dahil sa libro, never pa niyang nalalaman na binabasa ko 'yon. Ang rason ko no'n ay upang itapon lamang ang nasabing libro. 

Hindi ko alam kung uto-uto nga lang ba siya ngunit hindi rin naman ito mausisa. Kaya nabigla ako sa tuloy-tuloy na pagsasalita nito kanina. Hindi ko alam ngunit nahanap ko ang sariling napangiti. 'Yun nga lang ay nanaig ang dismaya sa dibdib. 

Kinuha ko na lamang ang journal. Ito ang karamay ko sa mundong naging isang malaking sugal. Sa kaalaman ko ay ang mundo ay hindi tulad ng kaalamang mayroon ang bayan. Maaring tumungo sa iba't-ibang uri ng bayan ang bawat isa, mapa-babae man o lalaki. Tinatawag 'yong kalayaan na sa bayang ito ay isang alamat lamang. 

Naalala ko pang sa pagtagal ng pasikretong pagkikita namin ni Dan ay paglalim ng kaalaman ko sa mga bagay-bagay. Hindi naman pala dapat katakotan ang mga lalaki. Hindi naman lahat ay dapat iwasan. Nang una kong sinabi sa kaniya ang pangarap ko ay wala akong ibang nabatid sa mukha niya kundi paghanga.

Bago 'yon ay naitaong ko sa kaniya, “Sa tingin mo-” Nagdalawang isip pa ako ngunit lumakas rin ang loob nang may ngiti sa labi niyang naghihintay sa aking katanongan. “-bakit pinagbabawal ang mga libro?”

Nangunot man ang noo niya ngunit sinagot niya ang katanongan ko ng walang panghuhusga. “Marahil may nilalaman itong hindi naayon sa gustong mangyari ng mga nakaupo sa Pamahalaan?”

Sa pagkakataong 'yon ay wala akong alam sa Pamahalaang sinasabi niya. Imbes na patungkol sa libro ay ginusto kong ipaliwanag niya ang isang salitang hindi ko lubos maunawaan.

Bago 'yon ay parang may lungkot na nababakas sa kaniyang mukha. Hindi ko nga lang mawari nang muli siyang ngumiti. “Kung maihahambing sa tahanan, ang pamahalaan ay siyang haligi ng tahanan. Hindi lamang taga-gabay kundi taga-gawa rin ng mga bagay na maaring kapakinabang para sa lahat.”

“Ibig mong sabihin ay ang ama ng bayan ang nagpabawal sa mga libro?” Tanong ko at kahit hindi ko man gustong maramdaman, gusto kong suwayin ang amang sinasabi ng mga salita niya. “Ngunit anong kabutihan ang naidudulot nito, Dan?”

Hindi siya umimik at bagkus ay namalayan ko na lamang na muli niya akong pinipilit magsalita. “Bakit mo pala naitatanong ang bagay patungkol sa mga libro?” 

Napaiwas ako ng tingin ngunit hindi ko kayang maglihim sa kaniya. Alam kong kung may makakaintindi man sa akin ay siya lamang 'yon. “Gusto kong magsulat at ikalat ang librong gawa sa bawat bayan.” Napikit ko pa ang mga mata nang unti-unting nanlalaki ang mga mata niya.

Akala ko pagtatawan niya ako o kaya husgahan dahil hindi 'yon pagiging mabuting babae. At sa mata ng lahat, isa 'yong kasalanan. At ang makasalanan ay nararapat mabilanggo. Ngunit kahit natatakot sa maaring mangyari o kalalabasan ay buo ang pasya ko. 

“Kaya aalis ako, Dan,” sabi kong naging totoo lamang sa sarili. Nang muli ko siyang tingnan ay kakaibang paghanga ang nakikita ko sa mga mata niya. Nakaawang ang namumulang labi at kumikislap ang mga mata nang masinagan ng papalubog na araw. “Anuman ang mangyayari, kung ang kapalit ay mabilanggo habambuhay, makamit ko lamang ang minimithi ay sapat na sa akin.”

