Share

3 Stranger on the Other Side of the Bed

Nagising si Ellaine na hapong-hapo ang katawan. Daig pa niya ang nag-marathon sa nararamdamang pananakit ng kalamnan. May kirot din ang parteng iyon sa pagitan ng kanyang mga hita. 

Biglang pumasok sa kanya ang mga alala ng naganap nang nakaraang gabi. Naloko na.

Napabalikwas siya ng bangon ngunit agad ding napahiga nang maramdaman ang sakit ng katawan na dulot ng overexertion. 

“Aarghh,” mahina niyang atungal habang minamasahe ang balakang.

Tila naman naistorbo niya ang katabi sa kama dahil umungol ito nang mahina na para bang maaalimpungatan ng gising.

Katabi?! 

Nanigas siya nang maalalang hindi nga pala siya nag-iisa. Dahan-dahan niya itong nilingon. Nakapikit pa rin ang mga ito at banayad ang paghinga.

Laking-pasalamat niya at tulog pa rin ito.

Napasinghap siya sa nakapagpapainit na tanawing sumalubong sa kanyang mga mata. 

The sexiest man she has ever met. Oh, my. 

Kumplikado ang tinging ipinukol niya sa maamo nitong mukha habang natutulog. It was very different to the wild unconstrained behavior he had in bed. 

Naalala niyang tinawag niya itong Greek God kagabi sa kanyang isip.

Nakatagilid si Greek God paharap sa kanya. Ibabang bahagi lang nito ang nakukumutan kung kaya’t lantad na lantad ang ma-muscle nitong d****b pati na rin ang mga abs nitong dinedemonyo na naman siya.

Napalunok siya. Nyeta. Tinatamaan na naman siya. 

Umiling siya upang pawiin iyon. Saka pa lamang niya nagawang higit na mapagmasdang mabuti ang mukha ng naka-one night stand niya.

Sayang naman ang view kung hindi niya ia-appreciate. Libre pa naman.

One-night stand. Interesante siya sa konseptong iyon ngunit hindi niya akalaing sa ganoong sitwasyon niya iyo mararanasan.

    Tinitigan niya ang napakaguwapo nitong mukha. Dinaig pa ang artista sa gandang lalaki nito. Tila isang batikang iskultor pa ang sadyang lumilok at pinagtuunan ng ibayong atensyon ang lahat ng kaliit-liitang detalye ng halos perpektong muscle line ng katawan nito. 

    His skin is just that perfect shade and sheen to be defined as sun-kissed.

    Ang mga papatubong balbas nito is the cherry-on-top sa nag-uumapaw nitong alindog.

    Can the word “alindog” even be used on guys? Na-distract ang writerly side ng utak niya sa isiping iyon.

    Distracted na napadako ang kanyang tingin sa namumutok nitong abs… na puno ng bite at kiss marks niya!

    Aaaaaahhhh!

Naitago ni Ellaine ang nag-iinit na mukha sa likod ng dalawang palad. Ngayon na niya nararamdaman ang labis na hiya dahil nakabalik na siya sa tamang katinuan. 

‘Ba’t naman kasi ang sarap tingnan, e!’ Naglalaway tuloy siya.

    ‘Naku, magtigil ka nga,’ Elena! saway niya sa sarili. 

    Hinintay muna niyang humupa ang nararamdamang pag-iinit ng mukha bago inalis ang pinagtataguang mga palad. 

Huminga siya nang malalim. In. Out. Okay.

Nang tuluyang maikalma ang sarili ay muli niyang sinuri nang maigi ang personalidad na mababakas sa himbing na mukha ng nakasiping.

Mula sa noo nito, pababa sa malalantik na pilikmatang nagpaalala sa kanya ng makapatid-hiningang matalim nitong titig, sa matangos na ilong, at ang mga labi na sa galing h*****k ay halos panghinaan na siya ng tuhod, pababa sa leeg at sa adam’s apple nito-- Ahh! May bite mark na naman niya!

