Share

Chapter 3

Habang pababa ako ng hagdanan ay halos nakatingin sa akin ang mga taong nakakasalubong ko. Naririnig ko din sila na nagbubulungan.

"Kilala ko yan!" narinig ko na sinabi ng kung sino.

"Crim student 'yan! Yung maiksi yung buhok." Tukoy ng isa sa akin.

"Ang ganda pala niya pag-long hair." manghang sambit nung isang babae.

"Grabe, best! Taob tayo sa dibdib niya!" sabay tawanan ng mga babaeng magkakabarkada.

Nang makahuling hakbang sa hagdanan ay nilingon ko muna sila at matamis na ngumiti.

"Wala na, May nanalo na! Ngiti pa lang n'on taob na! Narinig ko pa bago makalayo sa kanila.

Nang makarating sa backstage ay tinanong agad ako ni Jennie kung hindi masakit ang paa ko.

"Hindi pa naman, nasanay na siguro ako kaka-practice ko." Natatawa kong sambit.

"Humanda na kayo, magsisimula na!" Bilin samin ng organizer.

"Galingan mo, friend ha! Ngiti ka lang pagkinakabahan ka, 'wag ka rin titigil pag nagkamali ka, ngiti lang ulit." paalala sa'kin ni Jennie.

"Can you really do it?" pangungulit niya pa sa akin.

"Don't you believe me?" balik na tanong ko pa sa kan'ya.

Tumango lamang ito, tila siya pa ang mas kinakabahan kesa sa akin. Napainom pa ng tubig.

Nang tinawag kami ay agad nang rumampa ang mga kasama ko. Nang ako na ay nakadama ako ng konting kaba pero nang mapatingin ako sa bandang kanan ay nasulyapan ko si Kayler na bitbit ang isang cardboard na may pangalan ko.

Kaya imbes na mahiya ay lalong lumuwang ang aking pagkakangiti. Gosh! si Kayler 'yon, talagang tinotoo niya na susuportahan ako! Yay! Kinikilig ako ng sobra.

I walked with confidence kahit sa pakiramdam ko ay nag-iinit ang magkabilaan kong pisnge. I showed them my best smile.

"Wow! It looks like the number 15 is getting the crowd's attention!" sambit ng emcee.

Dalawang kamay akong nag-flying kiss sa mga taong naghihiyawan simula nang makita nila akong naglalakad. Ganoon din ang ginawa ko nang mapabaling ang mata ko kay Kayler.

"I love you, Miss number 15! naririnig kong sigaw ng mga tao.

Napakagat-labi ako nang makita kung gaano ka-init ang pagtanggap ng mga tao sa akin. Lalo na noong nagpalit kami ng swimsuit.

"Girl! May tatlong mystery singer daw ang kakanta mamaya para sa atin!" Rinig kong pinag-uusapan habang nagre-retouch kami.

Parang nanginig ang aking tuhod ng lumabas ang tatlong lalake na kakanta sa amin, isa doon si Kayler. Halos tumalon ang aking puso nang umikot siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Parang lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok. At nang bago matapos ang kanta ay humalik pa siya sa aking pisngi na lalong nakapagpapula ng aking pisngi.

"God! you're so damn sexy!" Bulong pa niya sa akin.

Para naman kinilig sa amin ang mga manunuod at panay ang sigaw sa aming pangalan ni Kayler.

"It seems like a loveteam is forming!" sambit ng emcee ng matapos ang kanta ng tatlo.

Mga lalake naman ang susunod, sila naman ang kakantahan ng tatlong mystery singer. Kaya bumaba na kami sa backstage.

Sobra akong nangingiti habang naglalakad patungo sa backstage. Ngunit napawi iyon nang masulyapan ko si Larah. Daig pa nito ang natalo kung titingnan. Nakasimangot ito at nang magtama ang aming mga mata ay masama ako nitong tiningnan. Probably, because i got Kayler's attention.

Nang makababa kami sa backstage ay nagwawala si Larah. Tila gusto niya na akong sugurin, nagpipigil lamang.

