Beranda / Romance / Ruined Friendship / Ch. 6: Scāndal

Share

Ch. 6: Scāndal

Penulis: Astraia Spring
last update Tanggal publikasi: 2026-09-05 23:50:50

Kadecy's point of view

Nang makapasok ako sa bahay, napakatahimik ng paligid. Pàtay ang karamihan sa mga ilaw, bukod sa maliit na ilaw na nakatapat sa may kusina.

​Pumasok muna ako sa kwarto para maibaba 'yung bag ko at mabilis na nagpalit ng pambahay. Habang nasa biyahe kami pauwi ni Hunter kanina, nag-text na ako kay tito Mark. Isinend ko sa kanya 'yung mismong scàndal video ni tita Gloria at ng lalaki niya.

​Pero hanggang ngayon, wala pa ring reply mula sa kanya.

​Kinakabahan ako kasi baka naunahan na naman ako ni tita sa cellphone niya. Minsan kasi kinukuha at binabasa ni tita 'yung phone messages ni tito. Pero nung umalis ako kanina, wala naman si tito rito at dala niya 'yung phone niya habang si tita naman, busy makipagkalandian sa lalaki niya.

​Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto.

​"Tito Mark? Are you home?" tawag ko habang nakatayo sa gitna ng sala.

​Walang sumasagot. Tiningnan ko rin 'yung kusina at sa may likod ng bahay, pero wala rin siya roon. Ibig sabihin, baka tulog na lang siya sa kwarto niya dahil sa pagod. Wala rin si tita, mostly naman hindi talaga siya naglalagi rito sa bahay. Ang laging dahilan niya, marami raw siyang side hustle. Like, eww. Alam ko naman ata kung anong klaseng side hustle 'yung ginagawa niya sa labas.

​Napabuntong-hininga na lang ako habang napawak sa ulo ko.

​Ang dami kong iniisip mula pa nung dinner namin kanina. 'Yung pananakot ni Jack, 'yung takot ko sa ilalim ng lamesa, at 'yung pag-aalala ko kay Hunter. Pero siguro, ito na lang muna 'yung uunahin ko sa ngayon. Hihilingin ko na lang talaga na sana hindi ko makasalubong o makita si Jack sa mga susunod na araw kapag magkasama kami ni Hunter. I really can't risk everything.

    ​Wala na akong nagawa kundi tumungo na lang sa kwarto ni tito Mark. Kumatok ako nang ilang beses habang nakatayo sa labas ng pínto, pero walang sumasagot. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at bumukas naman ito.

​Sumilip ako nang konti. Nakabukas lang ang lumang lamp sa gilid ng kama. Tiningnan ko ang higaan pero wala namang tao roon. Saan naman pumunta 'yun? Pumasok ako nang tuluyan para tingnan kung naiwan man lang ba ni tito ang phone niya.

​Pero bago ko pa man maikot ang buong paningin ko sa kwarto, nanlaki na lang ang mga mata ko nang may biglang humablot sa buhok ko mula sa likod.

​"Aray!" napasigaw ako nang matindi.

​Sa sobrang higpit ng hawak niya, pakiramdam ko ay matatanggal na ang anit ko sa sakit. Physical pain shot straight through my spine, sobrang sensitive pa naman ng anit ko.

​"Walang hiya kang bata ka! Ang dami kong ginawang mabuti sa'yo, tapos 'yun lang ang isusukli mo sa akin?!" sigaw ni tita Gloria sa mismong pagmumukha ko.

​Fvcking shít. Bakit siya ang nandito at nasaan si tito?! At anong mabuting ginawa niya? Wala siyang mabuti na ginawa sa akin.

​"A-Ano bang pinagsasabi mo, tita?!" pilit kong sagot habang hinahawakan ang kamay niyang nakasabunot pa rin sa buhok ko para mabawasan man lang ang sakit. "Ano bang kasalanan ko sa'yo?!"

