Share

SALVATORE SALCEDO (The Black Sparrow Society)
SALVATORE SALCEDO (The Black Sparrow Society)
Author: Raven Sanz

Prologue

Author: Raven Sanz
last update Huling Na-update: 2023-05-24 01:00:46

Bayan ng Sta. Cruz

Kasing dilim ng kalangitan ang nagbabadyang galit sa mga mata ng babae. Sa edad na thirty-two ay maganda pa rin ang hugis ng katawan at palagi itong nakapostura.

"Napakatigas ng ulo mo!" sigaw ni Rosanna sa binatilyo. Sa kamay niya ay ang sinturon na may bakal sa dulo.

Napaigik si Salvatore nang haplitin siya ng madrasta. Ito na ang naging buhay niya sa nakaraang anim na buwan buhat nang mawala ang Papa niya. Malakas ang ulan at madulas ang daan— idagdag pang madilim sa parteng iyon ng tulay sa may Sabang. Nawalan ng control sa manibela at nahulog sa bangin ang sasakyan nito. Dead on arrival ang kaniyang ama.

Ulila na siya ngayon. Maagang pumanaw ang kaniyang ina at ang kaniyang ama ay nag-asawa pagkaraan ng isang taon. Limang taong gulang pa lamang siya noong tumungtong sa pamamahay nila si Rosanna. Mabait ito sa kaniya kapag kaharap ang kaniyang ama, pero kapag sila na lamang ay ipinaparamdam nito ang disgusto sa kaniya. Ayaw ni Rosanna na tumatakbo siya dahil baka mabasag ang mga display. At habang lumalaki siya, walang tigil ito sa pag-utos ng kung ano-ano. Mas tumindi ang sama ng ugali ni Rosanna nang mamatay ang ama niya. Kung noon ay mga patagong kurot, batok at sampal ang ginagawa sa kaniya, ngayon ay latay na. Maingat pa rin ito sa ginagawa para hindi makita sa eskwelahan ang pisikal na pang-aabuso sa kaniya.

"Hindi ka kakain ng hapunan! Dito ka sa kwadra matutulog at huwag kang papasok sa bahay hanggang hindi ko sinasabi! P*****a ka! Sinabi ko na sa iyong huwag kang pumasok sa eskwela dahil maglilinis ka ng kwadra!"

"May exam po kami, Senyo— Ahh!" Tinadyakan ni Rosanna si Salvatore at dalawang magkasunod na haplit pa ang ibinigay niya rito.

Halos mamanhid ang buong katawan ni Salvatore sa sakit.

"Sumasagot ka pa?! Nagpunta ang mga kaibigan ko para mangabayo pero sa sobrang dumi at baho rito ay hindi kami natuloy. Pinahiya mo ako! Bwisit ka talaga! Hindi ka pa namatay kasama ng ama mo!"

Galit na galit na umalis si Rosanna at iniwan siya. Salvatore can barely move, but he refused to cry. Finals nila kanina kaya kahit hindi pa siya tapos sa paglilinis ng kwadra ay tumigil na siya at naghanda sa pagpasok sa school. Si Temyong ang nakatoka sa kwadra pero binawasan ng oras ni Rosanna para makatipid. Allowance lang kasi ang natatanggap niya at hindi niya mabawasan ang parte ni Salvatore. Ang guardian nitong si Fidel ay saglit na pumunta sa Amerika at hindi pa bumabalik.

Hindi iisang beses na sinubukang tawagan ni Salvatore ang Uncle Fidel niya pero hindi niya ito ma-contact. Palihim ang pagtawag niya sa bayan at tinitipid niya ang baon para makapag-overseas call. Si Fidel  Rodriguez ang nag-iisang kapatid ng kaniyang ina.

Nakapagdesisyon na si Salvatore na umalis sa poder ng madrasta. Kapag naglilinis siya ng kwadra ay paunti-unti siyang nagdadala ng gamit doon. Hindi niya kinalimutan ang family picture nila at isa 'yon sa una niyang isinilid sa bag. Ilang pirasong damit, brief, pantalon, medyas, sapatos at tsinelas. May kaunti rin siyang naipon na pera para lumuwas ng Maynila. Mas gugustuhin pa niyang tumira sa ninang niya sa Quezon City kaysa manatili sa bahay nila.

Naghintay siya ng ilang oras. Gutom na siya at uhaw hanggang sa umawang ang pinto ng kwadra.

"Señorito," naluluhang wika ni Yaya Seling sa kaniya.

Niyakap siya nito. Wala itong magawa sa madrasta niya dahil mahirap lang at may isang anak na binubuhay. Asawa siya ni Temyong at dahil nabawasan ang oras ng lalaki ay hindi sapat ang kanilang kinikita. Hindi sila pwedeng mawalan ng trabaho kung hindi ay mamamatay sila sa gutom.

"Kainin mo ito at uminom ka." Mula sa bulsa ay kinuha niya ang sandwich at juice box. Mayroon din siyang bottled water. Palihim siya nitong pinuntahan.

