"Dear Bestfriend, I don't know how to thank you in person. But thank you for having in my life"-Unknown
****
BROKEN IN SILENCE.
THIRD PERSON'S POV:
Dumaan ang ilang araw na panay lamang ang paninigarilyo't pag-iinom ni Laishia.
Ilang beses na ring sinusuway ni Rei Zax ang kaibigan upang ito ay magtino na. Ngunit hindi niya talaga magawang pigilan ito sa kung ano man ang gusto.
Wala na siyang magawa kundi ang pagmasdan ito na miserable sa isang hindi alam na dahilan.
Ni isang rason para malulong ito sa ganito ay wala siyang nakuha.
Naaawa na siya sa kalagayan nito, gustuhin man niyang tulungan ay ito na mismo ang nagtataboy sa kaniya palayo sa mundo nito.
"Oh tara inom!"
Narinig niyang sigaw mula sa balkonahe, nagmadali siyang pumunta roon. Hindi na niya nagawa pang alisin ang kaniyang sapatos pang-eskwela at nagsitakbo na lamang sa mismong balkonahe nila na malapit sa kanilang kwarto.
Awtomatikong tumigil ang kaniyang oras nang makita ang kaibigan na nakikipag-inuman sa mga kalalakihan.
Alam niya na ito ay mga tambay sa kanto, ngunit ang kaniyang mas lalong ikinagulat nang makita ito na may hawak na maliit na plastik at may lamang puting harina.
Nasisigurado niya kung ano ito kaso nagtataka siya sa naging sinapit ni Laishia.
Nagtatanong na siya sa kaniyang sarili sa maaaring rason nito.
'Bakit niya sinasayang ang buhay niya para sa mga walang kwentang bagay na ito?'
"Laishia!" Buong lakas na sigaw niya nang makita na gagamit ito nito.
Nagmadali siyang tumakbo sa direksyon ni Laishia at saka tinabig nang malakas ang hawak nitong shabu.
Matalim niyang tiningnan ang mga kalalakihan bago si Laishia.
" Kapag nagbilang ako ng tatlo at nandito pa rin kayo. Matitikman ninyo ang galit ko, ISA!"
Nagsitakbuhan naman palabas ng kanilang balkonahe ang lahat. Dala-dala ng mga ito ang mga shabu na dapat ay si Laishia na ang gagamit.
Sa tono ng kaniyang pananalita, halata na ang galit at hindi na maganda iyon.
Nang makalayo at mawala na sa harapan nila ang mga kalalakihan.
Sinapak nang malakas ni Rei Zax ang kaibigan.
Nagbabaka-sakali na sa paraang iyon magising ito sa katotohanan.
Napatumba naman ito sa kinauupuan habang hawak-hawak ang pisngi nitong namumula dahil sa malakas na sapak niya.
Tulala itong nakatingin sa kanya, hindi makapaniwalang magagawa niya ang bagay na ito.
"Ganyan ka na ba talaga Laishia? Kailan ka pa natutong magshabu? Kailan ka pa natutong gumamit nito? Huh!"
Napahawak na lamang siya sa kaniyang dibdib. Sapu-sapo nito ang kaniyang hininga dahil sa malakas na sigaw.
Nagsilabasan na rin ang mga maiinit na likido sa kaniyang mga mata.
Sa sobrang galit hindi na niya makaya pang itago.
Napayuko na lamang siya, pailing-iling habang nakapikit.
Iniangat niya muli ang kaniyang ulo at tiningnan si Laishia na tulala pa rin sa kaniya.
Bubuka ang kaniyang bibig ngunit titikom din. May nais siyang sabihin pero hindi niya magawang ilabas.
Naiinis siya.
Nagagalit siya sa sarili niya.
Gusto niyang sisihin si Laishia sa pagiging miserable nito ngunit alam niyang mas kasalanan niya ito.
Naging mas pabaya siya, dapat noong una pa lang pinursige na niya ang sarili na patigilin ito.
