Share

Chapter 5

Author: Rhod Selda
last update Last Updated: 2025-09-01 13:51:16

“VANESSA? What happened?” tanong ni Edmund, napatakbo papasok ng study. Tanging itim na boxer ang suot nito.

Tulala pa rin si Valerie habang nakatitig sa pangit na manika na paulit-ulit binibigkas ang nakakakilabot na mga salita. Kinuha ni Edmund ang manika na may spring sa ilalim, may battery rin.

“Who the hell sent this?” gigil nitong saad. Binusisi nito ang regalo at walang nakitang pangalan ng sender.

Mayamaya ay nilapitan siya nito at inalog sa balikat. “Van, are you okay?” nag-aalalang tanong nito.

Napapiksi siya nang mahimasmasan. Mabilis niyang itinago sa kan’yang damit ang maliit na kahon ng singsing mula kay Ezekiel. Tumayo na siya.

“O-Okay lang ako. Magbabanyo lang ako,” aniya.

“Okay. Ako na ang bahala rito at paiimbestigahan ko kung kanino galing ang regalo.”

Tumango lamang siya pagkuwan ay lumabas.

Dinala niya ang kan’yang bag at maleta sa second floor, at iginiya naman siya ng kawaksi sa kuwarto ni Edmund. Pagpasok ng kuwarto ay kaagad niyang itinago ang singsing mula ka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Romancing My Fake Sister-in-law    Chapter 13

    NATARANTA na si Valerie at dagling pinulot ang nalaglag niyang cellphone sa sahig.“N-Nanaginip ako ng masama. Nakaidlip na ako kanina at nagulat ako,” palusot niya, nagkunwaring naalimpungatan din. Umupo na siya.Napaupo rin si Edmund. “Pagod ka kaya ganyan. Drink some water first. Baka dehydrated ka na rin,” anito.“Sige, bababa muna ako sa kusina.” Tumayo na siya at dinala ang kan’yang cellphone palabas.Pagdating sa kusina ay nagsalin siya ng malamig na tubig sa baso. Hinahapo pa siya at hirap pang pakalmahin ang sarili. Lumuklok siya sa silya kaharap ng lamesa at nagtipa ng reply niya kay Ezekiel. Pinagmumura na naman niya ito kahit may kasalanan din siya. Masyado siyang marupok pagdating sa hudyong ‘yon.Active pa si Ezekiel at sumagot sa mensahe niya. Mayamaya ay tumawag na ito gamit ang video call.Inisang lagok niya ang tubig sa baso saka lumabas ng bahay. Doon niya sa hardin sinagot ang tawag ng binata.“Ano’ng problema, Val? Hindi mo ba nagustuhan ang pinadala kong video?”

  • Romancing My Fake Sister-in-law    Chapter 12

    IPINASOK ni Valerie sa kan’yang bulsa ang cellphone upang hindi siya ma-distract. Nakapag-focus din siya sa pagkain.“Marami talagang scammer sa social media. Kung anu-ano ang sini-send sa inbox ko,” alibi niya upang huwag magduda si Edmund.Inuusig na kasi siya ng tingin nito at hindi rin makapag-focus sa pagkain.“Bakit hindi mo gawing private ang account mo? Pansin ko marami kang post about your daily life, at talagang marami ang maiingganyong makiusyoso sa buhay mo. Isa pa, kung marami kang pictures sa profile mo, maari ‘yong gamitin ng mga scammers sa kung anon modos nila. You will be blamed for what they are going to do,” ani Edmund.“Binubura ko naman kaagad ang update ko sa social media.”“Dati naman hindi ka updated sa social media. Nitong kasal nga lang tayo mo natanggap ang friend request ko. Akala ko nga ay wala kang social media accounts kasi mobile number mo lang ang binigay mo noon sa akin.”Naging uneasy na siya. Gamit niya ang cellphone ni Vanessa pero mas madalas niy

