Share

4 Stunning Beauty

    Hindi niya napigilan ang mga luhang bumalon sa kanyang nakapikit na mga mata. Hindi niya alam ang gagawin.

    Siya ang tipo ng tao na kaya ang pumunta sa malayong lugar, magbakasyon sa ibang bansa, nang mag-isa lang. Iyon ay dahil sa alam niyang mayroon siyang mauuwian. At kaya niyang makabalik kung gugustuhin niya at kung kailan man niya gustuhin.

    Taliwas sa kanyang kasalukuyang sitwasyon.

    Wala siyang matatakbuhang pamilya o kaibigang masasabihan ng mga alalahanin. Walang aalalay sa kanya kung kakailanganin niya ng tulong at wala siyang mapagkakatiwalaan ng katotohanan tungkol sa kanya. Mag-isa siya sa mundong iyon. 

    ‘Mag-isa.’

    Umiling siya nang umiling na para bang sa paraang iyon ay mapapasubalian nito ang katotohanan.

    She feels so helpless, so pathetic, and so, so alone.

    Kaso wala na nga siyang magagawa pa. Pinigilan niyang muling pumatak ang mga luha. Hindi siya iyong tipo ng tao na madaling maiyak sa mga problema at pagsubok na kinakaharap. Mas madalas pa nga siyang umiyak sa mga sad at tragic movies at novels, sa mga fictional stories lang, kaysa sa mga nakakalungkot na pangyayari sa buhay niya. Sadya lang na na-overwhelm na siya sa kanyang sitwasyon kaya hindi na rin niya napigilan pa. Pero panandalian lang iyon.

    Mas gusto niya kasing maghanap na lang agad ng solusyon kaysa ang malugmok sa pag-iyak at kaka-self pity. 

    Sa pagkakataong iyon ay napagpasyahan niyang ganoon din ang gagawin niya.

    Iminulat niya ang mga mata at papahirin na sana ang mga basang bakas ng luha sa kanyang pisngi nang masulyapan niya ang malasalaming pinto ng elevator. Natigilan siya at nanlaki ang mga mata, hindi makapaniwala sa nakikita ng kanyang mga mata.

Nakikipagtitigan siya sa pinakamagandang diyosang nakita niya sa tanan ng buhay niya!

    Nalaglag ang bitbit niyang heels. Dahan-dahan siyang lumapit sa napakagandang babae sa harapan niya. Damm…

    Sino itong diyosang nakikita niya?! 

    Nanlaki pang lalo ang kanyang mga mata nang makitang ginagaya ng babae ang bawat reaksyon niya. Hindi siya ganoon ka-slow para hindi makilala kung sino ang nakikita niya.

    OMG. SIYA BA IYON?!

    Hindi makapaniwalang hinawakan ng dalawa niyang kamay ang repleksyong nakikita sa makinis na pinto ng elevator.

    Ang ganda niya.

    “Ang ganda ko,” tila nananaginip niyang naulit nang malakas. 

    Noong kadarating pa lamang niya sa mundong ito ay nakita na niya ang ilan sa mga alaala ng Original Owner ng kanyang katawan, subalit dahil matindi ang sakit ng kanyang ulo at nasa ilalim pa siya ng epekto ng aphrodisiac drug ay hindi niya ito natitigan nang malinaw. Hindi niya tuloy napansin ang taglay nitong ganda.

    Wala sa sariling napaluhod siya sa pagkabighani, hanggang sa tuluyan na siyang mapaupo sa malamig na sahig ng elevator. Labis siyang nahahalina sa sarili.

Isang hindi-makabasag pinggang mukha, malaanghel at nalalapit sa itsura ng isang mahabaging diyosa na kagaya ng mga nakita niyang ipininta ng mga klasistang pintor noong unang panahon-- isang natatanging musa para sa artistikong puso.

    Ang mga matang mamasa pa ng luha ay tila nangungusap. Ang mga pisngi ay bahagyang mamula-mula, gayundin ang mga labi nitong parang ang sarap dampian ng isang h***k. Ang graceful na leeg na mayroon palang isang gold na kwintas na may letter “E” na pendant at ang defined collarbones na parang ang sarap kagatin…

    Hindi niya namalayang unti-unti na pala niyang inilalapit ang mukha sa repleksyon upang gawin ang huling naisip ngunit nauntog lang siya sa pinto. Pero hindi niya iyon inalintana. Bumaba pang muli ang kanyang tingin sa parteng d****b ng repleksyon.

