Share

Chapter 6- Kape

Friday Night

Galing grocery store at ngayon ay pauwi na si Claire nang tumunog ang iPhone niya, kinuha niya ito sa bulsa ng bag at sinagot ito. "Hello?" diing sagot niya sa kabilang linya habang panay busina ng luma niyang sasakyan.

"Girl, san ka na?" Tanong ng kaibigan niyang si Amanda.

"Nagmamaneho ako, bakit?"

Narinig niya itong humingi ng ekstrang asukal sa kausap bago nagsalitang muli, "Ano girl? tumawag na ba yung ka blind date mung producer?"

Napangiwi naman si Claire, "Sus, nakiki-tsismis ka na nga lang, ngayon pang nagmamaneho ako."

"Excited ako eh. Oh, ano? Madidiligan na ba yang napakadry mong buhay? Ano na nga?" Pangungulit nito sa kanya habang naririnig niya itong nag-oorder ng kape at tinapay.

"Hindi pa nga eh, di naman yata tatawag yun."

"Ganun ba, sayang naman, pero hayaan mo na. It's his loss. So, ganito na lang, san ka na banda? Nandito ako sa may Starbucks, malapit sa apartment natin, tara kape kape tayo, libre ko."

"At bakit? May sahod ka na ba?" Tawang tanong naman ni Claire habang inililiko niya sa kabilang kanto ang sasakyan na malapit na sa Starbucks na sinasabi nito.

"Oo naman," ngising sagot ni Amanda. "Rich girl ako tonight. Come, l***i kita."

"Sige, malapit na ako, park ko lang tong sasakyan." Tugon naman ni Claire habang in-off ang cellphone.

Ahead of her, she saw brake lights illuminate one of the parked cars. Someone was leaving the parking lot. And then, as the driver started to reverse, she saw the car on the other side of the road, patiently waiting to reverse into the soon-to-be-empty spot.

"Ha! Akala mo mauunhan mo ako ha! Kahit Audi yang sasakyan mo, wala yan sa antigo ko," bulong niya sarili habang minamaniobra ang manibela.

Only, oblivious to the waiting car, the one pulling out was reversing in its direction—leaving the empty space unprotected. If she was quick, she could drive straight into it.

"Uunahan kita!" pakontrabida niyang tawa.

Ngunit biglang lumiko ang mamahaling sasakyan, at parang nagasgasan niya pa yata.

"Ay! Lintik na!" 

She gnawed on her bottom lip, knowing that the other driver would have every right to be furious. "Sh*t! Bahala kang magalit, sorry talaga, Mr. Audi," pinahaharurot niya ang lumang sasakyan at sa kabilang kanto, lumiko siya at nagpark sa madilim na lugar na katabi ng mga basurahan. "Muntik na yun ah! Buti na lang hindi ako nasundan," bulong niya ulit, but telling herself virtuously that on this one occasion her need was very much greater dahil ihing-ihi na siya.

Ten minutes later, heto na sila ng kaibigan niya, nakaupo na sa isang sulok ng mesa at nagkakape.

"So ano na? Tell me, what happened with you and Luci?" Tanong ni Amanda, habang nginunguya ang cheese flatbread na inorder nito.

"Yun nga, nag-blend sa background yung suit niya. Mukha siyang alien."

"And?"

"Ayun, nataranta akong kumuha ng bagong suit. Malay ko ba naman kasing iniba pala ng mga taga-video team ang background color without warning. Nakaka-highblood kaya." Sagot naman niyang panay higop sa mainit na kape habang ang kaibigan ay nakamasid sa kanya ng nakataas ang kilay.

"Nag resign ka na lang sana," bulong nito.

"Ay sus, araw araw mo ng sambit sa akin yan." Sagot niya naman sa kaibigan habang kumuha ng kapirangot na flatbread na hawak hawak nito.

Ilang taon na rin silang magkaibigan ni Amanda, lumipat ito sa apartment niya mga two years ago at simula nun naging malapit na sila sa isa’t-isa. Kung tutuusin, galing sa mayamang pamilya ito, pero naglayas at naninirahang mag isa.

Though Amanda came from a rich family, hindi ito feeling mayaman, she was humble and down to earth. Taga Cebu ito at isa pa ngang haciendera.

But her father hadn’t been an easy person to live with, and the old man had certainly not been easy to work for. Wika nga nito, isang perpeksyunista ang amang may lahing espanyol.

Although two years ago, anitong siya naman daw talaga ang incharge sa family business nila sa Cebu. But Amanda’s father had demanded a full nightly report on everything that was happening, often criticizing Amanda to the point where she had to fight to hold on to her temper and to remind herself that her father was a very sick man who had to be humored and cosseted.

And now her father was dead, and there was really no reason why she shouldn’t sell up and leave, pero yun nga ayaw na nitong bumalik pa sa cebu, hinayaan na lang nitong mga dating tauhan ng ama ang namahala sa negosyo ng pamilya nito, at ito nga’y nagtrabaho na lang sa call center. Masaya naman daw ito sa buhay.

