Share

Ch. 7: Dēlulu

Penulis: Astraia Spring
last update Tanggal publikasi: 2026-09-06 23:50:11

Kadecy's point of view

Inalalayan ako ni Tito Mark hanggang sa makapasok ako sa kwarto ko. Binalikan din pala niya ako ng ice cup para hindi na lumala ang pamamaga ng mukha ko. Nang makuha ko na, agad kong inilock ang pintó at pabulong na nagpasalamat sa kanya.

​Hindi muna ako tumuloy sa kama para humiga. Dumeretso ako sa luma kong vanity table at dahan-dahang naupo roon. Titig na titig ako sa sarili ko sa salamin.

​Kusa na namang lumandas ang luha sa namumula at mahapdi kong mukha. Gulo-gulo pa ang buhok ko at gutay-gutay ang hitsura gawa nung ginawa ni tita. Dinama ko ang anit ko at dahan-dahang sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri. Sinubukan ko ring inayos 'yun kahit kumikirot pa rin sa sakit at medyo nahihilo pa ako hanggang ngayon.

​Pero kahit sabog ang hitsura ko at nanginginig ang buong katawan ko, napahinga na lang ako nang malalim. Tapos na, e. ​Nagkaganito man ako, at least naayos ko na 'yung matagal nang problema rito sa bahay. Hindi sa pangunguna, pero alam kong palalayasin na talaga ni tito Mark si tita Gloria pagkatapos ng lahat ng kabàbuyan at pananakit na ginawa niya. Matatapos na rin 'yung panloloko sa bahay na 'to.

​Napabuntong-hininga ako ulit at napapikit nang mariin habang nakasandal sa salamin. ​I can't face Hunter like this. Tiningnan ko ulit 'yung mukha ko sa malapitan at grabe naman talaga ang pamumula, may pasa na rin na parang kinalmot ng mean girls. Kapag nag-aya si Hunter lumabas o magkita sa mga susunod na araw, magdadahilan na lang muna akong nagkasakit ako para hindi siya maghinala.

​At isa pa, naroon pa 'yung problemang dala ni Jack. ​Alam kong may napansin na si Hunter nang bumalik siya sa mesa kanina sa restaurant. Kilala ko siya, e, nababasa ko sa mukha niya na parang pinipilit lang din niyang pigilan 'yung sarili niyang magtanong sa akin. Matalas ang pakiramdam noon at hindi 'yun basta-basta magpapalampas.

​Pinagdaop ko ang mga kamay kong nanginginig pa rin. Kaya kong tiisin 'yung sàmpal at sàbunot ni tita, pero ang maipahamak si Hunter at mawala ang pinakainiingatan niyang ihinabilin sa kanya at dahil pa sa akin? Hinding-hindi ko kakayanin.

​I have to protect him, kahit ibig sabihin noon ay kailangan ko muna siyang iwasan at paglihiman.

Habang nakatitig pa rin ako sa pasa ko sa salamin, biglang tumunog ang cellphone ko.

​Hunter is calling...

​Speaking of the devil. Bakit pa siya tumawag sa ganitong oras? Gabi na, ah, diba dapat natutulog na 'tong taong 'to? Naggagandahan pa ba siya sa panaginip niya habang ako rito, naghihingalo ang mukha?

​Nataranta ako nang konti. Tumikhim muna ako nang ilang beses at sinubukan ang boses ko kung normal pa ba o garalgal pa sa kaiiyak. Ayokong makahalata 'to, napakamatalas pa naman ng pang-amoy nito sa gulo.

​"Hello? Gabi na, ah! Hindi ka ba makatulog kakaisip sa akin? Parang kanina lang nagkita tayo, ah," daldal ko kaagad pagkasagot na pagkasagot ng tawag. Pinasigla ko pa ang boses ko na parang wala lang nangyaring sampàlan sa sala kanina.

