Ruined Friendship

Ruined Friendship

last updateLast Updated : 2026-10-21
By:  Astraia SpringUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
16 ratings. 16 reviews
44Chapters
1.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Kailanman hindi kita minahal, kaya 'wag kang umasta na para bang may utang ako sa 'yo." It hurt like hell to say it, but watching him die would’ve been worse. I had to break his heart so he’d hate my guts and walk away. Right now, he looks at me like the villain who ruined everything we had. But honestly? Every step he takes away from me in anger is another second he gets to live. He thinks I abandoned him for nothing. He has no idea I’m hiding in the dark alone, with a target on my back and his baby growing inside me.

View More

Chapter 1

Ch. 1: Blackmaīl

Kadecy's point of view

"Dang, Albie! Ang galing talaga ng plano natin. Sisiguraduhin nating wala talagang matitira kay Mark."

Habang nakatago sa medyo madilim na sulok malapit sa kuwarto nila tita, napairap na lang ako habang hawak ang cellphone ko. Buti na lang at dahan-dahan akong pumasok, kasi sa halip na ang madudumīng eksena na naman ang madatnan ko, heto sila ngayon at seryosong nag-uusap habang nakasuot na ng mga damit at nakaupo na sa gilid ng kama. Tapos na ata sila mag twērk at makipagbēmbangān.

"Syempre naman, Gloria. Kailangan lang nating mabilisang galawin ang paglipat ng mga account niya sa pangalan mo bago pa man niya mahalata," sagot naman nung lalaking kasama niya, si Albie, habang seryosong nagpapakiramdam din sa paligid.

Napapadūwal pa rin ako, pero hindi dahil sa nākakadīring tanawin kundi dahil sa sobrang kapal ng mukha nila. Like, what the hēck? Hindi lang pala basta pānlalalaki ang ginagawa ni tita, tuwang-tuwa pa silang pinaplano kung paano uubusin at kukunin ang lahat ng pera at ari-arian ni tito Mark. Dahan-dahan kong itinaas ang cellphone ko habang naka-on ang video recording. Akala mo talaga, tita, ha? Ipapakita ko 'to kay tito. Kailangan ko 'tong resibo dahil matagal nang bulag si tito sa kaniya at hinding-hindi maniniwalang niloloko na pala siya at pinagbabalakang nakawan ng mismong asawa niya.

Habang tumatagal, nagiging abūsīve na rin kasi si tita sa akin. Parang prōstī na nga kahit may pamilya na, tapos ginawa pa akong parang ālipin dito sa bahay. Kapatid ng nanay ko si tito Mark, kaya nung mawala ang mga magulang ko, sila ang kumupkop sa akin. Okay naman nung una, pero katagalan, ginawa na lang nila akong mūchachā. Kaya kailangan ko na talaga itong ebidensya para makalayas dito o kaya mapalayas si tita at masalba si tito. Kaso... wala rin naman akong ibang mapupuntahan kaya no choice at si tita na lang ang palalayasin. Napakamot na lang ako sa kilay ko sa frustratīon.

Nang kuntento na ako sa haba ng video at nakuha ko ang lahat ng binitawan nilang salita tungkol sa pagnanakāw at panlolokō, in-i-stop ko na. Timing naman na may tumawag.

"Ahhhh, Tāngīna talaga nito!" Napamura naman ako ng malutong. In-i-swipe ko kaagad bago pa tumunog ang ringtone.

"Hello? What the fvçk is that noise? Nanonood ka na naman ba ng bōld, Kadecy?!" sigaw agad ng kaibigan ko sa kabilang linya.

"What? Ano'ng akala mo sa akin, katulad mo? Ang oa mo na nga, maingay ka pa," singhal na pabulong ko sa kanya.

"Ikwento ko na lang sa'yo mamaya. Bakit ka pala napatawag, Hunter?" tanong ko habang mabilis na naglalakad papalayo sa bahay naming parang bahay kubo, pero ang expensive ng ganung buhay.

    

  Hindi kami mayaman. Kuntento lang at nakakakain naman ng tatlong beses sa isang araw. But at least, nakapag-aral pa rin ako sa university bilang working student. Proud fresh graduate na nga ako ngayon as a product of the school's Work-Study Program Organization. Kaya sanay ako sa kayod, hindi lang ako sanay na inaapi, palaban dapat tayo.

  ​Si Hunter? Well, mayaman talaga sila. Hindi ko nga alam bakit niya ako kinaibigan, e. Pero hindi siya tulad ng ibang rich kids na būlly at nangmamata lang. He actually treated me with respect and kindness.

    

  Kaya lang, whenever he calls at this time with that specific tone, kabisado ko na ang loló nyo. I know exactly what he needs. May kailangan na naman 'to para sa surprise sa girlfriend niya. It's always like this. Para lang akong assistant sa love story nila, while completely ignoring how brokēn I am on the inside.

