Home / Romance / SANA DALAWA ANG PUSO KO / Chapter 7- Mini dress

Share

Chapter 7- Mini dress

Author: C.ELLICA
last update Huling Na-update: 2023-02-24 13:17:05

Saturday Morning

Kinatok ng napaka-aga ni Amanda ang pintuan ng apartment ni Claire habang sumisigaw, "Girl, ano ba? Buksan mo itong pinto, may breakfast akong dala." Kumatok ito ulit, "Lalamigin na itong kape, ano ba, gising. Magsho-shopping tayo ng susuotin mo mamaya." Kinatok niya ito ng malakas hanggang pinagbuksan siya ng kaibigan.

"Amanda naman eh, grabe ang aga-aga pa," maktol ni Claire habang humihikab. "Ano yang dala mo?" tanong nito habang tinatakpan ang bibig.

"Kape. Ano ka ba, halos nine o'clock na oh, may dala akong breakfast, your favorite, croissant and dark coffee."

"Ay, nine na pala, akala ko six am pa."

"Ay sus, maghilamos ka muna ang baho ng bibig mo, girl. Amoy amag."

"Grabe siya, may mabango bang bunganga sa bagong gising. Tse! Pasok kana dito." Saad nitong nilakihan ang pagkabukas ng pintuan.

"San ko ilalagay?"

"Dyan lang," sabi niyang naglakad na habang humihokab pa rin.

"Lapag ko lang dito sa coffee table, mo ha." Wika ni Amanda at umupo na sa bakanteng upuan ng sala.

"Wait lang, let me freshen up," anitong humihikab na naman at pumunta naman sa karugtong na kusina.

Nagsalita naman si Amanda habang hinihigop na nito ang sariling dalang kape, "So ano na, may naisip kanang isusuot mamaya?"

"Wala pa nga eh," sagot naman ni Claire habang panay hilamos nito sa mukha saka kumuha ng toothpaste at toothbrush sa lagayan, "Gusto yung, parang p****k na p****k ang dating. Yun bang sosyal na p****k, maybe something with a sequence na may glitter, maybe red or black," dagdag nitong panay ang sipilyo sa bibig.

"Oo nga no, I like that idea, pero wala ako nun. Bili na lang tayo sa Divisoria, mamaya?"

"Yun nga plano ko eh."

"Sige. After nating mag-breakfast." Turan naman ni Amandang kumakain na, "Dalian mo naman dyan, lalamig na itong kape mo. Sarap pa naman nito girl, from Bukidnon farm, pasalubong ng kasamahan ko sa opisina."

"Oo na, thanks sa libring breakfast," ngiting diin naman niya at umupo na sa sofa. Kinuha ang kape at kinain ang paboritong tinapay. "Alam mo, rather than getting wrinkles from working overtime, isn't going on a blind date with a wealthy guy more productive?" aniyang yumuyunga ng tinapay na isinawsaw sa kape.

"Ano ka ba, huwag mo ngang isawsaw sa kape yan, hindi naman yan pandesal." Reklamong sabi ni Amanda.

"Pareha lang yun no."

"Ew, ma butter kaya yang croissant, magmamantika yang kape mo. Nilagyan ko na yan ng butter kanina. Ew ka."

"Pareha lang naman ang lasa niyan sa tiyan ko, kumain ka na nga lang, bibig ko to eh." Sagot niya habang sinabayan ng malakas na higop ng kape.

"Ang weird mo talaga, Claire. Kung makahigop ka parang sabaw ng bulalo lang ah."

"Girl, alam mo ba sa Japan, the more na malakas ang higop mo, the more na nasasarapan ka, it means a compliment to the chef," mahabang saad niya.

"Ay sus, kung dito naman para kang humigop ng sabaw ng palakang bukid na maraming sili."

Napangit naman si Claire, "kaya nga bespren tayo diba? Pareha tayong weird," apir niya sa kaibigan. "So back to my statement, what do you think?" seryoso niyang dagdag.

Nag-isip naman si Amanda bago nagsalita, "Ay sus day, okay lang sayo ang blind date?" ngiwing sagot naman ng kaibigan niya.

"Why not, di ba? Baka nga makikita ko si Mr. Right sa blind date blind date na yan."

"Ewan, hindi ko bet ang mga ganyan, I’m only going to marry out of love with someone I meet through fate."

"Ay naku, Amanda, di ka naman nakikinig eh. Yun nga sabi ko di ba? Hindi naman arranged marriage ang pinag-uusapan natin. I'm talking about finding our fate in—"

"Ay ambot sa imo day," ngusong sambit naman nito habang napapatingin sa isang sulok ng sala niya na puro gamit sa opisina ni Luke ang nakadisplay. "Alam mo, kung siguro hindi mo na spoiled masyado yang boss mo, siguro may panahon kang makipag-date ng maayos na hindi dinadaan sa blind date blind date na yan."

