Share

Kabanata 114

Author: blackbunny
last update Last Updated: 2025-12-27 00:30:55

Nakahiga lang si Lovi sa kama hanggang sa makatulog siya nang halos dalawang oras, at nagising naman siya mga bandang alas-singko na ng hapon.

Si Easton ay nakasandal sa headboard ng kama, bahagyang nakakunot ang noo habang seryosong nakatitig sa gamot na nasa maliit na mesa. Ang isa niyang kamay ay abala, paminsan-minsang hinahaplos ang makinis na mukha ni Lovi.

Dahan-dahang bumangon si Lovi at sumandal sa dibdib niya, dama ang init ng katawan niya.

Hinila ni Easton pataas ang kumot at maingat siyang tinakpan nito. Sumiksik siya lalo sa kanya at napatingin sa mga dokumentong nasa mesa.

“Hanggang dito ba naman nagtatrabaho ka pa rin? Magpahinga ka naman,” mahinang sabi ni Lovi.

Isang malaking kamay ang humawak sa likod ng ulo niya, at bago pa man siya makapagsalita, isang hindi inaasahang halik ang dumapo sa nag-aapoy niyang mga labi.

“Easton, may sipon ako… nakakahawa ‘to,” babala niya rito pagkatapos pakawalan ang kanyang mga labi.

Hinawakan ni Easton ang bewang niya at lumapit pa l
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
blackbunny
Nabanggit na po iyon sa isang chapter nang malaman ni Lovi ang tungkol sa nangyari kay Easton noong maaksidente ito. Parang pinagtagpi-tagpi na niya lahat sa kanyang isipan na si Easton nga yung nakasama niya noon sa bahay nila sa abroad, kaya niya sinabing nilalabhan niya ang underwear ni Easton ...
goodnovel comment avatar
blackbunny
HAHAHAHA kasi po noong naaksidente si Easton at pumunta siya ng abroad hindi niya nakakahalubilo si Lovi dahil ayaw ni Easton ng kausap, at bata pa siya non
goodnovel comment avatar
De Guzman, Lael
Pero bakit wala maalala si lovi in the past 3yrs parang naguguluhan ako ehehheheehe ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 118

    “What made you think that way? Uulitin ko… for me, magkaibang-magkaiba kayo, wife.”Napatitig si Lovi sa kanya.“Wife, I swear! Hindi talaga kayo magkamukha sa paningin ko, at nagustuhan kita bilang ikaw. Sinabi ko na ‘to sa’yo noon, hindi mo ba maalala? I thought I made myself clear—may doubt ka pa rin pala sa feelings ko sa’yo? Ako ang paniwalaan mo, at hindi ang ibang tao. Magkaiba kayo, I promise…. Yeah, I get it that she’s still part of my past, but who cares? You’re my future, Lovi. Sa’yo lang ako naka-focus. I love you so so much!”Pagkatapos niyang sabihin iyon, hinalikan niya nang mariin ang labi ni Lovi bago bahagyang umatras. “Do you understand?”“I-I understand…” bulong ni Lovi, namumula ang buong mukha.“Easton… pwede na ba tayong lumabas? G-gutom na kasi ako,” mahina at may lambing na sambit ni Lovi.“Call me ‘hubby’ first. Gusto kong marinig,” saad ni Easton, parang pakiusap pero halatang may paghahamon.Napakunot ang noo ni Lovi. “Hubby?”“That’s a question, wife.” Bak

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 117

    (VIP ward)Tahimik ang paligid, ngunit madilim ang atmosphere.Narinig ni Jenna ang naging pag-uusap ng kanyang ama at ni Easton… at hindi iyon simpleng usap lang.Wala nang luhang mailabas si Jenna kahit pa pilitin niya.Para siyang pagod na pagod tila nawala na ang lahat ng kanyang enerhiya, ngunit ayaw pa rin niyang sumuko. Hindi niya kayang tanggapin na wala na talaga siyang pag-asa.Hindi niya inakalang magiging ganoon kalupit at kasakit ang mga salitang binitawan ni Easton. Bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay parang mabibigat na batong pinupuno ang dibdib niya, para siyang hinihila pababa, palubog nang palubog hanggang sa unti-unti nang nawawala ang natitira niyang pag-asa.“Dad… lumabas ka muna… gusto kong mapag-isa…” halos pabulong niyang sabi, nanginginig din ang boses.“Anak…” pilit siyang pinapakalma ng kanyang ama, ngunit wala na rin itong nagawa.“Lumabas na kayo.” halos desperado na ang tono ng boses ni Jenna.Wala nang nasabi si Fernando. Wala siyang magawa kundi

