Share

CHAPTER 3

'Good Friends help you to find important things when you have lost them...
Your smile, your hope, and your courage'


-Doe Zantamata

***

I'LL BE WAITING YOU.


Kinabukasan, sa oras nang ikawalo ng umaga. Mapapansin ang binata na nakaupo sa kaniyang upuan sa balkonahe habang nakatitig sa laptop na nakapatong sa lamesa.

Matiyagang nagsasaliksik si Rei Zax sa internet ng kaniyang asignatura, nang mapansin niya ang kaibigan na si Laishia.

May dala-dala itong bag na puno ang loob nito.

Doon nagsimulang magpintig ang kaniyang puso nang kay bilis. Animo'y nakikipagkarera habang nakatingin kay Laishia at sa dala nitong bag.

"W-where...where are you going?"  kahit na ayaw niyang itanong iyon.

Alam niya na iyon din ang babagsakan niya, ang magtanong sa kaibigan kung bakit may dala itong bag at saan ito pupunta.

Ngunit tiningnan lamang siya ni Laishia nang blangkong tingin. Isang titig na hindi niya naranasan noon mula kay Laishia, para bang...

Para bang iba na ito sa kinikilala niya,

'Sino ka na bang talaga, Laishia?'

Iyon ang katanungan niya sa kaniyang sarili.

"Hindi mo na kailangan pa na malaman ang totoo. Maging masaya ka na lang dahil mawawala na ako"

Napangiti naman siya sa kaniyang narinig.Isang ngiting nasasaktan.

"Sigurado ka na bang talaga sa ginagawa mo?"

"Oo."

"Kahit naman pigilan kita, kahit na pilitin kita at kahit na hilahin kita pabalik, sasama ka pa ba sa akin? Di ba hindi na, kaya hahayaan kita. Gawin mo ang gusto mo sa buhay mo pero..."

Naglakad siya palapit kay Laishia. Ang kaniyang pagtibok ng puso ay mas lalong lumakas nang lumakas.

Kinakabahan siya, nahihirapan siya at gusto na niyang hilahin na lamang si Laishia pabalik sa kwarto nito at ikulong doon para hindi na makawala.

Pero hindi naman siya ganon kasama sa kaibigan, gagawin niya ang nararapat.

Kahit masakit, hahayaan niya ito.

"...bumalik ka ulit sa akin. Umuwi ka sa bahay natin at tatanggapin kita hindi bilang ibang tao muli. Alam ko na marami rin akong pagkukulang sa iyo, nagpakabulag ako sa mga nangyayari. Siguro nga tama ka, what's the meaning of friend if I don't know what's really happening to you"

Pagkalapit niya mismo sa harapan nito ay malugod niyang niyakap ang buong katawan ni Laishia.

Nakapikit siya habang dinadamdam ang kaibigan.

'Kahit ilang segundo lamang, ipaparamdam ko sa iyo na totoo ako.'

Piping saad ng kaniyang isipan.

Gusto niyang sabihin kay Laishia ito, ngunit wala na siyang masabi pa sa mga oras na ito.

Ayaw na niyang maging madrama sa kaibigan.

Hanggat kaya niya pang itago ang totoong nilalaman ng puso, gagawin niya.

Para hindi masakit kung iiwan siya nito.

"Mahal na mahal kita, Laishia. I'll wait you even it cost many years, I'll wait you to comeback to me."

May nahulog na luha sa kaniyang mata. Mabilis niyang pinunasan iyon gamit ang kaniyang kanang kamay at nakangiting kumalas dito.

Tinatago ang kaniyang emosyon dito.

Kapansin-pansin na wala pa rin itong imik. Nanatili itong nakatitig sa kaniya, sa mukha niya na magaling magtago rin sa totoong nararamdaman niya.

"I'll go."

Iyon lamang ang sinabi nito.

Isang kataga na nakakadurog talagang pakinggan kung sa iyong kaibigan naman maririnig.

"Ang sabi mo takot kang mawala ako sa piling mo, pero sa nakikita ko ngayon..."

