Share

Kabanata 5

Author: Purplexxen
last update Last Updated: 2025-09-14 21:39:53

Apat na taon ang mabilis na lumipas.

Abala ang pasilyo ng ospital, paroo't parito ang mga empleyado, nars, at mga doktor. Simula pa kahapon ay abala palagi ang emergency room at hindi sila pinagpapahinga sa sunod-sunod na pagdating ng mga pasyente.

“Dra. Marasigan, ’yong pasyente sa Emergency Room No. 3 critical na po. Pinapatawag kayo ni Dr. Lorenzo." Anunsyo ng intern nurse nang nasa opisina siya.

“Okay.”

Sanay na si Yamila na halos wala na siyang pahinga. Kapag nasa ospital siya, saka lamang siya nakakapagpahinga kapag kakain siya o kaya'y uupo sa harap ng kaniyang computer para tingnan ang kaniyang record.

Pagdating ni Yamila sa pintuan ng emergency room, muntik siyang matigilan. Ang nakahiga sa stretcher na halos mawalan ng malay, ay ang babaeng hinding-hindi niya inakalang makikita agad sa pagbabalik niya.

“Mia?” Mahina niyang bulong.

Si Mia ay kapatid ni Magnus. Ang hipag niyang matagal nang kaaway. Hindi sila magkasundo ni Mia. Malaki ang galit nito sa kaniya sa hindi malamang dahilan.

Wala nang oras para mag-isip. Nakita niyang critical na nga ang sitwasyon nito. Marami ang dugo sa suot nitong dress, at hinang-hina na ang babae.

Lumingon siya sa lalaking nakatayo sa gilid ng pinto, na halatang balisa na.

“Ano’ng nangyari sa pasyente?” tanong niya agad.

“D-Doc.. Asawa ko... dumudugo… please s-save her.” Halos hindi na makabuo ng salita ang lalaki sa sobrang kaba.

Napakunot ang noo ni Yamila. Wala siyang makukuhang malinaw na sagot dito, kaya agad siyang pumasok. Hindi na bale na makilala siya nito, o magkaroon ng pagkakataon na dahil sa pagtanggap niya sa kaniyang responsibilidad ay magulo ang kaniyang mundo. Doktor siya, ang kaligtasan ng pasyente ang priority niya.

Sa labas ng emergency room, ang asawa ni Mia ay hindi mapakali. Palakad-lakad, nagdarasal.

Hanggang sa may dumating na isa pang pamilyar na pigura– matikas, malamig, ngunit halatang aligaga.

“Magnus…” bulong ng lalaki.

Hindi na sumagot si Magnus. Nakakunot ang noo, nakatutok ang mga mata sa pintuang nakasara. Alam niya ang kalagayan ng kapatid. Mahina ang katawan nito kaya delikado ang pagbubuntis nito. Paano kung…

Bago pa matapos ang iniisip niya, bumukas ang pinto.

Lumabas si Dra. Marasigan. Hinila pababa ang mask.

At doon… nagulat si Magnus.

Hindi ito nakatingin sa kaniya. Sa halip, humarap ito sa kaniyang bayaw at mabilis na nagpaliwanag.

“Are you a family member? The patient is in a very dangerous condition now. Kailangan siyang maoperahan agad. Please, sign the authorization form immediately."

Lumingon si Yamila sa nakasunod na nurse.

"Nurse, ihanda ang general anesthesia. Asikasuhin agad ang authorization form."

“Okay po, Doktora.”

Tumango si Yamila. At muling pumasok sa emergency room. Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Tila hindi nito napansin ang kaniyang presensya.

Agad na naghurumintado ang kaniyang puso. “Yamila…”

Ang babaeng matagal niyang hinanap. Ang babaeng iniwan siyang walang paalam. At ngayon— narito sa harap niya. Isa nang doktor, isang estranghero.

Nanginginig ang kamao niyang nakatago sa bulsa. Pinipilit pigilan ang emosyon, ngunit ang dibdib niya’y tila binibiyak.