    Muling nanlaki ang kanyang mga mata.

    Napatingin siya sa sariling d****b at wala sa sariling hinawakan ng mga kamay ang magkabilang umbok na mga iyon… at saka pinisil.

    “Ang lambooot!” naibulalas niya, manghang-mangha. 

    Napatayo siya habang hindi pa rin bumibitaw sa mga iyon. Tinitigan niyang muli ang sarili sa pinto ng elevator. Nagpabalik-balik ang kanyang tingin sa sariling katawan at sa repleksiyon, tila sinisigurong totoo ang kanyang nakikita at nahahawakan.

    “Wow! This is real!”

    Nang masigurong totoo nga iyon at walang bahid ng pandodoktor ay napatili siya sa labis na kasiyahan, parang isang paslit na nakatanggap ng pinakamagandang regalo kaya nalimutan na na kanina lang ay umiiyak ito dahil may nang-away.

    Bumababa ang mga kamay niya sa maliit na baywang at tinitigan ang kanyang mapuputi at pang-model na long legs. Puwedeng-puwede rumampa sa catwalk!

    Malapad ang ngiting ibinigay niya sa kanyang repleksyon habang ilang mga pose ang kanyang ginawa sa harap nito, tila ba may isang hindi nakikitang photographer na kumukuha ng kanyang litrato.

    Saying that she’s satisfied with her new body is an understatement.

    Hindi niya maiwasang maalala ang hitsura niya sa nakaraan niyang buhay. Hindi naman siya pangit, pero pang-ordinaryong mamamayan lang ang ganda niya at hindi bebenta kung sakaling mag-artista siya. Kuntento na siya roon dahil iyon na ang ipinagkaloob sa kanya ng Maykapal, pero hindi ibig sabihin noon na hindi niya pinangarap na mabago ang ilan sa mga hindi niya gusto sa kanyang sarili. 

Oo, na. Mababaw siya. Aminado naman siya roon.

Kumpara sa kasalukuyan niyang tangkad na tantiya niya ay nasa 5”7, walang sinabi ang dati niyang 5”3. At ang bust size ng bago niyang katawan, satisfied na satisfied siya sa extra biyaya na iyon. 

    Hindi niya maiwasang kiligin habang tinititigan ang sarili.

    Ito na ba ang compensation ng novel gods sa kanya?

    Okay. She gladly accepts it!

    Ipagpapaliban muna niya ang pagmamaktol at pagsusumpa sa kung sino man ang nagdala sa kanya sa kasalukuyan niyang kinalalagyan. Sa ngayon ay ay e-enjoy-in na muna niya ang pagiging diyosa.

    Isinuot niya ang heels na nalaglag at masayang nag-hum habang hinihintay ang pagbukas ng pinto ng elevator. Nang tuluyan itong huminto ay lumabas siya doon at dumiretso sa front desk ng lobby.

    “Can I borrow your phone?” magiliw niyang tanong sa isa sa dalawang babaeng receptionist na naroroon.

    “Go ahead, Miss,” propesyunal ang ngiti nitong sagot sa kanya.

    Isang huling ngiti pa ang ipinukol niya rito bago kinuha ang telepono at idinayal ang numerong natatandaan niya na kokonekta sa kanya sa office phone sa home office ng ama ng Original Owner. Unti-unting nabawasan ang kanyang magandang mood.

    Ama niya.

    Kailangan niyang tandaan na siya at ang Original Owner ay iisa na ngayon. Kaya ang ama nito ay ama niya.

    Kumunot ang kanyang noo. Sino ba ang gustong tawaging tatay ang isang taong hindi naman niya kilala. 

    Tsk!

    Isa pa, base sa mga alaala ng Original Owner, hindi naman ito naging isang mabuting ama, kahit pa noong nabubuhay ang una nitong asawa, na siyang ina ng Original Owner. Lalo lamang ito nawalan ng pakialam sa kanya simula nang ikinasal ito sa pangalawang asawa at madagdag sa kanilang bahay ang dalawang anak ng bagong madrasta. Mula noon ay tila siya sabit na lamang sa pamilyang iyon.

    Ibinigay ng mga ito ang lahat ng pangunahing pangangailangan ng Original Owner ngunit ipinagkait dito ang pinakaimportante sa lahat, ang aruga at pagmamahal ng isang pamilya. 

‘Samakatuwid, wala itong kuwentang ama.’ sa isip-isip ni Ellaine patungkol sa tinatawagan.

