PAGKATAPOS ng trabaho, nagsialisan na kaagad ang ibang mga empleyado kaya kaunti na lamang silang natitira. Tumayo si Lovi at tumingin sa may bintana kung saan naghihintay sa kanya si Andrew na may hawak na palumpon na rosas. Hindi niya napigilang matawa sa ginagawa ngayon ng kanyang manlolokong nobyo.
Si Andrew Cruz ay isang deputy secretary ng lungsod. Naitalaga siya bilang city council secretary dahil sa kanyang ama na nagbayad sa isang tao upang maibigay sa kanya ang posisyong iyon. Ang kanyang ama ay ang presidente ng pinakamalaking car dealership sa pinas. Tutol na tutol ito sa relasyon nina Lovi at ng kanyang anak. Alam din ni Lovi na ang gusto ni Mr. Cruz para sa kanyang anak ay si Sarah Tiu, dahil malinis at maganda ang family background ng kanyang kaibigan kumpara sa kanya.
Ang mga magulang ni Sarah Tiu ay mga mahalagang opisyal din ng pamahalaan. Kung magpapakasal si Andrew sa kanyang kaibigan ay siguradong direktang maiuugnay ang ilang mga proyekto ng gobyerno sa transportasyon ng pamilya Cruz. Kaya’t determinado rin si Sarah na makuha ang kanyang nobyo, pero dahil may relasyon pa si Andrew at Lovi, ang tanging paraan lang ay ilihim ng dalawa ang namamagitan sa kanila.
Nakatayo si Lovi sa tapat ng elevator, suot nito ang kanyang earbuds. Sinagot niya ang tawag ng kanyang nobyo. Habang nagbabasa siya ng komiks sa kanyang tablet, may bakas ng pagkainis sa kanyang mukha pero ginawa niya pa ring malambing ang kanyang boses.
“Sige mahal, mauna ka na roon, susunod ako agad. H’wag kang mag-alala, darating na ako sa tamang oras.”
Hindi niya namalayan na bukas na pala ang elevator, at hinawakan ni Assistant Ren ang pinto gamit ang kanyang mga kamay upang hindi ito magsara.
Ang kanyang kaakit-akit na ekspresyon ang dahilan ng pagngiti ni Easton ng palihim. Nakita iyon ni Assistant Ren ngunit hindi ito naglakas-loob na tumawa kaya tumingin na lamang ito sa ibang direksyon.
“Yes, you know, our boss is a vampire…” May gusto sana siyang sabihin ngunit nang hindi sinasadyang mapatingala siya, nagtagpo ang kanilang mga mata ni Easton na madilim na ngayon ang ekspresyon ng mukha nito, at si Assistant Ren naman na seryosong nakatingin sa kanya.
Sa takot niya dali-dali niyang pinatay ang tawag. “Mr. Dela Vega…”
“Hmm?”
Sa kung anong dahilan, tila nakita niya ang bahagyang pagngiti ng mga labi ni Easton.
“Pumasok ka na.” mariing tingin ang ipinukol sa kanya ni Assistant Ren.
Napilitang ngumiti si Lovi at pumasok na siya sa loob ng elevator.
An awkward atmosphere immediately engulfed the three of them. Kapag nagsalita pa kaya siya ay mas lalong magiging malala ang sitwasyon?
“Ms. Sy, are you going on a date?” biglang tanong ni Easton sa kanya.
“Hindi, may ihahatid lang akong kaibigan sa huling hantungan niya.” sagot naman ni Lovi.
“Do you need help?” tanong nito sa kanya. Hindi ito nagulat o nagtaka man lang sa isinagot niya.
“Not for now.” Pilit siyang ngumiti.
Pagkabukas ng elevator sa may 18th floor biglang nagmamadaling nagsipasukan sa loob ang pinto o walong tao na galing sa Departamento ng Propaganda. Agad na umatras sina Assistant Ren at Lovi sa likuran.
“Hello, Mr. Dela Vega.” Bati ng lahat sa kanya, at hindi naman naging awkward ang paligid.
Tumango lang ng bahagya si Easton.
Ang mga tao sa Departamento ng Propaganda ay talagang relax lang, palaging masayahin, at patawa-tawa lang buong araw. Nakakapagkuwentuhan pa sila sa loob ng elevator, wala ring tigil ang kanilang mga daldalan.
