Share

5 Cousin Georgia

Tahimik na naghihintay si Ellaine sa pagdating ng pinsan. Nakaupo siya sa isang lounge chair sa designated waiting area sa lobby ng hotel. 

Ang totoo ay medyo tensyonado na siya. Habang lumilipas ang bawat minuto na naroroon pa rin siya ay lumalaki ang tsansa na magising na ang Villain at maabutan pa siya roon.

Isa pa ay hindi rin siya sigurado kung paano patutunguhan ang kanyang pinsan. Kinakabahan siya na baka makahalata ito na... Sigurado naman siya na kahit na may mahalata ito ay hindi naman mapupunta ang imahinasyon nito sa katotohanan na wala na ang kanyang tunay na pinsan at pumanaw na nang hindi niya nalalaman. 

Nakaramdam ng guilt si Ellaine sa naisip na iyon. Nakuyom niya ang mga kamao na nakapatong sa kanyang kandungan.

Labing-limang minuto pa lang naman ang lumilipas simula nang sabihin ni Georgia na susunduin siya nito. Hindi malinaw sa kanya kung saan ito manggagaling papunta roon kaya wala siyang ideya kung gaano katagal ang aabutin bago ito makarating.

Hindi niya alam ang mararamdaman ngayong malapit na niyang makilala ang number one na kontrabidang babae sa nobela kung saan siya napadpad. I mean, nakilala na naman niya ang Main Villain sa kuwento, so medyo wala lang sa kanya na makilala ang nasa mas mababang ranking kaysa rito. Pero dahil sa espesyal na papel na ginagampanan nito sa nobelang iyon, medyo excited siya kung ano’ng klaseng entrada ang gagawin nito.

Hinanap niya sa sariling alaala ang ilang mga detalye sa TPW na patungkol kay Georgia. 

Bilang mambabasa, mas madalas na sa perspektibo ng bida ang mga eksenang kanyang natutunghayan kaya wala siya masyadong alam sa mga nangyari kay Georgia at sa iba pang mga tauhan, maliban na lamang kung ito ang siyang punong may pakana sa likod ng mga konspirasiya laban sa bida.

Isa pa, inaamin niya, hindi buo ang atensyon niya kung wala ang lente sa mga bida. Kapag naman kontrabida na ang naka-front stage, hinihintay na lang niyang supalpalin ito ng bida para magtigil na. 

Normal lang naman iyon dahil sa bida naman talaga nakasentro ang istorya. At isa pa, sila rin ang pinapanigan ng simpatiya ng mga mambabasa dahil sa paraan ng naratibo na nakasentro nga sa kanila. Dahil din doon kaya madalas na negatibo ang tingin ng karamihan sa mga panig na sumasalungat sa kanila kaya numero unong kinaiinisan ay ang mga kontrabida.

Kung tutuusin ay isang kahanga-hangang babae si Georgia. Matalino ito at mataas ang pinag-aralan. Maituturing itong pangunahing ehemplo ng isang “strong woman”. Nagawa nitong palaguin ang malapit nang bumagsak na negosyo ng kanilang pamilya gamit ang talino at sariling sikap. Nakipagsabayan siya sa itinuturing na “man’s world”, at hindi nagpadaig sa mga pangmamaliit sa kanya na ang madalas na pinatatamaan ay ang kanyang kasarian. 

“There’s no place for a woman in this field.”

“Little girls only need to play with their dolls and jewelry.”

Ilan lamang iyon sa mga pasaring na paulit-ulit nitong narinig. Hindi pa kabilang ang mga malisyosong hagod ng mga tingin sa kanyang katawan at ang mga makahulugang mga salita ng imbitasyon. But Georgia was able to keep up with them and had shown her grit. Hindi ito nagpatinag. Nakipagmatigasan ito para mapatunayan ang kakayahan.

