Share

Kabanata 6

Author: Purplexxen
last update Last Updated: 2025-09-14 21:48:28

Muling bumulusok ang bigat sa dibdib ni Magnus. Mariin ang pagkakakuyom ng kaniyang kamay sa hawakan ng pinto.

Nagtaka si Yamila nang mapansing hindi gumagalaw ang tao sa may pinto. Kaya tumingala siya.

Halos manlumo siya sa kinauupuan nang makaharap niya ang tao mula sa pintuan.

Nang nagdesisyon siyang bumalik ng Pilipinas, iniisip niyang posibleng magkita sila ni Magnus. Pero hindi niya akalaing ganito kaaga. At sa ganitong sitwasyon na hindi siya handa.

Nakatitig siya sa gwapong mukhang naka-ukit na sa alaala niya. Ang kamay niyang nakatago sa ilalim ng mesa, kusa nalang napakuyom. Pinilit niyang itago ang kaba at nagkunwaring kalmado.

Naalala niya bigla si Mia. Ito ang niligtas niya kanina. At bilang kapatid nito, hindi nakakapagtaka na narito si Magnus.

“Mr. Esquivel.” Pilit niyang pinapormal ang kaniyang tono.

Ngunit nanatiling malamig ang tinig niya, at sapat iyon para kumunot ang noo ni Magnus.

Apat na taon. Apat na taon na mula nang huli niya itong nakita. Noon, siya ’yong Yamila na palaging nag-aalala sa damdamin niya, palaging sumusunod, at laging tumatawag ng malambing sa pangalan niya.

Pero ang Yamila sa harap niya ngayon ay ibang iba.

Sa apat na taong ding iyon, doon niya lang napagtanto kung gaano kalupit ang isang babae kapag pinili nitong maging matigas. Nakaya nitong iwanan siya nang walang paalam at hindi na kailanman nagparamdam.

Nagtagpo ang kanilang mga mata. Mas naging malalim, mas mahirap basahin ang mga mata ni Magnus ngayon.

At sa titig nitong walang salita, parang nababalot ng bigat si Yamila, nahihirapan siyang huminga. Kaya siya na ang nagbasag ng katahamikan.

“Stable na ang condition ng kapatid mo. Kung walang ibang problema, makakalabas na siya after two weeks.”

Tahimik pa rin si Magnus. Hindi inaalis ang titig sa kaniya. Lalong sumisikip ang dibdib niya.

Apat na taon niyang inisip na tapos na siya kay Magnus. Pero bakit parang mali?

Ayaw niyang manatili sa parehong espasyo kasama nito, kaya tumayo siya. Handa na sana siyang lumabas ngunit bago pa siya makalampas, mabilis na hinawakan ni Magnus ang pulsuhan niya. Nahuli siya nito.

Nang lumapat ang palad nito sa kaniyang pulsuhan ay naglakbay ang boltahe sa kaniyang ugat.

“Pagkatapos ng apat na taon… bumalik ka rin.”

Napatigil si Yamila. Napatingin siya sa mga mata ni Magnus, puno ng galit at tanong.

Hindi ba’t dapat masaya ito na umalis siya noon? hindi ba’t gusto nitong mawala siya?

“Hindi mo pag-aari ang lugar na 'to, Mr. Esquivel. Kung gusto kong bumalik, babalik ako. Hindi ko kailangang magpaalam sa’yo.”

May halong panunuya ang boses niya, pero kahit anong tapang ang pilit niyang ipakita, ramdam niya ang kaba. Lalo na nang makita ang bagyong unti-unting namumuo sa mga mata ng lalaki.

“Tama ka, hindi ko pagmamay-ari ang buong lugar na ’to, pero ikaw, Yamila… pagmamay-ari kita. Asawa pa rin kita!”

Humagupit nang tuluyan ang bagyo sa mga mata nito.