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 116

    Sinabihan ni Jenna si Lovi na pumunta sa courtyard sa kabilang bahagi ng mansyon. Isang harding may lumang istilo, tahimik doon at tila hiwalay sa ingay ng pagtitipon.Bago pa man makarating doon si Lovi, may nakasalubong siyang isang lalaki.“Lovi.” Tumigil si Lovi sa paglalakad at nilingon ang lalaking tumawag sa kanya.“Mr. Martinez,” aniya.Nilunok ni Fernando ang laway niya, halatang kinakabahan. “Hindi ba puwedeng… tawagin mo na lang akong Dad?”Napakunot ang noo ni Lovi. Hindi niya alam kung saan nito nakuha ang lakas ng loob para sabihin iyon at sa harapan pa niya mismo.“Mr. Martinez, nagkakamali po kayo,” maingat niyang sabi. “Hindi ako si Jenna,” dagdag pa niya.Hindi nagalit si Fernando sa sinabi niya. Sa halip, lumapit ito kay Lovi.Kusang umatras si Lovi, parang may instinct siyang nagsasabing umiwas siya rito.May dahilan ang kanyang ina kung bakit hindi siya pinayagang mapalapit sa lalaking ito. Hindi man alam ni Lovi ang buong katotohanan, ramdam niyang hindi iyon mag

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 115

    “Wife, Mom.” Isang malalim at buo ang tunog na boses ang biglang umalingawngaw sa likuran ni Lovi.Nanlaki ang mga mata ni Lovi at agad na napalingon.“Oh no… narinig ba niya lahat ng mga sinabi ko?” tanong ni Lovi sa kanyang sarili.“East.” Mabilis siyang binati ng lahat, maliban lang kay Lovi.Lumapit si Easton kina Lovi at sa kanyang ina, at inilagay ang mga kamay niya sa balikat nilang dalawa.“Hello, ladies. ” Malamig at walang emosyon ang boses niya, parang hindi siya natuwa sa naabutan niyang sitwasyon.“Totoo pala ang sinasabi nilang sa panahon ng paghihirap mo, makikita mo ang tunay na nagmamalasakit sa’yo kapag nanatili pa rin sila sa buhay mo,” biglang sabi ng isa.Dalawang beses na tumango ang ina ni Cindy. “O-oo nga.”Gusto lang naman ni Lovi na ilagay sa lugar ang ina ni Cindy at tapusin na ang usapan. Pero sino ang mag-aakalang biglang lilitaw si Easton sa ganitong eksena pa?Biglang pinisil ni Easton ang balikat niya. Napansin niya ang hindi komportableng ekspresyon ni

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 114

    Nakahiga lang si Lovi sa kama hanggang sa makatulog siya nang halos dalawang oras, at nagising naman siya mga bandang alas-singko na ng hapon.Si Easton ay nakasandal sa headboard ng kama, bahagyang nakakunot ang noo habang seryosong nakatitig sa gamot na nasa maliit na mesa. Ang isa niyang kamay ay abala, paminsan-minsang hinahaplos ang makinis na mukha ni Lovi.Dahan-dahang bumangon si Lovi at sumandal sa dibdib niya, dama ang init ng katawan niya.Hinila ni Easton pataas ang kumot at maingat siyang tinakpan nito. Sumiksik siya lalo sa kanya at napatingin sa mga dokumentong nasa mesa.“Hanggang dito ba naman nagtatrabaho ka pa rin? Magpahinga ka naman,” mahinang sabi ni Lovi.Isang malaking kamay ang humawak sa likod ng ulo niya, at bago pa man siya makapagsalita, isang hindi inaasahang halik ang dumapo sa nag-aapoy niyang mga labi.“Easton, may sipon ako… nakakahawa ‘to,” babala niya rito pagkatapos pakawalan ang kanyang mga labi.Hinawakan ni Easton ang bewang niya at lumapit pa l

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 113

    Pumasok ang sasakyan sa lumang mansyon ng pamilya ni Easton. Ito na ang ikalawang beses na pagbisita niya sa bahay ng pamilya Dela Vega—hindi nga lang niya nakilala noon ang pamilya ni Easton dahil nagmadali siyang umalis.Ikinuwento sa kanya ni Easton na ang mga ninuno nila ay nasa negosyo ng alak, at ang malaking bahay na ito ay ipinagawa ng kanyang lolo sa tuhod para sa kanyang magiging asawa. Bagama’t medyo luma na ang panlabas, maayos at moderno ang loob, halatang inalagaan nang mabuti.Dumating din mula sa ibang bansa ang tiyuhin at tiyahin ni Easton, kasama ang mga pinsan niya at ang kambal nitong anak.Nagtipon silang lahat sa may hardin, nag-ihaw, at nagplano na mag-barbecue at karaoke para sa gabing iyon. Marahil ay ideya ito ng lolo ni Easton—baka dala pa ng kasiyahang natira mula sa huli niyang labis na pag-enjoy sa karaoke bar.Huminto na ang sasakyan at agad bumaba si Lovi mula sa may passenger seat. Si Easton naman ay nanatili pa sa may driver’s seat, may kausap pa sa t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status