Muli namang nagsalita si Amanda, "Ay sus, Claire! May bago ba? Sarap batukan ang amo mo," ismid nitong saad bago nagsalitang muli. "So you got ahead of yourself and ended up completely ruining the press conference?" 

"Of course not, ano ka ba. Tinakbo ko kaya ng mala racer si Toyota. Buti na lang, hindi nagloko. Hays, kung alam mo lang kung gaano kalalim ang titig ni Luci sa akin, tingin ko, pinatay niya na ako sa isip eh!"

"Let’s face it, girl, you’ve become a big-town slave...set in your ways...used to a certain routine."

"Ayan ka na naman, day, manenermon ka na naman. Ang hirap kaya humanap ng bagong trabaho na kasing laki ang sweldo," katwiran niya rito. Syempre, totoo naman talagang mahirap maghanap ng trabaho ngayon. She was almost twenty-six years old, mature enough to appreciate what she could and could not have from life.

"Ay sus, may bago pa ba dun—"

Bigla naman silang napatigil nang tumunog ang iPhone ni Claire na inilapag niya sa mesa kanina.

"Sino kaya to? Number lang," patay malisyang sabi niya habang tinitingnan lang ang cellphone.

"Gaga, sagutin mo baka si Mr. Blind Date na yan," wika nitong nagtataka.

"Parang ayaw ko na. Kinakabahan ako. Best Friend daw to ni Luci eh. Mahirap na."

"Ay sus, pakialam naman ng amo mo kung makipag date ka sa bespren niya?"

"Oo nga no? So ano sagutin ko?" Tanong niyang nag-aatubili pang hawakan ang phone.

"Claire, pag yan di mo sinagot ako ang sasagot. And believe me, you won't like it," pananakot na saad nito.

"Sige na nga," nakasimangot na tugon naman niya habang kinuha ang phone at pinindot ang answer button.

"Hello?"

"Hello? Is this Claire Garcia?" sagot naman ng baritong boses sa kabilang linya.

Tumayo naman si Amanda at lumipat ng upuan. Tumabi ito kay Claire habang inilapit ang sariling tainga sa cellphone niya at nakikiusyuso habang ni-loudspeaker naman ni Claire ang cellphone.

"Yes, this is Claire," sagot naman niya na tinaasan ng kilay ang bespreng tsismosa.

"Okay, I'm sorry to bother you with my uncle’s idea of a blind date. But I hope you don't mind meeting me at Le Bar, Sofitel Philippine Plaza, tomorrow at six in the evening."

"Um—ok," aniyang biglang kinabahan.

"Good. That settled then. Goodbye," saad nitong in-off na ang telepono.

Shocking?

Hindi man lang nagpakilala.

Napakunot naman ng noo si Amanda. 

"Ay, ano ba yan, Claire! Ang bastos kausap, wala man lang, how are you?" pailing-iling na sabi ni Amanda habang lumipat na sa sariling upuan, "Naku girl, hindi ko na bet yun. Walang modo kausap. Parang si Luci lang din."

"Parang robot?"

"Exactly."

Tumango-tango naman si Claire, then she rolled her eyes and said, "Oo nga no? Parang robot kung makasagot, pero ang gwapo talaga niya sa picture."

"Ay sus, baka photoshop lang yun, uso na ngayon yun no! Baka akala mo!"

"Well, should I date him? or what?" Tanong niya sa kaibigan.

"You know what? I have an idea," saad naman ni Amandang nginunguya pa rin ang chessy na flatbread.

"Babae, ano na naman yang nasa isip mo? Tiyak hindi ka aya-aya yan!"

"Wait lang, nag-iisip pa ako."

Ilang segundo pa ang nakalipas.

"So, anong naisip mo?"

Napangiti naman si Amanda, "Ganito na lang, makipag date ka sa producer na yan, just for the sake of your doctor, but make sure that guy will have a very bad blind date experience of his life. Yung tipong hindi na siya uulit. The worse talaga."

"Ha? Aber paano ko naman gagawin yan?" Tanong ni Claire na interesado sa naisip ng kaibigan.

"Easy, you dress up like a whore, talk like a whore, and make sure you mention balut and palaka."

"What?! Sira ka ba? Sa Le Bar nga diba? Sosyal na restaurant yun no!"

"Exactly my point, make him pay for the meal. Orderin mo lahat. Orderin mo yung pinakamahal na wine. Pinakamahal sa menu."

"Girl, pang soju lang ako, alam mo yan."

Amanda smiled then sipped her coffee before adding, "I know that, but this guy? This type of man wants a classy woman, and you—girl—will act the opposite. Make his night so stressful na mapipilitan siyang umuwi ng maaga at hindi na tatawag pa sa iyo. Ever."

"Hmmp, I like that plan," sagot naman ni Claire.

Sabagay, pareho silang tipo ni Amanda padating sa lalaki, they want a gentleman. Hindi gaya ng mga lahi ni Luci. "May naisip na ako para bukas para sa date namin," ngising nakakaloka niyang dagdag.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lavinia ir
Iba rin man trip sila oh
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status