​"Anong pinagsasabi ko?! Nagmamaang-maangan ka pa talagang demonyita ka! Ano 'yung video na sinend mo sa tito mo, ah?!"

​Hindi pa siya nakuntento. Kinaladkad niya ako habang hawak pa rin ang buhok ko, dinala ako ni tita sa labas patungong sala at pabalagbag na nginudngod sa sofa. Napahawak ako sa leeg at sa anit ko, nanginginig ang buong katawan ko sa gulat at galit.

​"Bakit nasa inyo ang cellphone ni tito?!" sinubukan kong itayo ang katawan ko kahit masakit pa rin ang ulo ko. "Nasaan si tito Mark?!"

​"Aba, inutusan ko lang naman siyang bumili ng gagamitin ko sa bayan!" sagot niya habang nakapamaywang, nandidilat pa ang mga mata niya. "At dahil tangá ang tito mo at naiwan ng phone, pinalad lang ako na makuha ko bago pa niya mabuksan 'yang kabàbuyan na sinend mo!"

​"Kabàbuyan?!" hindi ko na napigilang pumatol. "Sino sa atin ang nagpapakabàboy, tita?! Ako ba o ikaw?! Ikaw 'tong nakikipagkalandían sa ibang lalaki habang nagpapakamàtay sa trabaho si tito Mark para lang may maipakain sa'yo! Nakakahiya ka!"

​"Hoy! Huwag mo akong pagsasalitaan nang ganyan sa sarili kong bahay!" dinuro niya ako nang halos madikit na ang daliri niya sa ilong ko. "Palamunin ka lang dito, Kadecy! Wala kang karapatang mangialam sa buhay ko!"

​"Bahay niyo? Bahay 'to ni tito Mark! At hindi ako palamunin dahil nakapagtrabaho ako at nakapag-aaral nang sabay!" buong tapang kong ganti sa kanya. Naubos na ang pasensya ko kay tita, hindi ko na kaya ang pang-aapi niya sa akin. "Takot na takot ka kasing makita 'yun ni tito, kasi alam mong kapag nalaman niya ang kataksilan mo, mawawalan ka ng taga-pondo ng mga bisyo mo!"

​"Matalas na talaga 'yang dila mo, no?!" akma na naman siyang lalapit para saktan ako. "Akala mo kung sino kang malinis! Isang beses ko pang makitang nanggugulo ka sa relasyon namin ng tito mo, makikita mo ang hinahanap mo!"

​Nanglalait ang sigaw niya sa akin, na parang walang pakialam kahit malalim na ang gabi. Malayo man ang distansya ng bahay namin sa ibang kapitbahay, halos yumanig pa rin ang sala sa lakas ng boses niya.

​Pinantayan ko ang tingin niya kahit nanginginig pa rin ang mga binti ko sa galit at takot. Nahuli ko na siya, pero ako pa rin ang may kasalanan sa amin. Pero kung akala niya ay matatakot niya ako habang buhay, nagkakamali siya.

​"Dahil hindi na mauulit 'yun! Ipapakita ko pa rin kay tito ang video na 'yun nang mapalayas ka na rito!" sigaw ko pabalik, looking at her straight in the eyes without backing down.

​Madilim ang mukha niyang mabilis na lumapit sa akin. Sinubukan kong umiwas, pero dahil nahihilo pa ako mula sa pagkabitaw niya sa buhok ko kanina, hindi na ako nakailag nang mabilis. Nahawakan niya ulit ang buhok ko at bigla akong sinampahan sa sofa.

​"Ah, talaga?! Bibigyan kita ng leksyon ngayon!" asik ni tita Gloria habang nakadagan sa akin. "Nadelete ko na 'yung video sa phone ng tito mo! Wala ka nang maipapakita sa kanya, demonyita ka!"

