Share

Chapter 5

Humahangos akong papasok ng school clinic nina Bea. Mabilis siyang hinagilap ng aking mga mata at nakahinga naman ako nang maluwag nang maabutan kong gising ang anak ko. Katabi niya ang kanyang homeroom adviser na si Teacher Faith at magkausap sila.

Napansin ni Teacher Faith ang aking presensya kaya agad siyang tumayo sa kanyang kinuupuan to give way for me. Lumawak ang ngiti ng aking anak at agad kong sinalubong ng yakap at h***k nang makalapit ako sa kanya.

"How's my baby girl? May masakit pa ba sa'yo?" I asked her. I also check her temperature at sinipat-sipat ko ang kanyang leeg at noo. Baka may lagnat pa ngunit nasa normal na ang kanyang temperatura.

"I'm fine, Mommy. Look, I'm strong!" Then she poses like a strong man. She showed me her muscles na ikinatawa ko naman. My baby girl never fails to amuse me. She is my ray of sunshine kaya kahit gaano kapagod at stressful ang araw ko, makita ko lang ang anak ko, nawawala lahat ng iyon.

The school doctor advised Bea to go home and get some rest kaya pumunta ako sa kanilang classroom upang magpaalam kay Teacher Faith, ang kanyang adviser. Mabuti at pinayagan naman siyang makauwi.

Binigay sa akin ni Teacher Faith ang kanyang number just in case may assignment si Bea sa ibang subject. Ngunit bago kami umalis ay kinausap muna ako ni Teacher Faith. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa pintuan.

“Misis—”

“Miss po,” I corrected.

“I’m sorry, Ms. Delgado. I thought you were married.” Almost married. I wanted to say that out loud pero sinarili ko na lang. Matipid na lang akong ngumiti.

Sumeryoso ang mukha niya. “Ms. Delgado, tatapatin ko na po kayo,” saka pinagsaklop ang kanyang kamay. “Napapadalas po ang pagkakasakit ni Bea kaya lagi po siyang na-ma-mark as absent. Ang palaging dahilan ay kinakapos siya ng hininga…”

Lumakad papalapit nang kaunti si Teacher Faith sa akin at marahang hinawakan ang isa kong kamay. “Ma’am, nagkasakit na po ba siya dati o may existing na sakit?”

I can’t remember any days na dinala ko si Bea sa ospital. Wala naman din akong napapansin na kakaiba sa kanya habang lumalaki siya, ngayon lang talaga.

Umiling ako. “Sa pagkakatanda ko, wala po eh.”

Hindi na nagsalita pa o nagtanong si Teacher Faith pagkatapos kong sumagot. Tumango na lang siya. Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ay binalikan ko si Bea sa clinic. Pagdating doon ay nakaayos na siya at nakaligpit na ang kanyang hinigaan. Dumaan muna kami sa classroom para kunin ang kanyang gamit at magpaalam sa kanyang mga kaklase.

Habang papalabas siya ng kanilang classroom, bigla siyang hinabol ng isa sa mga kaklase niya at niyakap siya patalikod. I assume that the little girl has a same age as my daughter. Her hair was tied up in a pig tail. Medyo marungis ang kanyang puting blouse at gusot-gusot ito habang nakabukas ang unang tatlong butones.

“Beshy!” Nagulat ako nang bigla siyang humagulgol. “Wag ka nang umalis, please?”

Hinihintay ko ang magiging reaction ng anak ko at hindi ko inaasahan ang gagawin niya. Pinunasan niya ang luha nito gamit ang kanyang kamay. Isang munting ngiti ngunit ramdam ang pagkatotoo nito.

“Beshy, ‘wag kang mag-alala. Hindi kita iiwan. Babalik ako, promise!” Tinaas ni Bea ang kanyang kanang kamay. The little girl’s face brightens up.

“Talaga?”

“Oo naman!”

“Promise ‘yan, ha!”

“Yes, promise!” And they did the pinky swear sign.

Hindi ko maiwasang maluha sa tagpuang iyon. Too pure and too innocent. I love how Bea, at her age, already knows how to keep her promise. I know, when she grows up, magiging mabuting kaibigan siya.

I guess, I should give myself a little tap on my shoulder. Ibig sabihin lang no’n na sa kabila ng pagiging single parent ko, maayos ko siyang napalaki. Alam kong babaunin niya hanggang paglaki ang lahat ng kabutihan na tinuturo ko sa kanya.

BAGO KAMI umuwi, dinala ko na muna si Bea sa paborito niyang fast food restaurant. Paglabas na paglabas namin ng kotse ay agad siyang tumakbo papasok. Nakuha pa niyang batiin ang guwardiyang nagbabantay.

Nang magkapanabayan na kami, humawak siya sa aking kamay habang pumipili ng pagkaing o-order-in. Nakapalumbaba’t nakakunot ang noo ni Bea habang pumipili siya. Her face lit up. Tinuro niya ang paborito niyang chicken with spaghetti and hot fudge sundae.

Naghintay kami ng limang minuto bago makakain. Agad namang nilantakan ni Bea the moment the order has arrived. Natutuwa akong pinapanood siya. May bahid pa ng sauce ng spaghetti ang paligid ng bibig kaya pinunasan ko ito gamit ang tissue.