“D*mn it, Yamila. Ano’ng ibig sabihin ng pag-alis mo nang walang paalam?!” Sumabog ang galit ni Magnus at higit na ikinagulat ni Yamila–nagmura ito.

Si Magnus ang laging mahinahon, disente at respetado bilang presidente ng Esquivel Corporation. Ngayon niya na lang ulit ito narinig na nagmura at dahil sa kaniya.

Hindi niya napigilan ang mapangiti. Parang may kakaibang satisfaction siyang naramdaman. Hindi pa pala ito nagbabago. Hanggang ngayon ay malalim pa rin ang galit nito sa kaniya kahit wala siyang kasalanan.

“Siguro nakalimutan mo na Mr. Esquivel. I signed the divorce agreement four years ago before I left you and everything you own. Wala na kong koneksyon sa’yo! Hindi mo na 'ko asawa. Hindi mo ’ko maaaring angkinin na lang.”

Lalong humigpit ang kapit ni Magnus sa pulsuhan niya. Napangiwi siya sa sakit.

"Sorry to disappoint you. Pero hangga’t hindi ko nilalagdaan ‘yon, habang buhay kang akin, Yamila!”

Nanlaki ang mga mata niya. Nablangko ang isip.

Hindi pa pala nito nilalagdaan?

Sa mga taon na lumipas akala niya matagal nang tapos ang lahat. Dahil hindi ba’t ito mismo ang unang gustong makawala sa kanya, noong tatlong taon ng pilit nilang pagsasama? Hindi ba't kinamumuhian siya nito at gusto nang tapusin ang anumang nagkukulong sa kanila sa isang pilit na kasal?

Akala ni Yamila kilala na niya si Magnus. Pero ngayong nasa harap niya ito, pakiramdam niya wala pala siyang alam sa taong ito.

“Oh, it doesn’t matter if you don’t sign it. Kung ang mag-asawa ay hiwalay na nang higit dalawang taon at magfile ang isa ng annulment, awtomatiko nang magru-rule ang korte ng divorce.”

Wala man lang emosyon sa tono niya. Hindi siya tumingin kay Magnus. Bagkus marahas niyang binawi ang pulsuhan mula sa mahigpit nitong pagkakahawak. Gusto lang niyang makatakas sa presensyang matagal na niyang pilit nilimot.

“Divorce Law suit? You think you know the law better?” malamig na tawa ang binitawan ni Magnus.

Tinitigan siya nito na para bang pinagtatawanan ang tiwala niya sa sarili.

“You don’t seem to understand what the definition of divorce is.”

Pinilit ni Yamila na manatiling kalmado. Hindi niya gustong magtagal sa presensya ng lalaking ito. Kaya pumiksi siya sa hawak nito.

“More than two years na tayong hiwalay Mr. Esquivel. At kung magfile ang isa dahil sa emotional breakdown automatic na ang divorce. Kung may objection ka Mr. Esquivel, ipa-explain mo sa legal advisor ng kompanya niyo. Uh, I’m still at work, please make way.”

Ngunit hindi gumalaw si Magnus. Mas lalo pa itong ngumisi. May halong pang-uuyam.

“Emotional breakdown? When did our relationship break down?”

Nanlaki ang mga mata ni Yamila. Natigilan siya sa pag-alis. Para siyang nilalapatan ng yelo sa kaniyang balat. Namamanhid siya sa matinding galit.

“Walang relasyon ang meron sa atin Mr. Esquivel. Kaya walang pwedeng masira.”

At bago pa makasagot ang lalaki, itinulak niya ito ng madiin. Hindi handa si Magnus kaya natulak siya palabas. Iniwan niya itong nakatayo roon, galit na galit habang pinagmamasdan ang papalayong likod niya.

