Share

Chapter 4

Sa edad na labing-anim, wala naman talaga akong alam sa pag-ibig. Pero dahil sa pakikinig ng mga iba’t ibang kuwento ng karanasan ng mga kaibigan ko, kahit papaano, naipapasilip nito sa akin kung ano nga bang pakiramdam ng in a relationship—iyong makaramdam ka ng pagmamahal sa isang tao. 

At this age also, I just discovered they called “dating apps.” Believe it or not, sa aming limang magkakaibigan, ako ang pinaka-late bloomer. They have already experienced the things that the teens like me are supposed to try and enjoy. Habang ako, ito, nasa gilid lamang na parang isang patatas. 

"Oh my gosh, mga be!" Impit na tili ni Shayne. 

Nagtataka pa 'kaming tumingin sa kanya habang abalang gumagawa ako ng aming research sa aking laptop, kasama si Mari, na siyang leader namin. At nandito kami sa bahay nila, sa kuwarto niya kami gumagawa. Akala ko pa man din ay gumagawa rin si Shayne, ‘yon naman pala, may ibang pinagkakaabalahan. Napailing na lang ako.

Nilingon siya ni Mike na katalikuran lang niya. Hawak din nito ang kanyang cellphone at panigurado akong nag-i-scroll lang din siya o may kalandian. But I think, it’s the latter. Mahina niyang sinabunutan si Shayne.

“Gaga ka, ano na namang kalandian ‘yan?” sambit ni Mike habang nakataas ang isang kilay nito. Hindi siya pinansin ni Shayne dahil naka-focus lamang ito sa pagtipa ng keyboard sa cellphone habang abot-tenga ang ngiti.

Si Nicole naman, awtomatikong napatakbo sa kuwarto ni Mari. May hawak-hawak pa itong sandok dahil nagluluto siya ng pancit canton na meryenda namin. 'Hoy! Anyare, Shayne?"

Muli na namang tumili si Shayne kaya napasilip na kami sabay sinabunutang muli siya ni Mike. “Mga sis—aray!” 

“Tanga! Ingay mo. Parang kang baboy na kinakatay.” Saka siya inirapan ni Mike. Masama tuloy ang tingin ni Shayne sa kanya dahil sa pagiging sadista nito. Natawa na lang ako.

Bumalik na sa dating ekspresyon ang mukha ni Shayne—nakangiti na ito abot hanggang tenga and her eyes were twinkling. Mayroong impit na tili pa rin ang umaalpas mula sa kanyang bibig.

“Check this guy out na na-meet ko sa Omegle!” 

Omegle. 

Isa ‘yan sa mga dating app na nadiskubre ko, although, I haven’t tried it yet but I am super curious how it works. Well, according to my friends, ang pinagkaiba nito sa ibang dating app ay hindi na kailangan pang i-d******d. Just search it through G****e, and poof! You can chat and have fun with your potential, perhaps, lover, friends, or friends with benefit.

“Oh, ano namang sabi?” bored na tanong ni Nicole habang nakahalukipkip at nakasandal sa pintuan.

"Kinukuha niya 'yung number ko,” wala na kaming naintindihan sa sinasabi ni Shayne dahil panay ang impit niyang pagtili. Gumugulong-gulong pa siya sa higaan at tila isang uod na binudburan ng asin. 

Nahinto lamang siya nang batukan siya ni Mike, ang beki naming beshy. Mike sa umaga, Mika naman sa gabi.

“Taena mo, beks. Masakit 'yon, ha." angil ni  Shayne. Inirapan siya ni vakla.

"Gaga ka. Paano kasi, ang landi mo. Patingin nga niyang nakausap mo. Kunin mo na F* niya para ma-check natin kung gaano siya ka-gwapo,” kinikilig na ani Mike. Ngayon, dalawa na silang nakatutok sa cellphone. Binasa ni Mike nang malakas ang usapan.

Casual lang naman ang usapan nila—in a friendly way—ngunit mahahalatang leading into flirting ito. Parang mixed signals ba. At sa tingin ko, mahirap ‘yon. It can cause confusion sa both parties.

What if you fall for them and you want them to be your lover in the long term? But all they wanted was to stay as friends. Isn’t it hurting and unfair on your part? We shouldn’t settle for less, and we deserve better. We should invest all our efforts and feelings in those who don’t give the same energy or feelings as yours.

Isang linggo na ang nakalipas simulang nagkakilala si Shayne at Jackson—Jack for short Iyang pakilala sa amin ni Shayne nang ikuwento niya sa amin. Araw-araw silang magkausap, may klase man o wala. Nasa eskuwelahan man, o nasa bahay. Minsan pa nga ay nakiki-text sa akin si Shayne makausap lang ang lalaking iyon. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o hindi dahil tila ginagawa nila akong tulay.

