Mag-log inPagkatapos ng duty, gusto na lang sana ni Yamila umuwi at makalimutan ang lahat. Pero paglabas niya ng ospital, bumungad si Warren sa pintuan, nakangiti at nakatayo parang body guard.
“Mrs. Esquivel,” bati nito. Napakunot lang ng noo si Yamila at halatang hindi natutuwa sa biglang pagsulpot ng sekretaryo ni Magnus. “Warren, what suddenly brought you here? And please, wala na kami ni Magnus. Huwag mo na akong tawaging ganiyan." “Okay, madam, I’ll remember it.” Ngumiti si Warren pero halata sa tono niyang hindi siya seryoso. “Madam, please this way. Mr. Esquivel is waiting for you in the car.” Napabuntong hininga na lang si Yamila. Wala na siyang enerhiya para makipagtalo. Imbes na sumama, dumiretso siya sa sariling parking space, ni hindi man lang nilingon ang itim na BMW na nakahimpil sa gilid. “Madam…” humabol si Warren, pero sinalubong siya ng matalim na tingin ni Yamila kaya napatigil ito, hindi na alam kung susundan pa ba siya o hindi. Pagpasok niya sa sariling kotse, saka siya napahinga ng malalim. Hihilahin na sana niya ang pinto para isara pero biglang may humarang na isang matikas na braso. Nang tingnan niya kung sino iyon, hindi na siya nagulat na si Magnus ang naroon. Mukhang hindi siya nito tatantanan. Pagod na siya. Bakit hindi siya nito nilulubayan? “Mr. Esquivel” iritang sambit ni Yamila. “Ano na naman?” “Of course…” mababa at mariing sagot ni Magnus. “I’m here to take you home.” “Home?” Napangisi si Yamila, may halong mapait at mapanuyang ngiti. Biglang nag-ring ang cellphone niya at parang timing talaga dahil nangugulo sa kaniya ang dating asawa. Pagtingin niya sa pangalan sa screen ng kaniyang cellphone ay napaangat ang kilay niya. Kung hindi importante, hinding-hindi siya tatawagan ng ama. At ngayong bigla itong tumawag, malinaw na may kailangan lang ito sa kanya. Sinagot niya ang tawag. “ Mr. Marasigan, what do you need now?” Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya. Tila nabigla sa tawag niya ng “Mr. Marasigan. Ngunit iyon naman palagi ang tawag niya sa ama, upang maintindihan nito na mas gusto niyang pormal silang dalawa sa isa't isa. “Nak, ilang araw ka nang nandito, pero hindi ka pa nakikipagkita sa ama mo. May oras ka ba? Let's have dinner together." Pilit na pinalambing ni Yael ang boses. Para sa kahit sino, normal lang ang hiling na iyon. Pero para kay Yamila, nakakatawa lang at may halong pang-iinsulto. Hindi niya kailanman sineryoso ang kaniyang ama, lalo pa pagkatapos ng mga ginawa nito sa kaniya at sa kanilang pamilya. Hindi siya madaling lumambot pagdating sa pang-uuto nito. Natuto na siya. Ngunit dahil sa kuryosidad, pumayag siya. “Sure, where do you want us to meet?” “Je Lux Hotel.” Agad na sagot nito, tila nabuhayan. Hindi na niya hinayaang magsalita pa ang ama pagkatapos nitong sabihin ang lugar. Agad niyang ibinaba ang tawag, saka hinarap si Magnus na nakatayo pa rin sa tabi. “Mr. Esquivel please lang, stop bugging me. I still have other things to do.” Nakatingin lang ito sa kaniya at sa kaniyang mga mata na puno ng depensa, bigla nalang ngumisi si Magnus. “So… it was my father-in-law who called you. At gusto niyang makipag-dinner sa’yo. Aba, hindi ba dapat lang na sumama ang asawa mo?” Kahit itinanong niya iyon, hindi na niya binigyan ng pagkakataong tumanggi si Yamila. Nagbukas na agad siya ng pinto at umupo sa passenger seat na parang may karapatan siyang pumasok sa sasakyan at maupo sa tabi nito. Nagpantig ang tenga ni Yamila. Namula siya sa gilit “Magnus, may mas kakapal pa ba sa mukha mo?” “Meron.” Walang kaabog-abog na sagot nito, saka siya tinignan nang may panunuya pero matalim na titig. “Pero kung ayaw mo ’kong isama, puwede naman kitang pilitin, ‘di ba? Tingnan natin kung hindi ko mabago ang isip mo.” Napakagat labi si Yamila. Gusto niyang sumabog sa inis, pero pinili niyang manahimik. Nasa ospital pala sila, maraming tao ang dumadaan sa parking lot, at ayaw niyang makagawa ng eksena. Imbes na patulan, pinatakbo na lang niya ang sasaktan papuntang Je Lux Hotel. Habang nagmamaneho, pansin