“Wala na akong space rito, umusog nga kayo ng kaunti.” May isang nagsalita at nagsimula nang magsiksikan ang mga tao sa loob ng elevator.
Sa mga sandaling iyon, nakaramdam si Lovi na parang may nakahawak sa kanyang baywang, at ang mainit na katawan nito ay dumampi sa kanyang suot na manipis na kamiseta. Nadikit ang kanyang katawan sa gilid ni Easton, at ang kanyang buong mukha na may foundation ay dumampi sa suot nitong itim na amerikana, na nag-iwan ng puting bakas.
Binitawan na rin siya ni Easton.
Bigla naman na nag-init ang kanyang mukha.
Pagkarating nila sa unang palapag, nagsilabasan na ang mga tao mula sa Propaganda Department.
Ito ang mga narinig ni Lovi na usapan ng mga ito kanina:
“Nakikita niyo ba yung pulang mga marka sa leeg ni Mr. Dela Vega?”
“Narinig ko na nag-agahan daw si President kasama ang isang tao kaninang umaga. Hindi ko nga lang alam kung sino, pero base sa mga kiss mark sa leeg nito, siguradong babae ‘yon.”
“Sino kaya ang masuwerteng babaeng ‘yon?”
Bagay nga sa kanila na sa propaganda department sila napunta!
Sa mga sandaling iyon, gusto sana niyang sumunod sa paglabas, ngunit nang makita niyang nakatayo pa rin si Andrew sa may pintuan at naghihintay, mabilis siyang umurong sa gilid.
Tiningnan siya ni Easton.
“Lalabas ka ba? May date ka ngayon?” tanong ni Assistant Ren na may ngiti sa mga labi.
Sigurado si Lovi na may alam ito.
Biglang naalala ni Lovi na nakisakay lang pala siya kanina sa kotse ng kanyang boss, at hindi naman pwedeng kunin niya ito at iwanan ang boss niya, ‘di ba?
“M-may naiwan pala akong gamit sa itaas. Mauna na kayong bumaba.” Pagsisinungaling niya.
Lumabas na ang mga ito at bumalik na lamang siya sa itaas dahil wala rin naman siyang mapupuntahan, at ipinagpatuloy na lamang niya ang kanyang pagguhit.
(28th floor)
Nakahinga na ng maluwag si Lovi. Muli siyang sumilip sa may bintana, at tumingin sa mga libu-libong mga ilaw sa labas.
Umupo siyang muli sa kanyang upuan at nagpatugtog ng musika, at saka muling nagsimulang gumuhit.
Pagkalipas ng ilang oras, muling tumawag sa kanya si Andrew. Hindi niya sinagot ang tawag at agad niyang pinatay ang kanyang cellphone. Tumayo siya at nagtimpla ng kape sa tea room bago nagsimulang magpinta.
Alas-diyes y medya.
Lovi pursed her lips habang tinitingnan niya ang kanyang draft, and she’s quite satisfied sa kanyang gawa.
Isinara niya ang kanyang laptop at nag-inat ng kanyang katawan. Kinuha niya ang kanyang bag at naglakad patungo sa may elevator.
“Huh? Bakit nakapatay ang ilaw sa dalawang elevator?” Nagtatakang tanong ni Lovi sa kanyang sarili.
Binuksan niya ang kanyang cellphone at nakita ang isang mensahe sa kanilang group chat na ang elevator ay under maintenance pa hanggang alas-otso ng umaga bukas.
“Ibig sabihin kailangan kong bumaba, mula rito sa 28th floor hanggang 1st floor?!” inis na sabi ni Lovi.
Pinindot niya ang camera at kinuhanan niya ng litrato ang elevator.
I am trapped. Is there anyone who’s willing to protect me?
‘Yan ang nilagay niyang caption bago niya ito pinost sa kanyang story.
Malungkot siyang naglakad papunta sa madilim na fire exit. Napabuntong-hininga siya at tinipon ang kanyang buong lakas bago bumaba ng hagdan.
Dalawang hakbang pa lamang ang kanyang nalalakad nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Napasigaw siya sa gulat, at hindi niya nagawang makita kung sino ang tumatawag dahil nahulog na ang kanyang cellphone sa gitna ng hagdanan.