"Oo na," sagot naman niya habang hinihigop ang kape, "So I was thinking, I need to make this producer guy run for his life."

"Yun nga ang plano natin di ba? Besides, I looked him up on G****e last night. Alam mo girl, this Owen Robinson? He wasn't a playboy like his best friend. Wala akong nakitang article about him na na involve ito sa babae."

"So?" tanong ni Claire na tinaasan niya ng kilay ang kaiibigan.

"Hindi kaya bakla yun?"

"Si Owen? Parang hindi naman yata, dun sa picture ni Doktor Sebastian, lalaking lalaki siya eh."

"Something fishy about this man; he is—alam mo ba yung, too-good-to-be-true kind of guy?"

"Malalaman natin yan mamayang gabi. Don't worry."

Two hours later,

Nasa isang sulok na sila ng tindahan sa Divisoria.

"Claire, tingin mo rito?" Tanong ni Amanda sa kanya habang hawak-hawak ang napaka-pink na damit na sequence at may bulak bulak pa sa babang skirt nito.

"Ay ayaw ko niyan, halatang napaka cheap. I want something dark or red," sagot naman niya sa kaibigang panay pa rin ang pili ng mga mumurahing damit pang p****k habang kinakausap naman niya sa cellphone si Luke.

Panay reklamo ito sa kanya dahil anitong, kahapon ng hapon, pumunta anya ito sa apartment niya dahil nagasgasan ang bago nitong SUV na Audi at pinapahanting sa kanya ang lumang toyotang nakagitgitan nito.

Syempre, hindi niya sinabing sasakyan niya pala ang nakagasgas sa mamahaling SUV nito. Tinanong niya na lang ang amo kung bakit pumunta ito sa apartment niya, at sagot naman nitong may nakalimutan itong papales na dapat sana naibigay sa kanya kahapon ngunit pagkatok anito sa apartment niya ay wala naman daw tao. Sinabihan niya na lang ito na nagkakape lang sila ng kaibigan niya at lowbat ang cellphone niya, kaya hindi niya nasagot ang tawag nito. Pero ang totoo naman talaga ay sinadyang in-off ni Claire ang cellphone para hindi na siya gambalain ng amo.

Ilang minuto pa ang nakalipas, tinapos na ni Claire ang tawag ni Luci habang napapailing.

"Ano ka ba naman, Claire? Di ba sabi sayo ni Luci, ngayon na lang ang day-off mo? Bakit tinatawagan ka na naman niyan? Don't tell me, pinapapasok ka eh nung huwebes nga na dapat day-off mo pumasok ka." Paninermong sabi ni Amanda sa kanya habang naghahanap ito ng ibang kulay ng damit.

"Hays, yung nagasgasan kung sasakyan kahapon, sa kanya pala."

"What?"

"Anong sabi?"

"Ayun pinapahanting sa akin ang toyotang luma ko. Susme! Di ko naman masabing akin yun, baka tirisin ako nun."

"Hayaan mo nga yung Lucifer na yun. Turn off your phone para di kana gambalain."

"Sige na nga, bahala na si batman." Sinunod naman niya ang turan ng kaibigan at in-off ang iPhone bago ito inilagay sa bag. "So, may nahanap ka na ba?"

Napabuntong hininga naman si Amanda. "Wala pa nga eh, we’re going for a tough girl concept. Something like, ‘I'm not a cheap whore’ ganun," ngiting dagdag naman ng kaibigan niya.

"Okay, we need something, Lacey," sabi nitong lumapit sa nakadisplay na Lacey-type na itim na damit, "something like this. It will look super intimidating with a leather belt like this one." Turo nito sa isang damit na may mamahalin na belt, "to make a bold statement."

Namangha naman si Claire, "Wow! Actually, this is a good combination. It looks tough! Let's go with this. And maybe I should be showing more skin?" Tanong niya sa kaibigan.

"Yeah, let's try something else."

Forty minutes later, may nakita na silang akmang akma sa tema nilang, ‘I'm a whore, but I have a taste.’

Nag-shopping pa sila ng kung ano-ano hanggang pagdating ng hapon, nagpunta na sila sa parlor ng kaibigan nilang bakla na malapit lang din sa apartment, at doon nagpa make-up si Claire.

"Ayan, girl. Perfect," sabi ng kaibigan nilang bakla, "ang ganda ganda mo na. Mukha ka ng p****k na sosyal. Plus that beautiful dark dress na parang Christmas tree sa kintab, ewan na lang kung hindi tumakbong pa Basilan ang ka-date mo." Anitong sinabayan pa ng ayos sa buhok niyang kinulot nito ang dulo at inulugay sa likod.