Pighatī diba. Parang may pumipiga lang sa dibdib ko na halos hindi na ako makahinga. I don't know, but it felt like love at first sight nang unang beses kaming magkita. I got completely lost in their exclusive subdivision nang isinama ako ni tita para maglinis sa kapitbahay nila. I have zero sense of direction kasi, so lucky for me, Hunter found me and helped me out.

Doon nagsimula ang lahat. Palagi na kasi akong isinasama ni tita roon for extra income, kaya naging magkaibigan na rin kami. At doon din ako tuluyang nahulog. The more I got to know him, the more I fell for how caring and sweet he was. Tāngīna, ang sakit lang diba. Nabasag agad ang puso ko nang malaman kong may LDR girlfriend pala siya. And the worst part? Kakabalik lang daw nito at iisang subdivision pa talaga sila. Naisip ko ngang mag-apply bilang maid, e, para mas mapalapit ako sa kanya, errrm just kidding.

    Pero ​iba rin talaga ang trip ng universe sa 'kin. Pinagmukha na nga akong alila sa bahay, ipinagmukha pa akong tangā sa pag-ibig. Grabe.

  "Kadecy? Hello? Nandiyan ka pa ba?" basag ni Hunter sa pagkalutang ng isip ko.

  "Ah, yeah! Sorry. Ano nga ulit 'yun?" Inayos ko na lang ang boses ko, baka mabulol na naman ako.

  "Sabi ko, pwede mo ba akong samahan sa luxury jewelry store sa may boulevard? I need to buy a birthday gift, and since a woman's taste is needed, ikaw ang naisip kong pumili."

  Ouch naman. Sinasabi ko na nga ba, eh. Napabuntong-hininga na lang ako nang lihim. Ano pa nga ba ang magagawa ng isang kaibigan, 'di ba? Edi mag-support. Dzuh, mārtyrdom at its finest muna tayo.

  "Ay, pasensya na, ha? Ang layo kaya ng SM Boulevard, at wala akong extra for fare. Pasundo naman ng isang sports car diyan, oh," biro ko sa kanya sa pinaka-malambing kong boses.

  Narinig ko agad ang malakas na paghagalpak ng tawa niya sa kabilang linya. Grabe, ang babaw talaga ng kaligayahan nito. Minsan tuloy, pumasok na naman ang dēlusyon sa utak ko, iisipin ko talaga na ako ang happy pill niya at hindi ang girlfriend niya. Pinipiga man ang puso ko habang naririnig ang tawa niya, kahit papano, napapangiti rin ako.

  "Sige na nga, intayin mo 'ko diyan. Susunduin kita," natatawa pa niyang sagot bago pinatay ang tawag.

  Napatingin ako sa screen ng phone ko. Mula sa video ng kābastūsan at Kāwalanghīyaan ni tita Gloria papunta sa panibagong round ng heartbreak kay Hunter... grabe, anong klase bang araw 'to? Parang nagutom ako bigla. Parang gusto ko tuloy ng bīceps, ay errrme, ice cream pala dapat na matigas.

  Hindi pa nagtatagal ang pagmumuni-muni ko sa gilid ng kalsada nang may biglang huminto na kulay silver na sports car sa tapat ko.

  Hala, gagī?! Seryoso ba 'to?! Tinupad niya talaga hiling ko?!

  Dahil parang nagharthart ang mata ko, binaba niya kunti ang salamin ng sports car, parang luminaw kaagad siya sa paningin ko. At hanep naman ng loló nyo, mukhang model ng mamahaling pabango, 'yung pinakamalaking billboard ba. Nakasuot lang siya ng simpleng white fitted shirt na bakat ang dibdib at shoulders, naka-black sunglasses din, at gulo-gulo ang buhok na parang sinadya talaga niya para magmukhang effortlessly handsome. Hays, bakit naman po nananakīt ang kaguwapuhan nito ngayon?

  Binaba niya ng tuluyan ang bintana at tinanggal ang sunglasses niya, ngumiti pa talaga nang napakatamis sa akin.

  "Hop in, my personal stylist. Hiningi mo 'to, 'di ba?" asar niya sa akin.

"Personal stylist ka 'dyan." Wala na atrasan 'to. Naglakad na lang ako ng mabilis at pumasok na sa passenger seat, sinubukan ko na rin na pakalmahin ang puso kong nagwawala. Amoy baby cologne at mamahaling leather. Sārap sanang i-hug, kaso hanggang tingin ka lang, Kadecy! Dzuh.

  "Grabe, sineryoso mo naman 'yung Koenigségg sports car! Susundo ka lang ng pulubī, naglabas ka pa ng hypercar," irita kong biro habang isinusuot ang seatbelt.

  "Ganyan talaga kapag VIP ang susunduin. Baka magreklamo ka pa na hindi ko tinupad ang request mo," natatawa niyang sagot habang mabilis at paswabe pang nagpakitang gilas.

  "Ewan ko sa'yo, Hunter! Baka mamaya ma-hit and run pa ako ng mga fans mo sa subdivision niyo, e."

