Share

Kabanata 18

"My decision is final, Luna. Hindi ka na titira sa dorm mo. You are going to stay with me."

Umawang ang bibig ni Luna sa narinig. Kumurap ang mapupungay niyang mata bago nagsalita, "Are you out of your mind?"

Tumitig si Chase sa dalaga. Seryoso ang mga mata niya upang ipabatid na seryoso siya sa kanyang desisyon.

Walang pagpipilian si Chase. Gustuhin man niya o hindi, kailangan niyang humantong sa gano'ng desisyon upang protektahan si Luna. Iyon ang pangunahing dahilan kung bakit niya gustong umalis ito sa dorm na tinutuluyan.

"Nagbibiro ka, Chase." Tumawa nang mapakla si Luna. "Hindi puwede 'yang sinasabi mo."

"Sa tingin mo hindi ako seryoso rito?"

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status