"You're so pretty, na, Claire, don’t wear your glasses ha, mag contact ka na lang.” dagdag naman ni Amandang panay ang kutiks sa kuko nito.

"Isuot mo na ang damit mo tapos; ihahatid ka na namin sa Le Bar." Dagdag ng kaibigan: "Grabe kung hindi lang masyadong makapal yang make-up mo ang ganda ganda mo girl. Kaya lang nasobrahan naman yata ang itim na eye-shadow."

"That's the point, di ba?" Anya ni Claire na sinabayan pa ng taas ng kilay habang kinuha niya ang damit na nabili kanina at pumunta na sa bihisang nasa likod ni Amanda, "Girl, pakiabot pala nung bag ko beh, andyan mga borloloy ko."

Ilang minuto pa ang nakalipas, handang handa na si Claire. Suot na nito ang maitim na lacey sequence na mini-dress na ilang galawan na lang ay makikita na ang kaluluwa niya. Pinartniran niya pa ito ng maitim na four-inch heels na sequence din, "Hays! Tama nga si bakla, para akong X-mas tree nito, nakakasilaw," reklamong saad niya habang tinitingnan ang sarili sa salamin at umikot ikot, "parang ang iksi naman nitong damit, Amanda. Parang nakikita ang panty ko nito eh."

"Ay naku, huwag puro reklamo, umupo ka lang ng maaayos," anitong kinuha na ang bag niya at inabot sa kanya ang silver na sequence purse nito at inilipat ang mga laman ng bag niya. "Oh, heto Claire ha, may pera ka dito sa purse mo. May cellphone at ekstrang lipstick. You know what to do, na," saad nitong ibinigay sa kanya ang silver na purse. "Okay ha? Huwag kabahan, call us kung kailangan mo ng backup. Nasa kabilang kanto lang kami ni Bakla. May kapehan dun. Magkakape lang kami."

"Oh sige, dalhin ko ba ang bihisan ko? Nakakahiyang mag-taxi pauwi kung ito suot ko eh."

"Bakit ka mag-tataxi, eh dun lang naman kami sa kabilang kanto?" Kunot noo namang wika ng bakla nilang kabigan.

"Ay oo nga pala no."

"Don't worry, dalhin namin tong bishian mo; may ekstrang paper bag naman si Bakla. Ekstrang tsinelas din, tiyak sasakit yang paa mo sa heels na yan," nguso nito sa paa niyang iniikot-ikot niya pa.

"Good, pero ha, pagkatapos nito, balut tayo ha?" Tanong niya sa baklang kaibigan na pumunta pa sa fridge nito at kumuha ng soju, "Syempre, magdadala pa nga ako nito para hapi-hapi lang sa balutan."

Napahagikhik naman silang tatlo.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lavinia ir
Pa soju naman girl
goodnovel comment avatar
Lea POnsaran
Gusto ko na tuloy magkape
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • SANA DALAWA ANG PUSO KO   Chapter 40- Wala na!

    Whatever distress might have been lurking in Claire, it disappeared in a flush of temper as her chin tipped up again. "Luke…""You wanted to give up on us, Claire?" Luke asked between kisses."No! I think I can't. I've loved you for so long I don't know what—""Oh Claire.""Mahal na mahal kita, Luke. Hindi ko alam kung—"Once again, Luke couldn’t force his mind to process that. He couldn’t seem to breathe past it. It was bad enough that they’d come here on a whim to discover that all this time, the woman who’d haunted him for the past few months had kept it a secret from him. That she knew that it was him. He never had the slightest notion of what he’d lost—not until Owen came into the picture.For the first time since what happened to them at the party, he saw the woman he’d adored so many years ago. The one who had always known what he was thinking, the one who had so often been thinking the very same thingShe certainly is now."Mahal na mahal kita, Claire. I can't give you up. I'l

  • SANA DALAWA ANG PUSO KO   Chapter 39- Are you insane?

    "Are you insane?!" Sigaw na tanong ni Claire."Yes, I'm insanely in love with you.""No! Take that back!" She exclaimed. "Owen is a great guy. He is your friend, damn it, Luke." Pabulyaw niyang dagdag sabay punas sa luhang kanina pa niya pinipigilan. "Owen is kind; he is, oh God. Why are you doing this? He likes me; he loves me for who I am.""Enough, Claire!" Pabulong na tugon ni Luke, habang hawak hawak ang kamay niya, na panay suntok sa dibdib niya. "Enough, but please let me love you.""No, Luke. No! Owen is much more well-mannered than you. Alam mo yan! He is warmer, nicer, more considerate to me. He is honest. He is everything I want." Napapikit si Claire sabay diing, "Alam niya kung nasasaktan ako, alam niya kung nalulungkot ako. He knew how to make me smile. He doesn't pretend; he is sweet, he is—""I said stop!" Pabulong na wika ni Luke habang napapayuko ito sa di malamang dahilan. He thought he had never been hurt before, but ang mga mata ng babaeng mahal niya na puno ng gal

  • SANA DALAWA ANG PUSO KO   Chapter 38- Stop this Luke.

