Share

Chapter 4

Muli kong sinipat ang aking hitsura sa salamin. Hays, back to normal na naman. Inayos ko pa ang aking buhok ng kaunti. Mas gusto ko talaga yung messy hair, sa tingin ko kasi ay iyon ang mas bagay sa maiksi kong buhok. Kaso naman hindi pwede sa klase ko, kaya pagtapos na lang ng klase siguro, saka ko guguluhin ang aking buhok.

Inayos ko rin ang aking damit na type a uniform (all black uniform with wet-look leather shoes) sa harap ng salamin bago umalis.

"Ma, aalis na ako!" Humalik muna ako sa aking mahal na ina bago lumarga.

Inaasahan ko na sa pagpasok sa university namin ay makakausap o makakasama ko ulit si Kayler. Kinikilig ako sa parteng iyon. Ngunit sa kasamaang palad ay wala ito doon. Ni hindi ko nakakasalubong kahit saan. Sa tuwing dudungaw ako kung saan ko siya palaging nakikita ay wala rin siya, kahit sa kan'yang tambayan ay wala rin ito roon.

Nang sumunod na lunes ay sa wakas ay nakita ko na rin siya. Tila pumayat ito ng kaunti, ngunit mababakas parin ang kagwapuhan. Maputi ito at sobrang kinis ng mukha. Ang labi ay mamula-mula. Matangkad din ito na tila isang modelo.

Malayo pa lang ay ngumiti na ako sa kan'ya ng pagkatamis-tamis. Ibubuka ko na sana ang aking bibig para naman makausap ko na siya. Ngunit nilagpasan lamang ako nito na para bang hindi niya ako kilala. Ni hindi niya ako nagawang tingnan.

Aww! Ang sakit naman n'on! What the heck! Para lang pala ako nanaginip noong gabing nakausap niya ako. Shocks! Akala ko magkaka-lovelife na ako! False alarmed lang pala. Buhay nga naman! Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Anong nanyare d'on, friend?" nagtatakang tanong ni Jennie sa akin.

Ang totoo, hindi ko rin alam ang isasagot ko kung bakit gan'on na si Kayler sa akin.

"Baka nagmamadali lang?" pampalubag loob ko.

"Meron bang gan'on? Parang 'di ka kilala eh, ni hindi ka nga tiningnan!" inis na sambit ni Jennie.

"Hayaan mo na!" wika ko na pilit iwinawaksi ang hindi niya pagpansin kanina. Baka may problema lamang ang tao.

"Oh my God! Late na tayo, friend!" biglang sambit ni Jennie.

Napatingin naman ako sa relo ko, nang makitang late na nga kami, kaya naman nagmamadali kaming tumakbo sa block section namin.

Hingal na hingal kami ng makaakyat sa pang apat na palapag. Saktong dating namin sa may pintuan nang marinig namin ang tanong ni Miss Ocampo.

"What are the five pillars of the criminal justice system?" Masungit na tanong ni Miss Ocampo.

"Both of you are late!" malakas niyang bigkas na halos mapaigtad ako sa gulat.

"Answer my question, Miss Mendez!" sunod niyang salita.

"Opo, Miss Ocampo. First, the Community. Second, the law enforcement. Third, the prosecution. Fourth, the courts. And fifth, the corrections.

"Alright! Please be seated, Miss Mendez." wika niya matapos kong sumagot sa tanong niya. Buti na lang ay madali ang kan'yang tanong. Kaya nasagot ko agad. Tinanong niya din si Jennie bago ito umupo.

Nang matapos ang klase namin ay agad akong lumabas. Nasa hallway na ako nang harangan ako ni Lucas.

"Nood ka ng game namin, Iyah!" yaya niya sa akin.

"Sino makakalaban niyo?" tanong ko sa kan'ya baka kasi maglalaro din ngayon si Kayler, dadalhan ko na rin siya ng water.

"Grupo ata nila Valderama, pero hindi ako sigurado." wika niya.

Sumilay ang ngiti sa aking labi nang malamang maglalaro si Kayler mamaya.

Tumango ako at sinabing dadaan ako at manonood ng laro nila.

Dumaan muna ako sa cr upang magpalit ng napkin. Pakiramdam ko ang lagkit-lagkit ko sa tuwing nagkakaroon ako, mabuti na lamang at hindi sumasakit ang aking puson. Pumasok ako sa pinakadulong cubicle.

"Girl, ang sarap talaga humalik ng boyfriend ko!" tila tuwang-tuwa naman ito habang sinasabi iyon.

"Gaga, Kayler Valderma ba naman!" sagot naman nung isa.

"Oh, shit! Kinikilig ako!" sambit pa ng narinig kong babae.

Tila nanigas ako nang marining ko silang pinag-uusapan si Kayler. Ano daw? Boyfriend? Fuck! Ang malas ko talaga! Umasa talaga ako na liligawan ako n'un. Shit! nakakainis!

Dahil kaya sa maiksi kong buhok kaya ayaw niya sa akin? Hays, sana naman ay hindi dahil sa iksi ng aking buhok.

Kayler's Pov:

"Uy, si Iyah oh!" Sambit ni Jacob habang naglalaro kami ng basketball.

Mabilis ko siyang sinulyapan, habang tahimik si Iyah na umupo sa isa sa mga bleachers sa loob ng court na pinaglalaruan namin.

Ang ganda niya talaga kahit hindi siya mag-ayos. Ang kan'yang labi ay natural na mapula kaya hind na kailangang gumamit pa ng lipstick. Hindi katulad ng ibang mga babae, sobrang kapal kung gumamit ng make-up.

