Home / Romance / Riding My Father-in-Law (Tagalog) / Mayor Tabi, akin si Daddy Matthew ko!

Share

Mayor Tabi, akin si Daddy Matthew ko!

last update publish date: 2026-08-28 23:38:49

NAGSIMULANG MAGBALOT ng ginintuang liwanag ang buong kabundukan ng Mountain Province habang dahan-dahang lumulubog ang araw sa likod ng matataas na pine trees. Dahil sa pagpasok ng hapon, lalong naging sariwa at presko ang hangin sa paligid, ngunit sa loob ng rest house ay may kakaibang init na naiiwan mula sa naganap na pagtatagpo nina Adeline at Matthew kanina sa sala.

Dahil sa kagustuhan ni Adeline na magliwaliw at dahil na rin sa balita ni aling Maria na mayroong event sa plaza kaya niyaya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Nherie Concepcion
malalaman n ni Samantha ang relasyon nila waiting po s next chapter ...️...
goodnovel comment avatar
Adam Ricnel L. Aliligay
update plss,
goodnovel comment avatar
Blanc Maja
isa na namang asungot ang dumating haha ano kaya gagawin ni Matthew, sakalin kita pag dineny mo ulit si Adeline
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Riding My Father-in-Law (Tagalog)   Siya o ako?

    ANONG ginagawa ng bruhang ‘yan dito?"What is the meaning of this?" nanlilisik ang mga matang tanong ni Dra. Samantha habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. "Matt, bakit kasama mo ang intern na 'yan? At bakit kayo magkahawak?!"Umayos ako ng tayo at pilit na pinalakas ang aking loob. Sa halip na matakot o magtago sa likod ni Matthew, mas lalo kong itinaas ang aking baba at tinitigan siya nang matapang."Kung ano 'yong nakikita mo, iyon na iyon," malamig at walang pag-aalinlangan kong sagot sa kaniya. “Hindi mo na kailangang magtanong pa!” Dagdag ko pa.Napa-singhap si Samantha sa aking kapangahasan. Hindi niya siguro akalain na sasagutin ko siya nang ganito. Aba, wala kami sa hospital saka siya itong nag-aalburoto.“You insolent—"Bago pa man makapagsalita nang masama si Samantha, mabilis niya akong tinago mula sa bruha."Let's talk privately, Sam," seryoso at mabigat na saad ni Matthew sa kaniya.Agad na kumulo ang dugo ko sa narinig. Nakaramdam ako ng matinding inis at p

  • Riding My Father-in-Law (Tagalog)   Mayor Tabi, akin si Daddy Matthew ko!

    NAGSIMULANG MAGBALOT ng ginintuang liwanag ang buong kabundukan ng Mountain Province habang dahan-dahang lumulubog ang araw sa likod ng matataas na pine trees. Dahil sa pagpasok ng hapon, lalong naging sariwa at presko ang hangin sa paligid, ngunit sa loob ng rest house ay may kakaibang init na naiiwan mula sa naganap na pagtatagpo nina Adeline at Matthew kanina sa sala.Dahil sa kagustuhan ni Adeline na magliwaliw at dahil na rin sa balita ni aling Maria na mayroong event sa plaza kaya niyaya niya agad si Matthew. Sa una ay ayaw nito dahil hindi naman daw ito nagpupunta sa mga ganoong lugar sayang daw ang oras. Pero dahil sa pamimilit ni Adeline ay sumama pa rin siya. Mayroong ginaganap na maliit na kapistahan at palabas sa sentro ng bayan, isang tradisyunal na pagtitipon ng mga lokal na residente kung saan may mga nagtatanghal ng katutubong sayaw, mga makukulay na palamuti sa kalsada, at hanay ng mga stall na nagtitinda ng iba't ibang pagkain at kagamitan.Nang makarating sila sa b

  • Riding My Father-in-Law (Tagalog)   We will try

    “Kapag tayo lang dalawa hindi mo kailangan magpanggap na asawa mo ako lalo na ‘wag kang sweet alam naman natin pareho na nagpaplastikan lang tayo!” Sagot ko Natahimik si Matthew sa sinabi ko. Bahagyang lumuwag ang hawak niya sa aking kamay ngunit hindi niya pa rin ito ganap na binibitawan. Titig na titig siya sa akin, tila hinahanap sa aking mukha kung bakit biglang naging malamig ang aking pakikitungo sa kaniya kumpara kagabi."Let's go home," maikling utos niya. Ang boses niya ay bumalik sa pagiging dominante—ang matigas na Dr. Matthew na nakilala ng karamihan."Hindi pa tapos bumili si Aling Maria—""Ben will stay here and help Maria," putol ni Matthew sa aking sasabihin habang hindi inaalis ang tingin sa akin. “Matthew–” “Uuwi na tayo, Adeline!” muli niyang putol sa sasabihin ko. Wala akong nagawa nang hilahin niya ako palabas ng palengke. Lumingon ako nang bahagya kay Aling Maria na mukhang nahihiya at nag-aalala sa nangyari, ngunit binigyan ko lamang ito ng isang mabilis na