Habang naninigas ang panga ni Magnus. Unti-unti niyang napagtanto na hindi pala pagkamuhi lang ang meron siya kay Yamila. Oo iniwan siya nito. Oo, nilapastangan ang pride niya. Pero sa apat na taong pagkawala ni Yamila, doon lang niya nakitang gumuho ang buhay niya. Doon niya lang naramdaman na iba pala talaga si Yamila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 10

    Hindi inaasahan ni Magnus na masasaksihan niya ang ganitong eksena ng mag-ama. Hindi niya inakalang Si Irina ay anak din pala ni Yael. Namangha siya sa katapangan ni Yamila. Muling nagsalita si Yael. Nagngingitngit na ito sa galit. “Kung hindi mo ko tinuring bilang ama mo, kaya kitang patalsikin sa pamilyang ito!” Isang ngiti lang ang gumuhit sa labi ni Yamila “Talaga?” Lalong namula sa galit si Yael. Ni hindi niya man lang nakitaan ng takot si Yamila sa kaniyang babala. “Baka nakakalimutan mo, hindi ka dapat masyadong kumpiyansa sa sarili mo. Mali ang akala mo sa kakayahan mo.” dagdag ni Yamila. “You–” Napasinghap si Yael. Kahit anong pilit niyang itago halata ang kanyang kaba. Kahit sa harapan ni Magnus, wala siyang mukhang mailalaban. “Yamila!“ nanginginig ang tinig niya. “Magkadugo kayo ni Irina sa ayaw mo o hindi!” Natawa ng mapait si Yamila. “Magkadugo? Kung pagiging anak sa labas lang naman ang ambag niya para matawag kong kapatid, walang saysay sa ak

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 9

    Nang magtama ang tingin nila ni Magnus, puno ng panlilibak at galit ang mga mata ni Yamila. Para bang isang mapurol na sibat ang biglang tumusok sa dibdib ni Magnus nang makita niya ang naglalarong emosyon sa mga mata ng babae. Hindi siya sanay. Tatlong taon niya itong pinabayaan, trinato na parang wala. At kahit minsan, hindi siya nakakita ng ganitong klaseng galit sa mga mata nito. Pero ngayong gabi… ibang-iba. May halong poot. May halong pagkamuhi. Tahimik lang si Magnus. Malamig ang kaniyang titig na walang imik. Ngunit sa ilalim ng kaniyang tahimik na anyo, ramdam niya ang malamig na pakiramdam na unti-unting bumabalot sa kaniya. “Magnus, halika. umupo ka. Kilala mo na pala si Celeste?” Masigla at halos sobra ang pagiging magiliw ng tono ni Yael. Ngunit halata ang kaniyang intensyon. Habang nagsasalita siya, panaka-naka ang sulyap niya kay Yamila. Tila ba sinasadya niyang iparamdam ang insulto sa anak. “Mmm. Well, Irina saved my… sister.” Kaswal lang ang tono ni Ma

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 8

    Hawak-hawak ni Yael Marasigan ang kamay ng dalagang nasa tabi niya, bahagyang nahihiya ang ekspresyon sa mukha nito bago tumingin kay Yamila. “Inyayahan kitang pumunta ngayon dahil gusto kong ipakilala sa’yo ang kapatid mo, si Celeste Irina De Vera. She's your sister, Yamila. Dalawang buwan lang ang pagitan ninyo kaya alam kong magiging komportable ka sa kaniya.” Kapatid? Sa wakas nabasag ang malamig na ekspresyon ni Yamila, ngunit nanatiling mariin ang pagkakatikom ng kaniyang mga labi. Matagal na niyang alam na may ibang babae si Yael, kung sino-sino na rin ang nali-link sa kaniyang ama. Ngunit ni minsan hindi ito nagdinala ng babae o ng anak nito sa labas sa kanilang bahay para pormal na ipakilala sa kanila. At ngayon… Anong ibig sabihin nito? “Mr. Marasigan, nagkakamali ka yata,” malamig ngunit matalim na sambit ni Yamila. “Hindi ko matandaang nagluwal pa ng ibang anak ang mommy ko bukod sa akin. Saan mo naman nakuha ang basurang ‘yan? Kakauwi ko lang at ito agad ang