Kaunti na lang at masasabunutan na talaga niya ang sarili sa mga naaalalang pinaggagawa kagabi.  

Dali-dali niyang inalis ang mga iyon sa kanyang isipan upang hindi malunod sa idinudulot nitong embarrassment sa kanya. 

Pagkuway sumeryoso siya. 

    Sapat na ba ang mga detalyeng nakiki niya upang hindi na seryosohin ang namagitan sa kanila nakaraang gabi? Tutal hindi naman siya ang tunay na nagmamay-a*i ng katawang nasa kanya ngayon. Isa pa, kayang kaya siyang tirisin nito na parang isang kutong-lupa. Wala siyang laban dito.

    “This is crazy. I can’t believe this is happening to ME,” bulong niya sa sarili, “of all people.” 

    Hindi pa rin siya makapaniwalang totoo ang lahat ng nakikita at nararamdaman niya. HIndi niya akalaing si Truck-kun pala ang dumale sa kanya.

Nagagawa pa niyang magbiro sa kanyang isipan dahil sa isang banda ay iniisip niyang panaginip lamang niya ang lahat, isang hallucination na dala ng naranasan niyang aksidente. Iniisip niyang magigising siya mula sa isang coma or something at makukumpirma iyon.

    But the slight pain she could feel in her body was denouncing that belief by the minute.

    Kung wala lang ang lalaking himbing na natutulog sa kabilang side ng maluwag at napakalambot na kama ay baka tumatawa na siya na parang baliw at hysterical.

    A dr*g induced wild s*x with a stranger, she could take. But not this.

Seriously? 

Transmigration sa book world?

Gusto talaga niyang matawa dahil doon.

Hindi kapani-paniwala subalit iyon nga ang nangyari sa kanya.

She, or rather, her soul got transported into a romance novel that she read before she died. And the one sleeping beside her… is the final boss. The Final Boss. The biggest villain that the heroine and the male lead need to contend with to reach the peak of life and their happily ever after.

‘Ugh. What a joke.’

Hirap talaga siyang paniwalaan ang kasalukuyan niyang kalagayan. Bumuntong-hininga siya at pilit pang inaalala ang ilang mga detalye ng nobelang ito na nabasa na niya. 

‘The Pregnant Wife Runs Away with the Baby’, shortened as TPW, ang natatandaan niyang pamagat ng romance novel na ito. Binasa niya iyon dahil may pa-contest ang isang reading website kung saan niya balak magsulat. Romance ang main theme ng writing contest at ang TPW ang nasa top ranked sa kategoryang iyon kung kaya’t ito ang napagpasyahan niyang basahin.

Isa itong typical romance novel na nakasentro sa heroine at male lead at sa kanilang romantic development na layuning magpakalat ng kilig sa mga mambabasa nito. Mahilig siya sa mga light lang na babasahin, pampatanggal lang ng stress, kaya medyo sakto lang ang dating nito sa kanya. 

Masasabi niyang deserve ng akdang ito ang trono… sa umpisa. Kinilig din naman siya at napangiti sa mga sweet moments ng dalawang bida. Pero halos isumpa na niya ang buong nobelang iyon nang humantong na ito sa bitter moments.

Isang malaking trap ang pauna nitong pakilig at ka-sweet-an. Huli na nang malaman niyang mala-long running telenovela pala ito dahil sa ibang plot elements nitong maiiwan kang speechless dahil sa kaimposiblehan nitong mangyari.

Kidnapping, napagpalit na mga anak, poorita na naging prinsesa, madrastang nang-aapi, agawan ng boyfriend at asawa, mga babaeng kontrabida na patay na patay sa male lead, bed scene na dala ng kalasingan na nagbunga, at may amnesia pa! Ilan lang iyon sa patong-patong na kamalasan, este, pagsubok na pinagdaanan ng mga bida. 