"Friend, ia-annonce na ang top 5! Sana makuha ka!" sambit ni Jennie habang inaayos ang aking gown.

"Sana nga, friend!" sagot ko sa kan'ya.

She mouthed, "Goodluck, friend!" Nang makaakyat ako ng stage.

"The first contestant making the top 5 is... number 8!" sigawan ang ilang audience nang maglakad is Miss number 8.

"Spot number 2 goes to... number 12!" palakpakan ang mga tao ng maglakad si Larah.

"Also, still in the competition... contestant number 1!" muli ulit pumalakpak ang mga tao.

"Taking spot number 4 is... number 18!"

At nang i-announce ang huling makakalahok ay...

"And the last spot is... number 15!"

Halos magwala ang crowd ng banggitin ang aking number. Natutop ko naman ang aking bibig. Hindi ako makapaniwala na nakasama ako sa top 5.

Hindi ko narinig ang sagot ng ibang contestant, may nakasuot kasi kaming headset. Kinakabahan ako nang tawagin ako para sa tanong.

"What would you change if you could change the world?"

"If I could change one thing in the world, it would be how society treats people who are different.

Society treats and judges people by the way they look, sometimes they judge you by the way you sound, the way you move, by the clothes you wear, the religion you follow and now it seems also by what we can or can’t eat . And this drives me mad! People just don’t bother taking the time to get to know others before they make a judgement.

If each of us, tried to be more caring, made a concerted effort to treat people with respect, we would make this world a much nicer place to live in. Thank you!"

Nagsigawan ang mga tao ng marinig ang aking sagot.

"Whoah, panalo na 'yan! 15! 15! 15!" Sabay-sabay nilang isinisigaw.

"Our 2nd runner up for Mister and Miss Sportfest are... Number 8 and number 12!"

Halos hindi humihinga ang mga tao sa susunod na sasabihin ng emcee.

"Mr and Miss Sportfest 2022 are number 15 and also 15! Congratulations!" sigaw ng emcee.

Nagwala ang crowd nang sabay banggitin ang aming number ni Lucas. Laking gulat ko nang parehas kaming tawagin ng aking partner na si Lucas.

Namimilog ang aking mata at naluha sa naging resulta. Bukod sa nanalo ako bilang Miss Sportfest, nanalo din ako bilang best in swimsuit at crowd's favorite. Halos hindi ako makapaniwala lalo na nang ibigay sa akin ang isang bocquet ng bulaklak at isuot sa akin ang sash at ang crown.

"Congrats, ganda!" bulong sa akin ni Lucas.

"Congrats din, pogi!" Balik na pambobola ko kay Lucas.

Sabay kaming nagtawanan sa aming mga sinabi.

Madaming tao ang bumati sa akin ng sabay kaming bumaba sa stage ni Lucas. Halos mapagod ang aking kamay, kaka-kamay sa mga bumabati. Halos lahat sila ay gusto akong batiin. Para tuloy akong instant celebrity. Ganito pala ang pakiramdam ng nanalo. Pero bigla akong nalungkot nang hindi ko makita si Kayler. Humahaba ang aking leeg, kakahanap sa kan'ya. Ngunit kahit anino nito ay hindi ko na nakita.

"Anak! Ang galing-galing mo! Congratulations!" Bati sa'kin ni mama habang niyayakap ako ng mahigpit. "I'm so proud of you!" dagdag pa niya.

"Syempre! mana ako sa'yo, ma!" Proud na sambit ko sa aking mama.

"Congratulations, iha!" Bati din sa akin ni tita mamu. "Oh, yung mga pictures mo ha, ibabalandra ko yan sa parlor ko!"

"Opo, tita mamu! Tadtarin mo pa, 'wag lang sana dagain!" natatawa kong biro sa kan'ya.

"Papa-burger ka ba, friend?" singit ni Jennie. "Kumakalam na t'yan ko!" sabay himas sa kan'yang maliit na t'yan. Super takaw talaga ng babaeng ito.

"Oh siya, tara na! Kakain tayo sa minute burger!" Alok ni mama.