​Hindi na ako nagprotesta habang pinagsasampal niya ako. Hinayaan ko na lang siya kahit ramdam ko ang mahapding init sa magkabila kong pisngi. Pakiramdam niya manalo na siya kasi nadelete niya 'yung video sa phone ni tito, pero hindi niya alam na may backup copy pa ako sa sarili kong cellphone. Hindi ko na lang iyon sinabi, baka agawin at basagin pa niya ang cellphone ko.

​Bigla kaming nagulat pareho nang malakas na bumukas ang pintó ng bahay. Pumasok si tito Mark na hingal na hingal, bitbit pa ang plastic ng mga pinabili sa kanya.

​"Anong kaguluhan 'to?!" sigaw ni tito, halos maubusan na ng hininga habang nakatitig sa aming dalawa. "Bakit sa labas pa lang, rinig na rinig ko na 'yang sigawan niyo?!"

​"Tito!" sigaw ko sa gitna ng pag-iyak. "Tita is abusing me! Please believe me this time! I have evidence of her chéating and fvcking a younger boy!"

​Bago pa man makasagot si tito, ginamit na ni tita ang natitirang lakas niya para ibagsak muli ang sampal sa pisngi ko. Sa lakas niyon, lumabo ang paningin ko at halos mawalan ako ng ulirat habang nakahandusay na sa sofa.

​Naramdaman ko na lang na umalis na si tita sa ibabaw ko. Hindi ko man agad maidilat nang ayos ang mga mata ko, naririnig ko ang mabilis niyang paglapit kay tito para magsinungaling na naman.

​"Hindi, Mark! Naku, huwag kang maniniwala diyan!" tarantang depensa ni tita, boses-paawa na naman ang walang hiya. "Alam mo ba ang ginawa ng batang 'yan, ha?! Kung ano-ano na lang ang pinagsasabi at kasinungalingan niya sa akin para sirain ako sa'yo!"

​"Ano bang pinagsasabi mo, Gloria?!" galit na sigaw ni tito Mark.

​"Nawawala sa wisyo 'yang pamangkin mo! Kinompronta ko lang dahil bastos magsalita, tapos inatake ako!" drama pa ng chéater. "Mark, paalisin mo na 'yang batang 'yan dito bago pa pamilya natin ang masira—"

​"TUMAHIMIK KA!"

​Yumanig ang buong bahay sa sigaw ni tito Mark. Rinig na rinig ko ang pagbagsak ng plastic na hawak niya sa sahig.

​"T-Tito..." pinilit kong idinilat ang mga mata ko.

​"Akala mo ba talaga tangá ako, Gloria?!" bakas na ang matinding galit at pagtataksil sa boses ni tito. "Nakita ko ang notification sa phone ko bago mo makuha kanina! Napanood ko ang kababuyan mo bago mo pa na-delete! Lumabas lang ako para magpalamig ng ulo!"

​Natahimik naman si tita. "M-Mark... maipapaliwanag ko—"

​"Gagúhin mo na ang lahat, huwag lang ang pamangkin ko!" duro ni tito sa kanya, nanginig na rin ang boses sa sobrang galit. "Paano mo nagawang saktan at pagbuhatan ng kamay si Kadecy, ha?! Wala kang utang na loob! Lumayas ka sa harap ko bago pa kita mapatay sa galit ko!"

​"Mark, pumayag ka namang mag-paliwanag ako—"

​"LUMAYAS KA SABI!"

​Sa sobrang lakas ng utos ni tito, narinig ko na lang ang pagkalabog ng pínto at ang mabilis na pagtatarantang footsteps ni tita palabas ng pínto hanggang sa maipagpag niya ang bakal na gate.

​Nang tumahimik na ang paligid, mabilis na lumapit si tito sa kinaroroonan ko sa sofa. Lumuhod siya sa tabi ko at dahan-dahang inalayan ang balikat ko.

​"Kadecy... Diyos ko," nanginginig ang mga kamay ni tito habang tinitingnan ang mga pasa at pamumula sa mukha ko. "Pasensya ka na... Patawarin mo si tito, hindi kita naipagtanggol agad..."