Dapat hindi niya hinayaan si Laishia na palayuin siya sa buhay nito.
Dapat...
'Puro na lamang dapat! Bakit hindi ko magawang maging kuya sa kaniya? Bakit hinayaan ko siya na umabot sa ganitong kalagayan?'
Mas lalo siyang napapikit at malakas na sinuntok ang lamesa sa harapan nila.
Hindi na niya kaya pang itago ang nararamdaman.
Nasasaktan siya sa tuwing nakikita ang kaibigan na ganito ang sinasapit.
Nasisiguro na niyang may mali talaga rito, at alam niyang hindi nito balak sabihin ang totoo.
'Cause Laishia is good at keeping secrets about her own life.
Napapailing-iling na lamang siya. Muli niyang tiningnan ang kaibigan na tumutulo na rin ang mga luha.
Napayukom na lamang siya.
Nais niya mang lumapit dito pero ang kaniya namang mga paa ay nanatili sa kaniyang kinatatayuan.
Napahawak na lamang siya sa kaniyang bibig, may saloobin siyang gustong ilabas.
Pero paano?
Kung nakikita niya ang kaibigan na ganito.
"I-I want...I want to blame you, I wanted to insult you.But I can't..."
Bumagsak ang kaniyang dalawang balikat sa kadahilanang masakit sa kaniyang mga mata na makita si Laishia na miserable.
"Gusto kitang sisihin!... G-gusto kitang saktan para magtino ka. P-pero hindi ko magawa dahil kasalanan ko rin naman. Kuya mo ako! Kuya mo na dapat tulungan kita at ituwid sa tamang daan, kaso..."
Pumikit siya at kinuyom ang kaniyang kamao. Andito pa rin sa kaniyang dibdib ang matinding emosyon.
Gusto niyang manakit, gusto niyang alisin ang matinding emosyon na ito bago pa man ito lumabas sa maling oras.
"...hinayaan kita. Binalewala ko ang buhay mo, tinulak kita na akala ko sa paraang iyon matutuwid mo ang buhay mo. But I was so wrong, hindi ko na alam kasi 'e! Hindi ko na alam."
Napaupo na lamang siya sa tabi nito. Hawak-hawak na niya ang kaniyang sentido habang nakapikit.
Samantalang si Laishia naman ay tulala lamang, nakatitig ang mga mata nito sa kaniya.
Animo ay pinagmamasdan siya at hinihintay siya nitong magsalita pang muli.
"Alam mo 'yon..." lumingon muli siya kay Laishia.
Namumula na ang kaniyang mata dahil sa pagluha.
Hindi dapat siya maging ganito sa harapan ng kaibigan. Dapat maging matatag siya at matapang, ngunit hindi niya magawa.
Para sa kaniya ilang beses na itong nangyayari.
Someone will leave him behind and then never come back 'cause they happily living in a peaceful world that everyone called...
HEAVEN.
Ulilang lubos na siya, iniwan siya ng kaniyang mga magulang noong sampong taong gulang pa lamang siya.
Hindi naman naging mahirap ang buhay niya sapagkat mayaman ang pamilya Codron at bata pa lamang siya tinuruan na siya ng mga ito kung paano mamuhay ng mag-isa.
Pero kahit na mayaman siya, ang pagmamahal naman ng isang magulang ay nawala na sa kaniya.
Kung kaya't mahirap din sa kaniya na pati si Laishia mawala sa kaniya.
Naiisip pa lamang niya ito ay gusto na lamang din niyang mawala.
Napamahal na siya rito, kahit na masyadong adik ito sa sigarilyo at alak. Hindi pa rin niya nagawang iwan ito.
Ganon siya magmahal bilang kuya niya.
Kaso...
