Pagpasok sa loob ng campus ay agad na nagtungo si Chase sa parking lot. Pinatay niya ang makina ng sasakyan at pagod na sinandal ang ulo sa upuan. Tiningnan niya ang kanyang phone upang silipin ang oras. Maaga pa para sa kanyang first subject. Sunod niyang tiningnan ang date.
December 1, 2018
"Okay. Today is December 1, 2018. Ang sabi ng matanda, babalik lang ang lahat sa normal kapag sumapit ang araw at oras kung kailan niya binigay sa akin ang relo. So basically, January 1, 2019 magtatapos ito. At bago matapos 'yon, kailangan kong maligtas ang babaeng nasagasaan ko," sabi ni Chase, kausap ang sarili.
Muli niyang sinilip ang suot na relo na bigay ng matanda. Wala na ang numerong 1. Nagamit na niya ang unang alaala nang hindi sinasadya. Napahilamos si Chase sa kanyang palad. Magkahalong lito at kaba ang nararamdaman niya. Hindi niya akalain na magiging totoo ang mga sinabi ng matanda.
Ngunit wala na siyang pagpipilian. Nandito na siya. Bumalik na ang oras at para magtagumpay siya sa kanyang misyon, kailangan niyang mahanap ang babae.
"Paano ako mag-uumpisa? Saan ko siya mahahanap?" Ang paulit-ulit na tanong ni Chase sa sarili.
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay muli siyang napatingin sa kanyang phone. Kinuha niya ito at binasa ang mensaheng natanggap.
From: Cody
Dude, nasa school ka na?Agad naman siyang nagtipa sa keyboard upang reply-an ang kaibigan.
To: Cody
Yes. Nandito lang ako sa parking lot.From: Cody
Okay. Akala ko 'di ka papasok. Sige, kitakits nalang sa room!Ibinulsa ni Chase ang phone at nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga. "I need to be careful this time. Hindi puwedeng tuluyang magbago ang mga nakatakdang mangyari."
Gaya ng dating gawi, naglakad siya sa hallway habang pinagtitinginan ng mga babae. Guwapo, matalino, moreno, at matangkad si Chase. Kinagigiliwan ng mga kababaihan ang kanyang itsura. Ang tanging problema lang ay ang pagiging bulakbol at basag-ulo niya dahil para sa kanya, dapat balanse ang buhay. Ayaw niya maging "perfect guy" sa paningin ng mga babae.
Pagpasok niya sa room ay mabilis na napunta kay Hillary ang paningin niya. Napatingin din sa kanya ang dalaga ngunit agad ding umiwas. Hindi na lang siya pinansin ni Chase at diretsong naglakad papunta sa bakanteng upuan sa tabi ni Bryan.
"What happened?" bulong ni Bryan.
Lumingon si Chase sa kaibigan. "What are you talking about?"
Pa-simpleng sinilip ni Bryan si Hillary bago muling binalik ang atensyon kay Chase. "Kalat na sa buong building natin na break na kayo ni Hillary. Ayaw ko sana paniwalaan but the way you look at her—"
"Yes, she broke up with me," pagputol ni Chase.
Hindi inasahan ni Bryan ang narinig. Alam niya na sobrang mahal ni Chase si Hillary kaya imposibleng pumayag na lang basta-basta si Chase sa break-up na 'yon.
"Why?" Napalingon ang dalawa kay Cody na kararating lang. Binaba nito ang bag sa bakanteng upuan sa tabi ni Chase at doon umupo.
"Hindi ko alam. Nagising na lang ako na gusto na niyang makipaghiwalay sa akin," tamad na sagot ni Chase.
Akmang magsasalita pa sana si Cody nang matigilan dahil tiningnan siya ni Bryan sa isang makahulugang tingin. Naramdaman kasi ni Bryan na walang gana si Chase pag-usapan pa si Hillary.
Ilang saglit pa'y pumasok ang kanilang professor. Tahimik na nakinig ang tatlo sa discussion ngunit hindi pa rin maiwasan ni Chase na isipin ang kanyang sitwasyon.
Pa-simple niyang tiningnan ang dalawang kaibigan. Walang kaalam-alam ang mga ito na bumalik siya sa nakaraan, at lahat ng ito'y nangyayari dahil sa isang misyon.
