Share

KABANATA 08

Author: MissLuzy
last update Last Updated: 2025-03-21 15:32:41

Tapos na akong mag-ayos ng sarili ko nang lumabas sa aking kwarto. Lunes ngayon pero sinabi sakin ni Mommy na magpahinga daw muna ako at huwag munang magtrabaho. Kapansin-pansin rin kasi yung kalyo sa kamay ko dulot ng ilang araw na paglalaba ng mga damit nila Allora. Ang dami kasi. Araw-araw ba namang tambak ng labahin ang laundry basket nila.

Nakangiti kong nilapitan si Mommy sa sala na noo'y nagtutupi ng mga damit. Hindi siya nagbenta ng mga gulay ngayon dahil pinagbawalan ko. Lumala na kasi ang trangkaso niya at panay ubo. Gusto pa ngang tumanggi pero pinilit ko talaga siya na huwag munang magtrabaho ngayon hangga't hindi pa siya gumagaling.

Yung dalawa kong kapatid ay maaga nang pumasok kanina sa eskwela. Kaya maiiwan muna si Mommy ngayon.

"My." Tawag ko sa kaniya at umupo sa tabi niya saka siya niyakap ng mahigpit.

"Pupunta ako sa divisoria ngayon. Mamimili lang ng mga damit." Paalam ko habang naglalambing sa kaniya.

"Hmmm... Mag-iingat ka, anak." Aniya niya.

"Dadaan rin ako
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Blooming Season (Russo #1)   KABANATA 15

    Matapos nung may babaeng pumunta sa mansyon ni Azzurro ay nagulat na lang ako nang umuwi siya bigla. Gayung nagsabi siya na mali-late siyang umuwi. Yun pala ay tinawagan siya nung isang bodyguard na nagbabantay dito at nagsumbong sa kaniya tungkol sa babaeng pumunta dito na walang sinabi tungkol sa pangalan niya. Di ko tuloy lubos makalimutan ang huli niyang sinabi noong bago siya umalis. Nagsisimula na rin akong maghinala na may namamagitan sa kanila ni Azzurro pero ayaw namang banggitin ni Azzurro ang tungkol dun. Palagi niyang iniiwas."Sinabi ko sa inyo na huwag kayong magpapapasok ng kahit sino habang wala ako. You couldn't even follow a simple order." Narinig kong sermon niya sa mga bodyguard sa labas. Hindi nila ako kita kasi nakasilip lang ako dito sa likod ng pintuan. Yung dalawang bodyguard ay nakayuko habang pinapagalitan ni Azzurro na nakapameywang pa at ilang beses pang napabuntong-hininga. Malalaki naman at brusko ang dalawang bodyguard pero sa lagay nila ngayon, ay

  • Blooming Season (Russo #1)   KABANATA 14

    Pinagmasdan ko si Azzurro na mukhang hinihintay ang susunod kong sasabihin. Sa hitsura niya ay tila interesado siyang makinig sa bawat detalye na sasabihin ko tungkol sa buhay ko. "Ang totoo nyan, dati kaming mayaman." Halos alinlangan kong saad bago ko sinilip ang magiging reaksyon niya. Nakakapagtaka lang na nanatili lang siyang kalmado. "Hindi naman sa nagmamayabang ako na mayaman talaga kami. Pero matagal na yun, hindi na kami tulad ng dati. Hindi na ganun ang pamumuhay namin ngayon." Umiwas ako ng tingin sa kaniya at tumingin na lang sa cake na kinakain ko. Nahihiya akong magkwento tungkol sa dati naming buhay. Kaya mas mabuti nang hindi ko tingnan ang reaksyon niya ang nagkukwento. "Dati, maayos ang buhay namin. Nasa malaking mansyon nakatira, masasarap ang mga kinakain naming ulam sa hapagkainan at may maraming yaya ang nag-aasikaso samin." Nilalaro ko ang tinidor sa plato habang sinusundot-sundot ang cake roon. "But our life suddenly turns upside down. Ang sabi ng Mommy k