Nang akmang hahakbang na kami para mag-abang sa tricycle ni Mang Elmer ay siyang dating ni Kayler.

"Ah... congratulations, Aliyah!" Bati ni Kayler na wari mo ay nahihiya.

"Salamat!"

"Ahh... narinig ko na kakain kayo, maari ko bang ilibre na lang kayo?" suhestyon niya na palipat-lipat ang tingin sa akin at sa mga kasama ko.

"Nakakahiya kasi... marami kami!"

Sabay kurot ni Jennie sa tagiliran ko.

"Gaga! Pumayag kana! Gutom na kami!" Gigil na bulong nito sa akin.

"Okay lang iyon! ano, Tara?" Aya ulit ni Kayler.

Nang pumayag ako ay iginiya niya kami sa kan'yang land rover. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa unahan at ganoon din sa aking mga kasama.

"Ang ganda naman sasakyan mo, iho!" sambit ni tita mamu nang makasakay si Kayler sa driver seat.

"Ah.. si tita mamu, mamu ni Jennie. Si mama Claire at si Jennie!" Isa-isa ko silang tinuro habang pinapakilala kay Kayler.

"Hello po, ako po si Kayler Valderama!" pagpapakilala niya sa sarili niya.

"Ang gwapo mo naman, iho!" biro pa ni tita mamu sa kan'ya.

Natawa na lamang si Kayler at nagsimula nang mag-drive.

Huminto lang kami sa isang magarang restaurant.

"Mahal yata dito?" Sa wakas ay naintinig ko na nang makababa kami ng sasakyan ni Kayler.

"Ayos lang, my treat!" nakangiti nitong saad.

Grabe naman maka-ngiti siya, mukhang malalag-lag ang aking panty! Diyos ko, panty kumapit ka pa! Mahabang oras pa tayo magtitiis.

Inalalayan niya ako nang paakyat kami sa hagdan at agad ipinaghila ng upuan ng makahanap ng pu-pwestohan.

Nang makaupo ang lahat ay agad may lumapit na waiter at tinanong ang aming order.

"Ikaw na bahala, ikaw naman ang magbabayad." Nahihiya kong sambit kay Kayler.

Nanlaki ang aking mata nang dumating ang aming pagkain. Tila may fiesta sa dami nang nakahain sa aming table.

"Baka may gusto ka pang idagdag?" biro ko pa kay Kayler na agad namang tatawagin ang waiter.

"Ay, puke este putek! Joke lang Kay, ikaw naman binibiro ka lang sumige ka naman agad!" napapangi kong sambit sa kan'ya.

Hindi pala siya p'wedeng biruin, nasunod kaagad. Yay!

"Kainin mo ito." pinagbalat niya ako ng sugpo at inilagay sa aking plato.

"Ay, nakakahiya! Ako na!" napapangiwi kong sambit sa kan'ya.

"Ayos lang, gusto kitang pagsilbihan." malambing niyang wika sa akin. "Minsan lang 'to!" dagdag niya pa.

"Ang haba talaga ng hair mo!" bulong sa akin ni Jennie.

Matapos kumain ay nagprisinta din siyang ihatid kami. Ngunit hindi na ako nagpa-deretso sa aming bahay. Sa kanto lang, hindi rin naman kakasya ang kan'yang sasakyan sapagkat sa may eskenita pa ang aming bahay.

"Maraming salamat sa paghatid sa amin." Sabay-sabay kaming bumaba sa saksakyan ni Kayler. "Nabusog kaming lahat, thank you!". Kinikilig kong sambit bago ako tumalikod.

"Iba ka, day!" tudyo sa akin ni tita mamu. "Mukhang nakabingwit ka ng mayaman ah!"

"Naku, hindi naman tita mamu! Babaero 'yun! Kaya nakakatakot maniwala sa kan'ya."

"Ay, mag-ingat ka kung gan'on! Ayaw kong matulad ka sa akin!" Payo na aking mother.

"Oo naman, ma!"

"Siguraduhin mo lang ha! baka mamaya, makita na lang kita na buntis na. Malalagot ka talaga sa'kin!" dagdag pa ni mama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status