​Rinig ko naman ang mala-sugar daddy niyang tawa sa kabilang linya, parang walang problema sa buhay, e. Ganun talaga siguro kapag afford mo naman ang lahat sa buhay. Patawa-tawa lang ganun.

​"What if I say yes? Maniniwala ka ba?" mahinahon niyang sagot sa kabilang linya.

​Napa-irap ako sa ere habang hawak-hawak na ang ice pack sa pasa kong mukha. Napangiwi ako sandali sa hapdi. Pero tuloy pa rin naman ang buhay. "Sira! Siyempre hindi! Ano ako sa tingin mo, pampalipas-oras o rebound kapag wala ang girlfriend mo?"

​Bigla namang tumahimik sa kabilang linya. Ayy, wala nang kibo. Tiningnan ko pa nga 'yung screen ng phone ko para i-check kung na-drop ba 'yung call, pero nagra-run pa rin naman 'yung seconds.

​"Oh? Natahimik ka diyan? Natamaan ka no?" biro ko pa, daanin ulit sa biro ba na maski sa loob-loob ko ay nagwawala na 'yung dibdib ko. Delulú pa kasi.

​Napatikhim muna siya bago muling nagsalita, his tone turning a bit softer na. "By the way... yun dapat ang sasabihin ko sa'yo, but I would say it in person. So are you available tomorrow dinner again? Just the two of us?"

​Napasinghap ako nang mahina. Anak ng... kakaisip ko lang nito kanina habang pinagmamasdan ko 'yung pasa ko sa salamin! Tapos bigla agad siyang mag-aaya?!

​I drummed my fingers on my lap, my mind racing as I tried to build a solid alibi on the spot. Hinding-hindi ako pwedeng magpakita sa kanya na mukhang bagong galing sa gyera ng mga mistress, lalo na't tititigan ako nun mula ulo hanggang paa. Walang palalampasin kahit kuko man 'yun.

​"Ano... pwedeng in three days na lang?" mabilis kong dahilan nang nakaisip ako ng dahilan habang nakatitig sa namumulang pisngi ko. "May kailangan kasi akong asikasuhin dito sa bahay, e. Need din ni tito ng help sa pag-aayos ng mga gamit."

​"Oh, sure. I'll text and pick you up then?" walang alinlangan niyang sang-ayon.

​"Yeah, that'll be good! Para makalibre ulit ako sa pamasahe," biro ko sabay tawa nang pilit para lang mabawasan 'yung kaba ko. Hindi na ata muna ako magkakapé at nadadamay ang nerves ko sa mga kalokohan ko. "Gagawin na lang kitang driver palagi kasi ikaw naman 'tong laging may kailangan sa akin, e!"

​"Pfft. Don't worry, anything for you," he said with that casual, rich-boy charm that always made my heart jump. Dàmn. Mas delikado ata kapag kaming dalawa na lang, e.

​"Wow, ha! Salamat! Pa-fall ka talaga, 'no?" giit ko pa. Aba dapat masaya ang gabi niya bago matulog. Guluhin ko rin siya ganurrn. "Isumbong kita sa girlfriend mo, e! Nilalandi mo ako diyan!"

​"What? That's not really good," depensa niya, clearly smiling on the other end. "I'm just being a pogi and caring for you as your best friend."

​As your best friend. ​Awts naman. Nakakailan na 'tong mokóng na 'to, ah. Parang binabagok ang puso ko sa pader sa tuwing binabanggit niya 'yang salitang 'yan. He's always breaking my heart without even knowing it. But it's not his fault though that I'm falling in love with him secretly. Tangá ko lang talaga na nagpa-fall ako sa sarili ko habang siya, chill lang na nagpapakapogi.

​"Ayan ka na naman sa best friend agenda mo!" tawa ko na lang ulit, forcing a loud chuckle to hide the hurt inside. "Sige na, matulog ka na Mr. Lover boy. Baka pumangit ka pa bukas, mabawasan pa 'yung pagiging pogi mo."