​"T-Tito... 'yung video..." mahinang bulong ko habang pinilit pa rin na bumabangon sa pag-upo ng tuwid.

​"Napanood ko na, Kadecy. Patawarin mo ako kung hindi ako naniwala sa'yo noong una," pumatak ang luha mula sa mga mata ni tito habang hawak ang kamay ko. "Magpahinga ka muna. Ako na ang bahala rito. Hinding-hindi ka na uli masasaktan ng babaeng 'yun."

    

  

    

    

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ruined Friendship    Ch. 44: Tēmperature

    Kadecy’s point of viewKinabukasan, maaga akong nagising dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa lumang bintana ng Master Suite. Pero sa halip na bumangon agad, nanatili muna akong nakahiga habang pinipigilan ang pagngiti.Naka-angkla pa rin ang isang mabigat at mainit na braso ni Hunter sa baywang ko, mahigpit akong nakayakap sa kanya habang mahimbing pa itong natutulog. Ang amo ng mukha niya kapag tulog, malayo sa nakakatakot at seryosong CEO na nakasagupa namin nitong mga nakaraang araw.Habang tinititigan ko siya, dahan-dahang pumasok sa isip ko ang lahat ng nangyari.Parang nanaginip lang ako. Tatlong araw na puno ng takot, kaba, mga sikreto, at mga pasabog na laro sa loob ng Duval Estate. Pero ngayong tapos na ang lahat, parang biglang gumaan ang buong mundo ko.Lalo na nang maisip ko si Ariesa. Kung hindi siguro nangyari ang retreat na 'to... kung hindi kami dinala rito ni Mang Eduardo para sa laro... hindi ko kailan

  • Ruined Friendship    Ch. 43: Mīlk

    Kadecy's point of view Nakakaturn-on naman talaga magpadala ng kakaibang kuryente sa buong katawan ko ang boses ni Hunter. ​Bago pa ako makasagot, mabilis niyang binuhat ang mga binti ko at pinulupot sa bewang niya. Kusang nagdikit ang mga hīta ko sa magkabilang gilid ng balakang niya, at bago ko pa mamalayan, nai-tacklē na niya ako papunta sa malambot at malaking kama sa gitna ng kwarto. ​Sinalo kami ng makapal na kutson, pero wala siyang sinayang na kahit isang segundo. Dinaganān niya agad ako, yung malapad at mainit niyang katawān ay bumalot sa maliit kong katawān. ​Inangkīn niya ang mga labī ko sa isang mabilis at malalim na halik na halos magpasuko sa hininga ko. Bawat galaw ng labī niya ay puno ng pag-aangkīn, na parang sinasabi niyang sa kanya at sa kanya lang ako. ​Habang hinihingal at namumula ako sa ilalim niya, ibinaba niya ang mga halīk mula sa labī ko papunta sa panga ko, bago dahan-dahang binuksan ang mga butones ng blusa ko. ​"Fvck, you tastē so sweet, Kadecy

  • Ruined Friendship    Ch. 42: Sāfe

    Third person's point of view Habang dahan-dahang lumulutang ang katahimikan sa loob ng Grand Subterranean Vault, mabigat na paghinga ni Jack. Nakatitig siya sa nakabukas na titanium door, sa kumikinang na Master Blueprint na nakapatong sa glass pedestal, habang ang buong reyalidad ng kaniyang pagkatalo ay unti-unting bumabaon sa sistema niya. Walang nagawa si Jack kundi ang mapaluhod nang bahagya ang mga tuhod sa malamig na semento, ang kaniyang mga kamao ay nakakuyom nang mahigpit habang nanginginig sa galit at matinding pagkadismaya. "Tumayo ka," malamig na boses ni Mang Eduardo ang basag sa katahimikan habang inilalabas ang pocket watch nito. "Tapos na ang laro, Mr. Jack. At natalo ka." Kasabay ng pagtatapos ng mga salitang iyon, ang mabibigat at sunud-sunod na yabag ng mga bota mula sa itaas ng lumang hagdanan ang umalingawngaw. Ilang sandali pa, tatlong tauhan ng pulisya na may sukat at kumpletong uniporme ang pumasok sa underground chamber. Ang mga mukha nila ay seryoso, haw