ni Magnus ang pananahimik niya. At doon, biglang kumurba ang labi nito pataas. Sa loob ng apat na taon, ngayon lang siya muling nakaramdam ng ganitong kasiyahan. Hindi siya nito nagawang itaboy. Naging matagumpay siya ngayong gabi. Hindi alam ni Yamila kung bakit sa mamahaling hotel sila magkikita ni Yael. Masyadong pormal, masyadong engrande para sa isang simpleng dinner. Lalo na’t wala namang maayos na relasyon silang mag-ama. Sa totoo lang, parang mas estranghero pa sila kaysa sa tunay na magkadugo. Pagdating, nagboluntaryo pa si Magnus na magpark ng kotse. Hindi na siya nagreklamo. Kung may libre siyang parking boy, bakit hindi? Binato lang niya ang susi at iniwan ito roon. Pagpasok niya sa loob, sinalubong siya ng isang attendant. “Miss Marasigan, please this way. Naghihintay na po si Mr. Marasigan sa restaurant." Imporma nito saka ngumiti. Dinala siya sa isang restaurant , sa loob ay iginiya siya nito papunta sa isang sulok at nang makita niya ang eksaktong mesa, agad nanlaki ang mga mata niya. May isang dalagang halos ka-edad niya ang nakaupo sa tabi ni Yael. Bata, sariwa, parang modelong kinuha sa glossy magazine. Napangiwi si Yamila. Sino na naman ‘to? Kabit na naman? At ngayon pabata nang pabata ang mga kinukuha niya. Hindi na talaga ito nahiya. Kita agad sa mga mata ni Yamila ang panghuhusga. Hindi na niya iyon itinago at hindi niya gustong itago. Diretso siyang lumapit sa mesa, umupo, at malamig na nagsalita. “Mr. Marasigan, sabihin niyo na. Ano bang kailangan ninyo?” Walang pagbabago sa tono niya. Simula hanggang dulo, malamig. Sandaling nalukot ang mukha ni Yael, halatang na-offend sa kaniyang tono at paraan ng pakikipag-usap. Pero halata rin ang takot sa mga mata nito. Kahit apat na taon na silang hindi nagkikita, hindi pa rin nawala ang paghihilakbot ni Yael sa sariling anak. Habang tumatagal ay mas lalo itong tumatapang. Hindi na ito nagdadalawang-isip na hamunin siya. Tila nakalimutan na nitong siya ang padre de pamilya. "Anak..." "Mr. Marasigan," putol ni Yamila. "I want it to be clear and direct. Walang paligoy-ligoy. Ano’ng kailangan mo sa akin?"Hindi niya inaasahan ang pagdating ng panganay na anak. Alam niyang si Yamila ay bihirang dumalo sa mga pagtitipong tulad nito. Kaya nga siya naging kampante na isama si Irina ngayong gabi dahil sigurado siya na hindi magpupunta si Yamila sa mga ganitong okasyon. Pero heto ang babae, nakatayo mismo sa harap nila, malamig at hindi mabasa ang anyo. Kahit ayaw niyang aminin, may kakaibang takot pa rin siyang nadarama tuwing kaharap ang sariling anak. “A–ate…” Mahina ang boses ni Irina habang kumakapit sa braso ni Yael, halos nakatago sa anino nito. Hindi niya inaasahan na naroon si Yamila. Sa bawat pagkikita nila, hindi niya mapigilang matakot. At ngayong nasa isang lugar siya na puno ng mga matang naghihintay ng iskandalo, ang kaba sa dibdib niya’y lalo pang lumakas. “Such a coincidence… you’re here too.” Pinilit na ngumiti ni Yamila sa kaniyang ama, subalit agad na lumitaw ang lamig mula sa mga mata niya. Isang tingin lamang, at tila ba alam na ni Yael kung ano ang mga p
Sa harap ng napakaraming matang nanonood, pinilit niyang ngumiti, kahit pa pilit ang lahat. “Mr. Pascual misunderstood,” aniya, pilit na pinapahinahon ang tinig. “This is my youngest daughter. “Your youngest daughter?” Kumunot ang noo ni Danico, mas lalong naguluhan. Bigla’y nagkatinginan sa mga mata ang mga bisita nang marinig ang sinabi ni Yael. Naging malamig ang hangin sa paligid. May mga kilay na bahagyang umangat, may mga ngising pilit na pinipigil, ngunit hindi maitatago ang panlilibak. Alam ng lahat na iisa lamang ang opisyal na anak ng pamilyang Marasigan. Kahit na hindi pamilyar sa kanila ang mukha ng totoong apo, sigurado sila na ang apo ng matandang si Yshmael Marasigan ay nag-iisa lamang, at malinaw sa kanilang isip na walang ipinakilala na ibang anak si Yael sa publiko kung hindi si Yamila Marasigan. Maliban na lang ngayong gabi na binibigyan nito ng titulo ang babaeng kasama. Sa kanilang isip, kung hindi si Yamila ang kanilang kaharap, malinaw kung sino si Ir
