Share

Kabanata 3

last update publish date: 2026-07-17 08:22:55

Adeline

HININTO ko ang aking kotse sa tapat ng modernong guardhouse ng mansyon. Ang buong paligid ay napapalibutan ng matataas na konkretong pader na may mga talas ng wire sa itaas, na tila ba isang kuta ng hari. Sa bawat sulok na madadaanan ng tingin ay may nakakabit na high-definition na CCTV camera na patuloy na umiikot, nagmamatyag sa bawat galaw sa labas at loob ng ari-arian. May mga security rin na palakad-lakad sa gilid ng mga pader upang mag-patrol. Ang higpit ng seguridad ay sapat na para sabihin sa iyo na ang nakatira sa loob ay hindi lang basta mayaman kundi isang makapangyarihang tao. Isang matangkad na bodyguard ang lumapit sa bintana ng kotse ko at kumatok nang pormal. Ibinaba ko ang salamin ng sasakyan.

"Magandang gabi, Ma'am Adel," tawag sa akin ng guard, pamilyar na sa mukha ko dahil nakapunta na ako rito noon.

Kaagad akong ngumiti nang matamis, ang boses ko ay ginawa kong malambing at kaakit-akit.

"Nandito ako para ihatid itong niluto kong ulam para kay Marky. Surpresa ko sa kaniya dahil alam kong pagod siya.”

"Ah, ganoon po ba, Ma'am? Sandali lang po, itatawag ko lang sa loob ng bahay," sagot ng guard bago lumakad pabalik sa guardhouse para gamitin ang kanilang intercom. Nakakainis lang puwede naman na papasukin ako at talagang itatawag pa!

Wala akong nagawa kundi ang maghintay na lamang ako at muli kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng mansyon mula sa loob ng kotse. Ang arkitektura nito ay isang perpektong kumbinasyon ng modernong disenyo at European classic. Ang mga pader ay gawa sa mamahaling puting marmol at malalaking glass panel na nagpapakita ng marangyang interior sa loob. Ang driveway pa lang patungo sa mismong main entrance ay napakalawak, kayang maglaman ng higit sa dalawampung mamahaling sasakyan, at napapaligiran ng mga imported na halaman at isang napakagandang fountain sa gitna na may estatwa ng isang rebolto ng ninuno nila. Kahit saan ka lumingon, ramdam mo ang kapangyarihan. At ang kapangyarihang iyon ay hindi nagmumula kay Marky alam kong nagbubuhat iyon sa kaniyang misteryosong ama na si Dr. Matthew Fraser.

Ilang sandali pa ay bumalik ang guard at sumaludo sa akin.

"Ma'am Adel, maaari na po kayong pumasok. Sabi ni Sir Marky ay tuloy lang daw po kayo sa loob ng main living room."

"Thank you," sagot ko habang dahan-dahang inapakan ang gasolinador upang ipasok ang aking kotse sa loob ng bakuran ng mga Fraser.

Habang binabaybay ko ang mahabang driveway, ang aking puso ay nagsimulang tumibok nang mabilis. Hindi ito dahil sa pananabik kong makita ang aking fiancé. Ang totoo, wala akong pakialam kung nasaan man si Marky sa loob ng bahay na ito. Ang tanging tumatakbo sa isip ko habang pinitpit ko ang manibela ay ang pag-asang makakasalubong ko ang kaniyang ama.

Gusto kong makita kung paano magre-react ang supladong doktor kapag nalaman niyang ang babaeng binalewala niya sa kaniyang opisina ay narito ngayon sa loob ng kaniyang sariling tahanan, may balak na matulog sa ilalim ng iisang bubong kasama niya.

Napangisi ako sa aking naiisip.

Ipinark ko ang aking kotse sa tapat ng grandeng p***o ng mansyon. Isang katulong ang agad na nagbukas ng p***o ng kotse ko at kinuha ang paper bag na dala ko. Bumaba ako ng sasakyan, itinaas ang aking noo, at naglakad papasok sa loob ng mansyon na parang isang reyna na handang sakupin ang kaniyang bagong kaharian.

Maglaro tayo, Dr. Fraser, sa loob-loob ko habang nararamdaman ko ang pamilyar na init ng pagnanasa na muling gumigising sa aking pagkatao.

Pumasok na ako sa loob ng grandeng foyer ng mansyon habang sunod-sunod ang paggalaw ng mga mata ko, hinahanap ang tanging dahilan kung bakit ako nagmamadaling pumunta rito.

Isang personal na bodyguard ng pamilya ang sumalubong sa akin.

"Ma'am Adel, pasensya na po. Kakatawag lang po mula sa opisina ni Sir Marky, may biglaang inasikaso sa baka gabihin po siya ng uwi."

"Oh, is that so? It's fine," sagot ko na may kasamang pekeng lungkot sa aking boses.

Ang totoo, alam ko naman talaga na wala si Marky rito. Tumawag na siya sa akin kanina pero umakto lang akong walang alam at nag-inarte pa na nasisiyahan ako sa sorpresa ko. Bakit naman ako malulungkot? Hindi ko naman pinatakbo ang kotse ko ng halos isang daang kilometro bawat oras para sa kaniya. Narito ako para sa kaniyang ama—ang aking napakagwapo, napakakisig, at napakainit na future daddy-in-law.

