“Nasaan ba siya?” mausisa na tanong ni Lovi.“Ohh… akala ko alam mo na. Tanungin mo na lang si boss,” sabi nito sa kanya.“Bakit hindi na lang ikaw ang magsabi sa akin? Natatakot ka ba na baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit? O may tinatago ba siya sa akin?” sunod-sunod na tanong ni Lovi.Tinawanan siya ni Assistant Ren sa mga sinabi niya. “Ipakita mo na lang kaya kay boss iyang pagiging dragon mo. Nakayanan mo nga noon sina Andrew at iyong babae niya—si boss pa kaya? Sungitan mo rin minsan para matuto na siyang magpaalam sa’yo,” sabi nito sa kanya.Ngumiti nang may pagkutya si Lovi. Bigla ring sumama ang kanyang sikmura nang marinig niya ang pangalan ni Andrew.Pagkatapos ayusan si Lovi ng mga magagaling na makeup artist na kinuha ni Easton, pumunta na sila ni Assistant Ren sa venue ng birthday celebration ni Jenna.Ipinarada muna ni Assistant Ren ang sasakyan sa may parking lot habang naghihintay si Lovi sa may entrance. Tinawagan niya si Easton at agad naman nitong sinagot ang ka
Alas dos ng madaling araw ng umaga habang nasa kalagitnaan ng pagtatalik sina Lovi at Easton biglang nag-ring ang cell phone ni Easton.“Y-your phone is ringing,” kagat-kagat ni Lovi ang kanyang ibabang labi habang sinasabi niya ang linyang iyon.“I’ll answer it… later, after this.” Hingal na hingal ito at hindi pa rin ito tumitigil sa paggalaw sa kanyang ibabaw.Hindi na muling nagsalita pa si Lovi, at hindi pa rin tumitigil ang pagri-ring ng kanyang cell phone. Ilang beses itong tumawag hanggang sa nainis na si Easton.“F*ck! Who the heck is calling me at this hour?” Inis na dinampot ni Easton ang kanyang cell phone at pagkatapos sinagot nito ang tawag.“Sino ‘yan?” tanong ni Lovi bago niya hinalikan ang pisngi at ang noo ni Easton.Bahagyang nagulat si Lovi nang bigla na lamang na umalis sa kanyang ibabaw si Easton. Tumayo ito at dali-daling dinampot ang mga damit nito na nasa may sahig, pagkatapos dali-dali itong nagbihis. Pinanuod na lamang ni Lovi ang kanyang asawa.“I’m sorry,
Alas onse na ng tanghali nagising si Lovi at magaan na rin ang kanyang pakiramdam. Nagtungo si Lovi sa banyo at pagkatapos niyang maligo, sinuot niya ang kanyang silk na terno na pajama.Paglabas ni Lovi ng kanilang kuwarto, agad siyang nagtaka nang makarinig siya ng ingay mula sa baba. Napatigil si Lovi sa gitna ng hagdanan nang makita niya ang mga executive sa kompanya ni Easton, nagpupulong ang mga ito at mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Kasama rin ng mga ito si Easton na nasa may single na sofa nakaupo habang nakikinig lang sa kanilang mga opinyon.Nang makita ni Assistant Ren si Lovi, agad itong bumulong kay Easton. Biglang nakaramdam ng kaba si Lovi at akmang babalik na sana siya sa taas nang bigla siyang tinawag ni Easton.“Gising ka na pala. Eat first, then take your meds,” sabi nito sa kanya.Napapikit si Lovi bago siya dahan-dahang lumingon. Nakatuon na sa kanya ang atensyon nilang lahat. “Hello po, g-good morning.” Nahihiyang ngumiti si Lovi sa kanilang lahat.Tu
(Hospital)Kumurap si Lovi. “Easton,” tawag niya rito.Nagkatitigan sina Lovi at Easton bago bumaling ang tingin ni Easton kay Blake. Diri-diretsong pumasok sa loob si Easton at nilapitan niya kaagad si Lovi, hindi nito binati si Blake.Biglang kinabahan si Lovi. “Galit ba siya o guni-guni ko lang ito?” tanong ni Lovi sa kanyang sarili.“Bakit hindi mo sinabi sa akin na masama ang pakiramdam mo? Are you okay now?” tanong sa kanya ni Easton.“Medyo maayos na ang pakiramdam ko.” tugon niya sa kanyang asawa.“Are you sure?” Tatango na sana si Lovi nang biglang hawakan ni Easton ang kanyang noo. “You’re still hot.” dagdag pa nito.Napatingin si Lovi kay Blake at agad niyang tinanggal ang kamay ni Easton na nakahawak sa kanyang noo nang makita niyang nakatitig ito sa kanilang dalawa ni Easton. Bahagyang nagulat si Easton sa kanyang ginawa.“P-pero medyo maayos na ngayon ang pakiramdam ko kaysa kanina,” nahihiyang saad ni Lovi.Hinawakan ni Easton ang kanyang ulo at dahan-dahan siya nitong
Magkasama sina Lisa at Assistant Ren, sabay pa silang napatingin sa cellphone ni Lisa ng bigla itong tumunog.Kinuha ni Lisa ang kanyang cellphone at pagkatapos sinagot niya kaagad ang tawag ng makita niyang si Lovi ang tumatawag.“Hey, sis, what can I do for you?” agad na tanong ni Lisa.Narinig niyang tumikhim ang taong nasa kabilang linya at natahimik si Lisa, dahil sigurado siyang hindi iyon boses ng kanyang kapatid.“Hey, Lisa… uhm… this is Blake, Lovi is in the hospital right now and—” hindi natuloy ang sasabihin ni Blake ng biglang sumingit si Lisa. “Ano’ng nangyari sa kapatid ko, Blake?” Napatingin naman si Assistant Ren kay Lisa.“She just have a fever, but don’t worry, she’s okay now. Nanginginig siya sa kanina, kaya dinala ko na siya rito sa ospital… and I called you to inform you. Ikaw lang ang kilala ko sa call history niya.” paliwanag nito.Nakahinga naman ng maluwag si Lisa. “I thought something bad happened to her. Thank you for taking care of my sister, Blake. I’ll vi
Kinabukasan, nagising si Lovi na masakit ang kanyang buong katawan, at nagising din siya na suot na niya ang puting t-shirt ni Easton. Kagaya rin ng inaasahan ni Lovi, wala na sa kanyang tabi si Easton.Pumasok pa rin sa trabaho si Lovi kahit medyo masama ang kanyang pakiramdam.Mas naging busy pa ang design department lalo na’t malapit ng matapos ang taon. After Jenna and Director Diaz discussed about the competition, they’ve decided to conduct a public vote on the design platform.Lovi supported her chin with one hand, sitting at her workstation in a daze. Pilit niyang inaalala ang mga nangyari kagabi ng biglang may nag-text sa kanya. Agad na binuksan at binasa ni Lovi ang mensahe.Car repair shop: Magandang umaga, ma’am. Na-repair na po namin ang kotse mo at pwede n’yo na rin po itong kunin sa shop. Thank you po for trusting our service, especially our shop. 😊Pagsapit ng alas tres umuwi na muna si Lovi sa villa dahil wala naman siyang balak na mag-overtime sa trabaho, lalo na at