  • Ruined Friendship    Ch. 41: Vāult

    Third person's point of view Matapos ibunyag ang malupit na pag-blackmail ni Jack kay Ariesa sa loob ng Penalty Chamber, hindi na nag-aksaya ng panahon sina Hunter at Kadecy. Gamit ang hawak nilang Immunity Pass at Master Clue sa Day 2, mabilis nilang binaliktad ang laro. Sa halip na ipahamak ang kaniyang pinsan, pinalaya at pinrotektahan nila Hunter at Kadecy si Ariesa mula sa pangmamanipula ni Jack.​Sa tulong ng galing ni Kadecy bilang Data Specialist, nakuha nila ang mga matitibay na ebidensya para linisin ang pangalan ni Ariesa at ipawalang-bisa ang scholarship blackmail nito. Sa kabilang banda, si Jack naman ang tuluyang na-corner at nawalan ng anumang kakampi nang pati si Declan ay tuluyang tumalikod sa kaniya pati na ang ibang tropa. They're all disappointed, hindi nila alam bakit umabot na sa ganito ang pag-uugali ni Jack. Hindi na kasi ito nag kukwento sa kanila.​Mabilis na lumipas ang buong magdamag ng Day 2. At ngayon, sumapit na ang ikatlo a

  • Ruined Friendship    Ch. 40: Blackmaīl

    Third person's point of view Araw ng ikalawang laro. Pagpalo pa lang ng alas-otso ng umaga sa lumang pendulum clock ng Duval Mansion, ramdam na agad ang kakaibang bigat sa hangin. Pagkababa pa lang ng Executive Board sa grand dining hall, wala na ang dating masiglang almusal.​Nakatayo na sa dulo ng silid si Mang Eduardo habang hawak ang isang silver tray na naglalaman ng dalawang kulay-beigeng sobre, ang absolute clue at ang Immunity Pass para sa Day 2.​Sa kabila ng mahabang lamesa, katabi ni Hunter si Kadecy. Hawak-hawak ni Hunter ang kamay ng dalaga sa ilalim ng lamesa, his thumb lightly stroking the faint blue mark on her wrist that he had personally iced and tended to all night. Hindi pa rin kumukupas ang pagiging protective at possessive ng lalaki.​Sa kabilang dulo naman, bakas ang matinding pagkahiya at galit sa mukha ni Jack, habang si Ariesa naman ay tahimik lang na nakatungo. Wala na ang cute at matatakuting arte nito, halatang hindi

  • Ruined Friendship    Ch. 39: Impostōr

    Third person's point of view     Binuhat ni Hunter si Kadecy nang walang katiting na kahirap-hirap habang lumalabas sila mula sa madilim na storage room. Ang isang kamay niya ay nakasuporta sa ilalim ng hita ng dalaga, habang ang kabilang braso naman ay nakapulupot nang mahigpit sa bewang nito, shielding her fragile body completely against his broad frame.Ilang segundo lang ang lumipas, pabalik na ang kuryente sa pasilyo. Biglang nagliwanag ang mga chandelier sa kisame, pero kahit maliwanag na ang paligid, ang aura sa mukha ni Hunter ay mas nagdilim pa kaysa sa blackout kanina.Nang marating nila ang dulo ng hallway papuntang basement stairs, nakatayo na roon sina Jack, Ariesa, at Declan. 'Yung iba pa nilang kasamahan ay wala pa. Si Ariesa ay halos maging tarsier na naman sa braso ni Declan habang mukhang takot na takot sa naganap na biglang pagpatay ng ilaw."Hala! Hunter! Kadecy!" Napaimpit na sigaw si Ariesa habang nakahawak pa rin nang mahig

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status