Nang pagkakataong 'yon ay hinihintay ko lamang nasasabayan niya ako sa mga pangarap ko. Kahit wala siyang sinabi ay sapat na sa akin na wala siyang ginagawa na makakasama sa akin. Dahil ro'n ay tumibay ang tiwala ko sa kaniya. Sa isip ko nga, kung may isang tao man akong gustong kasama kung sakaling tatakbo ako, siya 'yon. 

At ang pangako niya ang bumuo sa mga taon na magkasama kami. Pangakong pinanghahawakan ko kahit sa pagkakataong itong nabibilanggo ako hindi dahil sa Pamahalaan o paglabag sa nakasanayan, kundi dahil sa kaniyang desisyong manatili sa bayan.

...

A good woman has not to chose her own path. 

Ngunit sa mga gabing nagdaan hindi ko makuhang sumunod sa nakasanayan. Parang nabura sa isip ko ang mga leksyon ng Ina. 

Lalo na ang nangunguna sa lahat, ang pahayag nito bago magsimula ang pangaral nito: “Sa oras na marating ng babae ang maipagkasundo sa isang butihing ginoo, ang magparami ang siyang kasunod niyon. Iyon ang natatanging responsibilidad at ang dahilan ng ating pagkatao.”

Ngunit sa tuwing mararamdaman ko pa lamang ang pag-uga ng kama ay napikit ko na nang mariin ang mga mata. Nasisinghot ko pa ang halimuyak niyang bagong ligo at lalaking-lalaki ngunit hindi ko magawang gawin ang dapat ay ginagawa ko. Para na naman akong inatake ng hardened sickness na hindi naman talaga totoo.

Minsan ay nararamdaman ko ang paglapit niya. “Good night,” bulong niyang nagpatambol sa dibdib ko. Matapos ang sinabi niya ay wala nang paggalaw na nararamdaman sa kama. 

Nang dumilat ako ay likod na lamang niya ang nakikita ko. Nakikita ko 'yon gamit ang liwanag ng buwan na pumapasok sa bukas na bintana. Bakat na bakat ang muscles niya dahil sa nipis niyon. At hindi ko alam ngunit natulala na lamang ako.

Para siyang character sa nabasa kong libro. At hindi ko alam kung wala ba talaga siyang interes sa akin ngunit pinagpasalamat ko na lamang 'yon. Ngunit sa pagdaan ng mga gabing walang nangyari, hindi ko mapigilang isipin kung tama pa ba ang pagkakataintid ko. Kahit pa ang pagiging mabuting babae ay nakaligtaan ko na, ang pagiging asawa at ang mga ekspektasyon ng pamilya ay nagpapabilis ng puso ko.

Hanggang sa muli ay bumalik sa akin ang pagnanais na makalabas sa bayan, maging malaya sa gapos ng hindi makatarungan. At maipagpatuloy ang pinapangarap.

Nang umalis ang lalaki at sa kung saan na naman nagpupunta ay bumalik ako sa aming silid. Sinilip ko ang ilalim ng kama at nagkalat roon ang mga libro at mga journal. Lumawak ang labi ko at bumibilis ang kabog ng dibdib.

Sa mga sandaling wala ang lalaki ay ginagawa ko ang mga bagay na magpapasaya sa akin. Ang pagsusulat. Paminsan-minsang sumasagi sa isip ko ang maaaring mangyari pag may nakaalam sa ginagawa ko ngunit dahil sa pag-iisa at pakiramdam na walang pakpak upang lumipad ng malaya, pinagpatuloy ko pa rin ang pagsusulat sa journal.

Pinagpatuloy ko lamang ang nasimulan; isang kuwentong sumasalim sa isang kalayaan. Kalayaan sa mga bagay na pinagkait ng bayang kinalakhan.

h

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status