Share

Chapter 4

Author: Dolly
last update Last Updated: 2025-08-23 20:07:54

Ysabelle’s POV

The room is filled with a busy environment as the glam team and staff are busy preparing for our pre-wedding photoshoot. Sa totoo lang, hindi lang ito ang ganap ko for today’s video, batak na batak ang schedule ko bilang isa sa paghahanda para sa kasal which is tomorrow. Parang gusto ko tuloy magimbento ng time machine upang bumalik sa panahong masaya pa ako at walang nakikigulo sa kasiyahan ko. 

Ngunit mayroon akong napapansin, matatapos na lang ako sa pag-aayos dito hindi pa siya dumadating. Baka naman, in-indian na ako, tutal hidden talent naman niya iyon. Hindi pa nga kami kinasal, tinakbuhan na ako agad. 

“Anak, nasaan na daw ba si Aldrich? Katext mo ba siya?” tanong ni mommy sa akin. 

“Wala akong number sa kanya,” matamlay kong sagot. At wala akong pakialam kung hindi siya sumipot, mainam nga iyon eh. 

Lumipas ng ilang oras na paghihintay na ikakatunaw pa ng foundation cream sa aking mukha, dumating na ang prinsipe ngunit parang wala itong pakialam na late na siya sa call time dahil kalmado lang naman itong pumasok sa silid at maangas pa, naka-plain white shirt ito at pinatungan ng jacket— naka-denim pants at sneakers ang footwear nito. Parang hindi typical na heir ang aura niya sa ngayon, parang isa siya sa kampon ng mga emo na kumakanta ng Tonight ng FM Static. 

Umupo na siya sa folding chair dahil sinenyasan na siya ng mga glam team upang ayusan siya. Oh, hanep, hindi man lang humingi ng paumanhin sa mga taong narito sa sobrang late na niyang dumating. Nauna pa photographer kaysa sa kanya. 

I smirked, looking at him in the mirror. “Akala ko tinakbuhan mo na ako.” 

He lazily looked at me in the mirror saying, “balak ko nga eh ngunit wag na lang, baka umiyak ka pa diyan.”

I mockingly showed him a disgusted look. “Luh, ang kapal mo naman, ikaw iiyakan ko?” And I rolled my eyes. 

He chuckled sarcastically, “huwag kang magpapadala, gagawin ko lang naman ito para sa deal ng mga magulang natin. I’m not into love shit.” Aba, dapat lang. 

“Well, good to know.” I saw him lazily leaning on the chair backwards dahil aayusan na siya ng make up artist at feeling niya may pa wind effect na magaganap sa atake niya, ulol. 

The staff instructed me to proceed to the dressing room upang magbihis. I saw what my wedding dress looks like for the photoshoot. It is a vintage-style, full length white dress with puffed three-quarter sleeves and a fitted bodice adorned with subtle detailing. For the accessories, it is a pearl choker, white gloves and a white hat with a decorative bow. 

Noong nakabihis na ako ay dumiretso na ako sa set at nadatnan ko rin si Aldrich na naka-all white tuxedo with a white bow. Sinamaan ko siya ng tingin dahil napapansin kong gusto na niyang tumawa sa akin ngunit pinigilan niya lang ito. 

“Ano?” pataray kong sabi. He cleared his throat and smirked.

“Wala, may naalala lang ako sa outfit mo eh. Kahawig lang iyong biniling lampshade ni mommy noong nasa Japan kami,” and there, he laughed. 

I rolled my eyes. Gusto ko sanang bumanat kaso tinamaan ako ng katamaran at isa pa, unang appointment ko pa lang ito pagod agad ako. Paano naman kasi, maaga akong gumising para dito. Kung tutuusin nga, dapat nagpapahinga lang ako nito at magbakasyon sa ibang lugar as a reward to myself pero ibang reward ang natanggap ko. 

Our photographer instructed us to pose. The set is filled with cream-colored cloth and a sofa. The first pose is me, sitting and Aldrich is standing behind me. Una, fierce pose lang and iyong susunod naman ay nakangiti na kami. Ilang ulit pa nga kami ng takes dahil medyo hindi satisfied iyong photographer sa aura namin. Arte naman. 

“Okay, sir umupo ka naman sa sofa and ikaw naman miss, you'll be sitting on his lap.” WHAT?!

I felt that he approached the sofa and I stood up. when he sat down and looked at me. 