    As if that could save him from the nasty reality that he’d become exactly what he most loathed without knowing it. Did Claire hate him for that?He was an asshole; yes, he couldn't deny it."You keep mentioning what happened, which means you clearly knew about the first time when you were so drunk," Luke found himself saying, as if he could argue the conviction from her face. As if he could make this her fault and make it better, or different, by shrugging off the blame."Hindi ko alam, I was drunk, remember? But later on, I realised we—yes. I knew that too.""Then, bakit wala kang sinabi, Claire?""Bakit ba? Ano ba ang sasabihin ko dapat? Boss kita! Ano ka ba!""So?""Anong so ka dyan?" Her laugh sliced into him. "Wala akong ini-expect na kung ano pa man. What happened is just—a mistake. Oddly enough, you never took me seriously. Or I assume you didn’t, because it took you all this time to turn up here. Right at this very moment.""Ano? A mistake?""Oo, bakit totoo naman ah! This—" t

  • SANA DALAWA ANG PUSO KO   Chapter 37- Want want ka jan!

    Napadilat si Luke. What? Her words were impossible."Claire, are you, um, that drunk?" tanong nito sa kanya.Napataas kilay si Claire, habang parang baliw na kinakausap niya ang kanyang sarili.Ewan ko sayo, ang hina ng pick up! Kung mag a-ano... mag a-ano na! Huwag nang mag a-anohan pa! Ang ano namang taong ito! Hays! Ewan ko sayo!Luke frowned. They made no sense, no matter how loudly they echoed in his head.Luke thought perhaps he staggered back beneath the weight of all that impossibility, possibly even crumpled to the floor—but of course, he did no such thing. He was frozen into place as surely as if the stones beneath him had made him a statue, staring back at her.In horror. In confusion.Oh ano? Tutunga-nga, ka na lang dyan? Tanong ni Claire sa sarili habang yakap yakap pa rin ang among demonyong ang pula pula ng labi.There must be some mistake, a sliver of rationality deep inside him insisted."What did you say?" he managed to ask through a mouth that no longer felt like hi

  • SANA DALAWA ANG PUSO KO   Chapter 36- Ang Kumag

    "So, fancy a snack? Baka nagugutom kana, Claire?" Tanong ni Luke habang nakatingin ito sa mga mata niyang, ewan kung saan na naman napunta ang utak niya. Bakit ba hinayaan niyang halikan na naman siya ng amo? Bakit ba ang rupok-rupok mo, Claire? Kastigo niya sa sarili habang naghihintay ng sagot si Luke."Um…sure.""Okay," Luke said with a twinkling smile.Points to Luke, zero to Claire, na naman. So ano? Hindi ba ako magagalit? I mean, di ba dapat magagalit ako dahil hinalikan ako ni Luke? So ano to ngayon? Nganga lang ako na parang walang nangyari? Would Luke apologize? At ano naman ang sasabihin niya rito?Lumakad na si Luke papasok sa bahay at sumunod naman siya rito.Two hours later, nag-usap sila na hindi pwedeng mangyari ulit ang halikang iyun. Which, to Luke's defense, is nabigla lang naman siya na sinang ayunan naman ni Claire.He sighed as he saw himself out and came back to where Claire was sipping a glass of champagne on one of the sofas overlooking the ocean view. If he c

  • SANA DALAWA ANG PUSO KO   Chapter 35- Beach house

    "I think, um, practicing in the condo isn't a good idea, sir Luke," sabi ni Claire habang papalabas na sila ng elevator. "Why?" "It's too, um, intimate." "And?" Luke asked with a knitted brow. "Sir Luke, pwede naman somewhere a little less private di ba?" hinto niyang dagdag, "Bakit hindi na lang sa may beach house nyo sa Bulacan." "At least dun—um, comfortable ako." Luke smiled and said, "Bakit, hindi kaba comfortable na tayo lang dito sa condo ko? Tabi naman tayong natutulog ah, wala ka namang reklamo dun." "Iba yun, sir Luke," she groaned, "that was business." "And this is?" tanong ng kumag na nagpapainit ng tainga ni Claire. Ang kapal talaga ng apog nitong yawa na to. Reklamo ni Claire sa sarili. Napangiwi na lang siya, "This is business too, sir Luke. Pero... basta! Sa beach house na lang tayo." "Okay." "Okay? As in, okay lang sayo?" Luke smirked, "Sabi mo eh! Oo, but let's get some things first, baka mapag-isipan mong maligo dun." mahabang sagot ni Luke habang binubuks

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status