"...hindi ka takot na umalis. Siguro nga marami na talaga akong kamalian kaya napagod ka na. Sana kung bumalik ka man muli sa akin, sabihin mo na ang totoo. Tatanggapin kita, Laishia."

Matapos niyang sabihin ang katagang iyon, lumapit na muli siya sa kaniyang pwesto kanina.

Kinuha niya ang kaniyang laptop, notebook at maging ballpen.

Hindi na siya lumingon pa kay Laishia. Nagdiretso lamang siya sa paglalakad papunta sa kaniyang kwarto.

Nang makarating siya sa mismong pintuan, binuksan na niya ito at malakas na sinarado ito.

Nilock rin niya ang kaniyang pinto at saka mabilis na lumapit sa kaniyang higaan.

Binagsak niya ang kaniyang gamit sa gilid lamang nitong kama at binagsak ang kaniyang mukha sa mismong bedsheet.

Hinayaan niya ang kaniyang sarili na kapusin ng hininga.

Iyon na ang kinatatakutan niya, ang iwan siya ng taong mahalaga sa kaniya.

Dapat pinigilan niya ito,

Dapat hindi niya hinayaan na mangyari ito,

Paano kung may mangyari na masama pala kay Laishia?

Paano kung sumama ito sa mga magshashabu?

Paano kung---

Napaangat ang kaniyang mukha at nagmadaling umalis sa kaniyang kama.

Tumakbo siya sa kaniyang bintana at tiningnan ang labas.

Nakita niya sa malayo si Laishia, kakasakay pa lamang nito sa bus papuntang Daet.

Ni hindi man lamang lumingon sa kaniyang kwarto.

Napabagsak ang kaniyang mukha, hinayaan niya ang kaniyang sarili na mapaupo na lamang sa sahig.

Sapu-sapo na niya ang kaniyang ulo, nakapikit habang tumutulo ang kaniyang luha.

Lalake siya,

Lalake na dapat gawin niya ang mga bagay para manatili si Laishia sa buhay niya.

Pero masyado rin siyang natatakot, natatakot na baka nasasakal na ito sa kaniya,

Sa mga pinaggagawa niya sa buhay nito.

Baka kulang pa ang ginagawa niya sa kaibigan, baka hindi na nito kaya pa na makasama siya.

Iyon lagi ang nasa kaniyang isipan.

Ang mga luha ay patuloy na bumabagsak.

Pinipigilan man ay  ayaw nitong magpapigil talaga.

Hinayaan na lamang niya na umiyak at isandal ang sarili sa pader.

Nakaangat ang kaniyang ulo habang nakatingin sa ceilings.

May naiisip siya na masasamang bagay.

'Paano kung patayin ko ang sarili ko?'

'Makakasama ko na n'yon ang magulang ko'

'Hindi na masasakal pa ang ibang tao sa akin'

'Wala nang mang-iiwan pa'

'What if I killed myself?'

'Makikita na ba niya ang worth ko?'

'Babalik na kaya siya sa akin?'

Isang malakas na halakhak ang kaniyang inilabas. Pati ang luha ay mas lalong lumabas nang mabilis, hindi niya mapigilan ang sarili na mapatawa sa mga naiisip niya.

Baliw na siguro siya,

Baliw na dahil sa nangyayari sa kaniya.

Masyado siyang madrama at hindi man lamang iniisip na lalake siya.

"Ah!shit! Why I'm crying? Dapat masanay ka na Rei, ganyan naman ang ginagawa ng iba, hindi ba? Tumigil ka na, masaya na siya, magiging masaya na siya na wala ka. Ayusin mo ang buhay mo, isipin mo ang pinangako mo sa magulang mo."

Pangungumbinsi niya sa kaniyang sarili at pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang kanyang mga kamay.

Matapos niyon ay nilinga-linga niya ang kaniyang mukha sa buong kwarto.

Napadako ang kaniyang mukha sa cabinet.

Sa isang cabinet na punong-puno ng picture ng kaniyang magulang.

Napangiti siya nang maiksi lamang at saka tumayo sa kaniyang pagkakaupo.

Nanghihina pa ang kaniyang tuhod dahil sa pagkakaupo. Kung kaya naghintay siya nang ilang minuto para makapaglakad siya nang maayos.