"Naging mabuting Kuya ba ako? Naging isang mabuting kaibigan mo ba ako? Kasi sa nakikita ko, hindi ko nagawa ang role ko.Iniwan kita, hinayaan kita at sinaktan din kita kasi akala ko magbabago ka. Pero mali pala ako...natatanga na ako 'e, nababaliw na ako sa kakaisip kung ano ba ang mali? Kung ano ba ang tama kong gawin? Sana naman sabihin mo sa akin ang problema at nasisiguro ako na handa akong umintindi, Laishia, please,"
Pagsusumamo na niya rito.
Ngunit isang titig lamang ang iginawad nito. Kapansin-pansin sa mata nito na ayaw sabihin.
Ilang minuto silang nagkatitigan bago bawiin ni Laishia ang tingin at lumingon sa ibang direksyon.
Kita sa mukha nito na hindi pa ito tinatamaan ng alak. Masyadong mataas ang alcohol tolerance nito kaysa sa ibang babae na madaling malasing.
"Even If tell you why, you will never understand me anyway..."
Nagsimula na itong magsalita. Kahit sa pananalita nito ay wala talagang balak na sabihin ang totoo.
Humihiling na lamang siya na sana naman dumating ang araw na maging parte na rin siya sa buhay nito.
Kasi sa nakikita niya, hindi pa rin siya tanggap nito nang buong-buo.
"...Many people tried to understand me and told me that I should trust them. Naniwala naman ako, sinabi ko sa kanila ang dahilan pero ano?"
Natawa pa ito sa sinabi. Tumingin ito sa kaniya na may lungkot ang mga mata.
May nagkikislapan na ring bagay sa gilid ng mata nito.
In any minute o time, it will fall freely.
"Iniwan nila ako na nakatanga. Nag-iisip ng kung anu-ano at sinasabi sa sarili na shunga ako! Nagpaloko ako sa mga taong akala ko mapapagkakatiwalaan pero igoghost din pala ako."
"Pagod na ako! Pagod na akong umintindi! Pagod na ako na magtiwala. Kaya parehas lamang tayo na nahihirapan, nasasaktan at malapit nang sumuko. I've tried to be a person you want too. Pero hindi ko kaya, hindi ko kaya kasi sa araw-araw na nakikita ko iyon sa ibang tao..."
"Naiinggit ako!..."
"Naiisip ko pa lamang ito, sinisisi ko agad ang sarili ko. Marami akong katanungan sa buhay, hanggang ngayon nandito pa iyon 'e. Hindi ko masisi ang panginoon kasi nandiyan ka, ilang beses ko man na itulak ka palayo pero patuloy mo akong hinihila pabalik sa iyo. Gusto kong sabihin sa iyo ang totoo pero natatakot ako..."
Yumuko ito matapos sabihin ang katagang 'yon.
Napapunas pa ito sa kaniyang mukha dahil sa nagsimula na talagang bumagsakan ang luha na kanina pa gustong kumawala.
"N-natatakot ako Zack. Natatakot ako na baka iwan mo rin ako, kaya hayaan mo ako."
Iniingat nito ang sarili at tinitigan siya. Napalunok na lamang siya nang sariling laway nang makita ang maamong mukha ni Laishia.
Nakakaawa kung titingnan.
"I can help you." tugon naman niya rito.
Kaso tanging iling lamang ang sinagot nito.
"Ayokong iwan mo ako, handa kong itago ang totoo sa iyo para makasama pa kita. Kung ano man ang maging desisyon ko, sana maunawaan mo.I'm sorry."
Tumakbo na ito nang mabilis para makalayo lamang sa kaniya.
Matapos nitong sabihin ang mga katagang iyon ay iniwan siya nito.
Katulad lamang ng mga ginagawa nito noon sa kaniya.
Imbis na habulin at hilahin pabalik si Laishia sa piling niya, mas pinili na lamang niya na iwan muna ito na mag-isa.
Alam niya na kahit ilang beses pa niyang kulitin ito, wala siyang magagawa kundi ang manahimik na lamang.
Laishia is not that easy girl. You really need to know into yourself.
Pero iyon ang mahirap para kay Rei Zax. Hindi niya alam kung paano magsisimula at saan siya tutungo para masagot ang katanungan.