Medyo sinusundan pa rin nito ang traditional archetype ng isang female heroine na mala-Virgin Mary sa kabaitan kaya, of course, everyone can be conquered and have a change of heart dahil sa shining angel halo of love and kindness ni heroine na siyang nakaakit, hindi lang sa male lead kundi pati na rin sa apat pang reserba. Iyong isa sa reserba, namatay pa para lang mailigtas si heroine.

Nariyan pang manganib ang buhay either ni heroine or ni male lead, pero dahil sa plot armor, ay makakaligtas pa rin sila, siyempre. Maaaring may isang magliligtas sa kanila na mahuhulog rin ang damdamin sa kanila at dadagdag pa ulit sa romantic conflict sa pagitan ng dalawang bida. Of course, in the end, mari-realize pa rin nilang ang isa’t isa ang mahal nila at walang makakapagitan sa kanila kailanman. And that’s only the tip of the iceberg.

Kalurkey. 

Sobrang speechless niya matapos itong basahin. 

Bakit kamo niya tinapos kung hindi naman na siya nag-eenjoy na basahin? Well, kabilang lang naman siya sa mga kampo ng mga mambabasa na kailangang tapusing ang nasimulang libro bago magbasa ulit ng isang panibagong libro.

Kasalanan na niya iyon. Alam niya. 

Isa pang alam niya ay ang katotohanang hindi talaga siya fan ng librong iyon. 

Kaya hindi niya talaga maintindihan kung bakit sa lahat ng librong nabasa niya, sa loob ng nobelang iyon siya napunta!

Well, okay na sana. Hindi naman siya choosy kung ang pagpipilian ay ang novel world na iyon o kamatayan. Pero iyong character na in-assign sa kaluluwa niya bakit cannon fodder lang?!

Okay lang sa kanyang hindi maging bidang babae. At mas lalong okay na okay rin sa kanya na hindi maging ang kontrabidang babae. Kahit pa sa isang sobrang minor character lang, ayos na sa kanya, kaya bakit cannon fodder pa?

Mas masaklap, isang cannon fodder pa na hindi man lang naabutan ang first chapter ng main plot dahil namatay agad bago pa man magsimula ang lahat. At ang pumatay sa kanya, indirectly man, ay ang lalaking katabi niya ngayon: The Villain, Garreth Oliver Randall.

Nagsipagtindigan ang lahat ng mga balahibo niya sa katawan nang maalala iyon.

She needed to get away from there. Fast!

Muli niyang binalingan ang katabi upang siguraduhing himbing pa rin itong natutulog. Sa kanyang isip ay nagbago na ang bansag niya rito. Hindi na “Greek God” kundi “Villain”, ang papel nito sa mundo ng librong kinapapalooban nila.

Kung tama ang kanyang memorya, nakainom din ito ng isang aphrodisiac drug na ang may pakana ay ang boss ng isang rival company na katunggali nito sa isang large real estate project. Mas matindi ang drug na pinainom dito, habang ang sa kanya naman ay isang r*pe drug. At ang may gawa nito ay ang magaling na pamangkin ng kanyang stepmother.

Ang tunay na balak nito ay gamitin ang katawan niya bilang kabayaran sa pagkakautang ng pamilya nito sa isang mayaman ngunit matandang negosyante. 

There must’ve been something wrong with the drug they gave the original owner of her current body, or maybe it’s that she’s allergic or oversensitive to the drug’s effects and she died because of it. Whatever the real reason was, it’s clear that the Original Owner had been murdered.

At siya lamang ang nakakaalam no’n. Labis ang lungkot na naramdaman niya sa sinapit nito. 

Ayon sa mga kaparehong novel na nabasa niya, may causality na sa pagitan nilang dalawa dahil sa ginawa niyang pag-angkin sa katawan nito.

Tungkulin niyang ipaghiganti ang naging kamatayan nito at alagaan ang mga naiwan nitong mahal sa buhay. Ngunit hindi pa niya magagawa ang mga iyon. Wala pa siyang laban sa mga ito dahil hindi pa siya pamilyar sa bagong mundo kung saan siya napunta. Hindi pa rin niyang nada-digest ng buo ang mga alaala na iniwan nito sa kanya kaya wala pa siyang kamalay-malay sa tunay niyang kalagayan sa mga oras na iyon.