Georgia is the type of woman that appeals to other women like Ellaine. Mayroon kasi ito ng tibay at tapang na kayanin ang mga bawat hamong matatamo mula sa mundo. 

Ang tanging naging kahinaan lamang nito ay ang pag-ibig. Na-in love kasi ito sa Male Lead ng TPW at naging karibal ng Female Lead na nang unang makilala ni Georgia ay isa lamang saleslady sa mall, kaya sa simula ay hindi niya ito itinuring na isang banta sa kanya sa puso ng Male Lead. 

Pride comes before a fall.

Ayon sa orihinal na plotline, masyadong naging self-confident si Georgia. Sa isip kasi nito ay imposibleng magkagusto ang Male Lead, na isang mayamang tagapagmana ng isa sa pinakamalaking kumpanya sa bansa, sa isang hamak na saleslady lamang. Napakalayo ng kanilang estado sa buhay para sila magkatuluyan. Who better fits the Male Lead other than someone of the same standing and upbringing, hindi ba? Meaning, feeling niya ay mas malaki ang tsansang maging sila ng Male Lead dahil sa kanilang mga pagkakapareho.

 At isa pa, inisip rin ni Georgia sa original plotline na pera lamang ang habol ng Female Lead sa Male Lead. And as expected, may offer-an ng malaking pera na naganap para lamang layuan ng Female Lead ang Male Lead.

Naalala ni Ellaine ang eksenang iyon. A classic.

Baliw na baliw si Georgia sa Male Lead, bagay na hindi maintindihan ng maraming mambabasa, kabilang na si Ellaine. Hindi niya maintindihan kung bakit kahit na alam ni Georgia na may iba nang gusto ang Male Lead ay pilit pa rin nitong ipinagsisiksikan ang sarili rito, kahit na nang maging girl friend na ng Male Lead ang Female Lead ay ilang beses pa rin nitong hinahadlangan ang relasyon ng dalawa.

Sa hinagap, gets naman niya na hindi matuturuan ang puso and everything. But still. 

Alam ni Ellaine na marami ang natatalo sa pag-ibig ngunit ang nangyari kay Georgia ay tila isang literal na pagkabaliw. Tipong nawala ang lahat ng kanyang talino at pinag-aralan sa tuwing mai-involve sa usapan ang dalawang pangunahing bida. Tila ibang-iba rin ang ugali nito sa orihinal na pagkakakilala ng Original Owner dito.

Ang mga pagbabago bang iyon ay dala ng matagal na panahong lumipas?

O, sadyang nahihirapan lamang siyang lubos na maintindihan ang pinanggagalingan nito dahil sa nasanay na siya sa modernong perspektibo ng pag-ibig na may kasamang konsepto ng pagmamahal sa sarili? 

Kung ayaw sa’yo, e ‘di huwag. Marami pa namang babae at lalaki ang nagkalat sa mundo para lamang mag-aksaya ng oras sa taong hindi ka gusto. Sa ganoong klase ng pananaw siya sanay at hindi sa martir-martiran o pagpapako ng sarili sa iisang krus.

Isa pa, maganda si Georgia, matalino, mayaman-- lahat ng mga katangiang iyon ay sapat na para makabingwit siya ng mas malaking isda, puwedeng balyena pa nga, kaysa sa Male Lead. Hindi niya alam kung ito ba ay maaaring dahil rin sa mentality at experience si Georgia. Nasanay kasi itong nakukuha ang lahat ng gusto kaya nang nagkaroon siya ng isang bagay na hindi nakuha ay nakuha nito ang kanyang interes hanggang sa maging isa na itong obsesyon.

O, maaari rin namang dahil iyon ang gusto ng Author para madagdagan ang appeal ng Male Lead sa mga mambabasa. Iyong tipo na, palay na ang lumalapit sa manok pero pihikan sa pagkain iyong manok at hindi basta-basta kumakain ng kung anu-ano lang kaya mahirap itong alagaan, kaya espesyal ito kung ikukumpara sa ibang manok.