    Nag-ring sa kabilang linya ngunit wala agad sumagot. Lalong kumunot ang kanyang noo.

    Napasulyap siya sa elevator na sinakyan. Sarado pa rin ito. Hindi niya alam kung bakit biglang pumasok sa isip niya ang isang ilusyon na bigla itong bumukas at iniluwa ang Villain na galit-galit ang tingin sa kanya.

    Nakaramdam siya bigla ng kaba. Hindi malabong mangyari iyon. 

    Napalunok siya. Mabuti na lamang at may sumagot na sa tawag kung kaya’t nabaling sa iba ang kanyang atensyon.

    “Hello.” 

    “D-Dad.”

Nakagat ni Ellaine ang dila. Masama pa talaga sa loob niya na tawagin iyon ng ganoon.

“Saan ka na naman naglakwatsa?”

Mula sa kabilang linya ay naramdaman niya ang pag-iiba ng mood nito. Ang una nitong propesyunal na sagot na parang naghihintay ng tawag ng tawag ng isang kasosyo sa negosyo ay napalitan ng tono na parang gamit nito sa mga mabababang empleyado.

    Nabigla si Ellaine dahil dito kaya hindi siya agad nakasagot. Inakala tuloy ng kausap na dahil iyon sa guilty siya at nahuli siya nito.

    “Nagparty ka na naman sa club? Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo na importante ang selebrasyong inihanda ni Mr. Jones? Bakit hindi ka man lang nagpakita kahit na sandali? Wala ka talagang pakisama at malasakit sa pamilyang ito! Panganay ka pa man din!”

    Hindi na naman ulit nakasagot si Ellaine. Paano siya makakasagot, e, sunud-sunod ang rat-tat-tat ng tanong nito. Sanay na sanay. 

    Kumplikado ang kanyang emosyon sa tono nito ng pananalita, na para bang siguradong-sigurado ito at walang kahit na ano mang duda na totoo ang lahat ng kanyang sinasabi. 

May mga ligaw na alaala ang muling pumasok sa kanyang isip. Sa mga iyon ay nakita niyang normal lamang iyon na pakikipag-usap ng ama sa Original Owner. 

    Hindi mawari ni Ellaine kung saan nito nakuha ang mga ganoong impormasyon gayong taliwas naman ang personalidad ng Original Owner sa mga ipinapahiwatig nito sa kanyang mga salita.. 

    Pihado siyang may kinalaman doon ang magaling nitong bagong asawa.

    “Ano na naman ang kailangan mo? Pera na naman? Akala mo ba ay pinupulot lang namin ng mama mo ang perang ibinibigay sa’yo at nilulustay mo lang sa mga pa-club-club mo?”

    “Dad. Puwedeng ipasundo niyo ako kay Mang Danny?” sa wakas ay nakasingit rin siya. Para kasing kaya pa nitong magtuloy-tuloy nang ilang oras kung hahayaan lang niya. Si Mang Danny ay isa sa dalawa nilang hired drivers.

    “Bakit naman kailanga ka pang sunduin? Bakit hindi ka na lang mag-taxi pauwi?”

    “Wala po sa’kin ang wallet ko kaya wala akong pera pambayad ng taxi.”

    Narinig niyang umismid ito. “Nagpaparinig ka bang wala ka nang pera? Sinasabi na nga ba at pera na naman ang kailangan mo. Naaalala mo lang naman tumawag kapag manghihingi ka ng pera. Hindi porket mabait ang Mama mo ay sasamantalahin mo na ang kabaitan niya-- “

    Inilayo ni Ellaine ang telepono sa kanyang tainga at saka ito naguguluhang tinitigan. ‘Sinasabi nito?’ 

    Ano’ng klaseng mahika kaya ang ginamit nito para ganoon ang mapagtagpi sa sinabi niyang magpapasundo siya?

    Pagkuway muli rin niyang inilapit iyon sa kanyang tainga.

    “-- kakakunsinti sa iyo. Hindi mo man lang ginagantihan nang mabuti. Ibinibigay namin lahat ng luho mo pero kung anu-ano lang ang pinaggagagawa mo sa buhay mo. Ang bata-bata mo pa pero ang dati mo na agad naging lalaki!” Nagdilim ang mukha ni Ellaine sa narinig. “Bakit hindi ka tumulad kay Alice? Dalawang taon ang agwat ng edad niyo pero mas malayo na ang nararating niya kaysa sa iyo. Ikaw? Ano na ba ang narating mo? Puro ka na lang lak--”

    “Dad. Puwede niyo ba akong ipasundo kay Mang Danny?” ulit niya sa orihinal na pakay ng kanyang tawag. Sa pagkakataong iyon ay mas matigas na ang kanyang tinig.