Patuloy pa rin sa pag-ring ang kanyang cellphone at maya-maya lang ay tumigil na ito sa pag-ring. Nabalot ng dilim, at tanging ang mahinang tunog lang ng kanyang paghinga ang maririnig. Kinapa niya ang kanyang cellphone, ngunit itim na ang screen.
Oh my god! Ang malas ko talaga!
Susubukan niya sanang i-on ang kanyang cellphone, ngunit hindi na ito umiilaw. Napatingin siya sa itaas nang bigla siyang makarinig ng tunog ng sapatos na pababa ng hagdanan.
Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.
“S-sinong n-nand’yan?” Sumiksik siya sa may gilid. Pinagpapawisan na rin ang kanyang noo.
May isang matangkad na pigura ang tumayo sa may hagdanan. Nakatayo siya na may ilaw sa kanyang likuran. Perpektong anyo niya ay natatago ng kanyang anino.
“I am the vampire boss.” Nakilala agad ni Lovi ang kanyang boses.
“Mr. Dela Vega? Bakit nandito kayo?” nanginginig at natatakot na tanong ni Lovi.
“Well, vampires usually commit crimes at night, right?” Kahit hindi niya nakikita ang mukha nito, alam niyang nakangiti ito ngayon.
Nag-usap pa silang dalawa ng ilang minuto bago siya sumama rito sa itaas dahil hindi rin naman siya makakalabas, dahil sarado rin pala ang first floor.
Dali-daling lumabas si Lovi ng elevator. Agad siyang dumiretso sa kanyang workstation.“Nakakahiya ka, Lovi!” she cursed herself.“Good morning. Anyare sa’yo, lablab?” tanong sa kanya ni Lira.“Morning. Wala, may nakasabay lang akong nakakainis na tao sa elevator.” agad na tugon niya.“Gano’n ba? Hayaan mo na, baka mas lalo pang masira ang araw mo.” sabi nito sa kanya.Tumango-tango naman si Lovi at binuksan niya ang kanyang cellphone. Hindi alam ni Lovi na lumapit pala sa kanya si Lira, at bago pa man niya matakpan ang kanyang cellphone, nakita na ni Lira ang hindi dapat nitong makita.“Lovi, may asaw—” hindi na naituloy ni Lira ang kanyang sasabihin nang biglang tinakpan ni Lovi ang kanyang bibig.Nanlaki ang mga mata ni Lira nang nag-react kaagad si Lovi sa sasabihin sana niya.Tinanggal ni Lira ang kanyang kamay na nakatakip sa kanyang bibig at sinenyasan siya ni Lovi na huwag mag-ingay.Nakangising kinuha ni Lira ang kanyang cellphone na nakalagay sa kanyang mesa at nagpunta ito
Walang ibang gagawin si Lovi kaya naisipan niyang gamitin muna ang kanyang bagong kotse. Nag-ikot-ikot siya hanggang sa maisipan niyang sa labas na rin siya kakain.Sinubukan niyang ayain kumain sa labas si Lira ngunit may date raw ito ngayon kaya siya na lamang ang mag-isang kakain.Nakangiting ipinarada ni Lovi ang sasakyan sa gilid, at akmang tatanggalin na sana niya ang kanyang seatbelt nang bigla niyang makita ang isang pamilyar na lalaki.Hindi siya makagalaw. Nanatili ang kanyang mga tingin sa isang lalaki, tila hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang bumaling ang kanyang tingin sa kausap ng lalaki—walang iba kundi si Jenna.Napakurap-kurap si Lovi. Maraming tanong ang pumapasok sa kanyang isipan na walang kasagutan.Hindi na tumuloy si Lovi at bumalik na lamang siya sa villa. Pagkarating niya, agad siyang umakyat sa taas at pumasok sa kwarto nila Easton.Hinalungkat niya ang kanyang mga gamit na nakalagay sa mga kahon hanggang sa m