He said in a low voice, only I was able to hear, “aarte ka pa ba? Parang hindi natin ito ginawa noong mga araw na iyon—”

Tumigil siya kakasalita nang tinadyakan ko siya sa binti nang bahagya lamang upang hindi makita iyon ng mga taong nasa loob ng set, lalo na si mommy. Hindi naman siya nagpahalatang nasaktan sa ginawa ko ngunit hawak-hawak niya ang kanyang binti. Kung wala lang mga tao rito baka hindi lang iyon ang ginawa ko sa kanya. 

I sighed, immediately sat down on his lap and wrapped my arm around his shoulder. I felt his arm guided into my waist to secure me from falling. Kahit pwede niya akong bitawan kaya ko naman, noong nawala siya kinaya ko eh ito pa kaya?

“Okay, that’s it. Magtinginan lang po kayo, eye to eye.” That's exactly what is happening to us right now. Kung akala nila sweet tingnan, sa amin naman may lihim na kahulugan nito. Huwag na nilang alamin ito, nakakabrutal. 

He gave me a teasing smirk but not too much. Gusto kong umirap sa kanya but the photographer is taking us a shot already.

“Mamaya ka na umirap,” he said and chuckled. Kainis, pwede bang change pose na? Nandidilim na paningin ko dito sa kaharap ko. 

“Aww, you both look good together,” rinig ko pa iyong sabat ni mommy sa likod, daig pa sa president ng fansclub kung kiligin. 

After taking lots of shots, pumili na ang photographer at iyong organizer namin kung ano iyong ire-release na pictures upang i-post for the announcement of the media press conference. Taray, over naman sa movie premiere may pa ganoon pa kaming atake. 

“I saw all the pictures.” Out of the blue, he approached me while I’m fixing myself, getting ready for the next appointment. “So? Share mo lang?”

“You look like a doll.” I felt like a statue ngunit hindi ko pinahalata iyon. Nanahimik na lang ako, still in my blank expression but I felt my lips twitching and my stomach seems like twisting. 

Ngunit dinagdagan niya pa ito ng ikakabwisit sa akin, “iyong si Slendrina, siya kasi kahawig mo, ganoon.” At tumawa nang malakas. 

“Ah, ganoon?” sabi ko, crossing my arms. “Check mo rin minsan buhok mo, nagmumukha kasing walis-tambo, eh.” At nilayasan ko na siya. 

Fast forward…

“Hawak na, wala namang mikrobyo yan.” Inirapan ko lang si Aldrich sa sobrang hangin niya ngayon, akala mo naman pogi. Sa totoo lang kanina pa siya bingo sa akin. Naalala ko pala, nasa presscon kami kaya kailangan ko munang tumino at ipakita daw sa kanila na kami ay “power couple.”

Tumungo na kami upang umupo sa mahabang mesa habang nakahawak ako sa braso niya. This time, we are acting like a couple, too good to be true. Kunwari magtitinginan sa isa’t-isa, nakangiti habang naguusap kami ngunit hindi nila alam, nagpapalitan kami ng bala sa aming mga bibig. 

The hosts started introducing us as the “power couple” heirs of two well-known family companies, supposedly “feeling in love.” I felt his hand rested on mine on the table on purpose, showing the engagement ring twinkling on my 4th finger but under the table, I was slightly stepping on his shoe.

In my peripheral vision, I saw him leaning on my side and whispering, “magaling ka palang umarte.”

I’m about to retort when a reporter starts asking a question, “Ms. Guerrero, can you please tell us how the love story began between you and Mr. Lorenzo?”

Shit, why didn't we rehearse this?

Before I could open my mouth, Aldrich smoothly answered the question, “actually we met in the United Kingdom when she was studying there and we suddenly bumped into each other in the coffee shop. Nagalit nga ‘to sa akin dahil natamaan ko iyong kape niya sa dress niya. I felt so sorry at that time but she really hated me because I destroyed her dress.” He looked at me and said, “your turn, love.”

I forced a smile and added, “yeah, and he said that he will buy me a dress, na-guilty siguro dahil sinabihan ko siya na mahal iyong dress na iyon kaysa sa buhay niya but I declined his offer but he insisted and pumayag na lang ako and guess what? He bought me ten dresses ngunit isa lang kinuha ko. Nakakahiya naman sa kanya.”