"Salamat po, Yaya." Mabilis na kumagat si Salvatore sa sandwich at uminom. Gutom na gutom siya.

"Kailangan nating magamot ang mga sugat mo." Nakita ni Yaya Seling ang mga natuyong dugo sa damit ni Salvatore. Mabilis niyang pinahid ang mga luha.

"Yaya, aalis na po ako rito mamaya. Tatawagan ko na lang po kayo pagdating ko kina Ninang." Uminom ng tubig si Salvatore. Ubos na ang sandwich at pati ang juice ay said ang laman.

"Ano? Wala kang kasama at bata ka pa. Baka kung mapaano ka sa siyudad. Señorito, dumito ka muna at hintayin mo ang Uncle Fidel mo."

Umiling si Salvatore. "Doon ko na po hihintayin si Uncle." Bumunot ng limang daan sa bulsa si Yaya Seling at ibinigay kay Salvatore.

"Yaya, huwag na po. Kapos na po kayo ibibigay n'yo pa sa akin. May naipon po akong kaunti. Sapat na po 'yon." Ibinalik niya ang pera rito.

"Tanggapin mo na," giit ni Yaya Seling. "Karagdagan 'yan sa panggastos mo. Bumili ka ng pagkain kapag nagugutom ka."

"Salamat po." Sa huli ay tinanggap ni Salvatore ang pera.

"Mag-iingat ka, Señorito." Isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa kaniya at umalis na.

Salvatore waited at nang bandang alas onse ay kinuha niya ang kaniyang bag at maingat na naglakad palabas ng kwadra. Nakahinga lang siya ng maluwag nang makarating sa gilid ng karsada at walang nakapansin sa kaniya. Maagang matulog ang mga tao sa mans'yon at humanap siya ng timing na wala sa station si Jimbo— ang bagong guard nila. Ipinasok ito ni Rosanna sa trabaho pagkamatay ng Papa niya. Ayaw niyang maging malisyoso, pero nakikita niya ang kakaibang tingin ng mga ito sa isa't isa.

Naglakad si Salvatore sa main road sukbit ang mabigat na bag at tiis sa kirot ng mga sugat niya. Kalahating oras na siyang naglalakad nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kahit nakasuot ng jacket ay nabasa pa rin siya. Sumilong si Salvatore sa ilalim ng isang puno pero huli na. Sa lakas ng ulan at hangin ay nanunuot ang lamig sa basa niyang damit.

His knees begin to buckle at masakit din ang ulo niya. Lamig na lamig si Salvatore pero ayaw niyang bumalik sa mans'yon. Mas may tsansa siyang mabuhay sa labas kaysa manatili sa imp'yernong mans'yon na iyon.

Nagsimulang bumigat ang mga mata niya pero nang humina ang ulan at maging ambon ay tumayo siya at itinuloy ang paglakad. His legs however cannot support him at tuluyan siyang nawalan ng malay sa gilid ng daan.

Just then, a car stopped. Umibis ang dalagita sa kotse at nilapitan si Salvatore.

"You're burning with fever!" May panic sa boses nito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Gel C
Love this! More!
goodnovel comment avatar
Jonacris Arellano Tagudin Delacruz
ohh sinu Naman kaya Yung tumulong Kay Tor.
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • SALVATORE SALCEDO (The Black Sparrow Society)   Epilogue

    A few days later... Situated at the outskirts of the city, the old abandoned factory stands as a silent testament to its former industrial glory. Once a bustling hub of activity, its vast structure now exudes an eerie sense of desolation and decay. The weathered brick walls, cracked windows, and overgrown vegetation portray a scene frozen in time. Inside, the once-thriving machines remain motionless, covered in layers of dust and rust. The absence of workers and the echoing emptiness contribute to the sense of abandonment that permeates the atmosphere. The factory's dilapidated state creates a haunting backdrop, inviting curiosity and contemplation about its storied past. Sa gitna ay dalawang pirasong 6x6x10 wood post. Mistula itong malaking ekis at nakatali roon ang gobernador. Nakataas ang dalawang kamay at magkahiwalay ang dalawang binti. "Ahh!" hiyaw nito nang buhusan ng napakalamig na tubig. The bucket was full of ice at dahil malamig ang klima sa Tagaytay ay hindi nito maiwas

  • SALVATORE SALCEDO (The Black Sparrow Society)   Chapter 51

    Hindi niya magawang alisin ang mga mata kay Iris sa takot na maglaho itong bigla sa harapan niya. Just when he was losing hope of finding his wife, an angel was sent to them. Hindi niya alam kung angkop ang salitang 'yon sa matandang lalaki na nasa baba at kasalukuyang kausap nina Lucian, pero nang sabihin nito na nasa sasakyan si Iris ay kaagad s'yang bumaba at pinuntahan ang asawa. He was told that she had to be sedated dahil walang tigil ito sa pag-iyak. He didn't care if Aldo was lying or not, or if he came to kill him. Somehow, he knew Aldo wouldn't be stupid enough to attack them at Albarracin. Ale and Estefan stayed with Iris in the bedroom. Bumaba s'ya para kausapin si Aldo. Gusto niyang itanong kung paanong napunta rito ang asawa niya at ano ang connection nito sa gobernador. Lucian and the other guys excused themselves, pero tanaw niya ang mga ito. Si Aldo ay isa lang ang kasama sa loob ng bahay. The rest stayed in their vehicles. Marami rin itong tauhan. "Nice place you h