    Na hindi nagustuhan ng kanyang ama.

    Umismid itong muli. “Nakarating ka d’yan nang mag-isa, makakauwi ka rin nang mag-isa.” wika nito at pagkatapos ay tuluyang ibinaba ang tawag.

    Halos sumakit ang ulo ni Ellaine sa nangyari. Anak ng-- 

    Okay. Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili. At least alam na niya kung ano’ng klaseng relasyon mayroon ang mag-ama. 

    Halata sa mga sinabi nito na hindi nito lubusang kilala ang Original Owner. Ano’ng pinagsasabi nitong club-club? Isang beses pa lang nakatapak ang Original Owner sa isang matatawag na club, at iyon ay dahil inimbitahan siya ni Alice, ang kanyang stepsister, sa isang blowout ng isa nilang common friend. Pumunta siya dahil sa pamimilit nito pero kung sino pa iyong namilit ay siya pang hindi nakarating.

    ‘Ah.’ Nakuha ni Ellaine ang orihinal na layunin ng pag-iimbitang ito ng stepsister. Umikot ang kanyang mga mata. So isa lang palang pakana ang pag-iimbita nito sa kanya para masiraan siya sa ama. Hindi niya napigilang muling umikot ng kanyang mga mata.

Nagmamaganda, e, pareho lang naman silang cannon fodder.

    Pero at least, iyong stepsister niyang iyon, nakaabot pa ng ten chapters bago nag-exit stage. 

    Napabuntong-hininga si Ellaine at sinulyapan ang receptionist na kanina pa niya nahahalatang lihim na nakikinig sa kanyang tawag. Napabuntong-hininga ulit siya. 

    Nginitian niya ito nang magtama ang kanilang mga mata. “Patawag ulit ng isa, ha?” sweet niyang sabi rito.

    “Sige, lang, Ma’am. Go ahead.” kunyari ay propesyunal nitong sabi.

    ‘Hay, ate. Bistado ka nang isa kang tsismosa.’ sa isip niya bago inisa-isa ang ilang mga alaala ng Original Owner upang maghanap ng kung sino pang puwedeng tawagan. Mas malungkot pa ang bilang ng mga kakilala nito kaysa sa contacts niya sa dati niyang cellphone. Nang makahanap ay agad niya idinayal at muli na namang naghintay ng sasagot.

    Hindi man lang ito nakatatlong ring bago agad na may sumagot dito.

    “Hello?” Sa pagkakataong iyon ay isang tinig na babae na higit na mas bata sa kanyang ama ang sumagot.

    “Ate Georgia? Si Ellaine ito.”

    Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya.

    “Ellaine?” hindi makapaniwalang ulit nito. “Bakit ka napatawag? May problema ba?”

    Narinig ni Ellaine ang pag-aalala sa boses nito. “Ate Georgia…p-puwede mo ba akong ipasundo sa driver mo?”

“Yes, of course. Tell me the address and I’ll go there and pick you up myself.”

“No need to go personally, Ate. Just send your driver.”

“No, I insist.”

Walang nagawa si Ellaine sa pagpupumilit nito kung kaya’t ibinigay na niya ang lokasyon kung nasaan siya at pagkatapos ay pinutol na ang tawag.

Nakahinga siya nang maluwag pagkatapos.

Hindi niya akalain ang gagawin nito. Si Georgia Miller ay pinsang buo ng Original Owner sa mother’s side. Close sila noong sila ay mga bata pa subalit ilang taon na rin silang hindi nagkikita simula nang mamatay ang ina ng Original Owner. The fact that the Original Owner could still remember Georgia’s number is proof enough of how much she trusted this estranged cousin. Pero hindi rin inakala ni Ellaine na may malasakit pa rin si Georgia sa pinsan niyang matagal niyang hindi nakita o nakausap man lang para mag-abala pang sunduin siya.

For now, she can use Georgia as temporary backing.

In terms of character importance and ranking, malayong-malayo ang agwat nilang dalawa. Sa nobela kasing ‘The Pregnant Wife Runs Away with the Baby’, si Georgia ang main kontrabidang babae.

*******

   

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status