The room is filled with coos and “awws” from the audience. I felt his thumb brushing on my knuckles— showing as a gesture for the public eye but for me, nanunukso na naman ito sa akin. Kaya pala hinahawakan niya iyong kaliwang kamay ko upang hindi ko siya mapisil, napakatalinong bata.

Then, a serious question came from the other interviewer which was unexpected, “is your marriage for real or is it just only for the business merger?” 

The room went silent. The tension starts to rise. Hindi na ako makaimik sa tanong na iyon, para bang na-mental block ako. Suddenly, he squeezed my hand, signalling me to let him handle it. He showed them a charming, confident smile, responding to the question, “business merger?” he chuckled and continued to speak calmly, “okay, I get it. We come from two big names so I assume that there will be speculations like this but if you think that this is only for business, ano namang silbi noong ginawa kong kapit-bahay ang Pilipinas at United Kingdom just to be with her and despite of time differences, I didn’t fail to check up on her by sending messages or talking with her on a video call late at night, partida pagod ako pero wala eh, siya ang pahinga ko.” 

I stopped for a moment like a statue. Tama ba iyong narinig ko? Since when has he been like this? 

I saw some audience members murmuring, probably talking about his statement and it seems like they were very pleased at his answer, ngunit hindi lang doon nagtatapos.

“Yes, we fight a lot. We were frank with each other and that’s the reason why I shouldn’t let her go. She’s true to her words, which made me attracted to her and that’s rare.” My heart skipped a beat, almost believing in him. He locked his eyes on mine for a moment and smiled ngunit hindi ito mapanukso. It is somehow…real. 

“So no. This is not for the business but this is an eternal commitment of choosing her.” 

I felt like fireworks exploding in my heart. The audience was pleased and blushing at his answer. The reporters fired more questions ngunit hindi ko na marinig iyon. I smiled forcibly at him but I was in a state of confusion. 

The presscon wrapped up with a final photo op. He leaned closer to me, whispering, lips brushing on my ear, “huwag kang matulala diyan, baka isipin nilang totoo ito.”

“Ano iyon?!” Syempre, bardagulan agad ang bungad sa amin pagkarating na pagkarating namin sa aming condo unit. Sa totoo lang, hindi ako sanay sa ngayon na hindi na ako umuuwi sa aking apartment, at hindi rin ako masaya lalo na’t pet peeve pa iyong makakasama ko. 

“Anong show iyon kanina? At eternal commitment pa talaga ah? Pwede ka nang mag-acting workshop sagot ko na registration f*e. Ikaw na ang bida!”

He smirked, parang walang pakialam sa galit ko. “Relax, Ysabelle. Don’t you see? Napapaniwala sa atin iyong mga tao kanina. Effective iyong statement ko, hindi ba? Kita mo bukas na bukas, viral yan. Manifesting.”

“Mama mo effective. Pwede ka namang sumagot nang normal ah. Iyong sagutan mo kanina eh over sa beauty pageant. Kainis.” 

He smiled and leaned closer to my face saying, “bakit? Kinikilig ka ano?” 

I froze. “K-kapal ng mukha nito. Lumayo ka nga, baho ng hininga mo.” Tinulak ko siya palayo upang tumungo sa sofa dahil nangangalay ang aking paa. 

“Sus, sabi ko na eh. Tinamaan ka sa ‘eternal commitment.’ Ang rupok.” Narinig ko siyang tumawa nang malakas nang nakakaloko, parang tambay lang sa kanto. 

“Hindi, feeling naman nito.” Tiningnan ko siya nang masama at inirapan. 

He was about to speak when I heard a ring tone, it seemed like a phone call for Aldrich. He got it on his pocket to check and he sighed, mukhang nag-iba na ekspresyon ng mukha niya. Parang natalo siya sa sugal. 

Hindi ko na lamang pinansin iyon at pumasok sa kwarto to freshen up.Kainis, isa lang ba talaga kwarto namin? Wala bang extra foam dito para dito na lang ako humiga sa sahig. 

After I freshen up, pansin kong wala pa sa loob ng silid si Aldrich kaya lumabas ako sa kwarto upang silipin siya na nasa labas, nakatalikod at may kausap pa sa phone. Nang papalapit na ako sa pintuan, natigilan ako noong medyo narinig ko iyong boses ng babae na kausap niya. 

“I told you, I’m done with this crap anymore. May problema akong hinaharap huwag ka nang dumagdag pa.” And I saw him end the call aggressively and put it inside his pocket. Pumasok na ako sa kwarto pagkatapos noon. 