Bagay na bagay sa kan'ya ang uniform niyang suot. Lalong-lalo na sa akin. Kung pwede lang. Hays!

Kumaway siya sa akin nang muli akong sumulyap sa kan'ya but i pretended not to notice her. Ayokong makita niya na gusto ko siya.

"Talaga bang hindi mo na siya kakausapin, bro?" tanong ni Marco.

"Masisira lang 'yung buhay niya sa'kin!" Masungit kong sagot.

Ang totoo ayaw ng mom niya sa akin. Magiging sagabal daw ako sa pag-aaral ng kan'yang anak. Naiintindihan ko naman siya, dalawa lamang sila sa buhay. Kaya lalayo na muna ako sa abot ng aking makakaya. Mahirap, lalo na palagi ko siyang nakikita.

Humalukipkip ako at muli siyang pinasadahan ng tingin.

"Bro, tingin ko hulog na hulog ka na sa kan'ya." pailing-iling niyang sambit habang sinusundan kung saan ako tumitingin.

"Wala 'to, mabilis lang 'to mawawala!" Ngumisi ako at determinado na mawawala siya sa isipan ko.

"Pa'no kung ligawan siya ng iba? Ayos lang ba sa'yo?" muli niya pang pangungulit.

Nagkibit balikat lamang ako. Hindi ko rin kasi alam kung anong mararamdaman ko.

Tila natulala ako habang nagdi-dribble, hindi ko na namalayan na naagaw niya na pala ang bola sa aking kamay.

Kaya naman nang mag-timeout ay dali-dali akong naupo sa bleacher. Nakahalukipkip ako kaya nang may pares na dalawang paa sa aking harapan ay halos ikalake ng aking mga mata.

"Damn that long legs!" wika ko sa aking sarili. Kahit na naka-pants ay halatang-halata ko ang kan'yang mabibilog na binti. Pati ang kan'yang balakang at bewang, tila ba perpektong inukit iyon ng Diyos.

"Water?" matamis niyang sambit sa akin.

Mataman ko siyang tinitigan at padaskol na kinuha ang bitbit niyang aquaflask. Sa totoo lang ay gusto ko na siyang yakapin. Nahabag ako ng makita siya na para bang natakot sa pagsigaw ko.

"Iniiwasan mo ba 'ko?" tanong niya na tila ba iiyak na.

Damn! I'm so fucked up!

Umupo siya sa gilid ko at bahagyang pinupunasan ang butil-butil na pawis ko sa noo na agad kong hinawi ang kan'yang kamay. Pilit ko siyang sinusungitan para layuan niya na ako.

Iyah's Pov:

Malayo pa lang ako, agad ko ng nakita si Kayler na naglalaro. Naghanap ako ng upuan habang nakatingin sa kan'ya. Kumaway ako sa kan'ya nang makitang nakatingin rin siya sa akin.

Napangiwi naman ako ng makitang nakasimangot 'yung babae sa harapan ko, nahuli niya kasi na tumingin sa akin si Kayler.

Kasalanan ko teh?! Iiling-iling nq lang ako at pinagpatuloy ang panunuod ko sa kanila. Nang mag-timeout ay agad akong bumaba upang mabigyan ng tubig si Kayler.

Kaso iba ata ang timpla niya pagkaabot ko ng tubig. Kinabahan ako at napapitlag ng magtaas siya ng boses at tila may galit sa akin.

"Pwede ba!!!" singhal niya sa akin.

Masama ang tingin niya sa akin at pilit iniiwas ang sarili na tila ba may nakakadiri akong sakit.

"Salamat dito sa tubig, makakaalis ka na!" Tila naiinis pa siya ng binigyan ko ng tubig.

Nahihiya akong lumayo sa kan'ya. Mabuti na lang at nakita ako ni Lucas na kalaban nila kanina. Hinawakan niya ang aking kamay at hinila para makalayo roon.

Nang muli kong sulyapan si Kayler ay tila lalong nagalit siya nang makita na nakahawak sa aking kamay si Lucas.

"Bakit ka ba kasi pilit na lumalapit sa taong 'yun?" Inis na wika ni Lucas sa akin.

"Alam mo naman na crush ko siya 'di ba?" sambit ko sa mababang tono habang nakatingin sa baba.

"E, ayaw niya nga sa'yo! Pinagtitinginan ka na ng mga tao, hindi mo ba nakikita?" pagalit niyang tanong sa akin.

Tumingin ako sa paligid, humalukipkip ako nang makita na sa akin parin sila nakatingin. Nanlambot ang aking mga tuhod sa nakita. May kahihiyan din naman ako. Pero itong puso ko, sinasabeng gusto ko pa rin siya. At kahit mapahiya ako ay kakayanin ko. Gan'on ko siya kagusto. Nababaliw na nga siguro ako sa nararamdaman ko.

"Halika na!" yaya niya sa akin upang hindi na kami pagtinginan pa ng mga tao roon. "Ihahatid na kita sainyo" saad pa niya.

"Hindi na, may trabaho pa kasi ako d'yan sa may cafe." wika ko sa kan'ya.

"I'll take you there." pagmamagandang loob niya sa akin na agad kong tinanggihan.

"Nakow! Hindi na, ito naman! Ginawa pa akong bata. Ang lapit lang ng cafe eh!" wika ko sa kan'ya. "Oh, pa'no? Mauna na ako ha. Salamat sa pagliligtas mo sa akin kanina." nakangiti kong wika kay Lucas.

Kumaway ako sa ka'nya at naglakad na patungo sa aking partime job.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status