Aaaahhh!

Nasapo ni Ellaine ang noo. Ano ba itong iniisip niya? Napaka-walang kuwenta.

“Just stop thinking about useless things, Ellaine,” bulong niya sa sarili.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Individual differences. Iba-ibang ugali, iba-ibang karanasan, iba-ibang kalakasan, iba-ibang kahinaan. 

Ang Georgia na nasa alaala ng Original Owner ay iba sa nakilala ng mga mambabasang tulad niya. Isa itong mabait na pinsan kahit na may kasungitan itong taglay. Mataray ang unang impresyong madalas na ibinibigay nito sa mga unang nakikilala ngunit ang mga malalapit lamang dito ang nakakaalam na panlabas lamang nito ang ugaling iyon. 

Ang totoo ay sobrang maalaga at maasikaso ito. Maaaring may pagka-istrikta rin ito dahil sa nakasanayang paraan ng pagpapalakad ng negosyo, ngunit hindi ito isang masamang tao.

    And now that she’s the one inhabiting her current body, buo sa loob ni Ellaine na gawin ang makakaya para maprotektahan si Georgia nang sa ganoon ay maiwasan nito ang trahedya nitong katapusan.

Nasa pinto ng lobby nakatuon ang kanyang mga mata kaya agad niyang nakita ang pagpasok ng isang matangkad at eleganteng babae na nakasuot ng pantsuit, isang ternong apricot-colored blazer at slacks, at puting blouse na may malaking silver buttons sa ilalim ng suot na blazer. Naka-suot din ito ng heels na parehong kulay. 

    Kung maglakad ito ay parang ito ang may-ari ng buong lugar. 

Hindi maitago ni Ellaine ang pagkamangha sa ganda nito. Georgia is the sophisticated and elegant type, na iba sa sweet but sexy (ayon sa kanya) na type ng beauty ng Original Owner. Lumalabas ang pagiging woman boss na personality nito sa paraan pa lang ng pagdadala nito sa sarili na makikita mo sa paglalakad pa lamang nito, pati na rin kung paano nito dalhin ang sarili-- the type of woman she used to aspire to be.

Sandali itong tumigil at iginala ang paningin sa lobby. Tumayo si Ellaine at kumaway dito upang makuha ang atensyon nito. Nang mapagtanto niyang nakita na siya nito ay hinintay na lamang niyang makalapit ito sa kanya.

“Ate Georgia…”

Hindi natapos ni Ellaine ang sasabihin dahil niyakap siya nito nang mahigpit. Narinig niya ang malalim nitong hininga. Napagtanto niyang labis pala itong nag-alala sa kanyang naging biglaang pagtawag dito, bagay na hindi niya nahalata habang kausap ito sa telepono. 

Paano ba naman kasi ay ilang taon din silang hindi man lang nagkapangita ng Original Owner kaya malabo na rin talaga ang mga alaala nito tungkol sa pinsan. Saka lang niya naisip na medyo nakakabigla nga ang from-out-of-the-blue niyang pagtawag dito.

“I’m glad you’re okay.” wika pa nito na lalong nagpa-guilty kay Ellaine.

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at saka siya nito tinitigan. Naalala niya ang pagkamatay ng Original Owner kaya lalo siyang na-guilty.

“Ate--”

Pagkuway pinalo siya nito sa balikat. Na ikinabigla ni Ellaine.

“Ate!”

“Ate ka diyan!” Sinimangutan siya nito. At ngumuso pa. Mula sa orihinal na fierce beauty ay naging cute ito sa paningin ni Ellaine. “Huwag mo ‘kong matawag-tawag na ate. Ano itong nababalitaan kong puro ka raw club, ha? Pinababayaan mo na raw ang pag-aaral mo. What are you doing with your life? At ano’ng ginagawa mo sa lugar na ito?”