"Ano kaya ang mangyayari kung sabihin ko sa kanila ang sitwasyon ko?" tanong ni Chase sa sarili.
Ngunit agad din niyang binura ang ideyang 'yon. Hindi puwedeng malaman ng dalawa ang kanyang pinagdadaanan. Baka mas lalong gumulo ang sitwasyon at baka hindi pa niya mahanap ang babaeng kailangan niyang iligtas.
Natapos ang first subject ngunit wala siyang naintindihan. Half day lang ang klase niya ngayon dahil Saturday.
Sa kanyang huling subject ay hindi na niya kaklase ang dalawa. Ang room ni Bryan ay sa second floor, si Cody ay sa fourth floor, at si Chase nama'y sa fifth floor.
Naglalakad si Chase patungong hagdan papuntang fifth floor nang bigla niyang makita si Hillary na lumabas sa rest room. Saglit na nagkatinginan ang dalawa bago muling humakbang si Chase at lagpasan si Hillary. Ngunit hindi pa man nakalalayo ang binata'y biglang nagsalita ang dalaga.
"Bakit hinayaan mo na maghiwalay kayo ni Hillary?"
Kunot-noong nilingon ni Chase si Hillary. Naguguluhan siya kung bakit binanggit nito ang sariling pangalan na para bang hindi siya ang babaeng 'yon.
Ngumisi si Hillary at bahagyang lumapit kay Chase. Pinagtitinginan at pinag-uusapan na sila ng mga estudyante, nagtataka kung nagkabalikan na sila o nag-aaway.
"Chase, binago mo ang nakaraan," sambit pa ni Hillary sa kalmado nitong boses.
Biglang lumamig ang paligid ni Chase. Mariin niyang pinagmasdan ang mata ng dalaga hanggang sa mapagtantong hindi si Hillary ang kausap niya.
Halos mapaatras ang binata dahil sa nalaman. Litong-lito siya kung paano nangyari 'yon.
"Relax ka lang, Chase. Baka—"
Hindi na natapos ni Hillary ang kanyang sinasabi dahil agad siyang hinila ni Chase palabas ng building.
"Who are you?" bungad ng binata nang huminto sila sa open field kung saan walang makaririnig sa kanila.
"Ako ang nagbigay sa 'yo ng relong 'yan," sambit ni Hillary sabay turo sa mahiwagang relo na suot ni Chase.
Nanindig ang balahibo ng binata dahil sa pinaghalong takot at kaba. Hindi naman siya takot sa multo ngunit mukhang maniniwala na siya ngayon dahil sa mga nararanasan niya.
"I-Isa kang multo?" natatarantang tanong ni Chase.
Tumawa si Hillary. Umiwas naman ng tingin si Chase dahil sa kahihiyan.
"Hindi ako multo."
"Kung gano'n, paano ka napunta sa katawan ni Hillary? 'Di ba may katawan ka naman? Bakit hindi mo na lang gamitin 'yon?"
Umiling si Hillary. "Isang beses ang ako puwedeng mamalagi sa katawan ng isang tao."
Nanlaki ang mata ni Chase. "Kung gano'n..."
"Yes," sambit ni Hillary. "Hindi talaga ako ang matandang lalaki na nakausap mo sa simbahan. Gaya ng kay Hillary, hiniram ko lang din ang katawan niya."
Pakiramdam ni Chase ay parang nanlalambot ang tuhod niya. Hindi niya alam kung sisigaw ba siya o tatakbo o iiyak dahil sa mga nangyayari sa kanya.
"Ngayon, balik tayo sa pinag-uusapan natin kanina," wika pa ni Hillary. "Bakit mo hinayaan na maghiwalay kayo ni Hillary? Binago mo ang mga nakatakdang mangyari!"
Lutang pa rin si Chase. Hindi siya makasagot dahil hindi siya makapaniwala sa hiwagang nararanasan niya. Naisip pa niyang magpunta sa albularyo upang alamin kung sino ang kumulam sa kanya para mangyari ang lahat ng ito.
Ilang sandali pa'y napatingin siya kay Hillary nang bigla itong mapahawak sa ulo, tila nagtitiis ng sakit. Nataranta si Chase kaya hahawakan sana niya ang dalaga sa balikat nang bigla itong tumingin sa kanya.