I was busy scrolling on my phone when the bathroom door opened and he was already in his sleepwear.

“Hoy, sinong may sabing sa iyo lang itong higaan? May ambag din magulang ko just so you know.” 

I looked at him and furrowed my eyebrows. “Anong ibig mong sabihin? Hindi pwede, hindi pwedeng magkatabi tayo sa iisang higaan if that’s what you mean. Baka kung ano pa ang gagawin mo sa akin mamaya.” I felt a muscle memory once again, minumulto na naman ako. 

Tumawa siya nang mahina, “Feeling, hindi naman tayo lasing eh. Buti na lang hindi tayo binilhan ng beer—” Natigilan siya noong binato ko sa kanya iyong unan ngunit sinalo niya ito at tumawa naman ulit ito. 

“Hindi ako natutuwa sa joke mo,” singhal ko at inirapan ko siya. 

“Sige, ganito na lang. Let’s bet.” Umupo siya sa gilid ng kama.

Tinaasan ko siya ng kilay. “Anong bet ba yan?”

He pouted his lips and smiled, saying, “let’s do head or tail. Whoever wins will sleep on the bed and whoever loses will sleep on the sofa for the night.”

I scoffed, “okay, push. Pero kung matalo ka hindi ka na pwedeng umupo dito sa kama ko ah. Diretso ka na sa labas.”

“Oo naman, walang problema,” he said while getting the coin in his wallet. 

Nakaupo kami sa gitna ng higaan at nakatapat sa isa’t isa, siya ang nakahawak sa coin. 

“Head ako ah,” maangas kong sabi at napangisi naman siya.

“Sige, ang hilig mo talaga sa head—” Binatukan ko siya nang malakas dahil na-gets ko ang humor niya. Puro kabastusan ang laman ng utak nito. 

“Tangina, ang dumi ng bibig.” 

Tumawa siya nang nakakaloko ngunit inirapan ko lang ito. He started tossing the coin and when it landed, tinakpan niya muna iyon at dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang palad…

Heads.

Ang lawak ng ngiti ko na parang nanalo ako sa Olympics at napahiga sa kama samantala siya naman, parang batang nawalan ng lobo dahil lumipad na ito sa kalangitan. Bigong lumabas ito papuntang sala, dala-dala ang kumot at unan. Ano ka ngayon, ako naman ang bida ngayong gabi. 

“Good night, my groomzilla.” And our chaotic night ends like that.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Romance Under Contract   Chapter 70

    Ysabelle’s POVEvan sighed. He is currently talking to Matteo on the phone, asking for help to check for the security upang walang makakaalam sa whereabouts namin. For now, we were advised to extend our stay here in Dubai upang maging ligtas. This should be a good news for us to have an extension but it has a different reason behind it na hindi naman dapat ikatuwa iyon. It was quite intense. “Okay… yes, please. Thanks, Matteo.” He turned off the call frustratingly at lumapit sa bintana while breathing some air. I walked towards him to help him calm down kahit maraming tanong ang bumabagabag sa aking isipan ngunit I refrain to ask those. Wala sa isipan kong magdagdag ng kahit anumang kasamaang posibleng mangyari sa amin, I just want to make him feel that I will be always standing with him kahit delikado buhay ko rito pag kasama ko siya. “Ysa…” I hummed to respond at him, nakadungaw pa rin ito sa bintana. His hazelnut brown eyes go visible as the reflection of the sunlight meets him.

  • Romance Under Contract   Chapter 69

    Ysabelle’s POVI thought our honeymoon would be that golden, ngunit ngayong hapon, kanina pa kaming nakahiga sa kama, nakayakap lang ako sa kanya, Nakahawak din siya sa akin ngunit ang atensyon nito ay nasa kanyang phone, may kinakalikot. Ramdam ko ang lamat sa pagitan naming dalawa na nakabakod ito ng tension na dapat ay puro kasiyahan lang sana ang atupagin namin. “I will go to the washroom first,” I whispered to him. Naramdaman kong agad niya akong binitawan nang dahan-dahan habang ang atensyon pa rin nito ay nasa phone pa rin, umiigting ang panga and he was clenching his fist on his pants. Here comes the tension, the shift, the worry. Para bang may tinatago siya na ayaw niyang malaman ko. Pagkalabas ko ng washroom, nadatnan ko siyang nakatayo at nakatingin lamang sa bintana with a blank face. The Brunei sun cast a glow on his face — beautiful on the outside but on the inside, there is a hidden darkness. “Lunch na tayo?” I asked softly. “Uhh, y-yeah, yeah sure… Sorry, may ini