But nevertheless, I’m happy for Shayne dahil nasa masayang kalagayan siya ngayon. I just hope lang na hindi siya iiyak because of that guy Jackson.in the long term

Kasalukuyan siyang nakatira sa Camarines Sur at doon nag-aaral ng high school ngayon. Kaya sinabi nito noon kay Shayne sa chat na hindi sila maaaring magkita dahil malayo. Nag-usap kami ng isang beses sa pamamagitan ni Shayne ngunit wala naman kaming masyadong pinag-usapan.

Dahil laking-Bicol siya at ang lola ko ay isang Bicolana, nagtanong ako sa kanya na may kinalaman sa lugar. At saka nakapunta na rin ako roon noong taong 2009, grade 4 ako at sampung taong gulang pa lamang ako noong unang beses kong makapunta roon. 

Ang ikalawang beses naman ay noong nakaraang Marso taong 2010. Bakasyon at nalalapit na ang semana santa kaya napagpasiyahan naming magbakasyon doon ng isang linggo. Sa kasawiang palad, hindi siya gaanong maalam sa parteng Albay dahil bukod sa taga-CamSur siya ay hindi siya gala.

Ngayon, isang buwan na silang magkausap at ayon kay Shayne ay nasa M.U. stage na sila o mutual understanding. Ang saya ko nga nang malaman ko na nasa gano’ng stage na sila. Ang gusto ko lang naman kasi ay maging masaya ang mga kaibigan ko sa kanilang lovelife. Sana nga ay magtuloy-tuloy na iyan. Iyong una kasi niya ay naghiwalay sila sa mababaw na dahilan—hindi sila swak.

I was doing my project when an unknown number popped up on my phone screen. Since it was unregistered, I was hesitant to answer the call at first but ended up answering it.

"H-Hello?" I felt nervous as I picked up the phone. I'm not comfortable when answering unknown callers. Who knows, 'di ba? Malay ko ba kung masamang tao siya or what.

["Hello, Pamela."] Nagsitayuan ang aking balahibo nang marinig ko ang malaki at malalim na boses ng unknown caller na ito. But. . . Parang hindi creepy ang dating sa'kin? At parang it turns me on. . . Right now? Oh my gosh!

Napakunot ang noo ko nang malaman kong alam niya ang pangalan ko.

"H-How did you know my name?" That was my initial reaction, of course. He's a total stranger to me, yet he knows my name.

Ang creepy no'n, dude.

["Oh. I'm sorry. I forgot to introduce myself."] He let out a manly chuckle. "It's me, Jack." Nanlamig ang buong kalamnan ko nang malamang si Jack pala ang tumawag.

"Ah, i-ikaw pala. Sorry sa attitude ko." I bit my lower lip. Narinig ko naman ang kanyang mahinang pagtawa and I find it sexy—what!?

Maghunos-dili ka naman, Pamela! boyfriend 'yan ng kaibigan mo! Girl code, Pam. Girl code.

["It's okay."] Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Dead air sa kabilang linya at tanging mabibigat na paghinga lang ang maririnig.

"A-Ah, bakit ka nga pala napatawag?"

["Uh, actually, gusto ko lang sanang itanong kung anong nangyari kay Shayne coz' she's not answering my calls and I'm damn worried about her."] Napatungo ako habang kausap siya kahit alam kong hindi naman niya nakikita. Kaya naman pala tumawag dahil hindi nagpaparamdam sa kanya ang kaibigan ko.

Ano kayang drama ng babaitang Shayne at may pag-iwas sa kanyang jowa?

"Ah, gano’n ba? Wala ka bang ginawang kasalanan para hindi ka niya pansinin?” tanong ko.  Kilala ko ang kaibigan ko. I know there is something wrong if she acts like that. Kaya sigurado ako na may pinag-awayan sila kaya iniiwasan niya si Jack ngayon, nagpapalipas ng inis.

["That’s the problem. Wala akong kasalanan sa kanya. Masaya pa nga kami last time but it’s been three days and she hasn’t answering my calls as if she’s avoiding me."] Nagulat ako sa sinabi ni Jack. Hindi ko inaasahan na magagawa iyon ni Shayne kaya hindi ko tuloy alam kung anong isasagot ko dahil hindi ko naman alam kung anong nangyari. Ni hindi siya lumapit sa akin o isa sa amin na mga kaibigan niya para magsabi kung anong problema.   

Habang pinag-iisipan ko ang sasabihin kay Jack ay bigla namang lumitaw sa screen ng aking laptop ang chat mula kay Shayne. Binasa ko naman iyon.

Shayne Lee

Pamela, 'pag tumawag sayo si Jack, wag mong sagutin ha.

Pamela Delgado

Bakit?

Shayne Lee

Ayoko na sa kanya.