  • Blooming Season (Russo #1)   KABANATA 13

    “Come on, Agathe. It’s just a simple walk. You’re not going to die if you make me company for just one day.” Ani Azzurro na nakatayo sa harapan ko ngayon, pinipilit ako.Kakatapos ko pa lang maligo at makapagbihis nang pumasok siya sa kwarto ko. Wala naman akong balak umalis ng bahay kaya ako naligo, gusto ko lang fresh ako. Pero itong pinagsisilbihan ko ay mukhang meron at balak pa akong isama. “One day? Ilang araw mo na kaya akong pinapasama sa mga lakad mo. Ayoko nga kasi. Nakakapagod kaya!” Di ko na natiis na magreklamo. Kakabalik ko pa lang nung Monday matapos akong makapag-day off ng isang araw nung linggo ay pinasama na naman niya ako sa mga lakad niya, pati sa kompanya niya na ilang metro lang naman ang layo mula rito sa mansyon. “Pasasaan pa ang paninilbihan mo sakin kung hindi mo ako sasamahan sa mga pupuntahan ko? Didn’t I tell you to do what exactly I told you? Have you already forgotten that?” Pagtaas niya ng kilay habang nakapameywang pa sa harapan ko. Heto naman ako

  • Blooming Season (Russo #1)   KABANATA 12

    Tapos na akong nakapagluto ng hapunan, hinihintay ko na lang na makauwi si Azzurro. Gabi na hindi pa rin siya umuuwi. Maaga siyang umalis kanina pero hanggang ngayon wala pa rin siya.Hindi na niya ako isinama sa lakad niya kanina dahil importanteng meeting daw ang pupuntahan niya. Tama na rin yun kasi nakakapagod rin na sunod ako ng sunod sa kaniya, nagmumukha akong buntot niya. Magdamag rin akong walang ginawa sa loob ng bahay niya, nanood na lang ako ng palabas sa T.V. Infairness rin yung T.V niya, malaki at malapad. Kitang-kita ang mga tao at sobrang linaw.Nagtungo na ako sa sala at umupo sa couch saka binuklat ang libro na kanina ko pa binabasa. Inayos ko ang suot kong dress na binili ni Azzurro para sakin. Ngayon ko pa lang nasuot pero bagay pala siya sakin. Nasuot ko na rin yung ibang damit na binili ni Azzurro para sakin pero itong dress ay ngayon ko pa lang nasuot. Yung ibang dress ay di ko pa nasusuot, sa susunod na siguro yun. Medyo nakakailang nga kasi medyo maikli ang dr

  • Blooming Season (Russo #1)   KABANATA 11

    Azzuro's POV, Pagbalik namin ni Agathe sa mansyon ay tuloy-tuloy lang akong naglakad papunta sa opisina ko sa taas. Marami pa akong kailangang tapusin na trabaho, at hindi basta-bastang Iwan lang. Kanina nga ay halos ilang meetings na ang dinaluhan, sunod-sunod iyon sa opisina. Pagod na pagod na ako pero dahil sobrang importante ng mga gagawin ko ay pinilit ko na tapusin lahat. Ilang oras nga akong nanatili sa loob ng opisina ko, hindi ko na namalayan kung gaano na katagal ang oras na dumaan sa sobrang abala ko. Nang matapos ako sa ginagawa ay nagstretch ako ng katawan at hinilot ang sintido. This day is so tiring. Nakalimutan ko pa lang magpadala kay Agathe ng kape dito. Tiningnan ko ang oras sa relo na suot ko, di ko nga akalain na alas-dyes na pala ng gabi. Kanina ay umuwi kami ng ala-singko ng hapon. Sobrang busy ko nga talaga kaya hindi ko napansin ang oras. Napagpasyahan ko na lumabas na. Ayaw ko ring manatili ng matagal dito ng ilang oras, kailangan ko ng kaunting pah

  • Blooming Season (Russo #1)   KABANATA 10

    Nagsimula na kaagad ako kinabukasan sa trabaho matapos akong pumayag sa deal namin ni Azzurro. Ngayon ay nandito ako sa labas ng isang malaking bahay sa Taguig. Ito na yata yung address na binigay niya sakin. Nagtanong-tanong pa ako kanina sa mga taong may nakakaalam na tagarito sa Taguig tungkol sa address ng bahay, ito naman ang itinuro nila sakin. Grabe, ang laki pala nito. Mukhang mas malaki pa sa mansyon nila Allora. Hindi naman sa ikinukumpara ko yung bahay nila, sinasabi ko lang kung ano ang nakikita at napapansin ko. Alam na rin pala nung guard na nagbabantay sa gate na magtatrabaho ako dito kaya nang pagbuksan niya ako at sinabi ko ang pakay ko ay pinapasok na niya kaagad ako. Bumukas ang pintuan at si Azzurro kaagad ang bumungad sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ang nakalantad niyang katawan. Nakatopless lang kasi siya kaya kitang-kita ang abs niya. Kaagad ko namang tinakpan ng mga palad ko ang aking mukha. Takti, my virgin eyes!"Ano ba?! Ganya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status