  • Romance Under Contract   Chapter 68

    Ysabelle’s POV The morning starts just perfectly. Gumising ako nang walang iniisip, walang problema at walang nakakabagabag sa aking damdamin. It is just waking up with another life. I felt his arms loosely wrapping on my waist as he was sleeping peacefully, his hot breath crossing on the crook of my neck which made me feel relaxed and comfortable that finally, I’m home — he is my home. Ngunit nais kong salubungin ang napakagandang bungad ng sikat ng araw kaya nagsimula na akong bumangon. Dahan-dahan kong iniangat ang kanyang braso upang makabangon ako nang maayos dahil tila bang nasa mundo ng pantasya pa siya. I called the information desk through the telephone to request some coffee and breakfast for the two of us. Habang hinihintay ko iyon, tumungo muna ako sa washroom to pamper myself. When the breakfast finally arrived, nagtimpla muna ako ng kape habang nararamdaman ko ang mapreskong simoy ng hangin. The scenery of Brunei is something that I want to cover. Maliban lang sa m

  • Romance Under Contract   Chapter 67

    Ysabelle’s POVTila naging maligalig ang buong bahay. Everyone was busy roaming around, others were tending to check and prepare those materials and things to be brought for something important at this point. The team seems to be stressing out when there are lost pieces of accessories and other stuff ngunit hindi na lang ako umiimik. Hindi ko naman alam kung para saan iyong mga dinala nila though I am not good in organizing events. Tamang sitting pretty lang ako dito sa upuan, nakaharap sa salamin at dito lamang sa loob ng kwarto. But despite the busy atmosphere, it is not a bad stress though, it was a happy stress especially that it is something special. I heard a knock on the door and it creaked open — si mommy. “Hey, love.” She hugged me on the side, her cheeks touched with mine and closed her eyes while savoring the moment. “Ma,” I chuckled dahil napansin ko na ang higpit ng pagkakayakap nito sa akin. Parang ginagawa na niya akong stuff toy dito. “Baka hindi pa ako makaabot n

  • Romance Under Contract   Chapter 66

    Ysabelle's POVThen, there is a loud bang. Everyone were terrified, screams scattered everywhere. Hindi ko na alam kung anong nangyari but everything just went into a flash. I only felt that someone grabbed me aggressively like a guardian angel gave me a divine intervention despite of chaos surrounding here. Tila bang natamaan din ako ng bala ngunit nagtaka ako kung bakit maayos pa rin ako. Muntik pa akong mahilo ngunit natauhan lamang ako noong ramdam kong napahiga ako sa sahig sa ramdam ng lamig nito. Pagdilat ng aking mga mata, I saw Evan who is hugging tighter in order to protect me. I slowly checked his body, anticipating na baka siya iyong natamaan but I do not see any. "N-natamaan ka?" Panigurado ko lang kay Evan na ayos lang siya. Natataranta ako dahil baka siya pala dito iyong natamaan dahil sa higpit nito ng pagkakahawak sa akin. However, he just shook his head, telling that wala siyang tama o galos na natamo sa kanyang pangangatawan. I tilted my head to check my paren

  • Romance Under Contract   Chapter 65

    Ysabelle's POVThe scene went into a horror when the securities changed their clothes quickly with armors and weapons. Nabulabog ang mga bisita at naguluhan sa nangyayari. Loud whispers and murmurs are scattering everywhere. Nagsidapa kaming lahat at hinawakan namin ni dad si mom. We are protecting each other. I tried to peek on the side, seeing Evan slowly going down on the aisle, walking backwards. I cannot hear clearly with their conversation but the tension between them screams. Mas nagtago ako nang maigi nang napansin kong bumaba na rin si Saysa at hindi lang iyon. Ikinagulat ko rin na may hawak din siyang armas at itinutok ito kay Evan. Umalingawngaw ang kanilang sigawan at palitan ng salitang katumbas sa dahas. "Aldrich, sumama ka na sa akin o pauulanin ko rito ng bala. Damay ko na rin iyong taong mahal mo!""I am telling you, ako na lang patayin mo. Huwag ka nang mangdamay ng buhay ng iba. Hindi ka ganyan—""Huwag mo akong diktahan!" Pagkatapos ng kanilang palitan ay narini

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status