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 7

    Pagkatapos ng duty, gusto na lang sana ni Yamila umuwi at makalimutan ang lahat. Pero paglabas niya ng ospital, bumungad si Warren sa pintuan, nakangiti at nakatayo parang body guard. “Mrs. Esquivel,” bati nito. Napakunot lang ng noo si Yamila at halatang hindi natutuwa sa biglang pagsulpot ng sekretaryo ni Magnus. “Warren, what suddenly brought you here? And please, wala na kami ni Magnus. Huwag mo na akong tawaging ganiyan." “Okay, madam, I’ll remember it.” Ngumiti si Warren pero halata sa tono niyang hindi siya seryoso. “Madam, please this way. Mr. Esquivel is waiting for you in the car.” Napabuntong hininga na lang si Yamila. Wala na siyang enerhiya para makipagtalo. Imbes na sumama, dumiretso siya sa sariling parking space, ni hindi man lang nilingon ang itim na BMW na nakahimpil sa gilid. “Madam…” humabol si Warren, pero sinalubong siya ng matalim na tingin ni Yamila kaya napatigil ito, hindi na alam kung susundan pa ba siya o hindi. Pagpasok niya sa sariling

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 6

    Muling bumulusok ang bigat sa dibdib ni Magnus. Mariin ang pagkakakuyom ng kaniyang kamay sa hawakan ng pinto. Nagtaka si Yamila nang mapansing hindi gumagalaw ang tao sa may pinto. Kaya tumingala siya. Halos manlumo siya sa kinauupuan nang makaharap niya ang tao mula sa pintuan. Nang nagdesisyon siyang bumalik ng Pilipinas, iniisip niyang posibleng magkita sila ni Magnus. Pero hindi niya akalaing ganito kaaga. At sa ganitong sitwasyon na hindi siya handa. Nakatitig siya sa gwapong mukhang naka-ukit na sa alaala niya. Ang kamay niyang nakatago sa ilalim ng mesa, kusa nalang napakuyom. Pinilit niyang itago ang kaba at nagkunwaring kalmado. Naalala niya bigla si Mia. Ito ang niligtas niya kanina. At bilang kapatid nito, hindi nakakapagtaka na narito si Magnus. “Mr. Esquivel.” Pilit niyang pinapormal ang kaniyang tono. Ngunit nanatiling malamig ang tinig niya, at sapat iyon para kumunot ang noo ni Magnus. Apat na taon. Apat na taon na mula nang huli niya itong nakita.

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 5

    Apat na taon ang mabilis na lumipas. Abala ang pasilyo ng ospital, paroo't parito ang mga empleyado, nars, at mga doktor. Simula pa kahapon ay abala palagi ang emergency room at hindi sila pinagpapahinga sa sunod-sunod na pagdating ng mga pasyente. “Dra. Marasigan, ’yong pasyente sa Emergency Room No. 3 critical na po. Pinapatawag kayo ni Dr. Lorenzo." Anunsyo ng intern nurse nang nasa opisina siya. “Okay.” Sanay na si Yamila na halos wala na siyang pahinga. Kapag nasa ospital siya, saka lamang siya nakakapagpahinga kapag kakain siya o kaya'y uupo sa harap ng kaniyang computer para tingnan ang kaniyang record. Pagdating ni Yamila sa pintuan ng emergency room, muntik siyang matigilan. Ang nakahiga sa stretcher na halos mawalan ng malay, ay ang babaeng hinding-hindi niya inakalang makikita agad sa pagbabalik niya. “Mia?” Mahina niyang bulong. Si Mia ay kapatid ni Magnus. Ang hipag niyang matagal nang kaaway. Hindi sila magkasundo ni Mia. Malaki ang galit nito sa kaniya sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status