"Chase?" naguguluhang sambit ni Hillary bago tingnan ang paligid. "W-Why are we here?"
Sa puntong 'yon, muli na naman natutop sa kinatatayuan ang binata. Pinagmasdan niya ang dalaga ngunit wala na ang kakaibang lamig gaya ng naramdaman niya kanina.
"Hey.." pagkuha ni Hillary sa kanyang atensyon. "Why are we here?"
Humakbang paatras si Chase at umiling. "I-I'm sorry, Hillary."
Nagsalubong ang dalawang kilay ng dalaga. "That's not an answer to my question."
"It's hard to explain!" singhal ni Chase. "Maging ako, gulong-gulo na rin! I really don't know what's going on!"
Pagod na tumitig si Hillary kay Chase. "You're always like that, Chase. Palagi na lang para sa 'yo lahat mahirap ipaliwanag. Palagi na lang gulong-gulo ka. And you didn't even bother to tell me what's on your mind. Pakiramdam ko, I'm just a display to you. That's not how relationship works, Chase!"
Pasok sa isang tainga, labas sa kabila ang mga salitang 'yon para kay Chase. Masyadong occupied ang utak niya sa hiwagang nangyayari at wala siyang panahon upang alalahanin pa si Hillary.
"Why am I wasting my time on you?" wika pa ng dalaga sa kalmadong boses. "Wala na naman na tayo kaya wala ng saysay pa na sabihin ang nararamdaman ko sa 'yo. Good bye, Chase. And please, don't talk to me again."
Naiwan si Chase na tulala ang gulong-gulo sa nangyayari. Napahilamos siya sa kanyang palad bago binaling ang tingin sa malawak na open field upang makahinga.
"Nagbago na nga talaga ang lahat," aniya bago kinuyom ang kanyang kamao. "Kung gano'n, wala na akong pakialam. Magbago na kung magbago basta ang mahalaga'y makita ko ang babaeng kailangan kong iligtas."
Babalik na sana siya sa building ngunit napahinto siya nang maramdaman ang tama ng bola sa ulo. Inis niyang nilingon open field, ngunit agad din naglaho ang nararamdaman nang makita ang babaeng papalapit sa kanya upang kuhain ang bola.
"Nako, sorry, kuya—" Natigilan ang babae nang mapansin ang titig sa kanya ng binata. "C-Chase?"
Hindi nakapagsalita si Chase dahil ang babaeng nasa harap niya ay ang babae na siyang dahilan ng hiwagang nararanasan niya ngayon.
"I-Ikaw pala 'yan. Sorry!" Hindi pa rin nagsasalita si Chase kaya mas lumapit pa sa kanya ang babae. "Nabagok ka ba? Gusto mo dalhin kita sa clinic?"
Nagising ang diwa ng binata. Mabilis niyang hinawakan ang braso ng dalaga at tiningnan ito ng diretso sa mata. Gulat na gulat naman ang babae dahil sa inakto ni Chase. Isip-isip niya'y parang wala ito sa sarili.
"Makinig ka," panimula ni Chase. "Hindi ka puwedeng lumayo sa akin. Kahit ano'ng mangyari at kahit saan ka magpunta, kailangan magkasama tayong dalawa. Maliwanag ba?"