  • Romancing My Fake Sister-in-law    Chapter 11

    “E-EZEKIEL?” gilalas na sambit ni Katrina nang mapansin si Ezekiel, na siyang pumigil sa kamay nito na akmang sasampal kay Valerie. Tumayo naman nang tuwid si Valerie at kabado baka kung ano ang masabi ni Ezekiel sa babae na hindi dapat. Iniwaksi ng binata ang kamay ni Katrina at tinitigan ito nang mahayap. “Don’t dare lay your hand on my sister-in-law, or you will lose everything,” gigil na banta nito sa babae. Bumakas sa mukha ng babae ang takot ngunit nagawa pang tumawa nang pagak. “Oh, I see. Kapatid ka pala ni Edmund, but I didn’t expect you to show care for your sister-in-law. Akala ko ba may sama ng loob ka sa kapatid at daddy mo? Hindi ba dapat ay wala ka ng pakialam sa kanila? Edmund told me that you left to US because you hate them,” ani Katrina, mahinahon ng magsalita. “And who are you to command me on what to do? My family issue is none of your business. At bakit ka pa ba naghahabol sa kapatid ko, eh kasal na siya? Ganoon ka na ba katanga para ibaba ang sarili mo at

  • Romancing My Fake Sister-in-law    Chapter 10

    NAGMAMADALING lumabas ng elevator si Valerie para makalayo kay Ezekiel. Inayos niya ang kan’yang buhok habang naglalakad. Mabuti na lang waterproof ang kan’yang lipstick at hindi basta natatanggal.“Buwisit ka, Ezekiel! Ano naman kaya ang ginagawa ng gagong ‘yon dito? Sinusundan ba niya ako?” inis niyang usal.Natagpuan naman niya kaagad ang opisina ng CEO. Sensor ang main door ng opisina. Lobby ang bumungad sa kan’ya sa loob at bago makarating sa workplace ni Edmund ay merong tented glass walls and door. Bahagya niyang itinulak ang glass door at akmang papasok ngunit namataan niya si Edmund na may kayakap na babaeng nakasuot ng pink dress, ga-baywang ang buhok na blonde at maalon, Maputi ito, matangkad din, at lalong pinatangkad ng suot nitong three inches na pulang sandals.Dinig din niya ang conversation ng mga ito, at mukhang madrama. She saw the actual scene when Edmund pushed the woman away.“I told you to stop ruining me, Katrina! I’m already married!” asik ni Edmund sa babae.

  • Romancing My Fake Sister-in-law    Chapter 9

    NAG-AAPURANG binalot ni Valerie ng tuwalya ang kan’yang katawan. “I’m fine! I’m taking a bath!” pagkuwan ay sagot niya kay Edmund na kumakatok pa rin sa pinto. “Okay. Pakibilisan dahil maliligo rin ako,” anito, palayo na ang boses. Lumapit siya sa pinto at tiniyak na naka-lock ito. Pagkuwan ay bumalik siya sa shower room at itinuloy ang paliligo. Paglabas niya ng banyo ay naghihintay na sa labas si Edmund, tanging tuwalyang puti ang sapin nito sa ibabang katawan. Ilang beses na niya itong nakitang half naked, at aminado siya na maganda rin ang hubog ng katawan nito. Mas matangkad dito si Ezekiel, siyempre, mas guwapo rin. Pero guwapo rin naman si Edmund, sadyang una na siyang na-attract kay Ezekiel. Lalagpasan na sana niya ito ngunit pinigil siya nito sa kanang braso kaya napahinto siya. Hinarap niya ito pero diretso ang kan’yang tingin sa mga mata nito. “B-Bakit?” tanong niya. Sinuyod siya nito ng tingin. Nakasuot na siya ng nightys na plain silver na gawa sa silk. “Since

  • Romancing My Fake Sister-in-law    Chapter 8

    NAPAKISLOT si Valerie at dagling dumistansiya kay Ezekiel nang makita si Edmund. Mariing kumunot ang noo nito habang palapit sa kanila.“Ano’ng pinag-uusapan n’yong dalawa at ang seryoso n’yo?” amuse na tanong ni Edmund.Kalmado namang hinarap ni Ezekiel ang kapatid nito. “Pinag-usapan namin ang tungkol sa regalong natangap n’yo, the one with a threat,” sagot nito.“Ah, oo nga pala. I know my wife was traumatized by the threat, so I do my best to find the culprit,” ani Edmund.“Baka kilala mo lang ang taong ‘yon, Kuya. Kasi sa pagkakakilala ko sa pamilya ng asawa mo ay mababait naman sila.”Naging uneasy na si Edmund. “I know, at inaamin ko na sa side ko talaga ang may problema. Thanks for your concern, bro.”“Walang problema. Basta kung kailangan n’yo ng tulong, huwag kayong mahiyang lumapit sa akin. I will to my best to cooperate with you.”Ngumiti lang si Edmund at tuluyang lumapit kay Valerie. Nagpaalam naman si Ezekiel.Nagbanlaw na ng kamay sa lababo si Valerie at tinabihan siya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status