Pagsapit ng linggo, walang pasok si Lovi kaya napagdesisyunan niyang mag-movie marathon na lang sa loob ng cinema room ni Easton, tutal wala rin naman si Easton dahil may importante itong lakad ngayong araw.Good mood din si Lovi ngayong araw, dahil nakatulog siya ng maayos kagabi.Sa villa ni Easton dalawa lang ang kwarto, maliban lamang sa kwarto ng mga maid, at ang kwarto naman ng mga security guard ay sa labas.May gym, cinema, coffee and tea room, KTV room, sauna, at may swimming pool din sa loob ng villa ni Easton.Nang makaramdam ng gutom si Lovi, bumaba muna siya para kumain. Pagbukas niya ng refrigerator, nagulat siya sa kanyang mga nakita sa loob.The refrigerator was filled with neatly arranged small lunch boxes in front of her. Bawat lunch box ay may mga label na. Alam din ni Lovi na sulat kamay iyon ni Easton.Kinuha ni Lovi ang lunch box na may hipon at lumpia. Niluto niya ito at pagkatapos kumain na agad siya.Saktong pagkatapos naman kumain ni Lovi biglang tumawag sa k
Biglang lumakas ang tibok ng puso ni Lovi nang magtama ang kanilang mga tingin ni Andrew. Napatingin din si Lovi sa taong nakaupo sa tapat ni Andrew—walang iba kundi si Sarah.“Mukhang sinunod nga niya ang sinabi ko sa kanya. Ganito pala ang feeling kapag nakita mo ang dalawang taong nanloko sa’yo na mukhang handa nang mag-settle sa isa’t isa.” saad ni Lovi sa kanyang sarili.Her five years of youth, five years of happiness, and the dependence she had developed on him were all tough swords.Iniwas ni Lovi ang kanyang tingin.Habang patuloy na nagsasalita si Sarah, hindi niya alam na hindi pala nakikinig sa kanya si Andrew hanggang sa mapatingin sa kay Andrew. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Sarah at sinundan niya kung saan nakatingin si Andrew, at nakita niya si Lovi.Naguguluhan si Sarah kung anong klaseng gayuma ang pinainom ni Lovi kay Andrew, bakit hirap na hirap si Andrew na kalimutan ang dating kasintahan na si Lovi.Kahit pinutol na ni Lovi ang kanyang koneksyon kay Andrew dahi
Nag-grocery kahapon sina Easton at Lovi. Hindi rin sinasadyang nagkita sina Lovi at Sarah sa labas ng supermarket, ngunit walang panahon si Lovi na makipag-usap kay Sarah.(Flashback)Si Easton ang nagtutulak ng cart habang nakasunod lang si Lovi sa tabi niya.Sunod-sunod ang pagdampot ni Lovi ng mga seasonings at mga gulay na kakailanganin sa loob ng kusina.Nang malapit na silang matapos, dumiretso na si Easton sa may snack area. Inilagay niya sa cart ang maraming snack na kinuha niya, katulad ng iba’t ibang klase ng chips, yogurt, at pati na rin ang mga biskwit. Kumuha na rin siya ng maraming chocolates.“You like snacks too?” tanong sa kanya ni Lovi habang nakatingin ito sa cart nila ngayon na punong-puno na.“Not that much. I stocked it for you, but don’t eat too much, okay? It’s bad for your stomach.” sabi nito sa kanya.Natawa naman si Lovi. “Ikaw lang yung nakilala kong bumili ng maraming snack, tapos hindi mo papakainin ng marami ang asawa mo? Paano ko mauubos ‘yan agad kung
“The maid is on leave for a week, and there aren’t many vegetables in the fridge. Let’s go to the supermarket to buy some later.” saad ni Easton.“Okay.” Sinimulan nang kainin ni Lovi ang kanyang sandwich.She picked up her phone awkwardly, pretending to be busy and she accidentally saw Assistant Ren’s message last night.Assistant Ren: Ikaw ang kauna-unahang babaeng tumawag lang kay boss para sermunan siya HAHAHAHA 👍🏻Muling napaisip si Lovi pagkatapos niyang mabasa ang mensahe ni Assistant Ren sa kanya. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at palihim niyang sinulyapan si Easton. At sa nakikita naman niya, mukhang hindi naman ito galit sa kanya.Binasa pa ni Lovi ang ibang mensahe sa kanya ni Assistant Ren.Assistant Ren: You did a great job, and I’m awesome! Nag-overtime ako sa loob ng kalahating buwan, at ngayon pwede na akong mag-leave!!!!“Recently, masyado bang marami ang kailangan na asikasuhin sa kompanya?” binasag ni Lovi ang katahimikan.“There were some financial problem