  "Wala namang ibang manghi-hit and run sa'yo kundi ako," sundot pa niya sabay lingon sa akin habang nagmamaniobra out of the corner. Kilig na kilig ako sa loob-loob ko, pero agad ding napalitan ng pait. Alam ko namang lambing ng isang tunay na tropa lang 'to sa kanya. Sanay kasi siyang ganyan sa akin kasi komportable siya, pero ako? Asang-asa naman ang gāgā.

  Habang nasa biyahe kami, hindi talaga maitago ang saya sa mukha ni Hunter. Sobrang liwanag ng mga mata niya. Sana all, ano?

  "Kadecy, handa na ba 'yung paborito mong jewelry brand taste? Haylen prefers white gold or platinum, by the way. Ayaw niya ng masyadong flashy," tanong ni Hunter out of the blue habang nakatutok ang tingin sa kalsada.

  Boombastic side eye na lang ang naibigay ko sa bintana. Ayan na naman po tayo sa Haylen checklist. "Ah, talaga? So white gold pala. Noted, Mr. Loverboy," sarkastiko kong sagot. "Sana pumasok din sa budget mo 'yung pamasahe ko pabalik, ha?"

  "Don't worry, hatid pa rin naman kita. Libre rin kita ng dinner later. Kahit anong gusto mo. " Tinapik pa niya ang ulo ko habang nakatigil na kami sa red light, tapos yung pangtapik niya parang naglalambing lang ng paboritong aso ba. Bwesít naman nito.

  Pero napapikit na lang ako sa sarap ng pisil ng kamay niya sa buhok ko. Gising, Kadecy! Para sa ibang babae 'yung bibilhin niyang regalo! Naman. Bigla na lang akong napaayos ng upo kasi naglelecture na naman ang isip ko.

  "Alam mo, Hunter, kung gaano ka kabait sa akin, sana ganyan ka rin sa girlfriend mo. Baka mamaya umiyak 'yun kapag nalamang ako pa ang pumili ng regalo niya," sinubukan ko na lang na magbiro, tinutusok ko na naman ang sarili kong sugat para lang 'di halatang nagseselos.

  "Bakit naman iiyak?" takang tanong niya habang nagmamaneho na ulit. Completely clueless ang loló nyo, ah. As in, zero realization ba talaga? Ang hirap naman magkaroon ng best friend na parang walang pakiramdam. Baka layasan ko na talaga 'to. "Gusto nga niya na may kaibigan akong babae para matured mag-isip. Besides, you're my best friend, Kadecy. Trusted ko naman taste mo."

  Best friend. Ah, sweet naman. Saklap. Isang suntok na rin 'yun para sa akin. Best friend ka lang talaga, Kadecy. "Aba, thank you, ha! Best friend awardee pala ako ngayong taon. Sana may certificate man lang ako mula sa inyo," pilit ko na ngiti at hinampas ko pa talaga siya ng mahina sa braso sabay tawa na parang baliw. Coping strategy talaga natin lagi kapag ganun, ano? Daanin sa tawa para hindi magmukhang kaawa-awa. Parang hindi naman kayo relate niyan.

  Tumingin siya sa akin at bahagyang natatawa rin sa reaksyon ko. "Loko ka talaga. Heto na, nandito na tayo."

  Nang i-park niya ang sasakyan, tumingin ulit siya sa akin gamit 'yung maamo at alagang-alaga niyang mga mata. "Salamat talaga, Kadecy, ha? Pag wala ka, hindi ko talaga alam gagawin ko."

  "Sus! Maliit na bagay. Basta libre mong totoong masarap na dinner, ha? Hindi 'yung pang-diet," biro ko habang pilit ulit na ngumingiti. Buti nga 'di pa naging ngiwi.

  "Deal!"

  Habang sumusunod ako sa lakad niya papasok ng luxury store, napatitig na lang ako sa likod niya. Nakakakilig naman talaga siyang kasama, super caring, pero ang sakit-sakit na hanggang dito lang ako, ang taga-pili ng regalo para sa totoong mahal niya.

     Makapaghanap nga ng matinong lalaki, ekis na si Hunter sa listahan, e.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviewsMore

Mir
Mir
update pa po
2026-10-12 23:57:47
0
0
Jezeil Vrtnica
Jezeil Vrtnica
Update more plz...
2026-09-27 23:56:50
7
0
Jessica Laroux
Jessica Laroux
More updates please...
2026-09-23 21:12:54
10
0
Red Angel1221
Red Angel1221
Recommended🫶🫶
2026-09-19 10:50:59
12
1
Astraia Spring
Astraia Spring
1 chap a day muna ako mga ateq. 2M word count naman kada isang chapter hindi na lugi, kesa mag 8k by chap ako (⁠ʃ⁠ƪ⁠^⁠3⁠^⁠)
2026-09-13 17:58:08
13
2
44 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status