  • Riding My Father-in-Law (Tagalog)   Avoiding him

    AdelinePAGKAGISING ko pa lamang ay masakit pa rin ang ibaba ng aking tiyan, hindi dahil sa pagod kundi dahil sa matinding kirot na natira sa aking dibdib. Sa tabi ko ay tahimik at payapang natutulog si Matthew. Ang kaniyang braso ay nakaparada pa rin sa aking baywang, ngunit para sa akin ngayon ay tila isang mabigat na tanikala.Tinitigan ko ang kaniyang guwapong mukha sa gitna ng malamlam na liwanag ng umaga. Ilang oras pa lamang ang nakalilipas nang haranahin niya ako nang napakalambing, ngunit mabilis din niyang ipinamukha sa akin ang katotohanan. “I’d much rather see you walk down the aisle as my son’s bride than ever have you as my real wife.”Ang bawat salitang iyon ay parang matalim na kutsilyong paulit-ulit na sumasaksak sa puso ko. Hindi nga ako nakatulog nang maayos kagabi kakaisip sa sinabi niya. Dahan-dahan kong inalis ang kaniyang kamay mula sa aking katawan nang hindi siya magising. Kailangan ko nang lumayo. Sa natitirang walong araw ng kasunduang ito, kailangan kong

  • Riding My Father-in-Law (Tagalog)   Don't fall in love with me, Adeline.

    PAGKAUWI nila ay agad na nagpahinga si Adeline upang pawiin ang pagod mula sa dalawang oras na pag-aani. Pagkatapos makapag-ipon ng lakas, dumiretso siya sa banyo para maligo at linisin ang sarili. Matapos magbihis ng isang simpleng white summer dress na presko sa katawan, umupo si Adeline sa tapat ng vanity table sa kaniyang silid sa ikalawang palapag. Tahimik at payapa ang paligid habang dahan-dahan niyang sinusuklay ang kaniyang basang buhok. Sa mga sandaling iyon, bahagyang gumagala ang kaniyang isip sa naging malamig na reaksyon ni Matthew kanina sa plantasyon. Hindi pa rin mawaglit sa kaniyang isip ang takot na baka pagalitan siya nito kapag bumalik sila sa usapin tungkol kay Marky.Subalit sa gitna ng kaniyang pagmumuni-muni, biglang naputol ang katahimikan ng gabi.Isang mahinang strum ng gitara ang umalingawngaw mula sa labas ng kaniyang bintana. Kumunot ang noo ni Adeline. Sinundan iyon ng maindayog at pamilyar na ritmo na waring nagmumula sa ibaba ng bakuran.Bahagyang nakar

  • Riding My Father-in-Law (Tagalog)   Let The Love Begins

    Adeline"Senyorito Matthew! Ma'am Adeline!"Ang pamilyar na boses ni Mang Ben ang sumira sa bumabalot na naman sanang init. Mabilis na nabitin si Adeline habang mabilis na inayos ng doktor ang sarili. “Fvck!” napamura na lang si Matthew at hindi maitatago ang namumula niyang mga pisngi at ang hingal na hiningang pilit niyang pinapakalma. Si Adeline naman ay nagpakawala ng isang marahas at malalim na buntong hininga, bakas ang matinding kapootan sa kaniyang mukha dahil sa pagkakabitin. Gusto pa sana niyang kumandong kay Matthew pero may panira lang. “Buwisit!” “You okay?” nag-aalalang tanong ni Matthew. “Ah, oo. Medyo nabitin lang.” Sagot niya. Natawa si Matthew sa pagiging prangka niya. Nakalapit na ang mag-asawwang tauhan sa kanila at walang bakas ang ginawa nila kanina. “Kayo po pala.” Keming saad ni Adeline. "Niroronda ko lang po ang bakod sa gawing itaas, ma’am," nakangiting bati ni Mang Ben. "Gusto niyo po bang ipasyal ko kayo sa pinakamalawak na taniman ng mga bulaklak s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status