Hindi rin niya kilala ang magulang ni Laishia, sapagkat magaling magtago ang kaibigan sa totoong buhay nito.
Inampon niya si Laishia dahil nakita niya ito noon na nag-iisa at walang kasama sa isang eskinita.
Halata sa mukha noon ni Laishia ang kamusmusan, walang alam sa kaniyang tinatapakan.
Labing dalawang taon silang dalawa noon, masyado pang bata kung tutusin.
Kaso ang mindset niya ay pang'matanda kung kaya't nagawa niyang tulungan si Laishia.
Dapat nga sa panahon na ito sila ang nagdadamayan. Pero sa napapansin niya, malabo nang mangyari pa.
Kung ang nasa isipan lamang ni Laishia na baka masira silang dalawa at tuluyan nang mawala ang pondasyon ng pagkakaibigan nila dahil sa problema nito.
Ang tanging magagawa na lamang niya ngayon ay ang...
"Hayst."
...mapabuntong-hininga na lamang sa mga nangyayari sa kanilang dalawa.
'Good Friends help you to find important things when you have lost them...Your smile, your hope, and your courage'
'Always refresh your mind. Delete your mistakes. Create your own dream. Minimize your targets. Shut down your worries and be happy.'
'WORRYING will never change to outcomes.'-unknown
‘Surround yourself with people who are good for your mental health.’-unknown***HOW FRIENDS WORKS FOR..."H-how..." Iyon ang lumabas sa bunganga ni Laishia matapos ang pagsabi niya nitong mga kataga.Ngumiti naman siya sa mismong harapan nito."Don't ask how...trust yourself and love yourself." Tinuro niya ang bahagi kung saan nakapwesto ang puso nito."
‘Beauty is Power; a smile is its sword.’-UNKNOWN***YOUR SMILE, MY HAPPINESS.REI ZAX' POV:"Oh paano ba iyan dito na lang ako, sana maging okay na kayong dalawa. Ayaw ko nang nakikita itong si Bespar na malungkot kapag iniisip ka. Kung ano man ang problema mo, sana mapag-usapan ninyo iyang dalawa. Kayo na lamang ang magtutulungan, kaya bakit pa kayo magkakalabuan. Sige babay na!" Nagpaalam na ito sa amin noong ihatid ko siya sa kaniyang mismong bahay.Katulad ko, ulilang lubos na rin si Daxon. Siya na lang ang na
'Will it be easy? Nope. Worth it? Absolutely.'-UNKNOWN***LIFE IS NOT EASY.REI ZAX' POV:Nakauwi na kami sa aming bahay. Dumiretso agad si Laishia sa kaniyang kwarto, samantalang ako naman ay pumunta muna sa may rooftop.Magpapahangin na muna habang nag-iisip ng mga bagay na dapat kong gawin o mga dapat kong alalahanin.Buhay ko, o buhay ng ibang tao iniisip ko. Baka sakali na may solusyon ako na biglang sumagi sa
'Darkness can Kill, but Light can Heal.'-UNKNOWN***I'M WITH YOU.Natapos ang aming pagkain na wala pa rin ang nagsasalita. Ngunit nang matapos ay nagsimula na naman kami sa aming pagkwekwentuhan..Pero sa loob na ng aming bahay. Nakaupo sa mahabang couch at ninanamnam ang bawat sandali na magkasama kaming dalawa.Iniba na namin ang usapan, tungkol naman sa gagawin kong akda ang naisipan naming pag-ukulan ng pansin.Para hindi na kami ma
'There is no elevator to success. You have to take the stairs.'-UNKNOWN***TIME TO HELP, BELIEVE ON HEAL.REI ZAX' POV:Kinabukasan, maaga ko talagang ginising si Laishia para makapag-asikaso siya ng lalabitin niya.Siguro naalimpungatan siya sa kaniyang pagkakatulog noong mag-alas kwatro na ng umaga.Labit-labit ko ang dala kong bag na puno ng pagkain na ts