​"Alright. Take care, Kadecy. Don't sleep too late," pahabol pa niya bago tuluyang ibinaba ang tawag. Buti naman.

​Nang mamatay ang tawag, dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone sa ibabaw ng vanity table. Bumalik na naman ang nakabibinging katahimikan sa kwarto. Pinakatitigan kong muli ang sarili ko sa lumang salamin, maganda pa rin naman ako, ano. Pero habang tumatagal 'yung luha na subok kong pigilan kanina pa na ngayon ay pumatak na naman. Aisshh. Naging iyakin na naman ako.

​

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ruined Friendship    Ch. 51: Expansīon

    Kadecy’s point of viewHabang nagpapatuloy ang dinner namin nina Don Arthur at Doña Sofia, doon na rin tuluyang ibinunyag ng mga magulang ni Hunter ang tunay na dahilan ng biglaan nilang pag-uwi mula sa abroad.Hindi pala basta-basta pasyal o simpleng kamustahan lang ang sadya nila rito sa Pilipinas."Actually, Kadecy, kaya rin kami nagmadaling umuwi ng Dad mo ay dahil sa binabalak naming malaking business expansion sa Baguio," pagpapatuloy ni Doña Sofia habang umiinom ng kaunting wine. I can call them mom and dad na raw. Ang bilis nga, e. Kanina gusto ko lang maglaho ngayon naman parang may guardian angel na ako. Butong-buto sila sa akin, e. 'Di pa nga kasal mom and dad na agad. Saan ka pa. "May nakuha kaming malaking lupain doon na plano naming tayuan ng isa pang luxury mountain resort at commercial complex. At dahil si Hunter na ang nagpapatakbo ng karamihan sa mga operations ngayon, gusto namin siyang personal na mamahala roon."Napatango-tang

  • Ruined Friendship    Ch. 50: Dīnner

    Kadecy’s point of viewHindi ko na namalayan ang oras. Maya-maya lang, naramdaman ko na ang marahang pagbaba ng eroplano, isang senyales na lumapag na kami sa isang pribadong hangar sa Manila.Pagkababa namin, agad kaming sinalubong ng isang pamilyar at mamahaling itim na limousine na nakaparadang diretso sa tarmac. Wala namang traffic at direkta kaming dinala ni Hunter sa isang exclusive five-star hotel na malapit lang sa mismong restaurant kung saan gaganapin ang dinner namin mamayang gabi kasama ang mga magulang niya."Bakit pa tayo nag-check-in dito sa hotel?" tanong ko habang iginagala ko ang paningin ko sa napakalaki, napakabangong executive suite na may glass wall na tanaw ang buong skyline ng Manila. "Hindi ba pwede sa mansyon na lang tayo mag-ayos at dumiretso?"Inilapag ni Hunter ang mga bagahe namin sa gilid, bago siya naglakad palapit sa akin at niyakap ang baywang ko mula sa likod."May dalawang oras pa bago ang dinner natin,

  • Ruined Friendship    Ch. 49: Overthīnk

    Kadecy's point of view Pagkatapos naming mag-usap ni Hunter tungkol sa dinner mamaya, nagsimula na akong mag-ayos ng mga dadalhin naming damit. Hindi lang naman kasi para sa isang gabi ang biyahe namin papunta ng Manila, plano rin naming dumeretso pagkatapos sa isa sa mga private log houses nila sa Baguio para magmalamig at magpahinga nang matagal.Habang abala ako sa pagtiklop ng mga damit ko at pagsasalansan nito sa maleta, hindi ko tuloy maiwasang mapangiti habang lihim na tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Sino bang mag-aakalang mangyayari 'to sa buhay ko? Dati, ang pinakamalaking problema ko lang ay kung paano ko tatapusin ang mga deadlines sa trabaho at kung paano ko sasaluhin si Ariesa sa mga problema niya. Tapos ngayon? May jowa akong bilyonaryong CEO na parang may-ari ng kalahati ng mundo, private jet ang sinasakyan papuntang Manila na forty-five minutes lang ang biyahe, at may pa-log house pa sa Baguio!Huy, hindi ako gold digger ha! sabi ko sa sarili ko sabay irap sa ha