  • SALVATORE SALCEDO (The Black Sparrow Society)   Chapter 50

    The governor won't even get a quarter of his money, but he would received some. It was one of their plans. Ipinakita kaagad nito ang totoong kulay nang hingin niyang ipakita si Iris. Hindi pa rin maiwasan na hindi s'ya mag-alala para sa asawa. He sent some of his men to the resort to retrieve Iris dahil malakas ang kutob niyang hindi ito isasama ng matanda sa Kopiat. Si Lucian ang naglead ng operasyon na 'yon at dito siya. Ale and Estefan went stayed with him at ang kasama ni Lucian ay si Kons. "Where's the rest of it?!" sigaw ng gobernador sa kaniya nang nasa speedboat na ito. "Give me back my money!" "You didn't complete your end of the bargain. Wait for my next call or you won't see the rest of it." Iyon ay kung may ititira pa s'ya sa pera nito. Kapag nabawi niya si Iris ay siya mismo ang dudurog sa matanda sa kulungan na kasasadlakan nito. They parted ways at walang nagbuwis ng buhay ngayon sa isla. Each of them want something and until then, they will try and scam each other. U

  • SALVATORE SALCEDO (The Black Sparrow Society)   Chapter 49

    Nagising s'ya nang marinig ang pagbukas ng pinto. Sa amoy pa lang ng pabango nito alam niyang ang gobernador ang dumating. It was one of those Brut fragrance for men. She doesn't particularly like it. Masangsang ang amoy nito para sa kaniya. But some people are stuck in a particular year at siguro noong panahon ni Gov ay ito ang sikat kaya nakasanayan na niya. "You're awake." "What do you want?" Tumayo s'ya pero nanatili sa sulok. Wala s'yang makita na kahit ano'ng pwedeng ihampas dito kung sakaling manakit. She has seen him mad at his men. At noong minsan ay sa isang katulong na nagkamaling matabig ang mainit na kape. Napaso ang gobernador sa kamay. He used that same hand to slap the woman twice. Namaga ang mukha nito at putok ang labi. "I just want to let you know that I am meeting your husband a few minutes from now. He wants to do a trade." Nakasilip siya ng munting pag-asa na makauuwi na siya sa piling ni Salvo. Hindi niya gustong sumama kay Rosanna kahit nakita niyang dugua

  • SALVATORE SALCEDO (The Black Sparrow Society)   Chapter 48

    “Calm down, Tor. She’s going to be fine.” Ale tapped his shoulder. Kanina pa siya hindi mapakali. Abot kamay na niya si Iris, pero kailangan nilang magplano ng maayos. One wrong move and Iris could be gone forever. Lucian just finished setting up their gadgets. He has been talking to his wife this whole time and making sure all the connections are good to go. Seeing the support he has around him is overwhelming.“Tor, it’s all set up. You can make a call whenever you’re ready." The goal is for the governor to say yes to meet in a neutral ground. Mas madali nilang maililigtas si Iris kung wala ito sa basement. Tumayo s'ya at pumwesto sa harap ng computer. "Are you ready, Tor? I will connect you to his phone. He can't track you," said Georgina. He was using the earpiece at pakinig niya ang sinasabi nito. "Yes, I am." A few seconds later, the governor picked up. "You have something that is mine." "And you have something that is mine as well. What are we going to do about that, Salva

  • SALVATORE SALCEDO (The Black Sparrow Society)   Chapter 47

    While the doctor was taking out the bullet from his abdomen, unti-unti s'yang hinila ng antok. His friends were present at sa isang private clinic s'ya dinala ng mga ito. Narinig niyang isang resident ang nag-asikaso kay Estefan kaya kahit paano ay nabawasan ang pag-aalala niya sa kaibigan. When he woke up, kaagad ang pagsigid ng kirot sa bandang t'yan niya nang subukan niyang bumangon. Wala s'ya bahay niya, pero nang makita niya si Lucian na tulog sa silya ay alam niyang nasa bahay s'ya nito. "Hey. How are you feeling?" Tulog manok ito kahit noon pa. Kaunting kaluskos, gising kaagad. Living life on the fast lane and running a syndicate for years taught him that. "Fine. How long was I out? Where's Iris?" Tumayo si Lucian at tinulungan s'ya na maglagay ng unan ng likod. He doesn't want to lay flat. Pakiramdam niya ay umuuga ang paligid niya.Tumingin ito sa relo at nagbilang. "About four hours. The doctor gave you something for the pain. He said it will make you sleepy pero hindi na

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status