"Nasa bar kasi ako kagabi dahil magkikita kami ng mga highschool friends ko. Then ayun, nakita ko si Hillary kasama itong guy na 'to," kuwento ni Maila habang tinuturo ang picture na hawak ni Diane.Nagkatinginan sina Chase, Bryan, at Cody. Bigla nilang naalala ang sinabi ni Alex sa library. Nakita raw nito na may kasama si Hillary kagabi sa bar at narinig pa niyang nabanggit sa pinag-uusapan nila ang pangalan ni Luna."Are you sure?" paninigurado ni Chase. "Baka namalikmata ka lang?"Lumayo nang bahagya si Maila kay Diane upang harapin si Chase. "Hindi ako puwedeng magkamali. Alam kong si Hillary at ang lalaking 'yon ang nakita ko kagabi. Kung hindi kayo naniniwala sa akin, try n'yong kausapin si Hillary."Alam ni Chase na walang mot
Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Chase. Bawat hakbang niya'y may kapalit na hindi maipaliwanag na pakiramdam.Sinilip niya si Luna na ngayo'y tahimik na naglalakad kasabay niya. Hindi niya masabi kung ano'ng nararamdaman nito. Parehas kaya sila? O mas lamang ang kasabikan dahil malalaman na nito kung sino ang taong nagtangkang manakit sa kanya?Huminto sila sa paglalakad nang makarating sa tapat ng pintuan ng opisinang sadya nila. Ang kaninang magkahalong emosyon sa dibdib ni Chase ay biglang napalitan ng determinasyon malaman ang katotohanan."Ladies first," sambit ni Chase bago pagbuksan si Luna ng pinto at papasukin ito.Naglakad si Luna papasok habang si Chase naman ay sumunod sa kanya.
"Nakapag-review na ba kayo?"Saglit na nagawi ang tingin nina Chase at Bryan kay Cody na ngayo'y maingat nilalabas ang kanyang reviewer mula sa bag."Sunday night lang ako nakapag-review," maikling wika ni Chase bago muling ituon ang atensyon sa binabasang libro."Saturday whole day lang ako nag-aral," boses naman ni Bryan habang minamarkahan ang kanyang reviewer ng highlighter."Sana all. Hindi ako nakapag-review this weekend, eh," ani Cody.Sumulyap sa kanya si Bryan. "Why? Ano na namang kalokohan ang ginawa mo?"Ngumisi si Cody. "Pagkatapos kasi nating magpunta sa presinto kahapon, nagkita kami ni Jessa."
"My decision is final, Luna. Hindi ka na titira sa dorm mo. You are going to stay with me."Umawang ang bibig ni Luna sa narinig. Kumurap ang mapupungay niyang mata bago nagsalita, "Are you out of your mind?"Tumitig si Chase sa dalaga. Seryoso ang mga mata niya upang ipabatid na seryoso siya sa kanyang desisyon.Walang pagpipilian si Chase. Gustuhin man niya o hindi, kailangan niyang humantong sa gano'ng desisyon upang protektahan si Luna. Iyon ang pangunahing dahilan kung bakit niya gustong umalis ito sa dorm na tinutuluyan."Nagbibiro ka, Chase." Tumawa nang mapakla si Luna. "Hindi puwede 'yang sinasabi mo.""Sa tingin mo hindi ako seryoso rito?"
Today's December 9, 2018. Yes, time flies so fast. Kapag marami kang iniisip at ginagawa, hindi mo namamalayan ang oras. No one can beat the time. That's the fact. Laging ikaw ang mag-a-adjust para umayon lahat ng ginagawa mo sa panahon at oras na gusto mo.In this rewind time, oras ang kalaban ni Chase. Hindi niya namalayan na masyadong mabilis ang oras, at sa loob lang ng isang linggo, walo na lang ang natitirang cluesa kanya.Unang pumasok sa utak ng binata ang pang-apat na katotohanan na nalaman niya. Luna suffered from bullying. Wala siyang alam dati na ang babaeng laman ng balita sa school nila noon ay ang babaeng nililigtas niya ngayon.Sunod na sumagi sa isip niya ang isa pang katotohanang nalaman niya tungkol sa pagkrus ng landas nila noon ni Luna sa isang resta
Be with her for as long as you can. Save her no matter what happens.Simula nang magising si Chase na iba na ang takbo ng oras, ang mga salitang 'yon ang itinatak niya sa kanyang isipan. Wala siyang ibang dapat tutukan sa mga oras na 'to kundi si Luna dahil maigsi lang ang panahong ibinigay sa kanya.1 Month. Isang buwan lang ang ibinigay sa kanyang panahon upang iligtas ang dalaga hanggang sa magbalik ang lahat sa normal.9 Memories. Siyam na lang ang natitirangcluena magsisilbing gabay ni Chase sa kanyang paglalakbay. Dahil sa mga alaalang nakikita, nagkaroon siya ng pagkakataong maliwanagan sa mga nangyayari sa kanyang misyon.Kailangan tipirin ni Chase ang oras at ang kapangyarihang ibinigay sa kanya.