  • Ruined Friendship    Ch. 48: Pāst

    Kadecy’s point of view Nang magising ako, alas-nuwebe na ng umaga. Pagdilat ng mga mata ko, laking gulat ko nang mapansing mag-isa na ako sa malaking kama. Wala na si Hunter sa tabi ko. Agad akong bumangon habang kinukuskos ang mga mata ko. Suot ko pa rin ang malaking puting long-sleeve shirt niya, at medyo naninibago ako dahil wala siya roon para salubungin ako ng yakap tulad ng nakaugalian niya. Pero nang lumabas ako ng kwarto para hanapin siya, agad kong naamoy ang pamilyar na kape at ang presensya niya. Pagbaba ko sa malaking sala ng mansyon, nakita ko si Hunter. Nakasuot na siya ng itim na button-down shirt na bahagyang nakatupi ang mga manggas sa may siko, habang hawak ang cellphone niya sa isang kamay at nakasandal sa glass railing malapit sa bintana. May seryoso siyang kausap sa telepono. "Yeah... I'll check my schedule," rinig kong sabi niya sa seryosong boses. "Just let me know the exact time and place... I'll be there with her." Nang marinig niyang may humakbang pa

  • Ruined Friendship    Ch. 47: Mīne

    Hunter's point of view Dahan-dahan kong inakay si Kadecy habang paakyat kami ng hagdan pabalik sa Master Suite. Bakas pa rin sa mukha niya ang bahagyang pagkaantok habang nakahawak siya nang mahigpit sa braso ko, wearing my oversized white shirt that draped past her thighs.Pagkapasok na pagkapasok namin sa malawak na kwarto, pinaupo ko siya sa gitna ng malaking kama. Hindi ko muna siya pinahiga agad, alam kong medyo mabigat pa ang tiyan niya pagkatapos ng lahat ng kakaibang pinaghalong pagkain na niluto at kinain niya sa kusina kanina.Inayos ko ang dalawang malaking unan sa likod niya para makasandal siya nang maayos, bago ako umakyat sa kama at umupo sa tabi niya. Mabilis kong ipinalupot ang kanang braso ko sa baywang niya, pulling her flush against my chest."How's your stomach, my girl?" garalgal at paos kong tanong imagine na bedroom voice lang 'yun dahil nakagisingan lang ng madaling araw, i don't mind really sa mga ginagawa niya nag-aalal

  • Ruined Friendship    Ch. 46: Cravings

    Kadecy's point of view Kinaumagahan o mas tamang sabihing madaling-araw na, nang magising ako. Pagdilat ng mga mata ko, naninibago pa ako sa unang tingin sa mataas na kisame at sa pamilyar na amoy ng mamahaling pabango ni Hunter. Pag-check ko sa fone ko, alas-tres na ng madaling-araw. Sobrang ganda at himbing pala ng naging tulog ko buong biyahe, hanggang sa pagdating namin dito sa mansyon niya, kaya hindi ko na namalayan na binuhat na niya ako papasok at pinahiga sa kwarto.Bago ako tuluyang bumangon, naalala ko munang i-text si Tito Mark para sabihing nakarating na ako nang ligtas at kasalukuyan akong nasa mansyon nina Hunter. Isang mabilis na "Okay, anak. Mag-ingat kayo diyan" ang reply niya, na lalo pang nagpapanatag sa loob ko.Pero ang problema... paggising ko, gising na gising naman ang sikmura ko. Pakiramdam ko ay may maliit na party sa loob ng tiyan ko na naghahanap ng kung ano-anong klase ng pagkain.Dahil feel at home na naman ako rito

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status