Naglakad ako patungo sa malawak na glass wall na nakaharap sa likod-bahay kung saan matatagpuan ang isang infinity pool. At doon, parang biglang huminto ang tibok ng puso ko. Napalunok ako nang mariin, ang aking lalamunan ay biglang natuyo sa tanawing sumalubong sa akin.

Si Dr. Matthew Fraser.

Naglalakad siya sa tabi ng swimming pool habang may hawak na phone sa kaniyang tainga, seryosong-seryoso ang mukha habang may kausap sa linya. Ngunit ang nagpalagablab sa natutulog kong pagnanasa ay ang katotohanang wala siyang suot na damit pang-itaas! Naka-board shorts lang siya pero napakalakas ng dating. Parang malaglag yata ang panty ko!

Ang kaniyang malapad na dibdib ay napapaligiran ng manipis at tila mapang-akit na balahibo na bumababa patungo sa kaniyang perpektong six-pack abs. Ang kaniyang matipunong braso ay bumubukol sa bawat galaw niya habang nagsasalita. Siya ang depinisyon ng isang perpektong lalaki, makapangyarihan, mayaman, at nag-uumapaw sa kamandag. Sana ay siya na lang ang boyfriend ko, parang ang sarap niya sa kama!

Napakagat ako sa ibabang labi nang gumana ang pagkapilya ko. Isang mapangahas at nakatutuwang ideya ang biglang pumasok sa utak ko. Kung hindi niya ako pinansin sa opisina, titingnan natin kung matitiis niya ako ngayon.

Sinasadyang kong maglakad palabas patungo sa deck ng swimming pool, nagkunwaring busy sa pagtingin sa aking cellphone habang marahang umaabante sa gilid ng malalim na bahagi ng tubig. Nang masiguro kong sapat na ang distansya ko at nakatutok sa akin ang kaniyang peripheral vision, sadyang pinalampas ko ang aking paa sa gilid ng tiles.

"Ahhh!" Isang malakas at madramang tili ang pinakawalan ko habang nawawalan ako ng balanse.

Tuluyan akong nahulog sa malamig na tubig ng swimming pool, hinahayaan ang aking sarili na lumubog habang nagkukunwaring nalulunod kaya itinaas ko pa ang aking mga kamay. Sabik na sabik na maramdaman ang kaniyang dambuhala at matitigas na braso na susunggab sa akin para iligtas ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Riding My Father-in-Law (SSPG-TAGALOG)   Kabanata 387

    Ngunit bago pa man siya makalayo, narinig niya ang mabilis na boses ng binata."Saan ka pupunta?" malamig ngunit may pagbababala na tanong ni Alexander mula sa dilim."Ha? Siyempre sa kwarto ko para magpahinga na," sagot ni Sarah nang may pagtataka."Hindi ka pa pwedeng umalis," utos ng binata haban

  • Riding My Father-in-Law (SSPG-TAGALOG)   Kabanata 386

    Habang naghihintay, hindi pinabayaan ni Sarah ang sugat. Agad niyang hinila ang sarili nitong suot na cotton top, pinunit ang isang malaking bahagi nito gamit ang kaniyang mga kamay upang gawing pansamantalang panapal at piga sa dumudugong tagiliran ni Alexander."Aghh!" napadaing si Alexander sa sa

  • Riding My Father-in-Law (SSPG-TAGALOG)   Kabanata 385

    "Alexander!" sigaw ni Sarah sa matinding gulat at pag-aalala. Mabilis siyang lumapit at lumuhod sa harapan nito. "Diyos ko, anong nangyari sa 'yo? Bakit ka duguang ganyan?!"Nang marinig ang boses ni Sarah, dahan-dahang inangat ni Alexander ang kaniyang ulo. Ngunit sa halip na humingi ng tulong, ma

  • Riding My Father-in-Law (SSPG-TAGALOG)   Kabanata 384

    "Oo naman, Beshie! Asa pa siyang sabihan ko siya no'n pagkatapos ng ginawa niya sa 'yo noon? Never!" mabilis na sagot ni Adeline na may halong galit para sa kaibigan. "Nangangako ako sa 'yo, Sarah. Walang ibang makakaalam bukod sa amin. Pati nga si Matthew, sinabihan ko na rin kanina. At nag-promis

  • Riding My Father-in-Law (SSPG-TAGALOG)   Kabanata 383

    SUNOD-SUNOD na katok ang nagpagising sa diwa ni Sarah habang si Alexander ay nakapulupot ang mga bisig sa katawan ng dalaga. “Boss Alexander! The guests have arrived!” ang boses ng isang tauhan mula sa labas na puno ng pagmamadali at seryosong babala.Agad na napatigil si Alexander. Habang si Sara

  • Riding My Father-in-Law (SSPG-TAGALOG)   Kabanata 382

    Hindi pa rin humihinto si Alexander kahit nanginginig na ang buong katawan ni Sarah mula sa matinding pagsabog ng kaniyang pakiramdam. Sa kabila ng matinding hingal at panlalambot ng dalaga, patuloy ang marahas at walang-patid na galaw ng mga labi at dila ng binata sa kaniyang hiyas.Bigla na lang b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status