Share

THE DOUBT

"Coffee?" 

Pareho kaming napahinto sa pagkain ng may isang pamilyar na boses ng lalaki ang tumawag sa pangalan ko.

"Coffee? What a cool name," rinig kong bulong ng kasama kong kumain.

Tuluyan na akong lumingon at sunod naman na lumingon ang kasama ko ng matapos niyang sumubo ng kanin. 

"L-Lewis?" nagtatakang tanong ko. 

Abot tenga ang ngiti niya habang papalapit sa akin. "Ako nga, akalain mo nga naman. Kamusta ka na?"

"O-okay lang naman, bat ka pala nandito? May date kayo ng girlfriend mo?" tanong ko.

"Oo sana kung okay lang sa 'yo," misteryoso ang ngiting gumuhit sa kaniyang mga labi.

Natawa ako ng bahagya sa kaniyang sinabi. "B-bakit ako? E buhay nyo naman yan. Maganda nga yan e may quality time kayo sa isa't-isa," saad ko. 

"So, okay nga lang sa 'yo?" Pinagsiklop niya ang kaniyang palad at hinihintay ang magiging sagot ko.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan bakit ganiyan ang kaniyang tanon

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status