“Thank you, Mommy!” she mouthed, then continued munching her food.

I really can’t imagine my daughter na maging sakitin. Look at her. She is full of energy. Parang akala mo ay hindi napapagod. At isa pa, kung may nararamdaman mang kakaiba si Bea ay magsasabi naman siya agad sa akin. But who knows? Even the person with the healthiest lifestyle ay nagkakasakit pa rin. Hindi tuloy ako mapakali. Mukhang kailangan ko sigurong ipa-check up si Bea para makasiguro.

Pagkatapos naming kumain, napansin kong may itinabi siyang fries na inilagay niya sa kanyang lunch box.

“What was that for, baby?” I asked her, pointing at her lunch box.

“I’m going to give this to that kid, mommy.” Sabay turo sa may glass door. Sinundan ko naman iyon and there, I saw a little boy. Marusing siyang tignan; may tumutulong sipon mula sa kanyang ilong at punit-punit ang kanyang damit at nakayapak lamang. Nakasalampak siya sa may gilid ng pinto habang nanghihingi ng pera o ng makakain sa mga taong lumalabas o pumapasok.

Bea stood up and approached the boy delightedly. Afar from where I was sitting, watching her blissfully, she handed him her lunch box. The boy’s face lit up as soon as he received it. Without minding him in filthy clothes, Bea gave him a genuine hug.

Lalo akong napaluha nang masaksihan ko ang tagpuang iyon. Tunay na napakabait na bata ni Bea, sobrang puro ng kanyang puso. Sa kabila ng pagdududa ko sa kakayahan ko bilang ina, since mag-isa ko lang siyang tinaguyod, hindi ko talaga inakalang mapapalaki ko ng ganyan ang aking anak.

Indeed, I’m a proud mother.

Kinabukasan ay muli na naman akong pinatawag ni Mr. Cheng sa kanyang opisina. Napapadalas ang aming meeting dahil kailangan na naming magkaroon ng lead. Kung papatagalin pa ay baka maubusan kami ng oras na maisawalat ang katotoohanan. People deserve to know the truth.

Nakapalumbaba lamang ako habang nakikinig kay Mr. Cheng na pinapaliwanag ang magiging susunod na hakbang namin para sa investigative report na ito. Unti-unti nang bumibigat ang talukap ng aking mga mata. Wala na akong maintindihan sa sinasabi niya at parang nagkakagulo na ang mga salita sa pandinig ko kaya palihim kong kinurot ang sarili ko.

Nagising lamang ang diwa ko nang biglang ibagsak ni Mr. Cheng ang kanyang mga kamay sa mesa. Napatalon tuloy ako sa gulat at napakagat sa ibabang parte ng aking labi.

“Pamela are you listening?” asked Mr. Cheng while raising his one eyebrow.

“A-Ah, yes po.” Pagkatapos ay umayos ako ng pagkakaupo.

Tila lumambot ang kaninang seryosong ekspresyon ng mukha ni Mr. Cheng. “You looked stress. Is there something bothering you? We can end this meeting early so you can rest na.”

Mabilis at sunod-sunod ang pag-iling ko and forced a smile. “N-No, Sir. I’m fine. Ituloy na po natin.”

Mr. Cheng is like a father to me kaya kilala na niya ako. Alam niya kung may problema ako o wala and that’s what I like the most about him as a boss. He was supposedly our ninong at our wedding, but he refused as it might appear as a conflict of interest given our field and the wedding was postponed. But he appreciated the offer.

Despite that, he still treats me as her daughter. He always asks me how my day was, and he never invalidates my feelings. ‘Yong mga panahon na naghiwalay kami ni Jack, and he ditched me on the day of our wedding, Mr. Cheng, and the rest of our time, was there for me.

“Okay, if you say so,” matipid na sagot nito.

Nahihiyang iniwasan ko ang aking mukha dahil paniguradong mababasa na naman niya ang mga mata ko. Jack was right. Hindi ako marunong magtago ng emosyon ko.

Mr. Cheng continued, “As I was saying, mayro’n na tayong lead with our whistleblower. They are ready to show their identity.”

“So, kailan daw siya willing magpapakita?”

‘Later, at 5 in the afternoon.”

NAKATAYO LANG AKO sa harap ng cafe kung saan kami nakatakdang magkita ng nasabing whistleblower. Kinakabahan ako kanina pa habang papunta ako rito. Lumingon-lingon din ako sa paligid ko. I want to make sure our safety first. Mahirap na at malaking istorya ito ng binubuo ko at baka mamaya ay may nagmamanman na sa akin.

Bago pumasok ay sinipat ko muna ang aking cellphone at nakatanggap ako ng text mula sa whistleblower na kikitain ko.

Unknown number

I’m here, wearing a black hoodie.

Maigsi lamang iyong text ngunit grabe ang kaba na dinulot nito sa akin. Kaya pinakalma ko na muna ang sarili ko, huminga nang malalim saka ibinuga ito.

Kaya ko ito!

Lalakad pa lamang ako papasok ng cafe nang makarinig ako ng putok ng baril at hiyawan ng mga tao mula sa loob. Kaya nagmadali akong pumasok doon upang tignan kung anong nangyari. I froze in horror as I saw a lifeless body lying on the floor with a pool of blood.

What was I just witnessed?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status