Sa ngayon, ang kailangan muna niyang gawin ay ang makaalis sa lugar na iyon bago tuluyang magising ang Villain. Hindi niya alam ang magiging reaksyon nito kung sakaling makita siya nito pagkagising.

Hirap man ay pinilit niyang tumayo. Ayon sa orasan sa side-table ay malapit nang mag-alas siyete ng umaga. May nakasilip na isang linya ng liwanag galing sa araw sa isang kurtinang bahagyang nakabukas.

Tiniis niya ang nararamdamang kirot sa pagitan ng mga hita, pati na rin ang tila pagpintig ng overexercised niyang mga kalamnan, para pulutin ang isang eleganteng silver cocktail dress na nakakalat sa sahig. Hinanap rin niya ang kanyang underwear. Iyon lang ang tangi niyang masusuot dahil wala naman siyang ibang damit sa silid na iyon ng Villain. May nakita rin siyang pares ng stiletto heels na kakulay ng suot niyang dress.

Wala namang ibang puwedeng magmamay-a*i noon sa silid na iyon na dadalawa lang sila kundi siya. Binitbit niya iyon. Pagkalabas na lamang niya ng kuwartong iyon niya susuutin para hindi makalikha ng ingay.

Hindi na siya nag-aksaya ng oras na pumunta sa toilet para ayusan ang sarili. Kapag nagising ang Villain at hindi pa siya nakakaalis, siguradong malaki ang magiging consequence nito sa kanya. Baka isipin pa nitong kasabwat siya ng mga kalaban nito. Saang kangkungan na lang siya hahantong?

Isa pa, hindi muna niya nais na maka-engkwentro ang mga pangunahing tauhan habang hindi pa siya nakaka-adapt sa kasalukuyan niyang sitwasyon.

Kailangan muna niyang makalayo.

Tahimik at maingat ang kanyang mga hakbang. Carpeted ang master bedroom, ganoon din ang living room area. 

Nakahinga siya nang maluwag nang tuluyan nang makalabas sa kuwartong iyon. Dumiretso siya sa elevator at agad na pinindot ang buton na magdadala sa kanya sa lobby ng hotel. Mag-isa lamang siya roon.

Napasandal siya sa likod ng elevator nang magsimula na itong umandar. Pumikit siya.

Grabe. Pagod na pagod siya. Halos hindi na nga niya mahawakang maigi ang bitbit na mga heels. 

    Masyado nang mahaba ang oras na gising siya para paniwalain pa ang sarili niyang nasa panaginip nga siya. 

    Totoo nga ang lahat. 

    Nasa mundo na nga siya sa loob ng isang nobela. Sandali siyang napaisip kung maaaring makabalik pa siya sa tunay niyang mundo kagaya ni Miyaka sa anime na Fushigi Yuugi na nakae-experience din ng parehong sitwasyon.

    Pero pagkaraan ay napagtanto niya sa sarili na imposible na iyong mangyari pa dahil sa tunay na mundo ay namatay na siya. Sa tindi ng aksidenteng kinasangkutan niya, maliit lamang ang porsyento na mabuhay pa siya, kaya kahit na magkaroon pa ng pagkakataong makabalik ang kaluluwa niya doon ay wala na itong katawang mababalikan dahil maaaring na-cremate na ito na naaayon sa kanyang will.

    Matinding lungkot ang bumalot sa kanya dahil higit na niyang nauunawaan ang tunay niyang sitwasyon. Patay na siya… o ang siya na nabubuhay sa mundong Earth. At ngayon ay nabubuhay siya sa isang panibagong mundo gamit ang ibang katauhan.

    Hindi na niya muli pang makikita ang kanyang pamilya, mga kaibigan, ang mga alaga niyang hayop, at ang iba pang mga mahal niya sa buhay.

    Sa pagkakataong iyon ay napaiyak na siya.

   

*******

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status