Nang nakakalakad na siya ay nagsimula na siyang lumapit sa direksyon na iyon.

Umupo siya sa gilid ng kaniyang kama at kinuha ang picture nilang tatlo na masaya pa.

Nasa park sila ng panahon na ito, dito rin sinabi ng kaniyang ama ang tungkol sa pangako niya.

"Son, if someday we leave you alone.Don't forget to love yourself..."

"Darating ang mga panahon na may papasok sa buhay mo para buuin kang muli, ngunit iiwan ka. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano, hayaan mo silang lumayo. Hayaan mo silang umalis sa tabi mo. Nangyayari talaga iyan, pero kung babalik man siya, bigyan mo ng isa pang pagkakataon. Tingnan mo kung worth it ba."

"I'll promise you that, Dad"

"Good boy* brush his head*"

"Pero Dad hindi naman totoo iyang sinasabi mo, hindi ba? Hindi ninyo ako iiwan ni Mom, hindi ba?"

"Oo naman Son, sinasabi ko lamang ito upang maging handa ka. Hindi natin alam ang ating kapalaran, hanggat maaga pa kailangan na nating iparamdam at sabihin sa mahal mo kung gaano sila kahalaga at kamahal mo"

"Dad.I think I failed, I think hindi ko nagawa na iparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal at kahalaga sa akin. She leave me because of me too, kung noon ko pa lamang narealize na may mali na pala. Sana hindi siya nag-isip na iwan ako"

Yinakap niya ang kanilang litrato at taimtim na nakapikit. Inaalala ang bawat masasayang memorya na ginawa nila ng kanilang pamilya.

"Kasalanan ko rin naman pala Dad 'e. Hindi ako naging Kuya kay Laishia. Mas inisip ko pa ang mga bagay na nakikita ko at pumapasok sa utak ko. Kaya bakit ako nasasaktan ngayon?"

"Iyon ang nararamdaman ko Dad. Bakit ako nasasaktan?"

Inilapat niya ang kaniyang likuran sa kama habang yakap-yakap ang litrato nila.

"Siguro..."

Napangiti siya nang maalala ang masasayang alaala nila ni Laishia.

Mga memorya na hinding-hindi mawawala sa kaniyang isipan.

Kahit na tumanda man siya.

"...pagsubok nga ito sa aming dalawa. Sa sinabi mo sa akin noon, may mga pagsubok pa ako na makakaharap, hindi ganon kadali ang buhay para maging kampante lamang ako."

"Hihintayin ko siya, at kung hindi man siya bumalik sa linggong ito, buwan o kahit taon. Gagawin ko ang lahat para mapagtagumpayan na makamit ang mga pangarap namin. I'll sure you that Dad"

Dinilat niya ang kaniyang mga mata at hinarap muli ang picture ng kaniyang mga magulang.

Masuyo niyang hinalikan ang mukha ng mga ito.

Nag-iimagine na nandito sila sa kaniyang tabi at hinahalikan ang kanilang pisngi o buong mukha.

"Thank you for the advice, lessons and warning when I'm young. Akala ko talaga hindi ninyo ako mahal noon, pero ngayon alam ko na. Kung kelan nawala sa akin ang isa pang mahalagang tao, saka ko lamang mare'realize ang kabutihan ninyo"

Napatawa naman siya sa naisip niya at hinayaan ang sarili na makatulog muli.

Hanggang sa kaniyang pagtulog ay ang naiiisip niya lamang ay ang kalagayan ni Laishia.

Kung magiging okay lamang ba ito sa pupuntahan nito, babalik na ba ito sa magulang?

O makikita na muli niya ito sa isang eskenita na madilim at walang kaalam-alam sa nangyayari.

Nag-aalala siya ngunit naniniwala rin siya na magiging okay lamang ito.

Hindi na sila bata pa, mga nalalapit na rin ang kanilang edad na mawala sa kalendaryo.

Siguro sa iba malayo pa, pero para sa kaniya malapit na at dapat gawin na nila ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanilang sarili at sa iba. 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status