Kumplikado ang titig na ipinukol ni Ellaine kay Georgia. Hindi niya akalaing magaling rin palang rumatatat ang bibig nito. Pero kaiba sa pagsuspetsang laman ng tinig ng kanyang ama, ang tinig naman ng kanyang pinsan ay puno ng pag-aalala.

Tumaas ang dalawa nitong kilay nang makita ang ekspresyon niya sa mukha. “Bakit ganyan ka makatingin? Ano’ng ibig sabihin niyan?”

“Ate, hindi ko akalaing tatanda kang talakera.” At saka medyo tsundere ka pala, dagdag niya sa isip.

Umigkas muli ang kamay nito at pinalo-palo siya sa balikat, ngunit ang bawat isa sa mga iyon ay walang masyadong lakas, kaya wala ring sakit na idinudulot sa kanya.

“Sino’ng tinatawag mong matanda at talakera, ha? Sino?” gigil nitong tanong na may kasama pang pandidilat.

“Joke lang, Ate. Hindi ka na mabiro.” hirit na lang niya.

“Hindi mo ako madadaan sa pag-iiba mo ng usapan. Umamin ka, Ellaine. Ano’ng mga pinaggagagawa mo sa buhay mo lately?”

“Mahabang kuwento, Ate. Hindi rin lahat puwede kong sabihin sa’yo ngayon.”

Kumunot ang noo ni Georgia. “Ano’ng ibig mong sabihin?” Napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon nito. “Did you get involve in something bad?” 

“No, Ate. But… can I stay in your house for a while?”

“Of course. No problem. Mag-stay ka lang kahit gaano pa katagal.” Walang bahid ng pagdadalawang-isip sa sagot nito.

“Thank you, Ate Georgia.” Taos-puso ang mga salitang iyon na binitiwan niya. Kung hindi ito dumating ay hindi na niya alam kung ano ang gagawin. 

Sandali siyang tinitigan ni Georgia bago ito bumuntong-hininga. “Let’s go home first.”

    Home. Pero saan na nga ba ang home niya?

Hinayaan niyang igiya siya nito palabas ng lobby. Sa double glass doors ay nakasalubong nila ang isang lalaking naka-business suit at may dalang brief case. Mukha itong karespe-respeto. Bahagya nga lang nakasira ng image na iyon nito ang napakatingkad na kulay dilaw na cellphone keychain na nakalawit sa bulsa ng suit pants nito.

Unang beses pa lamang itong nakita ni Ellaine ngunit kilala na niya kung sino ito.

Nang makalampas ito sa kanila ay sinulyapan niya ang cellphone keychain nito na isang cute na Pikachu. Sigurado siyang ito ang Special Assistant ng Villain na si Martin Rivera. Ayon sa pangunahing deskripyon na mayroon ito sa nobelang TPW, mahilig ito sa palabas na Pokemon, at ang pinakapaborito nitong character ay walang iba kundi si Pikachu. 

Napaka-random na character identification pero ganoon ang pagpapakilala rito ng may-akda ng nobela, na pumabor naman kay Ellaine.

Natigilan siya nang may biglang sumagi sa utak niya.

Napahinto rin si Georgia. “Ellaine? What’s the matter?” 

Ngumiti si Ellaine. “Ate Georgia may ballpen ka bang dala?”

“Ha? Ballpen?” Kumunot ang noo ni Georgia sa tanong na iyon ng nakababatang pinsan. “I have a fountain pen in the car. What are you gonna use it for?”

Mas malapad na ngiti pa ang itinugon ni Ellaine. “Ah, wala naman. Mag-iiwan lang ako ng mensahe.”

Alam na niya kung ano’ng dapat gawin para hindi siya mapagbuntunan ng galit ng Villain, at para kahit na papaano ay makalimutan siya nito kahit panandalian lamang. This will also help her get rid of one of the preliminary threats to her life. Two birds and one stone-- yes!

“Secret.” pilya niyang sagot nang may ningning sa mga mata.

*******

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status