Hindi ko alam kung anong naging root cause ng away nilang dalawa, kung bakit inayawan na siya ni Shayne. Baka nasa kanya ang problema o vice versa. I can’t judge them both without knowing the reason behind it. At hindi rin naman pwedeng kampihan ko si Shayne nang dahil lang sa kaibigan ko siya. 

Paano pala kung siya ang may kasalanan pero paano naman kung si Jack? Mahirap mapunta sa ganitong sitwasyon, mahirap.

Hindi ko na alam ang gagagwin ko dahil huli na si Shayne. Nasagot ko na ang tawag mula kay Jack. Napakagat ako sa ibabang parte ng aking labi. Sh*t naman, o. Naipit pa ako sa ganitong sitwasyon.

"Pam. Nandyan ka pa ba?" Lalo akong inuusig ng aking konsensya. Sasabihin ko ba ang totoo o hindi?

Ayokong ipahamak ang kaibigan ko and at the same time, ayaw ko rin siyang kunsintihin. Mali naman ang ginawa niyang pag-iwan nang walang paalam kay Jack. Wala namang ginawang masama 'yong tao sa kanya. Wala nga ba?

Nag-iisip pa rin ako ng magandang alibi nang biglang mag-chat ulit si Shayne.

Kilala mo ako Pam na mabilis akong magsawa sa isang tao. Kaya please. Don't tell him, ok? Hayaan mong ako na mismo ang magsabi sa kanya.

Napapikit ako nang mariin at huminga ng malalim. Okay, kaya ko 'to. Go, Pam. Alam naman nating magaling ka pagdating sa paga-alibi. White lies.

"U-Uhm, Jack. . . I'm sorry but. . . Mas maganda kung siya mismo ang kausapin mo. Bye!" Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at agad-agad ibinaba ang tawag. Pagkatapos no'n ay kay bilis ng tibok ng puso ko na tila ba tumakbo ako ng milya-milya.

That’s the right thing to do, di ba? Wala ako sa tamang posisyon para magsabi no’n. Let them settle their problem on their own. As their friend, nandito lang ako para sumuporta sa kanila anuman ang maging kalalabasan.

MAKALIPAS ANG ISANG TAON, sa wakas ay kolehiyo na ako! All hard works are paid off. Also, I finished high school with honors!

Akala ko nga ay hindi ko masusungkit ang silver medal dahil kamuntikan na akong bumagsak sa Math. Mabuti na lang at napakiusapan ni Mama ang teacher ko't binigyan na lang ako ng special project upang mahatak lang ang aking grade.

Sorry, bobo talaga ako sa Math. Weakness ko na iyon ever since.

Kumuha ako ng entrance exam sa mga piling university lamang sa Maynila. Sa pangarap kong pamantasan na isang catholic university at sa isang state university, na kung saan, forte course nila ang kukunin kong kurso—ang education.

Pangarap ko kasing maging guro noong bata pa ako.

Subalit hindi ako pinalad na makapasa sa interview dahil kinabahan ako. Dumagdag pa rito ang pagiging masungit ng interviewer kaya hindi ako nakasagot ng maayos. Si Papa ang kasama ko noon kaya pagtapos na pagtapos ng interview ay yumakap ako sa kanya't umiyak. Hindi ko talaga kinaya noon.

Ngunit maituturing ko iyong blessing in disguise. Siguro, kung pinalad man ako roon, hindi ako makakapasok sa pinapangarap kong unibersidad. Kaya naman sobrang saya ko nang malaman kong makakapasok ako rito.

Naniniwala na talaga ako sa kasabihang, "If it's meant to be, it will be."

Sa totoo lang, natupad ko ang pangarap kong iyon sa pangalawang pagkakataon. Noong magha-high school pa lamang ako, sinubukan kong kumuha ng exam subalit sa kasamaang palad ay hindi ako nakapasa. Talagang dinibdib ko iyon sapagkat gustong gusto ko talaga rito sa paaralang ito.

Ngunit sa pangalawang pagkakataon, muli akong sumubok. Kinakabahan ako't nawalan ng kumpiyansa sa sarili pero si Mama ang nagpalakas ng loob ko. Dahil sa kanya, nagagawa ko ang mga bagay na hindi ko magawa. Sa lahat, siya ang higit na naniniwala sa aking kakayahan.

Hindi ako nagdalawang-isip na sunggaban ang ikalawang pagkakataon. Ika nga, "Everybody deserves a second chance" at sa ikalawang pagkakataon, nakuha ko na rin ang gusto ko. Makakapag-aral na ako sa dream school ko!

But—there's a but again. Hindi ako nakaabot sa quota para sa aking first choice, which is BSEd major in Filipino. Well, I was a bit disappointed. Ngunit anong magagawa ko? Baka hindi lang talaga ako para doon. So, I chose Journalism, my second choice.