Apat na taon siyang nawala. At sa muling pagbabalik niya, hindi na siya ang parehong babaeng iniwan siya noon.

Pero kaya niya pa bang tiisin na magpanggap na parang wala itong halaga sa kanya? Gayong halos tumalon ang kaniyang puso nang makita ito kanina?

Halos kalahating oras lang si Mia sa emergency room bago siya tuluyang dinala sa operating room. Tumagal ng ilang oras ang buong proseso.

Sa puntong ito nasa labas na si Magnus, matindi ang kaba hindi lang para sa kaligtasan ng kapatid kung hindi dahil din sa babaeng muling bumalik sa kanyang mundo matapos ang apat na taon.

Ibang-iba na ito. Mas matatag, mas propesyonal, at halatang sanay nang humawak ng sitwasyon. Mapadelikado man. Wala na ang babaeng minsan ay nakatali sa kaniya ng tatlong taon— sunod-sunuran, mahina at walang boses. Parang ibang kaluluwa ang nakabalot sa katauhan ni Yamila ngayon.

Apat na taon…

Ganito pa pala ang magiging muling pagkikita nila, sa gitna ng panganib at kaba.

Naalala niya ang divorce agreement na ipinadala ni Yamila noon sa kanilang kompanya. Hanggang ngayon ay nakatago pa rin sa drawer ng opisina niya ang papel. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang nagulo ang isip niya.

Pati ang matagal na niyang kinikimkim na galit sa nagawa nitong kasalanan walong taon na ang nakalipas ay tila ba nagiging malabo at unti-unting nawawalan ng saysay.

Maya-maya, namatay ang pulang ilaw sa itaas ng pinto. Bumukas iyon at lumabas si Yamila, nakasuot pa ng berdeng surgical gown kasama ang ilang assistant doctors.

Humarap ito sa asawa ni Mia at tinanggal ang mask, ipinakita ang maputla ngunit mahinahong ngiti.

“Stable na ang asawa mo. Pre-mature ang baby, kaya kailangang ilagay muna sa incubator. Pwede mo na siyang makita pagkatapos mailipat sa ward.”

“Thank you Doc, thank you!” Halos maiyak ang lalaki. Paulit-ulit ang pasasalamat bago agad na sumunod papuntang ward.

Sandaling napatitig si Yamila sa lalaki. Naalala niya, apat na taon na ang nakalipas nang umalis siya sa Pilipinas. Wala pang asawa si Mia noon. Ngayon hindi lang kasal, kung hindi sa isang iglap ay may anak na. At sa mga mata ng asawa nito, bakas ang tunay na pagmamahal.

Bahagyang sumagi sa kaniya ang pait. Nang isilang niya si Thadeus, wala siyang kasama. Doktor at nurse lang ang nasa tabi niya. Walang pamilya. Walang naghihintay sa labas ng operating room para damayan siya.

Mabilis niyang itinago ang lungkot at umalis ng tahimik.

Alam na alam niya ang kondisyon ni Mia. Congenital heart disease. At kung hindi lamang ito anak ng pamilyang Esquivel, malamang hindi na aabot sa edad na ito, lalo pa’t nagdadalang tao.

Pagod na pagod na si Yamila matapos ang mahabang duty at emergency operation. Kaya matapos makausap ang asawa ni Mia, tumalikod na siya at tuluyan nang naglakad palayo.

Ngunit hindi nakaligtas sa paningin ni Magnus ang bawat galaw niya. Hindi man siya tinignan kahit saglit, ramdam ni Magnus ang hindi maipaliwanag na kirot sa dibdib. Lalo na nang maalala niya ang lungkot sa mga mata ni Yamila habang nakatingin kay Shawn.

Bago pa niya mapigil ang sarili, sinundan niya ito.

Pagdating sa lounge, saglit siyang natigilan bago marahang binuksan ang pinto.