Ang bakas ng damdaming kanina’y nakasilip sa mga mata ni Yamila ay tuluyan nang naglaho. Para bang isang kurtinang marahas na isinara. Inalis niya ang anumang senyales ng kahinaan sa kaniyang anyo. Sa halip, tanging lamig at panghahamak ang naiwan. Sumisilay ang matinding pagkasuklam sa kaniyang mga mata. “Your lover’s here, don’t you plan to say hello to her?” Bahagyang kumunot ang noo ni Magnus sa kaniyang sinabi. Ang malamig na tinig niya ay parang punyal na tumarak sa dibdib ng lalaki, at ang pang-uuyam ay halatang sinadya para ito’y masaktan. Nagpatuloy si Yamila. Ang kaniyang labi’y gumuhit ng malamig na ngiti at puno ng panunuya. “I’m going to greet her now, do you want to go over and let’s greet her together?” Bawat salita’y tila lason. At sa likod ng kaniyang tinig, naroon ang matagal nang pagkadismaya at pagkainis, lalo na’t narito rin si Irina, ang babaeng minsang naugnay kay Magnus at siyang sumira sa kaniyang mga pangarap sa maayos na pamilya. Tumalikod s
Naiwan si Aldrin kasama ang kaniyang mga magulang na halata ang galit. “Mom, Dad, I can explain—” “I’ll settle this with you when I get back!” mariing putol ni Arkin, ang mukha’y namumula sa galit. Tumayo ito at walang sabing naglakad palayo dala ang baso ng alak. “You really know how to stir trouble, Aldrin!” Si Ryla, bagaman inis, ay hindi magawang pagalitan nang husto ang anak. Napapabuntong-hininga na lamang siya sa ginawa nito. Napilitan naman si Aldrin na tumahimik, ayaw nang dagdagan ang kasalanan niya sa kaniyang mga magulang. Tumayo rin ang kaniyang ina at iniwan siya. Mukhang magtutungo ito sa ibang mesa para kausapin ang ilang bisita. May ilang nakapansin sa nangyari sa kanila, ngunit nagpapatay-malisya na lamang para hindi masira ang pagtitipon. Nag-angat siya ng tingin at tumitig sa direksyon kung saan naroon si Yamila at ang lalaking nagpakilala na asawa nito. Bahagyang nagdidilim ang kaniyang paningin dahil sa galit na namumuo sa kaniyang dibdib. Akala niya
Hindi na bago kay Magnus ang makakita ng magaganda. Marami na siyang nakilala, marami na ring dumaan sa kaniyang landas. Ngunit sa paningin niya, kakaiba pa rin si Yamila. Hindi lang ganda ang dala nito— may tikas, talino, at isang klaseng alindog na bihirang matagpuan sa iba. Kaya’t hindi na nakapagtataka kung bakit si Arkin, na kilala sa pagiging kuripot sa papuri, ay kusa pang nagbukas ng bibig para purihin ito. Si Yamila na kaniyang asawa ay siguradong kalulugdan ng ibang pamilya. Nang maisip na gusto ng mag-asawang Garces si Yamila para kay Aldrin, lalong nagkaroon ng kaguluhan sa kaniyang isip. Bigla siyang nabalisa. Para bang ang kayamanang matagal niyang itinago ay bigla na lamang ipinaskil sa harap ng lahat. “Mr. Esquivel…” Halata ang gulat at pagkalito sa mukha nina Arkin at Ryla. Pati si Aldrin ay hindi agad nakapagsalita dahil sa pagdating ni Magnus.Ang lalaking ito, ano’ng karapatan niya para angkinin si Yamila bilang asawa?! “Mr. Esquivel, what do you mean by that
Tahimik na pinagmamasdan ni Arkin si Yamila, kinikilatis ng mabuti ang babaeng dinala ng kaniyang anak. Nakaupo silang apat sa harap ng maliit na entabladong pinasadyang sa banquet hall para sa okasyon ngayon. Dahil kadarating lang ng dalawa, nagtawag ng waiter si Ryla para dalhan ng pagkain si Yamila at Aldrin. Maingat namang sinuri ng mga mata ni Arkin ang dalaga, waring sinusukat ang buong pagkatao nito. Sensitibo siya lalo na pagdating sa pakikipagrelasyon ng kaniyang mga anak. Ang tanging nais niya ay isang disente at maayos na babae kay Aldrin. At sa mga sandaling lumipas, napansin niya kung paano dalhin ni Yamila ang sarili— disente, elegante, at maingat sa bawat kilos. Maliban sa maayos ito magsalita, ang mga salita nito'y puno ng katalinuhan at kahinahunan, napapansin niya rin na magalang ito. She looks professional and ethical. Maganda ito, at kung hindi pa nabanggit ni Aldrin na isa ring doktor ay iisipin niyang sa showbiz industry ito nagtratrabaho.At dahil doktor r