Journalism was an unexpected choice and never my dream. I just based it on my skills—writing skills. Ngunit hindi pasok ang skill na 'yon sa pinili kong career. I'm into creative writing but not into news writing. Pero wala naman na akong magagawa. 

Ako rin naman ang mismong pumili nito at wala akong ibang sisihin kundi ang sarili ko lamang. At dahil desisyon ko ito, paninindigan ko na lang.

It’s my first day of class. I'm so happy because I don't need to wake up so early. My class starts at one o'clock in the afternoon, every Monday to Thursday except for Wednesday that begins at nine in the morning due to my PE class.

Dahil excited ako sa aking unang araw ng eskuwela, naisipan kong pumasok nang maaga at tumambay muna sa university library. Ugali ko kasi ito simula pa noong high school. Bago ako pumasok ng library ay hinanda ko na ang aking registration form since wala pa naman kaming I.D.

Habang hinahalungkat ko ang magulo kong bag—ewan ko ba, kahit anong ayos ko rito ay gumugulo pa rin—hindi ko sinasadyang may makabangga ako na naging dahilan ng pagbagsak ng aking bag. Nagkalat tuloy ang laman at dali-dali kong pinulot ang mga iyon.

"I'm sorry, miss. Hindi kita napansin." I was cursing beneath my breath. Naiinis man ako sa aking nakabangga but I know, may kasalanan din ako cause I'm not looking at my way!

"Let me help you." Lumuhod din 'yong lalaking nakabangga ko para tulungan ako sa pagpulot ng mga gamit ko and based sa uniform niya ay he's from College of Science. Pre-med siya.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong nakalat ang napkin ko kaya mabilis kong hinablot iyon para hindi makita ng lalaki galing Science. But I'm too late. Gaya ko, pinulot niya rin 'yon kaya napamura ako. Nakakahiya!

Napaangat ako ng ulo at laking gulat ko nang madiskubre ko kung sino ang nakabanggaan ko. It's freaking Jackson Martin! Yes, si Jack nga! Tila ang bumagal ang pag-ikot ng paligid nang magtama ang aming mga mata.

Kinusot ko ang mga mata ko upang malaman kung totoo ba ito o nananaginip lang ako. Pero, sh*t. Totoo nga. Nasa harap ko pa rin siya. So, I'm not dreaming.

"J-Jack, are you for real?" Hindi ko naiwasang sabihin sa kanya. Natawa naman siya. Hmp, akala naman niya nagjo-joke ako.

"Touch me." Paghahamon ni Jack. Ako naman si tanga, sumunod sa sinabi niya.

Sinubukan kong sundutin ang kanyang pisngi, and yep. He's for real! Hindi pa ako naka-get over at kinurot ko pa ang kanyang pisngi. Tinawanan lang ako nito.

"So, how are you? Akalain mo, dito pala tayo magkikita." Pagbubukas niya ng usapan. Nakita ko kung gaano kalawak ang ngiti ni Jackson at ang kislap sa kanyang mga mata ngayon.

Not to be assuming, pero dahil ba ito sa akin? Dahil ba sa biglaan kaming nagkita? Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko na tila tumakbo ako nang milya-milya. Uh, what is that?

"Uhm, o-okay lang naman ako. I-Ikaw ba?" Pasimple kong kinurot ang sarili ko sa tagiliran. Hoy, self! Umayos ka nga. Ba't may pag-utal na nagaganap dyan, ha?

"Ayos lang din naman ako," tinignan niya ako mula paa hanggang ulo at huminto ang tingin niya sa aking mukha. Umangat ang sulok ng kanyang labi. "Tama lang pala na dito ako nag-aral." Muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. May ibig sabihin ba siya roon?

"Ha?" Hatdog. Kunwari 'di ko narinig upang ulitin lamang niya ang kanyang sinabi. Tamang bingi-bingihan lang ako.

"Ang sabi ko, saan mo gustong kumain? My treat! Catch up tayo since this is the first time we meet in person." Pinasadahan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako or what. Kasi 'yung ngiti niya ay parang may ibig sabihin—di ko nga lang mawari kung nang-aasar lang ba siya o sadyang masaya siya na makita ako. 

Pero ang tanong: bakit? Anong kasaya-saya na makita ako? Nothing’s special about me. I’m just a regular girl. Pumayag ako dahil kakaunti lang ang kinain ko sa bahay kanina bago umalis at mamayang ala una pa ang klase ko. 

Naglalakad kami palabas ng P. Noval gate at siya lamang ang nagkukuwento tungkol sa kanyang buhay. Palihim lamang akongnakingiti habang nakikinig sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Alam kong mali sa paningin ng iba kung malalaman nila na magkasama kami ng ex ng kaibigan ko dahil kung titignan ay mistulang magkasintahan kami. Ngunit sa mga oras na ito, kinalimutan ko muna saglit ang nakaraan at itinuon ang aking atensiyon sa kasalukuyan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status