At doon nakita niya si Yamila, nakaupo, hawak ang sariling noo, labis ang pagod na bakas sa mukha.

Narinig siya nitong pumasok, pero hindi na tumingin. Sa halip ay mahina at halos paos ang boses na lumabas sa labi nito ang mga salita.

“Charlene pagod na ko. Kung may bagong pasyente, let another doctor on duty to attend them.”

Hindi nito alam na si Magnus ang mismong pumasok.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 50

    Hindi niya inaasahan ang pagdating ng panganay na anak. Alam niyang si Yamila ay bihirang dumalo sa mga pagtitipong tulad nito. Kaya nga siya naging kampante na isama si Irina ngayong gabi dahil sigurado siya na hindi magpupunta si Yamila sa mga ganitong okasyon. Pero heto ang babae, nakatayo mismo sa harap nila, malamig at hindi mabasa ang anyo. Kahit ayaw niyang aminin, may kakaibang takot pa rin siyang nadarama tuwing kaharap ang sariling anak. “A–ate…” Mahina ang boses ni Irina habang kumakapit sa braso ni Yael, halos nakatago sa anino nito. Hindi niya inaasahan na naroon si Yamila. Sa bawat pagkikita nila, hindi niya mapigilang matakot. At ngayong nasa isang lugar siya na puno ng mga matang naghihintay ng iskandalo, ang kaba sa dibdib niya’y lalo pang lumakas. “Such a coincidence… you’re here too.” Pinilit na ngumiti ni Yamila sa kaniyang ama, subalit agad na lumitaw ang lamig mula sa mga mata niya. Isang tingin lamang, at tila ba alam na ni Yael kung ano ang mga p

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 49

    Sa harap ng napakaraming matang nanonood, pinilit niyang ngumiti, kahit pa pilit ang lahat. “Mr. Pascual misunderstood,” aniya, pilit na pinapahinahon ang tinig. “This is my youngest daughter. “Your youngest daughter?” Kumunot ang noo ni Danico, mas lalong naguluhan. Bigla’y nagkatinginan sa mga mata ang mga bisita nang marinig ang sinabi ni Yael. Naging malamig ang hangin sa paligid. May mga kilay na bahagyang umangat, may mga ngising pilit na pinipigil, ngunit hindi maitatago ang panlilibak. Alam ng lahat na iisa lamang ang opisyal na anak ng pamilyang Marasigan. Kahit na hindi pamilyar sa kanila ang mukha ng totoong apo, sigurado sila na ang apo ng matandang si Yshmael Marasigan ay nag-iisa lamang, at malinaw sa kanilang isip na walang ipinakilala na ibang anak si Yael sa publiko kung hindi si Yamila Marasigan. Maliban na lang ngayong gabi na binibigyan nito ng titulo ang babaeng kasama. Sa kanilang isip, kung hindi si Yamila ang kanilang kaharap, malinaw kung sino si Ir

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 48

    Ang bakas ng damdaming kanina’y nakasilip sa mga mata ni Yamila ay tuluyan nang naglaho. Para bang isang kurtinang marahas na isinara. Inalis niya ang anumang senyales ng kahinaan sa kaniyang anyo. Sa halip, tanging lamig at panghahamak ang naiwan. Sumisilay ang matinding pagkasuklam sa kaniyang mga mata. “Your lover’s here, don’t you plan to say hello to her?” Bahagyang kumunot ang noo ni Magnus sa kaniyang sinabi. Ang malamig na tinig niya ay parang punyal na tumarak sa dibdib ng lalaki, at ang pang-uuyam ay halatang sinadya para ito’y masaktan. Nagpatuloy si Yamila. Ang kaniyang labi’y gumuhit ng malamig na ngiti at puno ng panunuya. “I’m going to greet her now, do you want to go over and let’s greet her together?” Bawat salita’y tila lason. At sa likod ng kaniyang tinig, naroon ang matagal nang pagkadismaya at pagkainis, lalo na’t narito rin si Irina, ang babaeng minsang naugnay kay Magnus at siyang sumira sa kaniyang mga pangarap sa maayos na pamilya. Tumalikod s

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 47

    Naiwan si Aldrin kasama ang kaniyang mga magulang na halata ang galit. “Mom, Dad, I can explain—” “I’ll settle this with you when I get back!” mariing putol ni Arkin, ang mukha’y namumula sa galit. Tumayo ito at walang sabing naglakad palayo dala ang baso ng alak. “You really know how to stir trouble, Aldrin!” Si Ryla, bagaman inis, ay hindi magawang pagalitan nang husto ang anak. Napapabuntong-hininga na lamang siya sa ginawa nito. Napilitan naman si Aldrin na tumahimik, ayaw nang dagdagan ang kasalanan niya sa kaniyang mga magulang. Tumayo rin ang kaniyang ina at iniwan siya. Mukhang magtutungo ito sa ibang mesa para kausapin ang ilang bisita. May ilang nakapansin sa nangyari sa kanila, ngunit nagpapatay-malisya na lamang para hindi masira ang pagtitipon. Nag-angat siya ng tingin at tumitig sa direksyon kung saan naroon si Yamila at ang lalaking nagpakilala na asawa nito. Bahagyang nagdidilim ang kaniyang paningin dahil sa galit na namumuo sa kaniyang dibdib. Akala niya

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 46

    Hindi na bago kay Magnus ang makakita ng magaganda. Marami na siyang nakilala, marami na ring dumaan sa kaniyang landas. Ngunit sa paningin niya, kakaiba pa rin si Yamila. Hindi lang ganda ang dala nito— may tikas, talino, at isang klaseng alindog na bihirang matagpuan sa iba. Kaya’t hindi na nakapagtataka kung bakit si Arkin, na kilala sa pagiging kuripot sa papuri, ay kusa pang nagbukas ng bibig para purihin ito. Si Yamila na kaniyang asawa ay siguradong kalulugdan ng ibang pamilya. Nang maisip na gusto ng mag-asawang Garces si Yamila para kay Aldrin, lalong nagkaroon ng kaguluhan sa kaniyang isip. Bigla siyang nabalisa. Para bang ang kayamanang matagal niyang itinago ay bigla na lamang ipinaskil sa harap ng lahat. “Mr. Esquivel…” Halata ang gulat at pagkalito sa mukha nina Arkin at Ryla. Pati si Aldrin ay hindi agad nakapagsalita dahil sa pagdating ni Magnus.Ang lalaking ito, ano’ng karapatan niya para angkinin si Yamila bilang asawa?! “Mr. Esquivel, what do you mean by that

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 45

    Tahimik na pinagmamasdan ni Arkin si Yamila, kinikilatis ng mabuti ang babaeng dinala ng kaniyang anak. Nakaupo silang apat sa harap ng maliit na entabladong pinasadyang sa banquet hall para sa okasyon ngayon. Dahil kadarating lang ng dalawa, nagtawag ng waiter si Ryla para dalhan ng pagkain si Yamila at Aldrin. Maingat namang sinuri ng mga mata ni Arkin ang dalaga, waring sinusukat ang buong pagkatao nito. Sensitibo siya lalo na pagdating sa pakikipagrelasyon ng kaniyang mga anak. Ang tanging nais niya ay isang disente at maayos na babae kay Aldrin. At sa mga sandaling lumipas, napansin niya kung paano dalhin ni Yamila ang sarili— disente, elegante, at maingat sa bawat kilos. Maliban sa maayos ito magsalita, ang mga salita nito'y puno ng katalinuhan at kahinahunan, napapansin niya rin na magalang ito. She looks professional and ethical. Maganda ito, at kung hindi pa nabanggit ni Aldrin na isa ring doktor ay iisipin niyang sa showbiz industry ito nagtratrabaho.At dahil doktor r

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status